Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

KAHIT AYOKONG balikan ang mga taong nakalipas ay kusa ko itong naalala.

"You should always stay on top, Tammy, no matter what happen you should always do your best. Gawin mo ang lahat hindi dahil sa anak kita kung hindi para maging karapat-dapat ka sa apelyido ng papa mo."

Bata pa lang ako ay iyan na ang kinamulatan kong mundo. Kailangan kong pagtrabahuan ang aking pangalan.

Nasa akin ang lahat ng pressure.

Anak ng isang school principal at magaling na guro.

Karugtong ng aking pangalan ang perpekto, hindi pwedeng magkamali, hindi pwedeng sumimplang.

Ako si Tamara Navaroza, anak sa pagkadalaga ng aking inang prinsipal sa eskwelahang pang-elementarya, si Miss Josefina Navaroza.

Dating guro si mama na nagmahal ng maling lalaki at ako ang naging bunga.

Anak ako sa labas ni Governor Rodulfo Vasquez at hanggang ngayon ay hindi ako tanggap ng kanyang pamilya. Ayaw akong kilalanin ng aking half sister na si Brenna at hindi ko naman ipinagpipilitan ang aking sarili.

Pero si mama ay ayaw sumuko. Kaya gusto niyang ako ang maging pinakamagaling para kilalanin at tanggapin ako ng aking ama.

"Ma, ito na po ang aking school card. Hindi raw po kasi kayo nakapunta sa homeroom meeting kaya ipinadala na lang ng teacher ko para mapirmahan niyo po." Sabay abot ko sa kanya ng brown envelope. Grade three lamang ako noon.

"Pang ilan ka sa classroom honors?" tanong niya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.

"Top 1 po, Ma," nakayuko kong sagot.

"Pero dalawa kayo sa puwestong iyon, hindi ba?" hindi ko inaasahan ang tanong na iyon.

Mahinang tango ang sagot ko.

"I told you to stay on top!" sigaw niya sa akin sabay hawak ng madiin sa aking magkabilang braso.

"Pagiging top one na nga lang ay hindi mo pa magawa. Talunin mo ang kasama mong top one. Dapat ikaw lang mag-isa sa puwestong iyan. Naiintindihan mo ba ako, Tamara? Kailangang gawin mo ang lahat para matanggap ka ni Rodulfo, kailangang hindi tayo ang magiging talunan, patunayan mo sa kanya na deserving ka rin sa apelyido niya!" At malakas akong binitawan. Kung hindi pa ako nakahawak sa mesa malamang ay nakaupo na ako sa sahig.

Laging ganoon ang nangyayari. Hindi ako pwedeng matalo. Hindi pwedeng maging number two. Hindi pwedeng may kasama sa pagiging first honor. Lahat ng activities ay kasali ako. Dapat ako lagi ang maging classroom president. Dapat ako ang mag-champion sa lahat ng mga contest. Dapat lahat ng ginagawa ko'y ako ang pinakamagaling.

"Choose another group of friends, Tammy," kompronta sa akin ni mama isang hapon pag-uwi ko. First year high school na ako noon pero wala pa rin akong karapatang magdesisyon para sa sarili.

"Pero, Ma, sila po ang gusto ko. Alam ko ring mga totoong kaibigan sila," protesta ko.

"You choose, maghahanap ka ng mga bagong kaibigan o wala ka talagang kakaibiganin kahit isa sa school ninyo?" seryoso niyang sabi.

The following day ay nakikita ko na lamang ang sarili na hindi na sumasama sa dati kong mga kaibigan. Mas mabuting ako na lang ang iiwas kaysa madamay pa sila kung anuman ang gagawin ni mama.

Kalagitnaan ng school year na iyon ay dumating si Jewel Cruz, transferee siya at nagkapalagayan kami ng loob. Siya lang ang natirang kaibigan ko at nanatili sa aking tabi. Mas mabuti na ring hindi ko ipaalam kay mama ang tungkol sa pagkakaibigan namin dahil baka bawal ko na naman siyang makasama.

Umikot ang buhay ko na sunod-sunuran sa lahat ng gusto ni mama. Bawal iyan dahil hindi bagay sa akin. Hindi pwede ang ganyan dahil para lamang iyan sa talunan. Ganito ang gagawin ko para bumilib ang tatay kong wala namang pakialam sa akin.

Hanggang nag-high school ako ay hindi pa rin ako kinikilala ng aking ama.

Madalas kong naririnig ang usap-usapan ng mga tao sa paligid, mga kapwa estudyante at minsan ay mga guro pa mismo na pumatol si mama sa lalaking alam niyang may pamilya na.

