Share

KABANATA 14

ISANG MALUTONG na tawa ang pinakawalan ni Ezekiel ng sadya niyang ipabagsak na pasara ang pinto ng kotse. Umabot sa pandinig niya ang malakas na tawa nito na tila natutuwa pa sa ginawa niya. Nang hindi pa rin tumitigil si Ezekiel sa pagtawa, muli niyang binuksan ang pinto. Tiningnan niya ito nang matalim bago muli hinila pasara ang pinto ng kotse.

Pinili niyang umupo sa passenger seat dahil ayaw niyang makatabi ang lalaki sa backseat dahil hindi rin siya nito titigilan na asarin. Ikinabit na niya ang seatbelt at pagod na ibinagsak ang likuran sa backrest ng upuan. Ang shades na dala niya ay isinuot niya sa mga mata niya at pumikit nang mariin.

Matutulog na lang siya sa buong biyahe niya kaysa makipag-usap kay Ezekiel na wala naman ginawa kung hindi ang inisin lamang siya.

Ilang bukas-sara pa ng pinto ang narinig niya mayamaya ay naramdaman na niya na may umupo na sa driver seat niya. Hindi na niya inabala na imulat ang mga mata kahit na parang pakiramdam niya na si Ezekiel ang nasa dr
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status