Share

THE BATTERED WIFE (TAGLISH)
THE BATTERED WIFE (TAGLISH)
Author: Binibining Tan

CHAPTER 1

HILLARY'S POV

I'll make you mine again, Juanito.

Nakangiti kong pinagmasdan sa screen ng telebisyong na sa harapan ang pagmumukha ng lalaking pinangakuan ko noon ng walang hanggang pag-ibig. Tanga lang talaga ako para pakawalan ang ka tulad niya.

Akin ka dati kaya gagawin ko ang lahat ma pa sa akin ka lang ulit.

Desperada na kung desperada pero anong magagawa ko e mahal ko.

"Hoy gaga, nabalitaan mo na ba?"

Mabilis ang kilos na pinatay ko ang T.V at hinarap ang kaibigan.

"Ang alin?" Isa-isa kong niligpit ang mga gamit na nagkalat sa mesa at nilagay lahat ng iyon sa loob ng aking gucci brand bag. I am not really into material things, basta dala ko lang sa loob ng bag ang necessary and needs ko. 

"Your ex is back," ani nito.

Binalingan ko si Cassandra. Kaibigan ko siya simula noong high school pa lang kami kaya alam na namin ang baho ng isa't-isa, not to mention that we're actually cousins.

She is wearing her simple white teen-age dress. She is a cosmetic endorser na hindi na nakakapagtakang mangyari dahil sa natural na makinis at maputi ang mukha at katawan nito.

"I know. Common Cass, alam kong alam mo rin na iyan ang tumatakbo sa utak ko this past few days," patay malisya kong wika bago binalik ang atensyon sa mesa nang marinig ang mahinang halakhak ng kaibigan.

"Yeah yeah yeah... basta kapag kailangan mo ng resbak nandito lang ako. So anong plano mo---," hindi pa natatapos ni Cassandra ang sasabihin nang may kumatok sa backstage na pinalalagian namin at pumasok ang isang staff ng team. 

I am working as a model along with Cassandra pero nag mo-model lang siya kapag gusto o trip niya lang while me is a full time paid model since this is what I want from the very start.

"Ma'am Hillary, pinapa-abot po sa inyo," magalang na sambit nito sabay abot sa akin ang isang kumpol ng pulang rosas.

Inamoy ko ito at napangiti nang masinghot ang natural na bango ng mga pulang bulaklak. 

Napakunot naman ang noo ko nang mahagip ng mata ang isang maliit na peraso ng papel. Kinuha ko ito kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso. I froze when I read the hand written letter.

Let's meet tonight at 7:00 PM sa dating apartment. I hope you won't disappoint me this time, Alejandrona.

-JF

Mabilis ang tibok ng puso ko habang paulit-ulit na binasa ang na sa sulat. 

Juanito Gabriel Fernandez...

Wala na akong ibang maisip na puwedeng maging sender ng sulat at bulaklak. Ayaw ko man mag-expect at mag-assume pero iba naman ang sinisigaw ng puso ko. I am eager to have his attention again at alam kung na bu-buhay na naman ang pag-asa sa buo kong pagkatao. At kung sa kanya man talaga galing itong sulat, I am glad and would never waste this opportunity. 

Nilingon ko si Cass na binabasa na rin ang nakasulat sa papel. Tinapik niya ang likuran ko at ngumiti habang umiiling-iling.

"Matanda ka na, alam mo na 'yang ginagawa mo." 

I rolled my eyes on her and smirked.

"Basta lagi mo lang tandaan na bukas 24/7 ang bar ni kuya Max. Kumatok ka lang kapag nagising ka isang araw at na realize mo na hindi ka na niya mahal. Bakante ang maganda kong braso para iyakan, Hillary." She walks towards the backstage's exit and left me hanging. 

Well, hindi ko alam kung ano man ang binabalak mo, Juanito. Pero wala na akong pakialam basta babawiin kita. 

Mark that.

-

Pinagmasdan ko ang kabuohan ng dating apartment. Medyo madilim na ngunit kitang-kita pa rin ang kalumaan nito.