Minsan ay pinipili ko na lang yumuko o hindi kaya ay mag-iba ng daanan kapag makakasalubong ko si Brenna, ang kapatid ko sa ama, anak ng babaeng pinakasalan ni Gov. Ayokong ipahiya niya ako sa maraming tao, tama ng alam ko na anak ako sa pagkakasala. Bunga ng isang gabing pagkakamali ni mama.

Second year high school ako nang makita mismo ng aking mata kung gaano nagpakatanga si mama sa kanyang maling pag-ibig.

Magha-hatinggabi na ng mga oras na iyon at nagising ako dahil sa mga boses na narinig ko sa sala.

Medyo nakahiwalay ang bahay namin sa ilang kapitbahay dahil may kalakihan din ang lupang kinatitirikan nito. Hindi kalakihan ang aming bahay pero maluwang ang bakuran namin.

"Rodulfo, please choose me. Please choose us," umiiyak niyang sabi habang niyayakap si gov mula sa likod.

'Huwag kang magma-kaawa, Ma,' gusto kong isigaw sa kanya pero mas pinili kong manahimik habang sekritong nagmamasid sa kanila.

"Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon. May pamilya ako, Josefina. Ang nangyari sa atin ay isang napakalaking pagkakamali. Kaya alam mong hindi ko pwedeng angkinin si Tamara na anak dahil mapapahiya ako at masisira ang pangalan ko," paliwanag ng aking ama. Mayor pa lamang siya noon.

Ang sakit malaman na walang taong may gusto sa iyo dahil nagkamali sila kaya ka lang nabuhay. Pati sarili kong ama ay ikinakahiya ako. Pinigilan ko ang mga luha sa aking mata, pinigilan kong umiyak ng mga oras na iyon.

"Can't you see it, Rodulfo? Napakatalino ni Tammy. She's always on top, kahit saan ay nag-i-excel siya kaya dapat lang na tanggapin mo siya!" hindi napigilan ni mama na magtaas ng boses.

"Aanhin ko ang katalinuhan niya? Kahit baliktarin ang mundo, anak ko siya sa labas. Kaya hindi ko pwedeng ibigay ang pangalan ko sa kanya. Mananatili lamang siyang isang sikreto Josefina at sana ay ito na ang huling beses na magkakausap tayo. Nakikiusap din ako sa iyo na sana ay huling beses na rin ito na magkakalapit tayo. Ituring na lang nating masamang bangungot ang lahat. Gusto ko pang magtagal sa pulitika at ayokong masira sa ibang tao." Iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas ng bahay. Rinig na rinig ang hagulgul ni Mama habang pumasok na ako sa aking silid.

Hanggang kailan namin ipagpipilitan ang aming sarili? Hanggang kailan kami mamamalimos ng pagmamahal mula sa kanya? Ako, mabubuhay ako kahit hindi niya ako kilalanin. Si mama lang ang mapilit, siya lang ang gustong may patunayan sa lahat.

Iba ang pakiramdam ko kinabukasan. Dahil na rin siguro sa nangyari kagabi sa pagitan ni mama at ng tatay ko.

"So anong gagawin mo if ever ipipilit talaga ng anak sa labas ang karapatan niya?" narinig ko ang pag-uusap ni Wela at Brenna sa school cafeteria. Hindi sila mapaghiwalay kaya laging magkasama.

Iwan kung sinasadya ba nilang iparinig sa akin o hindi nila alam na ako ang dumaan malapit sa mesa nila.

"Mamatay siya sa inggit. Ano siya sinuswerte? Kasalanan naman ng malanding nanay niya na pumatol kay daddy na ginawa lang naman siyang kabit." At inirapan ako.

Nangangati na ang aking dila para sagutin siya pero nagpigil ako. Ayokong magsisimula ako ng gulo dahil pati si mama ay madadamay. Ayoko ring maging laman ng school paper kung sakali dahil sa pakikipag-basag ulo. Ako pa naman ang representative ng batch namin sa Student Body Organization tapos ako ang magsisimula ng away. How I wish na sana sa ibang school na lang nag-aral si Brenna at ang best friend niyang si Wela para hindi na magkukrus ang mga landas namin pero lagi silang naki-kick out dahil sa mga offenses na nagagawa kaya sa public high school ng Sta. Elena pa rin ang bagsak nila.

Sa huli ay mas pinili ko na lang umalis doon habang kaya ko pang magpigil.

Tanggap ko naman na sa mundong ito, hindi ako magkakaroon ng karapatan na tulad ng kay Brenna, si mama lang naman ang ayaw tumanggap ng katotohanang 'yon.

"Huwag mo na lang patulan, Tammy, kahit saang anggulo naman tingnan ay mas maganda, talented at matalino ka naman sa kanya," pang-aalo ni Jewel nang nagkwento ako sa nangyari kanina.

