Share

Chapter 95

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-08-29 23:00:56

James POV

Mabigat ang traffic sa highway kaya nagpasya ang driver ko na dumaan sa isang alternatibong ruta. Habang binabaybay namin ang isang medyo madilim at tahimik na eskinita, may nahagip ang aking mga mata sa gilid ng daan. Isang kabataang babae ang nakapaligid sa grupo ng mga kalalakihan. Sa tantiya ko, ang mga lalaking ito ay kasing-edad lamang ng anak kong si Biboy—mga nasa kabataan pa pero halatang may masamang balak.

"Itabi mo ang sasakyan," madiin kong utos sa aking driver.

Dahil sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 96

    James POV Kinagabihan, pagkatapos naming masigurong nakakain na at nakapahinga si Jenny sa guest room, bumalik kami ni Lindsay sa aming kwarto. Kahit medyo gabi na, hindi agad ako nadalaw ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nakasandal ako sa headboard ng kama habang si Lindsay ay nakahiga sa aking tabi, nakalapat ang kaniyang ulo sa aking dibdib at marahang humahaplos sa aking braso. "Nakausap ko si Chief habang nag-aayos si Jenny sa ibaba," pabulong kong panimula habang nilalaro ang mga daliri ng aking asawa. "Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa presinto kasama si Jenny para maipablotter ang nangyari at para matugis 'yung grupo nina Kier. Hindi pwedeng hayaang gumala-gala ang mga ganyang tao sa kalsada." Tumingin sa akin si Lindsay, bakas pa rin ang kaunting pag-aalala sa kaniyang magagandang mata. "Napakabata pa ni Jenny, James... Para siyang si Sofia. Naisip ko lang, paano kung walang dumating na tulad mo? Napakaswerte pa rin ng batang 'yon na ikaw ang nakakita sa k

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 95

    James POVMabigat ang traffic sa highway kaya nagpasya ang driver ko na dumaan sa isang alternatibong ruta. Habang binabaybay namin ang isang medyo madilim at tahimik na eskinita, may nahagip ang aking mga mata sa gilid ng daan. Isang kabataang babae ang nakapaligid sa grupo ng mga kalalakihan. Sa tantiya ko, ang mga lalaking ito ay kasing-edad lamang ng anak kong si Biboy—mga nasa kabataan pa pero halatang may masamang balak."Itabi mo ang sasakyan," madiin kong utos sa aking driver.Dahil sa panganib ng sitwasyon, bago ako bumaba ay kinuha ko ang aking baril mula sa compartment para sa aking proteksyon. Mabilis akong bumaba ng kotse at lumapit sa kinaroroonan nila."Hey! What are you doing?" sigaw ko sa malakas at mamuno-munong boses.Napatingin silang lahat sa akin. Sa halip na matakot, nagkatinginan pa ang grupo at sabay-sabay na nagtawanan."Huy, Tanda! Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong masaktan!" sigaw ng isang lalaki na tila siyang lider ng grupo.Bigla na lamang silang

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 94

    Sofia POV ​Naging napakasaya ng aming dinner celebration sa isang sikat na restaurant sa Maynila. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain ng masasarap na pagkain. Si Kuya Biboy at si Enzo ay mabilis na nagkapalagayan ng loob dahil pareho silang interesado sa leadership at sports. Nakatutuwa ring pagmasdan si Daddy James habang nakikipagpalitan ng kuro-kuro kay Enzo tungkol sa disiplina sa eskwelahan at sa kaniyang mga pangarap sa hinaharap. ​"Ano pala ang balak mong kunin sa kolehiyo pagkatapos ng Grade 12, Enzo?" tanong ni Daddy habang itinutuwid ang kaniyang pagkakaupo. ​"Nais ko po sanang mag-take ng Business Administration o Management po, Sir," magalang na sagot ni Enzo. "Gusto ko po kasing makapagtayo ng sarili kong negosyo balang-araw, tulad po ng ginawa niyo." ​Tumingin si Daddy kay Mommy Lindsay, at kapwa sila napangiti sa ganda ng asal at sa pagiging pangarap-incline ng binata. ​"Magandang layunin 'yan, ijo," papuri ni Dad. "Kapag kailangan mo ng payo o inter

