Share

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE
Penulis: Whora Bolyna

CHAPTER 1

Penulis: Whora Bolyna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-13 21:02:12

Kanina pa nakatayo sa labas ng CEO office si Althea, kailangan niyang pumasok sa loob, pero parang napako ang mga paa niya sa tiles ng sahig kaya hindi niya magawang ihakbang ang mga ito.

Her husband cheated on her, pero kailangan niya itong harapin ngayon at magkunwaring wala siyang kaalam-alam sa mga pinaggagagawa nito.

Matapos ng ilang minutong pagkukondisyon sa sarili ay nagawa na niyang kumatok sa pinto.

"Come in." Isang baritonong boses ang sumagot mula sa loob.

Bumuntong hininga muna siya bago pumasok sa loob. Pagkabukas ng pinto ay agad siyang ngumiti, at lumapit sa lalaking nakaupo sa swivel chair. "Busy ka ba? May mga kailangan kasi akong papirmahan sayo." Nilapag ni Althea ang folder na hawak, nakahanda na ang pahinang kailangan niyang papirmahan.

Kararating lang ni Hendrix mula sa dalawang linggong business trip sa California kaninang umaga. Dumiretso kaagad ito sa opisina pagkabalik niya ng bansa dahil sa natambak nitong trabaho. Bakas na bakas ang pagod at puyat sa gwapo nitong mukha, kaya siguro wala ito sa mood para man lang tingnan kung tungkol at para saan ang pinapapirmahan niya. Basta pinirmahan lang lahat ni Hendrix ang mga linyang itinuturo ng daliri ni Althea.

"That's all." Saad niya habang inaayos ang mga papeles sa loob ng folder. "By the way, are you going home tonight? Ipagluluto kita ng mga paborito mo." Casual na tanong ni Althea.

"I have a business dinner with the Mendoza Group later, kaya huwag ka ng mag-abala. Wag mo na rin akong hintayin dahil late na akong makakauwi." Sagot nito ng hindi man lang inaalis ang tingin sa computer nito.

"Okay." Tipid niyang sagot kay Hendrix at lumabas na ng opisina nito.

Pabalik na sana siya sa sariling opisina ng bigla nalang siyang may narinig na mahinang bungisngis mula sa loob ng CEO office, boses ng babae na para bang tuwang-tuwa. Napatingin si Althea sa lounge area na katabi lang ng opisina ni Hendrix, at nagkalat sa coffee table isang kahon ng pizza na may ilang slices pang natitira, pati na din may laman pang iced coffee na mababakasan ng pulang lipstick ang straw. May designer bag din na pangbabae, at kulay cream na coat na nakakalat sa sofa.

Parang sinaksak ang puso ni Althea nang mapagtanto niya ang mga bagay bagay. Halos malukot ang hawak niyang folder dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito. Pero sa halip na komprontahin ang asawa ay bumalik na siya sa kanyang opisina.

Pagkapasok ay agad siyang naupo sa swivel chair, pakiramdam niya ay naubos ang lakas niya kahit malapit lang naman ang opisina ni Hendrix.

Binuksan niya ang hawak na folder at tiningnan ang pirma ng asawa niya sa ibabang parte ng bawat pahina. It's a petition for annulment, pero hindi man lang iyon napansin ni Hendrix.

Gumuhit ang matamlay na ngiti sa labi ni Althea nang maalala ang noon ay masayang ala-ala nila ni Hendrix.

'Pakakasalan kita, kahit saang simbahan mo gusto!' Deklara ni Hendrix sa harapan ng pamilya at mga piling bisitang imbetado sa engagement nilang dalawa.

Nakita ni Althea ang pagtaas ng kilay ng ina ni Hendrix, sabay komentong—'Sa panahon ngayon, hindi nagtatagal ang ganyang pagsasama at sa bandang huli ay maghihiwalay at maghahanap din ng iba!' Ni hindi man lang nito hininaan ang boses, at sa halip ay sinadya pang lakasan para marinig ng ibang bisita.

Sa inis ni Althea ay hindi niya napigilang sagutin ang future mother-in-law niya. 'Iba po kami ni Hendrix. Mahal na mahal po namin ang isa't isa.'

"Yeah right!" Naparolyo nalang ng mga mata si Althea nang maalala niya ang sinabing iyon dati.

Hendrix cheated on her with a younger woman, at buong akala nito ay naitago niya ng maayos ang kawalanghiyaang ginagawa. Iyong importanteng business trip na sinasabi ni Hendrix, isinama niya ang babae niya sa lakad na iyon. Pero hindi nito alam na alam ni Althea ang bawat detalye ng ginagawa nilang dalawa. Hindi na nga niya sinita si Hendrix patungkol rito. Tapos ngayon, dito sa opisina naman niya ipaglalandakan ang kataksilan niya?

Kinuha ni Althea ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang pirma ni Hendrix at sinend iyon sa mother-in-law niya.

