CHAPTER 15KAHIT ayaw ko pero dahil kailangan ay nandito na ako sa piyer ng Sta. Elena. Maalinsangan ang umaga ngayon dahil sa sikat ng araw. Maaamoy ang tubig-alat mula sa aking sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid at nagbabakasakaling makita na si Rafael. Wala akong planong bumaba kung hindi ko siya mamataan. Baka naman kasi ay gino-good time lang niya ako.Lumipas ang ilang minuto na wala man lang akong nakitang maski anino niya kaya isinarado ko ulit ang bintana.Inihilig ko ang ulo at hinilot ang noo. Ano kaya ang dahilan ng pagsakit nito? Ang interview na pinipilit ko o dahil matagal akong nakauwi kagabi? Actually madaling araw na pala. Gusto kong palakpakan ang sarili kung paano ko natagalang manatili sa bar gayung nasa tabi ko lang naman si Rafael. Malaki talaga ang naitulong ng alak sa akin. Ipinikit ko ang mata at hinihila na ng antok nang may kumatok sa salaming bintana. Nagmulat ako ng mata at tiningnan kung sino iyon."Magandang umaga po, Ma'am. Hinihintay na po kayo ni
CHAPTER 16"KAIN na tayo," masayang anyaya sa akin ni Raf nang puntahan ako sa sala."Pasensiya na at magiging vegetarian tayo ngayon. Wala kasi tayong ref kaya walang karne or isda na naka-stock. Kung manghuhuli naman ako ay baka mahimatay ka na sa gutom bago tayo makakain," kuwento niya habang nagsisimula na kaming mag-lunch. Ipinagsandok pa niya ako sa aking plato. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. Mula sa maputi at mabalahibong braso paakyat sa malapad niyang balikat papunta sa guwapong mukha. Effortless na natural na pinkish ang kanyang labi. Tanging labi na nakadampi sa akin. Sa matangos na ilong at sa magagandang mata. Mas mahaba pa yata ang pilik-mata niya kaysa sa akin. Natural ding makurba ang mga ito. "Okay lang iyan. Ganyan talaga kapag nakakaharap ako sa malapitan. Magiging speechless ka," basag niya sa ilang segundong pagtahimik ko.Saka ko pa lamang naisip kung ano ang gusto niyang iparating.Kaagad kong pairap na iniwas ang mata. Ang lakas ng hangin. Baka n
CHAPTER 17UMAAMBON AT MALAMIG na umaga ang sumalubong sa akin pagkagising. Nandito pala kami sa private island ni Rafael kaya ganito ang paligid. Maririnig ang mahinang alon sa dalampasigan. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinulot ang balabal na ipinahiram niya sa akin kagabi saka inilagay ito sa aking likod at balikat para hindi masyadong maramdaman ang lamig bago bumaba.Dahan-dahan ang aking bawat galaw habang pababa sa maliit na hagdanan. Nakita ko ang bulto ng katawan na nakahiga sa sofa pilit ipinagkakasya ni Rafael ang sarili roon. May nakabalot sa kanyang makapal na comforter at nagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa paghinga. Sumandal ako sa may hamba ng pinto at pinagmasdan ang kanyang guwapong mukha habang payapang natutulog. Ang bait lang ng hitsura niya ngayon. Wala ang pilyong ngiti at mapaglarong mga mata. Medyo namumula ang kanyang pisngi na tinutubuan ng munting balbas siguro ay dahil sa lamig. Bago pa niya ako mahuli na pinagmamasdan ang kanyang mukha haba
TAMED CHAPTER 18MAKAHULUGANG TINGIN ANG IPINUKOL ni Jewel sa akin na tila nagbibigay ng babala."Tammy, naman, ang tagal na noon tapos gaganti ka pa?" Medyo nanghihina ang kanyang tono."I'm not doing this for myself kung hindi ay para ito sa buong kompanya. Lahat tayo ay makikinabang dito. Kaya watch me, I'll make sure na hindi ako ang uuwing luhaan sa aming dalawa kung hindi ay siya. Besides, siya naman ang may gusto nito, i-date ko siya kapalit ng pagpapa-interview niya sa akin. Kaya patas lang," taas-kilay kong sabi."Tammy, paano kung seryoso talaga siya sa'yo? Paano kung gusto talaga ng tao na bumawi tapos masasaktan mo? Hindi ba ay nakaka-guilty iyon?" balik-tanong niya sa akin. "Bakit? Dati ba ay na-guilty siya noong iniwan niya ako na wala man lang paliwanag?" May pait ang aking boses. "Nalaman mo ba ang dahilan niya kung bakit?" "Kahit ano pa ang lintik niyang dahilan ay wala akong planong makinig kaya dapat ay huwag na niyang subukan pang sabihin iyon sa akin. Para an
