Share

CHAPTER 3

Author: Blu Berry
last update Last Updated: 2023-07-31 10:00:42

CHAPTER 3

HULING taon ko na ito sa high school kaya mas naging doble pa ang pressure sa akin.

Lahat na yata ng organization ay  kasali ako tulad ng gusto ni Mama.

"Alam mo ba ang balita, Tammy?" tanong ni Jewel nang makalapit sa akin kahit nandito kami sa loob ng library.

"Ano na namang balita iyan? 'Yong crush ninyong nasa kabilang section ay may girlfriend na? Iyong paborito ninyong artista at model ay ikakasal na? O iyong natitipuhan ninyong mga college students ay may friendly game na naman sa school natin?" mahina ang boses kong tanong pabalik.

"Oy, magaling kang manghula tumama ka roon sa college students." Itinaas pa niya ang dalawang kilay na may nakakalokong ngiti.

"Hay, sinasabi ko na nga ba. Alam niyo, Jewel, kayo lang ang inuuto ng mga iyan. Hindi nga siguro kayo kilala ng mga lalaking 'yan eh." Saka itinuloy ulit ang pagsusulat.

"Tammy, jowain mo na kasi ang isa iyong crush ko." Niyugyog niya ang aking braso. Napangiwi ako sa hiling niyang iyon.

"Crush mo tapos ako ang magiging jowa? Ano iyon?" umiiling kong sabi.

"Kaysa mapunta siya sa iba sa'yo na lang. Sige na, Tammy." Ngawa niya sa akin. Naglingunan na ang iba naming mga kasama sa library at tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig.

"Ikaw nga raw kasi ang gusto ng captain ball ng basketball team ng mga college students na iyon. Siyempre noong naghagis ng kagandahan ay nasalo mo lahat kaya tira-tira mo na lang ang napunta sa amin. Kaya hindi imposibleng marami ang magkagusto sa'yo," pambobola pa niya nang binitawan ko na ang bibig niya.

"Tutulungan kita sa mga reporting, pagri-review at ilang projects natin, huwag lang 'yang jowa-jowang iyan kasi wala akong maitutulong," pinal kong sabi.

"Tatanda ka talagang dalaga niyan, Tamara, sa ganda mong iyan hanggang ngayon ay wala ka pang nagiging boyfriend. Kung ako lang ang may mukhang kagaya ng sa'yo ay jojowain ko talaga ang lahat ng mga gwapo sa labas man o sa loob ng campus natin." Nakapangalumbaba siyang nakaharap sa akin.

"Tulungan mo na lang kaya ako sa school paper natin. Deadline nito ay next week na pero ang dami ko pang gagawin," pag-iiba ko sa usapan.

"Isa pa 'yan, nauubos na ang oras mo sa mga projects at school activities, matalino ka na nga ang dami mo pang event. Kahit wala ka ng salihan sa mga iyan ay ikaw pa rin ang aming class validectorian. Sama ka naman sa amin minsan kapag lumalabas kami, kakain lang naman tayo ng pizza riyan sa may kanto," komento niya at kinuha na ang ibang mga papel sa harap ko.

"Para mapagalitan ako ni mama? Alam mo naman iyon bawal dito at bawal 'yon. Kahit gusto ko pero hindi ko na lang gagawin dahil baka madamay pa kayo, lalo na ikaw," rason ko sa kanya.

"Sana, Tammy, kapag college na tayo ay may kalayaan ka na. Ang tagal ng nagsi-celebrate ng Independence Day ang Pilipinas pero ikaw hanggang ngayon ay nakakulong pa rin. Kasing higpit pa ni Hitler iyang nanay mo," maktol niya. Hindi ko maiwasang umasa na sana nga ay ganoon ang mangyari.

Hindi nga ako nagkamali dahil nang hapong iyon ay dumating ang ilang college students sa school namin para sa friendly game.

Punoan na naman ang school gymnasium at nakikita ko pa ang ibang mga babaeng estudyante na panay ang tingin sa kanilang mga salamin, hindi mapalagay at maya't mayang nagpupulbo at halos sing-pula na ng kamatis ang mga pisngi dahil sa blush on.

Napailing na lang ako nang nadaanan sila dala ang mga papel papunta sa editor ng school paper namin. Sana ay wala roon si Jewel pero parang malabong mangyari iyon dahil dito pa lang sa labas ng gym kung saan ako naglalakad ay dinig na dinig ko ang kanyang boses.

"Tammy, para sa school paper ba 'yan?" tanong ng isang ka batchmate ko.

Huminto muna ako para sagutin siya.

"Oo, ipapa-check ko lang ulit kay Teacher Marites."

"Kasali ba riyan ang mga friendly games kagaya nito?" tanong niya ulit.

"Hindi eh. Mga importanteng event lang ng school at iyong mga tula or maiikling kwento na isinusulat ng mga kapwa natin estudyante," paliwanag ko.

