Share

Book 3: Chapter 10

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2026-01-07 20:10:18

"Nakita ko kanina na kausap niya si Kuya Zandro." Si Sarah na ang sumagot sa babae. Umangat ang isang sulok ng labi niya at naaasar na sinundan ng tingin ang babae na basta lang tumalikod. Ni hindi manlang nag pasalamat kaya hindi niya masisi ang iba pang pinsan kung bakit ayaw sa babae na maging asawa ni Terence.

Mabilis na pinigilan ni Akira ang babae bago pa ito nakalayo. "Ate, sandali!"

"May kailangan ka?" Nakangiting tanong ni Cynthia sa dalagita.

"Kilala mo ba yung nakasalo ng bouquet kanina?"

Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Cynthia at umiwas ng tingin kay Akira. "No!" Matigas niyang tanggi, ayaw niyang sabihin ang totoo at baka magkahinala pa ito na dating nobya ng kapatid nito si Charlene. Ayaw niyang makipag lapit ang dalagita kay Charlene at malaman ang katotohanan.

Nagkibit balikat si Akira at hindi na nagtanong pang muli. Pero alam niyang nagsisinungaling ang babae.

"Tara na at gusto ko pa ng cake." Aya ni Sarah sa pinsan nang wala na si Cynthia.

"Tsk, takaw mo sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Irish Nuñez Banqui
nka hang yung utak ko sa story nayon plss miss A nman
goodnovel comment avatar
Belle Bernaldez Lim
Wag munang patagalin
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ
set up pala ni cynthia ang lahat...pero sino ang ama ng anak ni charlene?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 10

    "Nakita ko kanina na kausap niya si Kuya Zandro." Si Sarah na ang sumagot sa babae. Umangat ang isang sulok ng labi niya at naaasar na sinundan ng tingin ang babae na basta lang tumalikod. Ni hindi manlang nag pasalamat kaya hindi niya masisi ang iba pang pinsan kung bakit ayaw sa babae na maging asawa ni Terence. Mabilis na pinigilan ni Akira ang babae bago pa ito nakalayo. "Ate, sandali!""May kailangan ka?" Nakangiting tanong ni Cynthia sa dalagita."Kilala mo ba yung nakasalo ng bouquet kanina?" Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Cynthia at umiwas ng tingin kay Akira. "No!" Matigas niyang tanggi, ayaw niyang sabihin ang totoo at baka magkahinala pa ito na dating nobya ng kapatid nito si Charlene. Ayaw niyang makipag lapit ang dalagita kay Charlene at malaman ang katotohanan.Nagkibit balikat si Akira at hindi na nagtanong pang muli. Pero alam niyang nagsisinungaling ang babae. "Tara na at gusto ko pa ng cake." Aya ni Sarah sa pinsan nang wala na si Cynthia. "Tsk, takaw mo sa

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 9

    Naalala ko na kung saan ko siya unang nakita!" Masayang turan ni Akira. Naalala niyang may babaeng mahal ang kapatid noon. Siya lang ang nakakaalam ng tungkol doon dahil hindi niya tinigilan ang kapatid hangga't hindi sinasabi sa kaniya kung sino ang babaeng nakita niyang kasama nito sa wallpaper ng cellphone nito. Ang alam niya ay nangako pa siya sa kapatid noon na walang ibang makakaalam muna tungkol sa nobya nito. Ayaw ni Terence na malaman ng parents nila dahil tiyak na pilitin itong ipakilala sa kanila ang babae. Ayaw ng kapatid noon na ipakilala pa dahil bago lang na sinagot saka hindi pa alam umano ang tunay nitong estado sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagkahiwalay ang dalawa noon. 18 lang noon ang kapatid at ang alam niya ay unang babae iyon na naging nobya o sineryuso. Puro fling lang kasi ang mga nauna at napapagaya sa mga kaibigang babaero. "Saan?" Nagkaroon na rin ng interest si Sarah sa kung ano ang pinagkakaabalahan ng isip ng pinsan.Halos idikit n

