Share

Chapter One

F l a s h b a c k

u n k n o w n ( V i l l a i n  X )

“Dalawa pang taon. Nasa kalahati na ako ng apat na taong kulungan na ito na tinatawag nilang high school,” paulit-ulit kong sabi habang papasok sa may pintuan.

Nagpalinga-linga ako sa puno na cafeteria. Lunch break na ngayon sa buong eskuwelahan kaya lahat ng mga upuan ay okupado na. Wala akong gana para kumain ng tanghalian, not after the devastating news I’d received this morning.

Pero kung may isang bagay man akong natututnan sa high school, iyon ay ang hindi pagpapakita ng iyong tunay na nararamdaman. Kahit naman anong gawin mo, palagi ka pa ring huhusgahan ng mga tao. Kapag kinuwento mo sa kanila kung ano ang hirap na pinadadaanan mo, iisipin nil ana mahina ka at gagamitin ito laban sa ‘yo. Araw-araw, may tao akong nakikitang nabu-bully, hell, even I have been bullied during elementary school—mga panahon kung kalian ang lahat ay may magandang lunch box at naka-paper bag lang ako. Dinuro-duro nila ako at tinawag ng kung anu-ano.

A voice interrupted my mind and I turned to see who had just called me. “Uy, halika, dito ka na umupo!” Isang red-haired girl na nakasuot ng cheerleader uniform ang kumaway sa akin. Ang alam ko, Cassandra ang pangalan niya at siya ang head cheerleader. Madalas, hindi ako nakikipaghalubilo sa mga cheerleaders dahil hindi naman sila nakikipagkaibigan sa iba maliban sa mga miyembro ng football team. Pero sa espesyal na araw na ito kung kalian pakiramdam nila ay kailangan nilang magbigay ng charity sa pamamagitan ng pagyaya sa ibang estudyante, inimbitahan nila ako na umupo kasama nila.

I blinked back my tears and told myself the fact that the doctor found a tumor in my mother’s brain yesterday didn’t hurt. Ngumiti ako nang malaki at naglakad papunta sa lamesa nila.

Iilang lamesa na lang ang layo ko nang may mapansing apat na piguro. Just like me, they were walking towards Cassandra. For a minute, nanatili akong tulala habang pinapanood silang maglakad. Napaka-confident nila. Para bang kaya nilang i-break down ang lahat ng walls para mabigyan sila ng daraanan.

Autumn, Jess, Norma, and Mey. Those were their names. They’ve been friends for as long as I could remember. Kung mayroon man ako gusto na higot pa sa kailangan kong pera para sa treatment ni Mama, iyon ay ang mayroon sila: real friendship.

Pagdating ko sa lamesa ni Cassandra, nandoon na si Autumn. Ilalapag pa lang niya ang tray na hawak sa tabi ng tray ni Cassandra nang lumingon siya sa akin at ngumiti. Her smile was apologetic as she lifted her tray again. “Are you going to sit here? I’m sorry, hindi ko alam. Hahanap na lang ako ng ibang table.”

Sasabihin ko sana na sa kanya na lang ang upuan ko dahil wala naman akong ganang kumain, pero naunahan na ako ni Cassandra. She stood and held Autumn’s tray. “Don’t be silly. You’re sitting here.” Kinuha niya ang tray ni Autumn at ibinalik sa lamesa. Turning around, she raised her eyebrows and put both hands on her hips as she looked down at me with a fake smile on her face. "You, however, bahala ka maghanap ng sarili mong upuan."

       What the hell?!

Anger boiled inside me. She was the one who called me to join them in the first place for god sake.

Mukha namang hindi nagustuhan ni Autumn ang inasal ni Cassandra. She crossed her arms and frowned. “Don’t be rude, Cass.”

"Fine," said the redhead cheerleader as she pressed her lips and faked another smile. "You can sit with us tomorrow. Okay, sweetie." There was no mistake that by that she meant otherwise.

Tumingin sa kanya si Autumn, still not satisfied with her response, pero I merely shrugged my shoulders na parang hindi big deal ang nangyari at umalis. I found an empty seat in the corner of the room. May babaeng nakaupo roon nang mag-isa. Hindi maituturing na first class ang corner tables at walang gusting umupo roon dahil nasa dulo na ito ng cafeteria at malapit sa cleaning station.

Habang palapit ako, napansin ko na hindi man lang niya nagagalaw pa ang pagkain sa tray niya. I let out a sigh. Baka hindi rin maganda ang araw niya gaya ko.

“May nakaupo na ba dito?” mahinahon na tanong ko sa kanya. Kung may nakaupo na rito, itatapon ko na lang siguro ang pagkain ko sa cleaning station at hindi na kakain.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at doon ko napansin na umiiyak siya. I quickly put down my tray on the table and took the seat beside her. “Hey, anong problema? Okay ka lang ba?”

A weak smile appeared on her face. "I don't know."

"Tell me what's wrong. Maybe I could help." I reached for her hand and gave it a gentle squeeze.

She shook her head. "I don't think anyone can help." She pressed her lips tightly as she tried her best not to fall apart.

“Sino bang nagsabi na anyone lang ako?” Ngumiti ako. “Kaibigan mo na ako. May pakiramdam ako na magiging best of friends tayo.”

This time, ngumiti siya sa akin and I took it as a good sign. “Hindi mo nga alam ang pangalan ko.”

"Well, then tell me. Sabihin mo rin sa akin kung sinong nagpaiyak sa ‘yo dahil sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila ang ginawa nila.”