"Sayang, may importanteng tao pa naman na naglalaro din diyan sa loob." Akmang mangingisay pa siya sa kilig.

Hilaw akong napatawa na papunta na sa ngiwi ang kinalabasan. Dapat ba talagang umabot pa ang event na iyan sa school paper?

Naghiyawan na ang ilang estudyante sa loob at parang tapos na ang laro.

"Oh my gosh! Tapos na yata sila, Tammy. Sige at maiwan na kita, kailangan ko kasing makalapit sa mga papables na college students. Lalo na ngayon at nandiyan si Rafael Dela Vega. Bye, Tammy." At nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng gym.

Parang mga celebrity lang ang mga college students na iyon. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang faculty room.

Pagkagaling ko sa faculty room ay marami pa ring mga estudyante ang nasa loob ng school gym. Tuloy-tuloy na sana ako pabalik sa classroom pero tinawag ako ni Jewel.

"Hi, Tamara. Halika ka muna rito."

Hindi ko mapigilan ang aking nawiwindang na reaksiyon sa pagtawag niya sa akin.

Marami silang nagkumpulan kasama na ang mga lalaking hindi pamilyar sa akin. Iyon siguro ang mga college students dahil mas matatangkad sila at mas malaki ang pangangatawan kung ikukumpara sa mga ka-batch kong lalaki.

Nagdalawang-isip ako kung lalapit ba lalo't nasa akin na ang atensiyon ng lahat.

Sumenyas na lang ako kay Jewel na tutuloy na ako sa classroom pero mabilis pa sa kidlat siyang nakalapit sa akin at hinila ako papunta sa grupong iyon.

Umayos ng upo ang ilang mga lalaki at may mga matang nanatili sa akin. Hindi ako sanay sa ganito kaya halatang hindi ako komportable.

"Guys, this is my best friend, Tamara. Tammy, sila iyong mga college students na naglaro kanina. He's Josh, Martin, Nico, Ed, Phil, Niño, Ricky at ang bagong kasama nila si Rafael," pakilala niya sa mga lalaking nandoon. Diniin pa niya talaga ang 'best friend'.

Tumatak sa akin ang pinakahuling pangalan. Ito siguro ang binanggit ng kaklase ko kanina.

"Hi, Tammy," sabay-sabay na bati ng lahat maliban doon na nagngangalang Rafael. Bahagya akong ngumiti.

"Mauna na ako" paalam ko at umalis na.

Naka-ilang hakbang pa lang ako nang hinawakan ni Jewel ang aking braso.

"Seriously, Tammy? Lalayas ka na lang? Tammy, ikaw ang gusto nilang makilala kaya huwag mo naman kaming layasan," mahinang pakiusap ni Jewel.

"Jewel, marami akong ginagawa. May meeting pa kami kasama ang mga student council. Halata naman na ang isa riyan ay panay ang sulyap sa iyo. May crush iyon sa'yo kaya kahit wala ako riyan ay may mag-i-stay naman."

"Talaga?" Nagpa-cute pa ng mata niya. "Pero, Tammy, seryoso ka ba talagang aalis na agad? Nandiyan si Rafael at kadarating pa lang niya rito. Kakalipat lang din niya sa community college ng bayan natin. Hindi mo man lang ba kakausapin? Dela Vega 'yan, ang hottie pa," bulong niya na sinulyapan pa si Rafael na nakatingin din sa amin.

"Hindi mapagkakatiwalaan ang ganyang hitsura, Jewel. Bakit ko naman siya kakausapin at ano naman ang pag-uusapan namin? Marami namang babaeng nagkakandarapa sa kanya kaya hindi ako kawalan kung sakaling hindi ko siya kakausapin." Sabay bawi ng tingin ko kay Rafael na may kasamang pag-irap.

"Bahala ka nga. Hindi na lang kita pipilitin, hindi rin naman ako mananalo sa'yo." At hinayaan na akong umalis doon.

Hindi ako makapaniwala na marami ang naghahabol kay Rafael. Oo gwapo siya, nagmula pa sa kilalang pamilya pero parang wala namang gagawing matino iyon. Mula sa mga magaganda niyang mata, matangos na ilong at magandang hugis ng labi na may nakakalokong ngiti. Attractive rin siyang tingnan dahil likas siyang matangkad at may magandang pangangatawan, may mala-bad boy na dating dahil sa kanyang maliit na hikaw sa kaliwang tainga na kulay itim, sana lang ay maisip ng mga babae na marami silang karibal kung sakaling gugustuhin nilang maging boyfriend ang isang katulad ni Rafael.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ni mama ay dumeritso na ako sa kwarto para mag-aral, gumawa ng homework, mag-review at gawin ang iilang project.