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 93

    Sofia POV ​Mabilis na lumipas ang weekend sa probinsya. Lunes ng umaga, inihatid ako nina Mommy at Daddy pabalik sa aking eskwelahan sa Maynila. Bago sila umalis, niyakap ako nang mahigpit ni Mommy at hinalikan naman ni Daddy ang aking noo. ​"Mag-iingat ka rito, Sofia, ha? Tumawag ka agad sa amin kung may kailangan ka," malambing na paalala ni Mommy. ​"Opo, Mom. Mag-iingat po ako," nakangiti kong tugon bago pumasok sa malaking gate ng campus. ​Pagpasok ko sa aming classroom, naramdaman ko agad ang malaking pagbabago sa paligid. Ang mga kaklase ko na dating umiiwas sa akin ay masaya na akong binabati. Sa dulo ng silid, bakante ang mga upuan nina Hailey dahil sa ipinataw na suspension sa kanila. Wala na ang mabigat na pakiramdam at kaba na nararamdaman ko tuwing pumapasok sa eskwelahan. ​Nang sumapit ang lunch break, naglalakad ako sa hallway bitbit ang aking lunchbox nang marinig ko ang mabilis na mga hakbang mula sa aking likuran. ​"Sofia!" ​Lumingon ako at nakita si Enz

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 92

    Sofia POV Nang makita ako ni Mommy, kumaway siya at mabilis na lumabas ng sasakyan kasama si Daddy James. Ngunit nang mapansin nilang may kasama akong matangkad at guwapong laking nakaseryosong tindig, bahagyang napatigil sina Dad at Mom. ​"Mom! Dad!" masaya kong bati sabay lapit sa kanila. ​Tumingin si Daddy James kay Enzo—isang mabilis, masuri, at protective na tingin ng isang ama. "Sofia, baby... sino ang kasama mo?" ​Humarap si Enzo kay Dad nang walang anumang takot o kaba sa kaniyang mukha. Dumeretso ang kaniyang tayo at nagbigay ng isang magalang na pagtango. ​"Good afternoon po, Sir, Ma'am. Ako po si Enzo, Grade 10 student at cadet officer po rito sa school. Inihatid ko lang po si Sofia sa gate." ​Mabilis kong idinagdag, "Mom, Dad, siya po 'yung nagtanggol sa akin noong Martes noong sinaktan ako nina Hailey. Siya rin po ang nagdala sa akin sa clinic. Remember? " ​Nang marinig iyon nina Mommy Lindsay at Daddy James, mabilis na napalitan ng init at pasasalamat ang s

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 91

    Sofia POV ​Inabot ko ang kaniyang kamay at dahan-dahan niyang inangat ang aking katawan habang nakahawak ako sa nasaktan kong binti. Napaaray ako nang bahagya dahil sa sakit ng pagkakatadyak sa akin ni Hailey, ngunit mabilis akong inalalayan ni Enzo para hindi ako matumba. ​"S-Salamat, Enzo..." pabulong at nanginginig kong sabi habang pinupunasan ang natitirang luha sa aking mga pisngi. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." ​Tinitigan ako ni Enzo gamit ang kaniyang mga mata na puno ng pag-aalala. Sa kabila ng kaniyang matipunong tindig at pagiging seryosong Cadet Officer sa CAT, napakalambing ng paraan ng pagtingin niya sa akin sa pagkakataong ito. ​"Huwag ka nang umiyak, Sofia," seryoso ngunit marahan niyang wika habang inaayos ang pagkakahawak sa aking balikat para alalayan ako sa paglalakad. "Dadalhin kita sa clinic para magamot 'yang binti mo. At huwag ka nang matatakot kina Hailey—hinding-hindi ko na hahayaang saktan ka nila uli." ​Naramdaman ko ang mabilis na pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status