Pumunta ang bago kong kaibigan sa banyo at naiwan naman akong nagpa-plano ng paghihiganti namin nang mapansin ko ang Canadian nerd dalawang lamesa mula sa amin. Katabi ng tray niya, nakatutok siya sa nakabuklat niyang libro. Kahit nakaupo nasa cafeteria siya, alam ko na lumilipad ang utak niya sa ibang lugar. Sa sobrang pagkaabala niya sa sariling mundo, hindi niya man lang napansin na nakatitig ako sa kanya.

I looked at the tables in the center where the jocks and cheerleaders were at and noticed a blonde guy sitting on the jocks' table. Hindi gaya ng iba, hindi siya tumatawa sa mga joke ng kasama niya o nakikisali. Kumakain lang siya ng burger, minding his own business. Every few seconds, lilingon siya sa lamesa ng mga cheerleaders. Noong una, akala ko may crush siya sa isa sa kanila, pero noong mas tintigan ko siya, doon ko napansin na hindi siya nakatingin sa mga cheerleaders kundi kay Autumn Summers. Kahit noong tumayo si Autumn at pumunta sa guwapong quarterback na si Luke, nanatili pa rin ang mata niya sa kanya. Kahit kausap n ani Autumn si Luke, nakatingin pa rin siya.

Geez, what a creep.

I let my eyes wander again. May isang blonde na estudyante ang tingin nang tingin sa mga popular kids, isang teacher na nakayuko dahil walang may gusto sa kanya, at isang estudyanteng lalaki who didn’t seem to fit in.

Bumalik ang kaibigan ko with an apologetic smile. “Sorry, mahaba ang pila sa banyo.” Tiningnan niya ang pagkain kong hindi man lang nagalaw. “Tapos ka na?”

Tumango ako. “Yeah, tara na.” Kinuha ko ang tray naming at dinala sa cleaning station. Habang naglalakad kami, naisip ko na kung ano ang dapat naming gawin. “Alam mo, hindi naman kailangan na tayo ang gumawa ng lahat ng dirty works, e.”

She looked at me with a quizzical brow. "Anong ibig mong sabihin?"

"We can have minions. A lot of them. Just like Gru, we can make them do the dirty works while we sit tight and watch the world burn."

Natahimik siyang saglit and I thought she might want to call the whole thing off. Noong magsasalita na ako, she asked, "how to find our minions? I doubt na may gustong gumawa nito para sa atin. Hindi naman tayo popular kids."

“Honey, kung mayroon man akong natutunan, iyon ay ang walang nagtratrabaho nang libre. But when they do, they work for the cause. Dapat alam lang natin kung ano ang gusto nilang kapalit. And maybe, makakahanap din tayo ng mga tao who want to destroy them as much as we do.”

She giggled. "You sounded like a mastermind." A mischievous smile appeared on her face. "May kilala ka ba na puwede?”

Tumango ako. “I think I do.”

Sino sa tingin niyo ang misteryosong si Villain X? Read on to find out c:

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

A U T U M N 

"NO. THERE IS NO WAY IN HELL I'M GOING TO DO THAT," said my innocent fourteen-years old self. Hindi ko alam kung paanong nabaliktad ang sitwasyon. One minute, pinapagalitan ko siya sa pagiging cheater niya, but the next minute, parang naging salesman siya na binanggit lahat ng dahilan kung bakit dapat na mag-cheat din ako at pumasok sa isang open relationship.

Inikot ni Kuya, o Big Dumb Dodo Steven ang brown niyang mga mata. “Believe me, Autumn. The shit is so good. Mayroon kang amazing boyfriend na naiintindihan ka better than no one else. On the other hand, mayroon kang amazing sex life kasama ang isang tao na mas kilala ka pagdating sa kama.” Kung hindi lang siya sobrang tangkad, malamang sinuntok ko na ang guwapo niyang mukha.

“Kadiri pa rin iyon.” I made a face at him nang maalala ko lahat ng mga babaeng patago niyang inakyat kuwarto niya. Sa dami, akala siguro ng mga kapitbahay naming ay may negosyo na kaming brothel. Wala namang pakialam si Mama at Papa. At bilang kilala ko si Steven, pupusta ako ng one hundred Dollars na wala rin siyang pakialam. Ako na lang ata ang matino sa pamilyang ito.

Pinanood ko ang pag-ikot ulit ng mga mata niya at hiniling na sana gumulong sila ng sobrang layo sa ulo niya at hindi na makabalik. “Alam mo kung ano ‘yong kadiri?” Lumapit siya sa akin at inilagay ang kanang kamay sa kaliwa kong balikat. “Si Mama at si Papa. At alam mo kung bakit ‘yon nangayri? Kasi pareho silang hindi satisfied sa sex life nila.” Ngumisi siya sa akin and gave me a pointed look.

Deep down, alam ko naman na may punto si Steven. Kung paanong naging anak kami ni Mama at Papa ay misteryo pa rin sa akin, lalo na’t hindi naman sila affectionate sa isa’t isa. Pero, there was no way in hell na aaminin ko iyon sa kanya. Kuya ko pa rin siya after all, at ang trabaho ko bilang little sister niya ay inisin siya ng sobra hanggang sa masabunutan niya ang sarili. Bukod pa doon, hindi ko nature ang sumuko.

“Kadiri pa rin.” I shrugged and raised one brow, trying to look down on him which was quite difficult considering the difference in our height.

Steven snorted. "Yeah, right." Smiling as if he could predict the future, he added, "we'll see, Lil Sis. Tingnan natin kapag hindi ka na fourteen at bahagi na ang sex ng buhay mo.”

Parang bata na binelatan ko lang siya at tumakbo.

Little did I know that my brother was a foreteller. Kakainin ko lang pala lahat ng sinabi ko. A hypocrite. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status