Kakaupo ko pa lamang sa harap ng aking study table ay tumunog ang aking mumurahing cellphone.

Mula sa isang unknown number.

Hindi na bago sa akin ang ganito dahil marami sa mga kaklase ko ang nagti-text. Lalo na kapag ganitong oras para magpaturo o hindi kaya ay may itatanong tungkol sa aming leksiyon.

'Sino ito at ano ang kailangan?' Nagtipa ako ng reply sa number na iyon.

Hindi nag-reply ang number pero tumawag.

Kumunot ang aking noo. Kadalasan hanggang text lang kami ng mga classmates ko dahil iyon lang ang maa-afford naming load pero ang isang ito ay tumawag talaga.

"Hello?" patanong ang pagkakasagot ko.

Walang nagsalita sa kabilang linya pero naghintay ako baka magsasalita rin siya.

"Hello," nagsalita na siya na naghatid sa akin ng kilabot.

Kahit anong isip ang gawin ko pero hindi talaga pamilyar ang boses niya.

"Tammy?" banggit niya sa aking pangalan, nagtataka rin siguro sa aking pananahimik. Kilala niya pala ako pero siya ay hindi ko talaga makilala?

"Tammy? Still there? Please huwag kang matakot. Si Rafael ito, hiningi ko number mo kay Jewel kanina, if you don't mind?" Kinabahan ako bigla dahil sa nalaman.

Itinago ko ang naramdamang kaba sa pamamagitan ng pagkainis. Nakaramdam naman talaga ako ng inis, inis sa aking sarili dahil hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"What do you want?" istriktang tanong ko. Baka hindi ko matagalan at himatayin pa ako.

"Ang sungit," masaya niyang sabi.

Napa-irap ako sa hangin. Kung makikipag-chikahan lang 

siya mabuti pang ibaba ko na lang ang tawag. Parang over na rin ang kumpiyansa niya sa sarili kahit walang importanteng kailangan ay basta-basta lang siyang tumatawag sa akin.

"Kung wala ka namang importanteng kailangan, ibababa ko na lang 'to. Maghanap ka ng magugulo mo, Mr. dela Vega," pagtataray ko pa para tumigil na siya.

"Ang sungit naman. Gustong-gusto ko pa naman ang mga ganyan,"mas lalo pa niya akong ginalit.

Kaysa aksayahin ang oras sa kanya ay ibinaba ko na lang ang tawag. Pero hindi rin ako makapag-focus sa binabasang libro at padabog ko itong isinarado.

Pumikit ako para i-relax saglit ang mata at isip pero ang masayang mukha ni Rafael ang aking nakikita.

Bwiset talaga ang lalaking iyon. Hindi na ako tinantanan kahit sa pag-aaral .

Tumunog ulit ang aking cellphone. May mensahe na naman mula kay Rafael.

'Pahinga ka na, Miss Sungit. Marami pang bukas at makakapag-aral ka pa. Good night. See you tomorrow.'

Kahit gusto kong mainis at magalit pero wala akong makapa na ganoong pakiramdam sa dibdib.

Sa halip ay unti-unti akong napapangiti. Ang kulit lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TAMED (tagalog)   EPILOGUE

    EPILOGUE NATARANTA ako nang magising na wala na si Tammy sa aking tabi. Akala ko'y iniwan niya ulit ako pero bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed," nakangiti niyang wika habang lumalapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. "Nag-abala ka pa," kunwari ay alangan kong sabi pero gusto ko ng tumalon dahil sa tuwa. "Hayaan mo na. Ikaw ang laging gumagawa nito kaya babawi ako ngayon." Ipinagsandok niya ako ng sinangag. Niyakap ko siya sa baywang at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg kasabay ng pag-amoy ng kanyang balat. Parang iba ang gusto kong gawin bukod sa kumain. "Raf," saway niya sa akin, "mamaya na 'yan at kumain muna tayo." Inabot niya ang puting T-shirt na isinuot ko naman kaagad. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi bago pa ako mapagalitan at baka maisipan na naman niyang lumayo. Ngayong araw ay kukunin namin ang kanyang mga gamit para tuluyan na siyang lumipat dito. Na-trauma na yata

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 (RAFAEL'S POV)NAGISING ako dahil sa paggalaw ng kamang hinihigaan. May dumantay sa aking hita at yumakap sa baywang. Iminulat ko ang isang mata upang sipatin ang oras. Ala-sais na pala ng umaga at may klase ako ng alas-siyeti y mediya. Napabalikwas ako ng bangon kaya nagising ang aking katabi. "Raf, where are you going?" wika ng inaantok na boses ni Girlie, one of my flings. "School." Sabay pasok sa banyo para makaligo na. I'm just fifteen years old but I have countless of unserious relationships. But who cares, this is the life that I want and it will always remains this way. Wala akong planong magseryoso kagaya ng madalas na sinasabi ni Mommy. Bakit pa? Gayung mas maganda ang ganito, nagkakilala kayo, may nangyari sa kama, then the following day ay pareho na kayong estranghero.I was twenty years old nang pinilit ako ni Mommy na bumalik sa Pilipinas, partikular sa kanyang hometown ang Sta. Elena. I refused to go to college kaya ipinatapon niya ako sa Pilipinas. Wala

