Aleya Pov
"Ano? Magiging bodyguard ako ng playboy na si Enrique Villareal? No way!" malakas na pagtutol ang namutawi sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Ninong Zandro. Ipinatawag niya ako sa opisina niya dahil may importanteng mission daw siyang ibibigay sa akin kaya dali-dali naman akong nagpunta sa opisina niya para lamang malaman ko na ang mission na tinutukoy ni Ninong ay ang pagiging bodyguard pala ni Enrique Villareal.Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Enrique Villareal na anak ng isang makapangyarihan at matinong pulitiko na si Senador Erman Villareal? Si Enrique ay ang black sheep at panganay na anak ng senador sa isang kilalang beauty queen. Hindi lamang ito kilala bilang anak ng pulitikong ama nito kundi kilala rin ito bilang easy-go-lucky at playboy. Para lamang itong nagbibihis ng damit kung magpalit ng nobya. Ngunit nakapagtataka na walang babaeng naghahabol dito at nagsasabing nabuntis nito o babaeng ayaw makipagkalas dito. Siguro ay tinatapalan nito ng salapi ang mga nagiging nobya nito kaya lahat sila ay tumatahimik.Hate ko ang mga lalaking katulad ni Enrique na walang ginawa kundi ang makipaglaro sa mga babae. Ito ang panganay na anak ngunit umaakto ito na parang bunso. Sa halip na tumulong sa ama nito sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo ay puro pambababae at pagpapasarap lamang sa buhay ang ginagawa nito. Napaka-iresponsableng anak."C'mon, Aleya. This is work. Huwag mong isama sa trabaho ang iyong personal feelings, okay?" sermon sa akin ni Ninong Zandro, ang Police Director ng aming siyudad. Matalik na kaibigan siya ng daddy ko na isang retired general at sa kanya ako ipinagbilin ni Daddy bago sila nag-migrate sa ibang bansa kasama si Mommy at ang nakababata kong kapatid na si Aika."Ninong, hindi ko isinasama ang aking personal feelings sa trabaho ko. Ayoko lang talaga na maging bodyguard ni Enri—""Lieutenant Aleya Magdiwang, nasa loob ka ng opisina ko so address me properly!" malakas ang boses na wika ni Ninong. Galit na siya kaya bigla akong tumahimik. Pangalawang ama ang turing ko kay Ninong at nirerespeto ko siya kaya hindi na ako nakipagtalo pa. "Alam ko na dahil playboy si Enrique kaya ayaw mo na maging bodyguard niya. Dahil nagkaroon ka ng hindi magandang karanasan sa playboy mong ex-boyfriend, hindi ba?"Tama si Ninong. Dahil katulad ng ex-boyfriend kong si Castor si Enrique na sobrang playboy kaya ayoko na maging bodyguard niya. Ngunit kung hindi ko tatanggapin ang trabahong ito ay hindi lamang magagalit sa akin si Ninong kundi mapapatunayan din ni Ninong na tama ang sinabi niya na dinadala ko sa trabaho ang aking personal feelings. Lalabas na wala akong professionalism kapag tinanggihan ko ang trabaho na ito. Nakakainis. Kasalanan ito ni Castor.Castor Santiago is my ex-boyfriend. Naging boyfriend ko siya ng isang taon. Sa una ay okay ang aming relasyon ngunit nang naglaon ay doon na lumabas ang tunay niyang ugali. Hindi lang ito babaero kundi basagulero pa. Lagi itong napapaaway sa mga club o party na pinupuntahan nito. At hindi lang isang beses ko siyang nahuli na may kalampungan na ibang babae na palagi naman niyang sinasagot ng "wala iyon" "fling" at "pampalipas oras" lamang daw niya ang mga babaeng iyon. Sa mga babaeng iyon daw nito napupunan ang kakulangan ko bilang girlfriend nito. At ang tinutukoy niyang kakulangan ko bilang girlfriend ay iyong hindi ko pagpayag na makipagtalik sa kanya. Simpleng halik at yakap lamang ang pinapayagan ko na gawin namin ni Castor noon at kapag nararamdaman ko na gusto niyang mas humigit pa sa ginagawa namin ang gusto niyang mangyari ay agad ko na siyang sinasaway. Iyon daw ang dahilan nito kung bakit nito nagawang mambabae sa kabila ng pagkakaroon nito ng nobya.Hindi ko matanggap ang dahilan niyang ito dahil para sa akin kung totoong mahal ng isang lalaki ang nobya nito ay kaya nitong maghintay hanggang sa ready na ang babae na kusang ibigay niya ang kanyang sarili. Hindi iyong maghahanap ng sarap sa piling ng ibang babae. At hindi lang isa kundi higit pa sa isang babae. Si Enrique