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 8

    "Akira, what are you doing here?" sita ni Terence sa kapatid.Nakangiting nilingon ni Akira ang kapatid. "Kuya, gusto kong makilala ang maging bride mo and she looks familiar po." Makwelang tugon ng dalagita sa kapatid."Tsk, puro ka kalokohan, empleyada siya sa kompanya at nakikita mo noong magpasukat kayo ng gown kaya she looks familiar. Isa pa ay huwag kang mag biro about fiancee at alam mong selosa si ate mo Cynthia." Sermon ni Terence sa kapatid."Excuse me po, ma'am, sir." Yumukod si Charlene saka nagmamadaling umalis na sa harapan ng dalawa. Bukod kasi sa naiilang siya sa kapatid ni Terence ay obvious na ayaw nitong mapalapit siya sa babae. Iniisip na naman siguro na gumagawa siya ng way upang mapalapit sa pamilya nito at gagamitin niya si Akira. Tama lang din pala na nakipag hiwalay siya sa binata noon. Hindi siya nababagay sa binata lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Pangit nga lang talaga ng ginawa niyang pakipag hiwalay dito noon. "Tama lang ang ginawa mo, sinungaling din

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 7

    "Argh, nasasakal mo ako!" reklamo ni Charlene dahil sa leeg niya yumakap si Jude."Ay sorry!" Nangingiting ani Jude saka inayos ang buhok ng kaibigan saka tiningnan ang leeg kaya bahagyan yumuko si Jude at mukhang humahalik kung tingnan."Yuck, oras ng trabaho pero naglalampungan at sa public pa!" Mukhang nasusuka na ani Lucy.Pumalatak si Charlene at hindi pinansin ang maruming iniisip ng kasama. Sa lahat kasi ay kay Jude lang siya close dahil nagakakasundo sila sa palitan ng idea. Sa kaniya lang din ito komportable magpakita ng tunay na kulay ng pagkalalaki nito."Selos ka naman agad." Tukso ni Jude kay Lucy at pinatigas pa ang boses."Huh, hindi ka guwapo para pagpantasyahan ko!" Mataray na ani Lucy."Ang arte, pasalamat ka at napapansin pa kita. Laki ng inggit mo kay Charlene, for sure lalo kang nainggit nang siya ang naka salo sa bouquet." Pang asar ni Jude sa babae."Excuse me, hindi kasing kapal ng mukha niya ang maganda kong face dahil nasa paligid lang ang fiancee ni sir." "

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 6

    "Yes, ang suwerte ko at naging empleyado siya ng aking kompanya." Naaaliw na ngumiti si Triha sa dalaga. "Hindi mo na problema ang mag ayos ng venue sa nalalapit na kasal ng anak mo."Kamuntik nang mabilaukan si Charlene kahit wala namang lamang pagkain o tubig ang bibig dahi sa narinig. "Siya, mag aayos sa kasal ni Terence? No way!" Bulong niya pero sarili lamang ang nakakarinig."Ayaw mo lang dahil masakit makitang ikakasal na ang lalaking mahal mo." Buska ng isang bahagi ng isipan ni Charlene sa sarili.Napalabi si Charlene at naiiling sa sarili, sa arte ni Cynthia ay tiyak na pahirapan siya nito. At ayaw man niyang aminin pero tama ang isang bahagi ng isipan niya. First love niya kaya si Terence at hindi na yata titibok sa ibang lalaki ang puso niya kahit marami ang nanliligaw sa kaniya. "Sa sunod na taon pa naman ang birthday ng anak ko pero gusto kong makita na ang detalye ng plan sa venue at iba pa." Pilit na ngumiti si Charlene sa ginang na mukhang excited na sa maging out

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 5

    "Hindi pa ba sapat ang pag agaw mo sa bulaklak kanina at kinailangan mo pang harangan si Cynthia upang mapansin na naman kita?" Natuod si Charlene sa kinatayuan nang marinig ang malamig na tanong ni Terence sa kaniya. Talagang ang tingin na sa kaniya ng binata ay hindi maganda. Kailangan na talaga niya makabalik sa trabaho kaya nagpakumbaba na lang siya. "Sorry po, sir, hindi ko sinasadya!" Nakayuko ang ulo na paghingi niya ng tawad.Natigilan si Terence nang marinig ang mahinahon na tinig ng dalaga. Mula nang mag krus muli ang landas nila ay ngayon lang sila nag usap at sa ganitong paraan pa. Ang ikinaasar pa niya sa dalaga kapag nagsalubong ang tingin nila ay wala yung pagsisi o guilt dahil sa ginawa nito noon sa kaniya. Hindi pa niya gusto ang tingin na parang nahihiya, sa ganoong tingin nito kasi siya na fall noon. Ang pagiging inosinteng tingin ang ayaw na niyang makita pa muli sa babae dahil para sa kaniya ay mapanlinlang iyon. Pero bakit iba ang tingin nito sa kaniya ngayon?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status