Share

CHAPTER 2

Author: LOUISETTE
last update Last Updated: 2025-06-13 21:13:33

Alam ni Althea na nakita siya ni Hendrix, pero hindi pa din nito sinaway ang kasamang babae sa loob ng sasakyan at sa halip ay hinayaan lang ipulupot nito ang mga kamay sa leeg niya para yakapin siya.

Sa inis ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya at pinaharurot ang kotse niya palayo sa lugar na iyon.

Pagkarating niya sa bahay nila ay agad siyang dumiretso sa kwarto para magbihis, pero ilang minuto lang ay narinig niyang may sasakyang bagong dating. Nasa loob ng walk in closet si Althea nang maramdaman niya ang prisensya ng bagong dating sa likuran niya. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa paghubad sa suot niyang hikaw para ibalik sa glass cabinet na pinaglalagyan niya ng mga alahas niya.

Hendrix leaned his hand on the glass cabinet, kaya salubong ang mga kilay ni Althea nang lingunin ito.

"Galit ka ba?" Tanong nito sa kanya.

"Tumabi ka at baka anong magawa ko sayo!" Banta niya sa asawa.

"Gusto ng pamilya Mendoza na bumuo ng business partnership sa isa sa mga proyekto ng kompanya. Ilang buwan na rin simula ng umpisahan namin ni Robert, panganay at tagapagmana ng Mendoza Group of companies, at isa pa nitong kapatid na si Joseph Mendoza ang pag-uusap tungkol sa gaganaping deal. Ang babaeng kasama ko kanina ay nakababata nyang kapatid, si Iris Mendoza" Paliwanag ni Hendrix.

"At tapos ano? Kapag hindi mo inaliw ang kapatid nila, hindi nito itutuloy ang business deal nyong dalawa?" Sarkastikong saad ni Althea.

"Maayos kong ipinapaliwanag sayo ang mga bagay bagay, Althea!" Singhal ni Hendrix.

"Wala ka namang kailangang ipaliwanag eh. Pero Hendrix, kung ayaw mo na at pagod ka na sa akin, kaya ko namang magpaubaya kung gusto mo ng mag-uwi ng ibang babae dito sa bahay."

"Anong sabi mo?" Nagsalubong ang mga kilay nito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Althea.

"Ang sabi ko, we can file for an annulment." Hindi pa din inaalis ni Hendrix ang kamay niya sa glass cabinet, kaya sa halip na ibalik doon ang suot niyang hikaw ay itinulak nalang ito ni Althea palayo sa kanya, pero ng aktong lalampasan na niya ang asawa ay marahas na hinawakan ni Hendrix ang kamay niya at muling pinaharap sa kanya at binantaan siya.

"Hinding hindi mangyayari yan, kaya huwag mo na ulit babanggitin pa ang tungkol sa annulment!" Galit nitong sabi.

Hindi na sumagot pa si Althea, dahil tapos na. Nagawa na niya at pirmado na ni Hendrix ang mga dokyumentong pinapapirmahan ng ina nito. Buo na ang isipan ni Althea, ayaw na niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Even if he's against it, ay itutuloy niya ang annulment nilang dalawa.

Ang akala ni Althea ay mananatili sa tabi niya si Hendrix ngayong gabi, pero umalis din ito kinalaunan matapos makatanggap ng tawag mula sa isang malambing at umiiyak na boses ng babae.

Kinaumagahan ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang abugado at best friend at may kasama iyong screenshot. "Post ng girlfriend ng asawa mo." Pagbasa ni Althea bago pinindot ang picture. It's an overlooking view of a beautiful green scenery, at dalawang kamay forming a cute heart shape tulad sa ginagawa ng mga magkakasintahan. Agad na nakilala ni Althea ang kamay ng lalaki. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa caption kung saan nakalagay ang mga katagang 'Waiting for sunrise with my beloved'.

Kahit nagpasya na siyang hiwalayan si Hendrix ay para pa ring winasak ng pino ang puso niya nang mabasa ang caption.

Sa mga sumunod na araw ay hindi umuwi si Hendrix sa bahay nila, at kung nagkikita man sila sa trabaho ay hindi naman siya pinapansin nito. Kahit na ang sulyapan man lang siya ay hindi nito ginagawa, kaya naman hindi rin siya nagpakita ng kahit na anong interes sa asawa.

Nilunod ni Althea ang sarili sa trabaho, at kung may bakante man siyang oras ay naghahanap siya ng condo na malilipatan. Inumpisahan na rin niyang ibenta ang mga alahas na iniregalo sa kanya ni Hendrix, mula sa mga anniversary gifts, Valentine's day gift, birthday present, at maging ang wedding ring niya ay ibinenta nya na rin. Wala ng saysay para itago at ingatan pa ang mga ito dahil wala na siyang pakialam pa sa taong nagbigay ng mga ito sa kanya.