Habang nasa California si Hendrix ay nakipagkasundo siya sa ina nito. Magfafile siya ng annulment, at ililihim habang buhay ang naging secret marriage nilang mag-asawa. At kapalit ng pakikipaghiwalay nito ay napakalaking halaga.

Sa yaman ng pamilya ni Hendrix ay hindi na siya magtataka kung sa susunod na linggo o susunod na buwan ay granted na ang annulment nila. Oo matagal ang proseso ang annulment, pero may hindi ba nagagawa ang pera? Kung gusto ng pamilya ni Hendrix na magbayad ng isang daang milyon sa judge para lang mapabilis ang proseso ay gagawin ng ina ni Hendrix. She'll do all the means para mapaghiwalay lang silang dalawa.

Natigil ang pag-iisip ni Althea ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Agad nyang tinago ang annulment papers sa drawer ng lamesa niya bago pinatuloy ang kumakatok na iyon.

"Madam, ipinabibigay po ng CEO. Para po sa inyo." Si Ron lang pala, ang assistant ni Hendrix. Naglapag ito ng kulay pulang kahon sa office table ni Althea.

Alam niyang hindi aalis si Ron hangga't hindi niya binubuksan ang regalo dahil ibabalita pa nito kay Hendrix kung nagustuhan ba niya ang ibinigay nito o hindi. Walang gana niyang binuksan iyon at tumambad sa harapan ni Althea ang napakagandang set ng diamond jewelry.

Pero sa halip na matuwa ay agad na kumunot ang noo niya. Naalala niya ang video na sinend sa kanya ng isang unknown number noong nakaraang araw. Isang babaeng may maiksing buhok, mapang-akit ang make up, nakasuot ng manipis na nighties at mababakas ang marka ng halik sa badang dibdib nito, habang pinaglalaruan ang kaparehong diamond set sa harapan niya ngayon.

"The CEO especially asked that diamond set for you, madam. Wala pong katulad yan sa buong mundo." Biglang singit ni Ron dahil mukhang hindi nagustuhan ni Althea ang alahas. Nag-aalala din ang assistant ni Hendrix kung nakahalata na ba si Althea tungkol sa itinatagong relasyon ng boss niya.

"Ganun ba? Then tell him I like it." Sagot ni Althea at agad namang nakahinga ng maluwag si Ron.

Masaya itong lumabas ng opisina niya, pero nang maisara na nito ang pinto ay agad na itinapon ni Althea ang diamond set sa basurahan. Wala siyang balak na suotin ang isang bagay na nakakadiri at marumi na.

Dahil sa nangyari ay maghapon na siyang walang ganang magtrabaho. Sadyang hinintay lang niya ang pagsapit ng alasais ng gabi para makapagclock out na siya.

Papasok na sana si Althea sa loob ng sasakyan niya ng mabaling ang atensyon sa katapat na sasakyan sa VIP parking area. Through the windshield ay nakita niya si Hendrix sa back seat, at sa tabi nito ay isang babaeng may maiksing buhok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 96

    Ibinigay sa kanya ni Arturo ang pasacode na tinext ni Althea, at pagkatapos ay umalis na.Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Arturo at Oscar, pagkatapos ay nagkatinginan ang dalawa.SA UNIT ni Althea ay nakaabang na siya sa may sala sa pagdating ni Arturo. Papakiusapan niya ito na kung pwede huwag na siyang sumabay na kumain kasama nila dahil nahihiya talaga siya. Niresearch niya kung ano ang Samgyetang, and it's a Korean ginseng chicken soup. Mukha palang ay masarap na, at sa totoo lang ay gusto niyang tikman ang luto ni Arturo, pero kung naroon din ang boss niya? Baka hindi siya makakain ng maayos dahil sa hiya.Hinanda na niya ang sarili nang may mag-enter ng pasacode niya, pero nang bumukas ang pinto, hindi ang inaasahan niya ang syang pumasok sa loob, kundi si Giovanni mismo.In an instant, lahat dapat ng pagpapalusot na sasabihin niya kay Arturo ay nawala na parang bula.“Sir," Napatingin pa siya sa likuran nito kung kasama ba si Arturo, pero ito lang mag-isa ang pumunta. "W

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 95

    "Well, I'm her friend, and I'm also partly responsible why she got injured kaya dapat lang na tulungan ko sya, di ba?" Sagot ni Oscar."You accepted something like that, when you have lots of things to do." Ibinalik ulit ni Giovanni ang tingin sa laptop."Lots of things to do?" Ulit ni Oscar."Yeah. I want you to summarize all the reports from France. I need it tonight." Inabot niya sa assistant ang laptop."All?" Hindi makapaniwalang ulit ni Oscar."Well isn't that your job as my assistant?" Giovanni crossed his arms."Well, ummm—" Napatingin si Oscar sa may bandang kusina kung saan nagluluto ng dinner si Arturo. There wasn't any walls, just the island counter kung saan naghihiwa ng mga isasahog ang matanda so he was able to hear all that conversation."Mukhang hindi mo agad matatapos yan. Should I go instead?" Tanong ni Arturo kay Oscar."That would be great. Kapag natapos ako ng maaga, I will also try to help." Sagot ni Oscar."Don't worry sir, malapit na maluto itong niluluto ko."