Villareal kaya? Ganoon din ba ang reason kung bakit ito naging palikero o hindi lang talaga ito makuntento sa iisang babae?"Sorry po, Sir," nakayukong paumanhin ko sa kanya. Wala akong choice kundi tanggapin na lang ang trabahong ito."So, tinatanggap mo na ang trabahong ito?" paninigurong tanong sa akin ni Ninong."Yes, Sir!" malakas ang boses na sagot ko. Ipopokus ko ns lamang ang aking isip sa aking trabaho ko bilang bodyguard ni Enrique at hindi ko na lamang papansinin kung marami akong makita na mga babae nito. Wala akong pakialam sa personal niyang buhay. Ito ang dapat kong itatak sa aking isip kapag naging bodyguard na niya ako."Good!" nasisiyahang wika ni Ninong. May kinuha itong folder sa gilid ng mesa at pagkatapos ay ibinigay sa akin. "Iyan ang details ni Enrique. Pag-aralan mo ng mabuti. At uunahan na kita, Aleya. Hindi madali ang pagbabantay sa kanya dahil lahat ng mga nagiging bodyguard niya ay natatakasan niya kaya dapat maging alisto ka palagi.""Yes, Sir," mariin kong sagot. Hindi lang pala babaero ang Enrique na ito kundi sakit din pala sa ulo ng mga naging bodyguard niya. Kapag masyado niyang pinasakit ang ulo ko ay makakatikim siya ng mabigat at malakas kong kamao.Pagkatapos kong tanggapin ang folder na naglalaman ng details ni Enrique ay agad na akong lumabas sa opisina ni Ninong at sumakay sa aking kotse. Saglit na binuksan ko ang folder at tiningnan ang full body picture ni Enrique na nasa loob ng folder. Napaismid ako nang makita ang maganda niyang pagkakangiti. May killer smile ito na nakakaakit sa mga kababaihan. Guwapo ito sa salitang guwapo. Sa totoo lang ay mas guwapo pa ito kaysa sa ibang mga local actors sa bansa. Ngunit ang kaguwapuhan niyang taglay ay walang epekto sa akin. Inis lamang ang tanging nararamdaman ko sa kanya. Naiiling na basta ko na lamang initsa sa katabing upuan ang folder at pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking kotse't minaniobra palayo sa police station.Bumagal ang ang patakbo ko sa aking kotse hanggang sa tuluyang kong ihininto dahil may mga tumatawid na kabataan sa tawiran. Hindi pa nakakatatlong segundo na nakahinto ang kotse ko nang magulat ako dahil bigla na lamang may bumundol sa likurang bumper ng aking kotse."Damn it!" malakas akong napamura at naihampas ko ang dalawa kong kamay sa manibela nang makita ko ang isang pulang kotse sa likuran ng aking kotse. Tumaas ang kilay ko nang makita kong lumabas ang isang maganda at sexy na babae mula sa driver's seat at sa katapat na pintuan naman ay lumabas ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ng maaga. "Hindi pa nga ako nagtatrabaho sa kanya ay minamalas na agad ako. Ano pa kaya kung bodyguard na niya ako?" himutok ko bago ako lumabas sa kotse ko para harapin ang babaeng dumadakdak na. Napaka-palengkera naman ng kanyang girlfriend."Ikaw ba ang driver ng kotseng ito na bigla na lamang huminto sa harapan ko?" nakapamaywang na tanong sa akin ng babae habang nandidilat ang mga mata. Nakaka-intimidate ang katarayan nito at kung naibang babae lamang ang kaharap nito ay tiyak na magso-sorry kahit na ang babaeng kaharap naman ang may kasalanan."Bakit? May nakikita ka bang ibang tao na lumabas sa kotse maliban sa akin?" palaban kong sagot sa babae pagkatapos ay inalis ko ang suot kong sunglasses. Narinig ko ang mahinang pagsipol ni Enrique Villareal na siyang kasama ng babaeng mataray nang lumapit sa kotse ko. Tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaki at inirapan ito. Sa halip na ma-offend sa ginawa kong pag-irap ay isang nakakalokong ngisi lamang ang iginanti niya sa akin."Aba't may gana ka pang mamilosopo matapos mong banggain ang aking kotse?" galit na sita sa akin ng babae. Tila mas lalo itong naging mataray nang makita ang ginawa ng kasama nito na malamang ay boyfriend nito. Hula ko ay bagong girlfriend ni Enrique ang babaeng ito na kung makaasta ay parang anak siya ng presidente ng bansa."Excuse me? Kanino bang kotse ang nasa likuran at nasa unahan?" nakataas ang kilay na tanong ko sa babae."Bigla ka kasing huminto sa harapan ko kaya nabangga ko ang kotse mo at nagasgasan