CHAPTER 19HINDI ako pinatulog nang pag-uusap namin sa telepono ni Rafael kagabi. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kung naaalala ang pinag-usapan namin.Tama nga naman siya, minsan ko na rin siyang nahalikan at higit pa roon. Ang tanging lalaking nakahawak at nakahaplos sa akin. Pero kakayanin ko ba kung may iba pa? Malamang siya ay marami ring naiikamang iba.Sinimplehan ko lang ang aking galawan pagdating sa opisina. Ayokong isipin nila na apektadong-apektado ako sa kanyang presensiya kahapon. Pero bakit nga ba ganito ang iniisip ko ngayon? Napapansin ko rin ang mga sulyap ng ibang mga tao rito. Pero agad namang binabawi ang mga mata kung tinatapunan ko ng tingin. Kakalagay ko pa lang ng dalang bag nang pumasok si Jewel at tila may importante siyang sasabihin dahil na rin sa kanyang mga galaw."Hayan, nag-inarte ka kasi kahapon." Inirapan pa niya ako. Until now ay wala pa siyang planong mag-move on."Move on na, Jewel," mahinang sabi ko. Nakakapagod makipagtalo lalo't n
CHAPTER 20PARANG MAY kampanang tumunog sa aking tainga nang marinig ang kanyang sinabi. Dito siya matutulog? Dito mismo sa bahay? Kung saan kami lamang dalawa at wala ng iba pang kasama? Ang dami-daming kong naiisip at hindi iyon maganda."Are you out of your mind?" mariin kong sabi. Nanggigigil ako sa kanya. Bakit ba binibigyan niya ako ng sakit ng ulo?"Bakit? Ikaw lang naman ang nandito. Kaya sasamahan na kita." Saka hinubad ang kanyang sapatos.Seryoso ba talaga siya? Nilapitan ko siya saka kinuha ang mga kamay at sapilitang pinapatayo mula sa sofa. Ngunit walang epekto ang puwersa ko sa mabigat niyang katawan."Tammy, pagod na ako. Maawa ka na sa akin. Hindi ko na kayang mag-drive pauwi ng mansiyon." Ginamitan pa niya ako ng kanyang lasing na boses.Alam kong nakainom siya dahil naaamoy ko ang alak mula pero alam ko rin na hindi siya lasing."Bakit dito ka pumunta? Dapat ay dumiretso ka na lang sa inyo!" Hindi ko na napigilan ang galit kaya tuluyan ko na siyang nasigawan."Bak
CHAPTER 21NAGULAT pa ako nang makita kung sino ang lalaking nakasandal sa kanyang sasakyan na tila may hinihintay na lumabas ng building na ito.Liliko na sana ako sa ibang daan bago pa niya makita pero huli na."Hi, Tammy!" malakas niyang pagbati sa akin. Mabuti na lang at walang tao rito maliban sa aming dalawa."Ano na naman ang kailangan mo, Rafael?" napapagod kung tanong. Maghapon akong nagtrabaho kaya sana ay huwag na muna niya akong buwesitin."Ikaw, sinusundo kita. Dinner tayo." May malaking ngiti sa kanyang mukha habang sinasabi iyon."Not now. Pagod ako," tanggi ko."Saglit lang naman tayo. Please?" Mukhang sincere naman ang pakiusap niya.Parang natutukso ako sa kanyang pag-anyaya. Nakakapagod nga namang umuwi at magluluto pa ako. Lately, napapansin ko rin na ang lungkot sa bahay parang hindi ako nasanay na ganito na talaga ang buhay ko simula nang mawala si mama."Fine," sumusuko kong sabi. Puwede ko naman siyang kapanayamin habang kumakain kami."Talaga?" Tila hindi pa s
CHAPTER 22NAG-UNAT ako ng mga braso at binti nang magising kinabukasan. Parang hapong-hapo ang aking buong katawan at kusa akong nanlalanta dahil sa pagod. Pilit kong inaalala ang mga kaganapan ng nagdaang gabi. Nag-dinner kami ni Rafael, nabuwesit ako at uminom sa bar kasama sina Jewel. Doon na ako kinabahan. Napabalikwas ako ng bangon at hindi ko alam ang gagawin para tuluyang maalala ang mga nangyari kagabi. Huling naalala ko ay pilit akong ginigising ni Jewel at ang aking panaginip.Nag-panic na ako nang makita ang silid na kinalalagyan ngayon. Malaking bintana na nakabukas na at ang puting kurtina na nililipad ng hangin. Mesang may magandang bulaklak na nakapatong sa ibabaw. Tunog ng mga ibon mula sa labas, malaking kama at makapal na bedsheets. Mas malambot ang mga unan. Bababa sana ako sa kama pero natigilan ako nang makita na carpeted ang sahig. Definitely, this is not my room. Inayos ko ang kumot sa katawan at doon ko lang napansin na wala akong kahit na isang saplot. B