"Si mama kasi ayaw tanggapin ang totoo. Ayos naman sa akin na kaming dalawa lang, hindi ko naman hinangad na ipagsiksikan ang sarili sa aking ama," malungkot kong sagot.

Kahit nakakasakal na si mama ay pilit ko pa ring inintindi dahil mahirap maging single parent.

Lumaki akong walang nakasanayang katulong kaya lahat ng gawaing bahay ay alam ko, mula sa paglalaba, paglilinis pati pagluto ay pinag-aralan ko na rin.

Masasabing hindi normal ang buhay ko bilang teenager. Habang ang mga kaklase ko ay kilig na kilig sa kanilang mga crush sa classroom, ako ay kailangang magsunog-kilay para maging pinakamatalino sa lahat ng mga ka-batch ko.

"Alam mo ba may senior na gwapo, Tammy?" bulong sa akin ni Jewel kahit nasa library kami.

"Bawal maingay, Jewel. Mamaya na tayo mag-usap sa labas," pinagsabihan ko na siya bago pa kami mahuli ng matandang librarian na nagkikwentuhan.

"Wala naman ang bruha," tukoy niya sa librarian.

Hindi ko na siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan namin.

Itinuloy ko na ang pagbabasa at nag-take note ako sa aking kuwaderno nang bigla niya akong kinalabit.

"Tammy, gosh, Tammy, papunta rito iyong gwapo na senior." Aligaga siya habang sinasabi iyon.

"Jewel, isa, tumigil ka na. Nagri-review pa ako-" pinutol ng baritonong boses ang sasabihin ko pa.

"Hi. I'm Steve. Kanina pa kita tinitingnan and your familiar." Hindi ako sigurado kung sino sa amin ni Jewel ang kinakausap niya.

Hindi ako nag-angat ng tingin dahil ayokong patulan ang pagtsi-tsismisan nila. Alam na ngang nandito kami sa library pero lumapit pa talaga siya amin. Ayos lang sana kung may itatanong na lessons or certain topic pero wala naman.

Naramdaman ko ang siko ni Jewel sa aking tagiliran. Nasundan pa ito ng ilang beses kaya nilingon ko na siya. Sinundan ko ang itinuro ng kanyang nguso at mata. Doon ko pa lang nalaman na ako ang kinakausap ni Steve dahil sa akin siya nakatingin.

Ngumiti siya sa akin na halatang nagpa-cute. Okay, gwapo naman siya, pero hindi ako interesado sa kanya.

"What do you need, Mr.?" deritso kong tanong dahil kung wala siyang importanteng kailangan ay makakaalis na siya.

"Whoa, suplada. I like suplada." Sabay tiklop niya ng librong aking binabasa.

Uminit na ang ulo ko.

"Alam mo kung wala kang importanteng kailangan ay makakaalis ka na. Library ito at hindi isang coffee shop na pwede tayong magkwentuhan. Marami pa akong gagawin bukod sa pakikipagtsismisan sa'yo." Hindi ko napigilang magtaray at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.

Nilingon kami ng ibang estudyante at nag-iiwas naman agad sila ng tingin.

"Maganda ka sana, kaso mataray lang. Pero no problem dahil hindi naman nakabawas iyon sa tindi ng pagka-crush ko sa'yo. Can I get your number? Naiintindihan ko naman kung gusto mong maging pribado ang magiging relasyon natin," mayabang niyang sabi at isinara ulit ang libro sa aking harapan.

That's it.

"You know what, mister, I'm not interested kung anuman ang sasabihin mo. Bakit hindi ka na lang bumalik sa mesa mo para mag-aral!" nasigawan ko na siya.

Pinulot ko ang libro at notebook na nasa mesa at hinawakan ko si Jewel saka hinila palabas ng library.

May narinig pa akong nagbubulungan paglabas.

May nagsabing suplada at mayabang ako pero nang mga oras na iyon ay wala akong pakialam. Sobrang presko ng isang iyon. Nag-uumapaw sa self confidence at papunta na sa yabang.

Simula sa araw na iyon ay binansagan na akong man-hater.

Sad reality. Sa isang pagkakamali mo you will be judged throughout your whole life.

May nagsabi rin na, "ayaw sa mga lalaki dahil baka matulad sa ina niya,"

"Kunwari ay suplada pero papatol din sa may asawa kagaya ng nanay niya."

Nilunok ko na lang lahat ng iyon. Wala rin namang mangyayari kapag mag-i-explain pa ako. It's either, makikinig at maniniwala sila sa akin or they will still hate me

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amira@ysabelle
abangan po kta hanggang matapos.. thank you ms. blu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status