ang mamahalin kong kotse! Bayaran mo ako ngayundin kung hindi ay tatawag ako ng pulis!" singhal niya sa akin na may halong pagbabanta ang tono. Gusto ng uminit ng aking ulo ngunit nagpakatimpi-timpi ako."Natural na hihinto ako dahil may mga batang tumatawid sa tamang tawiran. Alangan namang sagasaan ko sila. At hindi mo ba alam na dapat ay isang metro o higit pa ang layo ng bumper mo sa kotseng nasa harapan mo maliban na lamang kung bumper to bumper ang mga sasakyan dahil sa traffic?" inis na sabi ko sa babae. Wala sa loob na napatingin ako kay Enrique na tila naa-amused sa nakikitang pagbabangayan ng dalawang babae sa harapan nito. Napasimangot ako sabay irap nang kindatan niya ako. Hmp! Babaero talaga ang lakaing ito, nanggigigil na sabi ko sa isip ko."Wala akong pakialam sa sinasabi mo at wala kang karapatan na pangaralan ako! Bayaran mo ang damage ng kotse ko kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" muling banta niya sa akin. Iniisip yata niya na matatakot ako kapag sinabi niya iyon."What a coincidence! I'm a police officer kaya hindi mo na kailangan pang tumawag ng pulis. I'm Lieutenant Aleya Magdiwang. Patingin nga ng lisensiya mo, Miss," sabi ko sa kanya matapos kong ipakita sa kanya ang aking ID. Gusto ko ng mapangisi nang makita ko na biglang namutla ang babae at napaatras hanggang sa napasandig sa dibdib ni Enrique. Hula ko ay wala itong driver's license at baka nga hindi ito ang may-ari ng kotse kundi ang magulang nito at itinakas lamang nito iyon para may maipagmayabang sa kasamang lalaki."Honey, help me." Ipinulupot nito ang mga braso sa leeg ng binata at nakikiusap ang mukhang tiningnan nito si Enrique na bigla namang tumaas ang kilay. Ewan kung dahil sa pabebe na pagsasalita ng girlfriend nito o dahil sa nalamang pulis ako.Inalis ni Enrique ang tila sawang mga braso ng babae na nakapulupot sa leeg nito at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya hindi ako nakapalag nang bigla niya akong hinapit sa baywang at hinila palapit sa katawan niya."Baka naman puwede nating pag-usapan ito, Pretty Officer?" nanghihibo ang boses na bulong niya sa gilid ng aking tainga.Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likuran ng aking tainga. Babaero at bastos talaga ang lalaking ito. Akala niya ay madadala niya ako sa pang-aakit niya. Bago pa niya mahulaan kung ano ang gagawin ko ay bigla kong inapakan ng malakas ang paa niya at pagkatapos ay malakas na tinuhod ko ang pagitan ng kanyang mga hita. Ngunit sinigurado ko na ang lakas at bahagi ng kanyang hinaharap na tatamaan ng aking tuhod ay hindi sasapat para mabaog siya. Gusto ko lamang siyang bigyan ng leksiyon na hindi lahat ng mga babae ay nadadala sa pang-aakit niya."Damn you, Lady!" namumula ang mukha sa galit na sigaw ni Enrique habang nakayuko at hawak ng magkabilang palad ang tinamaang pagkalalaki. Tarantang dinaluhan ito ng kanyang girlfriend."Ano? Babayaran mo ba ako sa damage ng kotse ko plus physical harassment na ginawa sa akin ng boyfriend mo o dadalhin ko kayo sa presinto?" banta ko sa babae na lalong namutla nang makita ang ginawa ko sa boyfriend nito."B-bayaran k-ko," tarantang pumasok sa loob ng kotse ang babae at paglabas ay may dala na itong limanlibong piso. "Ito ang bayad. Siguro naman ay sapat na iyan."Tinanggap ko ang perang ibinibigay niya. Kasya na ito pambayad sa talyer para maayos ang pagkakayupi at mapalitan ang pinturang nagasgas sa kotse ko."Mag-iingat ka sa susunod, Miss. Hindi lahat ng taong mabubundol mo ang kotse ay katulad ko na kayang magpasensiya sa inyo," ani ko sa babae pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa aking kotse."Hindi pa tayo tapos, Lady! Magkikita pa tayo," inis na banta sa akin ni Enrique na nabawasan na ang iniindang sakit sa pagitan ng mga hita."See you tomorrow," nang-iinis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay sinaluduhan ko siya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aking kotse. See you tomorrow. Dahil bukas ay mag-uumpisa na akong magtrabaho bilang bodyguard mo.Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si