Kinagabihan ng araw na yun ay nakatanggap ng invitation si Althea mula sa isa sa mga kaibigan niya. Nagyayaya itong pumunta sila sa isang club. Wala sana siyang balak na sumama rito, lalo pa at 10 PM na, pero naisip ni Althea na malapit na siyang umalis sa poder ng mga Bonaventura, kailangan niyang makipagkaibigan and build a connection with others lalo na kung gusto din niyang nagtayo ng negosyo balang araw.

"Hindi mo na ako dapat sinundo pa. Kaya ko naman eh" Saway niya kay Hazel.

"Baka kasi mawala ka. Di ba hindi ka sanay na pumunta sa mga club?" Sagot nito at niyakap ang braso ni Althea.

Ngumiti nalang siya bilang tugon kasi totoo naman. First time niyang pumunta sa club na to. Sabay silang umakyat ni Hazel, pero pagkarating roon ay sa mesa kung saan walang masyadong nakaupo siya pinapwesto ng kaibigan. Ang totoo ay iisa lang ang taong nakaupo doon, medyo pamilyar rin ito kay Althea, mukhang girlfriend ito ng isa sa mga kaibigan ni Hendrix.

Wala siyang choice kundi ang umupo nalang, at inumin ang wine na ibinigay ni Hazel sa kanya.

Maya maya pa ay nakarinig ng malakas na tawanan si Althea sa katabi nilang lounge. Hindi niya lang makita kung sino ang mga ito dahil natatabunan ng malaking paso ang kinaroroonan nila. Nagulat nalang siya ng ang mga masasayang ingay ay napalitan ng bulungan patungkol sa kanya kaya naman pinakinggang mabuti ni Althea ang sinasabi ng mga ito.

"Guys, pansin nyo ba, hindi na sinasama ni Hendrix si Althea sa mga parties." Rinig nitong sabi ng isa.

"Syempre, mas cute at mas bata si Iris. Kahit saan magpunta si Hendrix ay kasama nya ito at tinuturing na parang prinsesa." Boses ni Hazel iyong narinig niya.

"Kahit gaano pa kaganda si Althea, siguradong nagsawa na si Hendrix sa kanya sa kama. Eight years na ba naman nya itong kasama."

"Sinayang lang niya ang oras at panahon niya kay Hendrix, in the end, ipinagpalit lang din sya nito. Kung tapos na si Hendrix sa kanya, pormahan ko na kaya si Althea? Kahit pinagsawaan na siya ni Hendrix ay sobrang ganda pa din talaga nito."

Nawala na sa mood na magsaya si Althea sa mga narinig niya. Lalong lalo na iyong dalawang huling nagsalita. Kilala niya ang boses ng mga iyon, mga kaibigan sila ni Hendrix, at akala mo ay sinong mga mababait kapag kaharap siya, tapos ay ganun pala ang tingin nila sa kanya? Isama pa si Hazel, she thought she's her friend.

Kahit na ang babaeng kasama niya sa table ay halatang nailang dahil sa mga narinig na sinasabi ng kabilang table patungkol sa kanya, kaya naman tumayo si Althea bitbit ang iniinom at lumapit sa kabilang lounge.

"Oh come on, eight years kong nakasama si Hendrix, kahit ako sawang sawa na sa kanya sa kama eh." Singit ni Althea sa pag-uusap ng mga barkada ng asawa niya.

Lahat sila ay natahimik sa bigla niyang pagsulpot, hindi alam ang gagawin, at halatang naiilang.

Pero ilang sandali pa ay nabakasan ni Althea ng pagkabalisa at takot ang ekspresyon ng mga taong nakatingin sa kanya. Their eyes would shift to her, at pagkatapos sa bandang likuran niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 161

    "How was your first day, Althea?" Tanong ni Arturo nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan."It was great." Masayang sagot ni Althea. Sa kabuoan ay naging okay naman ang lahat. She was able to meet the chairman, and ced her first meeting. Kung may hindi man umayon, it's probably the coffee incident kung saan nagalit si Ivy sa kanya. Hindi din alam ni Althea kung alam na ba ni Arturo ang tungkol sa pagdating ni Ivy, so she didn't mention it lalo pa at nariyan si Giovanni."Mabuti naman kung ganun. Nagluto ako ng marami, kaya sa penthouse ka na kumain. Let's celebrate your 1st day at work." Kaswal lang na pagyaya ni Arturo sa kanya, habang yung may-ari ng penthouse ay tahimik lang sa tabi ni Althea."Naku—""Okay lang naman di ba, sir? Mas masaya kumain kapag may kasabay ka." Tatanggi pa sana si Althea, kaso inunahan naman siya ni Arturo.Sa isip ni Althea ay wala na siyang rason para makikain pa sa bahay ni Giovanni. That only happened because she was injured at dahil sa biglang pag