Napansin kong naka-awang ang pintuan kaya dahan-dahan ko itong tinulak at pumasok sa loob. 

Kinuha ko ang selpon mula sa bulsa at agad na binuksan ang flashlight para magkaroon ng kahit kunting liwanag. 

I walk slowly until I reached the side wall. And there... I saw a picture frame kung saan nakalagay ang maliit na larawan namin ni Juanito. 

Kuha iyon mula sa kamera ng kaibigan namin noong college. We are both smiling happily while eating a red velvet cake. Naka-akbay ang isa niyang braso sa likuran ko habang nakapulupot naman ang akin sa kaniyang baywang.

Napangiti ako nang maalala kung gaano kami ka saya noon. Kung gaano namin pinangarap na makapagtapos at makapag-ipong pareho para sa kinabukasan. 

It was all planned...until that day came.

Mapait akong napangiti at binitiwan ang picture frame. 

It was our apartment. Binili namin ito gamit ang sariling pera. Juanito was a former personal assistant of our Mayor back then. Nag-aaral siya habang nag ta-trabaho para makatulong sa pamilya kaya nga hangang-hanga ako sa kaniya. 

He is the best description of an ideal man for me.

Mahirap man ang buhay, gagawin ang lahat para lang maka-ahon. Habang ako naman noon ay nag-umpisa nang pumasok sa pag mo-modelo kaya hindi na ako mas'yadong umaasa sa pera ng mga magulang ko noon.

We both decided to live together. 

But life is truely unfair. 

We broke up at binenta itong bahay.

Kung bakit nandito pa ang larawan namin na ito, hindi ko rin alam ang sagot.

Huminga na lang ako nang malalim at saka napagpasiyahang tumambay muna sa labas para hintayin ang binata. Pero lumipas ang isang oras at hindi ito sumipot.

Inis kong tinignan ang relong na sa bisig. Anong oras na at kanina pa ako nandito sa labas ng dati naming apartment. Hindi na yata 'to ni re-rentahan kasi wala ng ilaw maliban na lang sa mga bumbilyang nakapaskil sa mga poste.

Sobrang dami kong ala-ala sa lugar na ito. The young independent me who was brave enough to spend her life with the man she thought her forever.

Tumawa ako ng mapakla at tumayo mula sa pagkakaupo sa isang tabi habang winawaksi ang mga lamok. Kanina pa ako nag hi-hintay dito sa labas. Ang skwerte na nga masyado ng mga lamok para matikman ako.

Akmang aalis na lang nang may humintong sasakayan sa harapan ko. It's a ferrari 458 Italian car. Napako ako sa kinatatayuan nang lumabas ang lalaking hindi ko lubos maisip na makikita kong muli.

"Wow. Grabe sana hindi ka na lang nag-abalang pumunta," sarkastiko kong salubong sa lalaking kabababa lang mula sa pula nitong kotse. 

Black slacks, white long sleeves na tinupi lang hanggang siko na sobrang hapit sa matitipuno nitong mga braso. His short and neat hair suits his manly sex appeal.

Jusko naman, sinusubukan talaga ang pagkababae ko. 

"Isang oras ka nga lang naghintay, nag re-reklamo ka na. Ako nga ilang taon kitang hinintay, may narinig ka ba mula sa akin?"

His brown eyes directly staring at mine. Madilim ang aura nito, umiigting ang panga pero agad rin namang naging seryoso. I don't know pero parang natakot ako at kinilabutan. 

"A-ano ibig mong sabihin ha---" Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin dahil hindi ako maka-focus dahil sa titig nito. Para akong mahihimatay sa kinatatayuan nang bigla itong lumapit at ngumisi.

"Forget about it. Nandito lang ako para iabot 'to sa iyo, Ms. Alejandrona." 

He handed me the brown folder that he's holding ngunit hindi ko ito tinanggap. I'm just staring at his face, ang mukha ng lalaking nasabi kong akin noon. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko iyon nagawa, kung bakit ang gaga ko para pakawalan ang lalaking kaharap at kung bakit ako naging duwag. 

