"What are you doing here, Ivy?" Kanina ay maayos naman ang mood ni Giovanni habang kausap ang ama, pero ngayon ay kapansin-pansin sa boses nito ang inis. "Didn't tito tell you?" Sagot ni Ivy sa kanya. Sa halip na sagutin si Ivy ay mabilis na tumalikod si Giovanni at nagtungo sa opisina ng ama niya. Mabilis namang hinila ni Oscar palabas si Althea. Maraming beses na niyang nakita ang ganitong eksena, at sigurado siyang mauuwi lang sa pagtatalo ni Giovanni at Ivy ang lahat mamaya. Isa pa, nakita din niya kung paano samaan ng tingin ni Ivy ang kaibigan niya. Everything that happened in London flashed in Oscar's mind, kaya alam niyang ang the best na gawin ngayon ay umeskapo muna. "What's the meaning of this?" Iyon kaagad ang ibinungad ni Giovanni nang makapasok sa opisina ng ama. "That was fast." Sagot naman ng chairman, and offered his son to sit, pero nanatiling nakatayo si Giovanni, his face demanding an answer. "Fine. Your grandmother arrived this morning, at humingi siya ng pab
Bukod sa cellphone number ni Giovanni ay nalaman din ni Hendrix ang social media account nito matapos makita ang post ni Lucy gamit ang official page ng Romanov Empire. Nang mabasa ni Hendrix ang comment ni Giovanni, na magiging kalaban ng mga Mendoza ang mga Romanov kapag hindi nila inilabas si Althea, ay napatunayan niya na hindi lang isang sekretarya ang tingin nito kay Althea. After all, what boss would go to such lengths just to save an employee?"He clicked the add friend button, and didn't think much of it dahil sigurado naman siyang hindi siya iaaccept nito. But after a day, he accepted the request. And since then, Hendrix has been stalking Giovanni's account. Wala naman siyang nakita sa account nito. Mukha ngang hindi na ginagamit dahil matagal na ang huling post nito.But today, when he woke up from his drunken stupor, muli niyang sinilip ang account ni Giovanni to see if he could find anything. Blocked pa din siya sa mga social media accounts ni Althea, pati mga kaibigan n
Meanwhile, Giovanni's Faceb00k story blew up. The man who never posted anything suddenly posting was shocking enough.At sa lahat ng pwede nitong ipost, isang cute strawberry mousse cake na may heart at blushing emoji pa. Sinong hindi magugulangang? That wasn't the image he had made himself throughout the years. May iba ngang napaisip kung nahack ba ang personal account nito.Comments started flooding in, messages and calls also poured in, especially from his younger siblings and cousins.'Kuya, if you’ve been kidnapped, reply with a 1.''Kuya, if you’re finally dating someone, reply with a 2.''Kuya, kung babaliw ka na, reply with a 3.'Maging ang mga kaibigan niya ay binabaha na din siya ng mga comments at private messages.Matapos basahin ni Giovanni ang ilan sa mga comments ay blinock niya ang ilan sa mga ito, saka nilagay sa silent ang cellphone niya.SAMANTALA, SA ROMANOV'S main mansion.Mr Nelson Romanov was about to leave for work when his wife pulled him back to the living ro
He was smiling, but his tone sounded like he was teasing her. That reaction, and his dark circles from lack of sleep, all told her one thing— Nabasa na niya ang message niyang yun! Her smile froze on her lips, and she didn't dare to meet his gaze. She lowered her head, and coughed awkwardly. “I slept okay, sir. Siguro kasi medyo nalasing ako kagabi dahil sa nainom kong beer kaya nakatulog agad ako. O-Or kung may nagawa man ako, it's because dumodoble na ang paningin ko sa sobrang antok. My hand just slipped. Haha." Even her laugh sounded awkward. “Alcohol is no excuse.” Pasermong sagot ni Giovanni. Tahimik naman na nagpalipat-lipat ang mga tingin ni Oscar at Arturo sa kanilang dalawa, as if watching a movie they don't understand. "Promise sir, kapag nalalasing ako, lumalabo ang mga mata ko, tapos ang mga daliri ko hindi nakikinig sa akin. Parang may sariling buhay. Kaya kung ano ano ang napipindot at nasasabi." She was so desperate to make him believe her. “Still making ex
Katulad ng dati, gumising ng maaga si Arturo para ipaghanda ng breakfast ang amo niya. Nagbilin ito kahapon na papasok na siya sa trabaho, sa ayaw at sa gusto ng Chairman. Normally, his boss got up at six for a morning run, pagkatapos ay kakain ito ng breakfast at seven habang nagbabasa ng financial news locally and globally, then he would take calls or hold a video meetings in his study, then leaving for the company at nine sharp.But since he was injured in the past days, his wake-up time had been pushed back to seven. Pero ngayon ay alas otso na ng umaga at hindi pa din ito lumalabas ng silid niya.By 8:05 AM ay dumating naman si Oscar. Maging ito ay nasorpresa na hindi pa din lumalabas ng silid ang boss nila. He's always strict when it comes to his schedule. Kahit may ginawa ito the night before, he would still wake up early to do his morning routine. Hindi kaya tulog pa din ito dahil sa dami ng nainom niya kagabi? Kahit nagtataka at napapaisip na ay hindi naman naglakas loob
"S-Sir, hindi nila ako pwedeng makita." Althea pleaded. Tatanggapin niya ang parusang ibibigay sa kanya ng boss niya, lahat ng sermon, at galit nito for not respecting his boundaries ay tatanggapin niya, basta hayaan lang muna siya nito na nasa ganitong posisyon sila hanggang sa umalis lang si Mirasol at ang lalaking kasama nito. Napapikit si Althea ng makarinig siya ng tunog ng heels na papalapit sa kanila. Mukhang kokomprontahin sila ni Mirasol para tingnan kung posible bang may nakakakilala sa kanya na nakakita sa ginagawa niya. Pero kung sakali mang makita nga siya nito, hindi naman pwedeng gamitin ni Mirasol ang makikita niya laban kay Althea, dahil pwede ding gamitin ni Althea ang nakita niya laban dito. They could keep this thing a secret for the rest of their lives. Tutal, hindi na problema ni Althea ang problema ng pamilya ni Hendrix. Ramdam ni Althea na malapit na sa kanila ang ina ng dati niyang asawa, kaya wala na siyang choice kundi ihanda ang sarili. Pero bago pa man