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 31

    TAMED CHAPTER 31LUTANG akong bumalik sa kuwarto. Ganito pala kapag sobrang nagulat at hindi makapaniwala ang isang tao, nawawala sa katinuan. Nanginginig kong minasahe ang sariling daliri. Paano nangyaring nabuntis ni Rafael si Wela gayung noong nakaraang linggo pa lang naman kaming naghiwalay, matapos ang tinaggihan kong proposal niya?Kung matagal na rin siyang nabuntis ni Raf dapat ay malaki na ang kanyang tiyan. Gusto kong hilahin at pukpukin ang sariling ulo dahil sa dami ng katanungang gusto kong masagot. Hindi ako pinatulog ng mga tanong na iyon buong gabi. Kung hindi pa natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha ay hindi pa siguro ako magigising ngayon. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hindi puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng puwedeng mangyari. Malaki ang naging sakripisyo ni Raf at panahon na siguro para gawin ko naman ang aking parte. Kinapalan ko na ang mukhang nagpunta sa front desk ng aking tinutuluyan. Mabuti na lang at nandoon si Sylvanna at kinakausap a

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 30

    CHAPTER 30"TAMMY, sandali lang," agap ni Rafael sa aking pagpasok. Nanatili ang aking mata sa kamay niya na nasa braso ko. Ang init na nakasanayan ko na, ang init na hinahanap-hanap ko."Kung manunumbat ka sa akin, do it here," prangkang saad ko sa kanya."Can we just talk? Sa loob? Promise saglit lang 'to." At siya na ang pumihit ng door knob at pinauna ako ng pasok. Wala na nga siguro akong choice kung hindi ang harapin siya ngayon kahit hindi ko ito napaghandaan.Nakatutunaw ang kanyang tingin. Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito. Basta hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nanaig ang kaba sa aking buong sistema."How long have you been here?" pukaw niya sa akin."M-mag-iisang linggo pa lang.""Nag-resign ka na pala. Why?" Pinanliitan niya ako ng mata."Dahil kailangan. ""Bakit? May nagpapaalis ba sa 'yo? Sa pagkaka-alam ko ay wala," tila sumbat 'yon."Paano ako magtatrabaho kung halos lahat ng tao ay galit sa akin?" mapait kong turan.Bumuntong-hininga si

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 29

    CHAPTER 29HABOL ang hiningang sumandal ako sa likod ng pintuan pagkapasok sa kwarto. Para akong nananaginip at kalaunan ay bangungot na pala.Hindi ko alam ang gagawin. Kung iiyak ba o matatakot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Raf ulit.Pero bakit magkasama sila ni Wela? Iisang kuwarto pa ang kanilang tinutuluyan.Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto. Para na siguro akong baliw kung may ibang taong makakita sa akin.Hindi ako pinatulog dahil sa napakaraming mga iniisip. Madaling-araw na siguro iyon bago ako naka-idlip dahil may iilang tilaok na ng manok sa labas.Masakit ang aking ulo kinabukasan at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Medyo napatalon pa ako sa kama nang marinig ang iilang katok sa labas. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Magandang mukha ni Sylvanna ang aking nabungaran. Hinawakan ko ang mata dahil baka may natuyo akong muta samantalang siya ay ang ganda-ganda na niya sa mga oras na ito o sadyang likas

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 28

    CHAPTER 28MAGANDA ang sikat ng araw ngayong umaga at sumalubong sa akin ang huni ng mga ibon. May lungkot akong naramdaman pero medyo magaan na ang aking pakiramdam kumpara noong nakaraang linggo. Kung saan tila ay wala akong kakampi, parang noong mga araw lang na nawala si Mama.Ito ang unang beses na lumayo ako sa kinalakihang lugar. Parang walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako sa bahay at araw-gabing umiiyak.Ayaw pa sanang tanggapin ni Mr. Perez ang aking resignation at bakasyon lang ang inalok sa akin. Makakalimutan din ng lahat ang nangyari kaya huwag ko na lang daw ituloy ang binabalak na umalis sa kanyang kompanya. Pero alam kong higit pa roon ang aking kailangan. Gusto kong maka-usad sa lahat ng mga nangyari at gagawin ko iyon na walang inaalalang trabaho na babalikan.Sa huli ay pumayag na rin siya ngunit bukas pa rin ang kanyang publishing house kung sakaling babalik pa ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa pamamagitan ng isang yakap. Tinapik niya ang aking balik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status