I still love him, I still do. Hindi ko iyon maitatanggi gaya ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayon.

"Back to your senses, Ms. Huwag mo naman masyadong ipahalata ang pagnanasa mo," he said confidently pero wala kong pakialam.

Gusto ko siyang halikan kaya lumapit ako at agad kinapa ang magkabilang pisnge ng binata. Akmang hahalikan na ito nang tinulak niya ako ng malakas. 

"What the fvck?" 

Parang diring-diri itong tumingin sa akin. It hurts, hindi ang paa ko mula sa pagkakatulak niya pero dahil sa malakas nitong pag-sigaw na puno ng pandidiri.

"J-Juanito---"

"Stop right there! For fucking sake Hillary Alejandrona, gan'yan ka na ba ka uhaw sa halik? Then go kiss and fvck other man huwag lang ako. Nakakadiri ka," madiin nitong wika at hinagis sa harapan ko ang folder.

"Read it. Nand'yan ang contact number ng sekretarya ko. Tawagan mo nalang kung nakapag desisyon ka na." Umiiling-iling itong tumalikod.

Hindi ako na ka galaw at tinitigan lang siyang pumasok sa kotse at humarurot paalis. Pinulot ko ang folder at binasa ang nakasulat sa loob. 

Is this fvcking serious?

-

"What the heck? Ano? Pumayag ka?!" Nilayo ko nang bahagya ang telepono mula sa tainga at hindi na pinansin pa ang hesterikal na boses ni Cassandra sa kabilang linya. 

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. I am now staring at the whole City mula sa bintana ng condo ko habang hawak ang folder na binigay ni Juanito.

It's an agreement.

Magpapakasal ako sa kanya kapalit ng bahay at lupa naming na ka pangalan na sa kanya ngayon. It was our mansion many years ago. Doon ako lumaki kasama ang buong pamilya pero binenta iyon ni Daddy in order to save the company itself. 

Sa totoo lang, wala naman na akong pakialam sa bahay na 'yon dahil masaya na ako at saka kami nila Dad at Mom sa kung anong meron kami ngayon. We overcome the obstacles years ago sa tulong na rin ng iba pa naming kamag-anak. Iniisip siguro ni Juanito na mahalaga pa iyon sa akin para maging pain para mapapayag akong ikasal kami for whatever his reason.

Nakalagay din sa kontrata na kapag kinasal kami ay magkakaroon siya ng karapatan sa kompanya namin. Hindi naman mapagkakailang malaking benipisyo ang makukuha namin sa isa't-isa kung magsasanib ang Alejandrona at ang Fernandez Group of Company. Pero sa lahat ng iyon, wala na akong pakialam. Mahal ko siya, kaya kung ang pag pa-pakasal ang tanging paraan para makuha ko ulit ang loob niya... then I'll take the risk.

"Kilala mo ang buo kong pagkatao, Cassandra. Kaya ano sa tingin mo ang magiging desisyon ko?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na ito nakapagsalita so I just laughed and ended the call. Agad naman akong naghubad at pumasok sa loob ng comfort room ng condo para maligo. 

I closed my eyes as the water coming from the shower runs all over my head to my toes. I turned the faucet off and stared at my reflection in the mirror.

Pinagmasdan ko ang sarili at nagpakawala nang malalim na buntong hininga. I really did not expect to have this kind of life. Hindi ko na alam ang tamang gagawin pero isa lang ang tumatakbo sa isipan ko.

And that is to have him.

I smiled confidently and pulled myself together. I took a bath and decided to wear a red dior dress na haggang hita lang ang haba at 6 inch stilettos. I fixed my hair into messy bun style and let some strands of my hair fell in both sides of my face. 

Taas noo akong naglakad pababa ng condo at dumeretso sa parking lot ng building. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito patungo sa kompanya ni Juanito. 

"I am Hillary Biatrice Alejandrona — a high paid international model wants you back in my life, sweetheart. Wait for it."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status