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 94

    Namumula at namamaga pa din ng kaunti ang pisngi ni Iris, may maliit na sugat din sa bandang labi. She really looked utterly pitiful. “Hendrix, I thought you left without saying goodbye...” She reached out and called him gently. “The doctor said you’ll be fine. Rest a bit longer and you can be discharged later. I already informed your brother kaya baka nandito na yun maya-maya." He stood far from the bed, and his tone was distant. But still it was a noticeable change from his previous ruthless behavior towards her, as if he wanted to kill her and saw her as a venomous snake, kaya naman agad na nakakita ng pag-asa si Iris na mapapasakanya din ulit si Hendrix. "Hendrix, can I hug you one last time? I swear I don’t mean anything else. It’s just… thinking about going back to being your ‘little sister’ makes me sad.” Hindi pa din niya ibinababa ang mga kamay niya, she's still trying to reach for him, and making her face more pitiful, and then started crying again. Most men in the wor

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 93

    She missed the opportunity to say sorry nang umiwas agad ng tingin si Giovanni. Siguro ay galit pa din ito sa kanya dahil sa nangyari doon sa hospital suite nung nakaraan? Tapos sinundan pa ng pagsabay ni Hendrix sa private jet nya kanina without her personally explaining and asking permission. Lahat yun ay hindi pa niya naihingi ng sorry sa boss niya. "Girl, anong floor nga ulit yung sayo? Baka magkamali ako ng mapindot." Tanong ni Lucy. "Sa—" Palingon palang si Althea kay Lucy when Giovanni reached out his arm and pressed the 10th button. The other three people in the elevator were so shocked their eyes nearly popped out. Lahat halatang nagtatanong ang mga tingin kung paano nalaman ni Giovanni ang floor number ni Althea. When they reach the tenth floor ay nagmamadaling inilabas ni Lucy si Althea dahil hindi na siya makapaghintay pa sa chika. “Alright, spill it! What exactly is going on between you and your boss?" Pagkasarang pagkasara ng pinto ng unit ni Althea ay agad nang hot

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 92

    KUMUNOT ang noo ni Lucy dahil ilang traffic lights na ang nahintuan at nadaanan nila, halos dalawang oras at kalahati na silang nasa daan, pero bawat liko, bawat hinto, at bawat direksyon ay nakasunod pa din sa kanila ang Bentley.Ayaw naman niyang gisingin si Althea na mahimbing na natutulog ngayon, at dahil baka nag-oover think lang siya. She just kept looking at the rearview mirror at pinagdadasal na nagkataon lang na iisang daan lang talaga ang pupuntahan nila, at mamaya ay hihiwalay din ang Bentley.But thirty more minutes ay nakabuntot pa din ito at malapit na sila sa Sky Haven kung saan nakatira si Althea, kaya ngayon ay kumbinsido na si Lucy na sinusundan talaga sila nito. Hindi kaya nagpadala nanaman ng spy si Hendrix para sundan si Althea? Nang lumiko si Lucy para pumasok sa parking lot ng Sky Haven ay sumunod pa din ang sasakyan sa kanila. "Oh my god, Althea!" Sigaw ni Lucy.“Hm? We’re here?” Inaantok niyang tanong. She also rolled down the window to show her ID sa guards

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE   CHAPTER 91

    MALINAW na nabasa ni Giovanni na plinano nang lahat ito ni Althea nasa London palang sila. All that lovey-dovey at the plane is all an act. So he's been in a foul mood for nothing."Sir, tulungan natin si ms Althea." Ulit ni Arturo.Hindi kasing lakas ng loob ni Arturo si Oscar, but he can't let his friend stay there all alone at pinag-uusapan pa ng mga tao, kaya naman nakiusap na din siya sa boss nila na tulungan na nila ito."You two are making it sound like I'm some villain. Go get her.” Agad na nakahinga ng maluwag ang dalawa ng pumayag na si Giovanni. At bago pa man magbago ang isip nito ay agad na pinaandar ni Arturo ang sasakyan para umikot sa gawi ni Althea, pero naunahan naman sila ng isang puting Toyota Camry.Bumaba sa sasakyan ang isang babaeng nakasuot ng blue business suit at agad itong lumapit kay Althea. Walang may nakaimik sa kanilang tatlo sa loob ng Bentley dahil mukha namang hindi kaaway ni Althea ang babaeng bagong dating dahil nakangiti ito."WHY are you on a whe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status