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 160

    Nang may natira sa lunch break nila Althea ay tinuruan pa siya ni Oscar ng mga dapat niyang gawin. It wasn't complicated stuff, just the basics, and mostly paghahati nila ng trabaho ni Oscar.During the 2:30 PM meeting, hinayaan siya ni Oscar na gawin ang majority ng mga preparations as her first real task. Althea sends the notice to the departments na kasama sa meeting, and prepared the materials for the executives. She even made them coffees at hinandle din niya ang slides na ipepresent ng magrereport. She was able to familiarize herself sa magiging flow ng meeting even on a short notice. Everything went smoothly, and the chairman and CEO was so satisfied with the presentation dahil walang may nagkamali. "Good job!" Pabulong na sabi sa kanya ni Oscar.Pabalik na sila ngayon sa 12th floor from the conference room. Pumasok na si Althea sa opisina niya, at si Oscar naman pinatawag ni Giovanni sa opisina nito.She immediately checked her schedule at wala na siyang gagawin.Naiclear na

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 159

    "Alright. I understand. Basta yung promise mo!" Paalala naman ni Iris sa kuya niya. "Mas okay na makita ako ni Hendrix in an unstable state para maawa siya sa akin." Ngumiti nalang si Joseph sa dinugtong na iyon ng kapatid niya para matapos na ang pag-uusap nila. After Joseph's visit ay sa kwarto na niya siya nagpahatid. At nang iwan na nga siya ng nursing assistant sa kwarto niya ay agad na nilabas ni Iris ang maliit na bote na naglalaman ng gamot at ininom ang laman niyon. In just a few minutes, the hallucinogen is already taking effect. Pero habang hindi pa ito tuluyang umeepekto ang gamot at may natitira pa siyang kontrol sa katinuan niya ay umarte siyang tumatawa at sunod ay nagwawala para mas kapanipaniwala kapag narinig siya ng isa sa mga batantay, at isipin nitong inaatake siya. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakasunod sa kanya si Dr. Lopez. At ang nursing assistant na naghatid kay Iris ay nasuhulan na nito na huwag ilock ang pinto ng kwarto ni Iris. Maya-maya pa

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 158

    Nakatanaw si Dr. Serano mula sa glass wall ng recreational room at nakatingin sa isang pasyente na dinala dito noong nakaraang araw lang."Ginawa nyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Dr. Serano sa head psychiatrist ng Hope Psychiatric Care Center, isang private psychiatric ward kung saan dinala si Iris Mendoza."Yes, Dr. Serano. At tama po kayo. Chineck nga namin ang kwarto niya at may nakita kaming bote ng hallucinogens. Nagbabaliw-baliwan nga lang talaga ang Iris Mendoza na yan para takasan ang mga kasalanan niya." Sagot ni Dr. Lopez. "Pero tulad po sa inutos ninyo, pinalitan namin ng mas mataas na uri ng hallucinogens ang nakatago sa kwarto niya." Dagdag na bulong nito."Good. I know I can always count on you, Dr. Lopez." Dating estudyante ni Dr. Serano ang kausap kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng mauutusan ng tawagan siya ng abogado ni Giovanni noong nakaraang araw."Wala po yun, alam nyo namang kayo ang paborito kong professor. At isa pa, nakakainis na ginagawa tayong la

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 157

    "I-I'm sorry!" Agad niyang sabi ng maabutan niya si Giovanni at Ivy na magkayakap. "Stop." Pagpigil sa kanya ng boss niya dahil lalabas na sana ulit siya. "Don't you know how to knock!" Agad namang bulyaw ni Ivy kay Althea. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang maistorbo ang—" Hindi alam ni Althea ang idudugtong niya. Hindi naman kasi niya alam na maghaharutan ang dalawa sa loob ng CEO office. At dahil nga nagmamadali siya, she forgot to knock. Sa isip din niya ay baka nasa office pa ng chairman si Giovanni at umalis naman na si Ivy. "Is there something you need?" Tanong sa kanya ni Giovanni. "I'm just here to deliver your coffee, sir." Sagot ni Althea at hindi makatingin ng diretso rito. "Then bring it here." Utos ni Giovanni. Agad namang sinamaan ni Ivy ng tingin si Giovanni. She already made him coffee, kaya bakit niya ito inuutusang dalhan siya ng kape? "But I already made you some." Hindi napigilan ni Ivy na magreklamo. "Get this and get out of my office." Itinulak ni

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 156

    NANG HILAHIN siya ni Oscar palabas ng opisina ni Giovanni ay agad siya nitong inorient. Oscar helped her with the onboarding paperwork, gave her the access card she needed, and walked her through the company, introducing the different departments and the executive floors since she would inevitably have to deal with them in the future. Agad na kumalat ang balita ng pagdating ni Althea. People already heard about what happened in the London branch, pero hindi kompleto ang detalye ng chismis na nakalap nila. Pero alam na alam nila ang tungkol sa detalye ng pagkakakilanlan ni Althea rito sa Pilipinas because rumors had spread before that the CEO had finally recruited a secretary he was very satisfied with, at dahil curious sila sa kung sino ang napili ng napakastrikto nilang boss ay agad silang nag-imbestiga at nalaman nila na ito ay walang iba kundi ang dating project manager ng Buenaventura group of companies. Alam din ng mga ito na girlfriend siya ng CEO ng Buenaventura group. After

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status