Se connecter"Huwag kang mag alala, pagka pirma ng CEO ay inform agad kita. Alam mo naman siguro na may 15 days ka pang pasok bago ang effective ng resignation mo?" Tumango siya sa ginoo at naintindihan niya dahil nasa contracts iyon na pinirmahan niya noong nag a apply pa lang siya."Okay, makabalik ka na sa trabaho mo." Pagtataboy niya sa dalaga."Puwede po bang ako na lang ang magpa pirma niyan sa CEO?" Napatingin si Mr. Cruz sa dalaga saka sa resignation letter nito."Papunta rin po kasi ako doon sa opisina niya at papirmahan iyang papelis." Pagdadahilan niya at tinuro ang folder na totoong kailangan ng pirma ni Terence. Sa kaniya rin kasi iyon iuutos ng ginoo mamaya."Okay." Maiksing sagot ni Mr. Cruz saka hinayaan ng kunin ng dalaga ang folder saka ang resignation letter nito.Pagkakuha ang sa papelis ay nagamamadali nang lumabas ng opisina si Charlene. Baka kasi magbago pa ang isip ng ginoo. Pagkalabas ng pinto ay gumilid muna siya sa Hallway at inayos niya ang pagkasingit ng resignation
Nahihiyang nagkamot ng batok si Charlene at pilit na ngumiti sa ginang. Hindi niya magawang salubungin ang nagtatanong na tingin ni Mr. Cruz. "Sayang ka kung mag resign ka dito, hija. Pero salamat ha, at consider mong tapusin muna itong akin kahit nakapag desisyon ka na." Pasalamat ng ginang kay Charlene. "Walang anuman po at salamat din sa tiwala saka masaya akong nagustohan ninyo ang gawa ko."Hinawakan ni Mrs. Smith ang isang palad ng dalaga at bahagyang pinisil iyon. "Alam kong hindi pa tayo close para magsalita pero gusto kita ng payo at alukin kung gusto mo?"Ayaw sana ni Charlene pero nahihiya siyang hindian ang ginang. "Sure po.""Alam kong may reason kung bakit gusto mong mag resign. Nanghihinayang ako sa iyo lalo na at kaibigan ko si Trisha. Pero kung may balak kang magsarili o ano pa mamg related sa ganitong negosyo ay puwede mo akong lapitan.""Salamat po at pag isipan ko." Tanging naisagot niya sa ginang. Maganda ang alok nito pero hindi niya maaring tanggapin iyon. Aya
"Magdahan dahan ka sa iyong pananalita dahil wala kang ebedensya sa paratang mong iyan kay Charlene!" Nanggigil na sita ni Jude kay Lucy."Anong wala? Marami ang nakakita nang agawan niya ng bulaklak ang kababaihan sa reception kahit hindi siya kasali sa sasalo ng bouquet!" angil ni Lucy sa binata."Sobrang judgemental ka, pakipag agawan na pala ang napadaan ka sa likod at doon bumagsak sa kaniya ang bouquet?" Sarkastikong ani Jude sa babae."Tama si Jude dahil naroon din ako at nakita ang nangyari." Segunda ng isa sa babaeng naroon."Mukhang napahiya si Lucy at wala na siyang kakampi. Sinamaan niya ng tingin ang babaeng nagsalita at pinarating dito na humanda ito."Gosh, destiny ang tawav sa ganoon!" Kinikilig na bulalas ng isa sa babaeng kalapit ni Charlene. Sumang ayon ang iba pa at kinilig din, pero biglang natigilan nang magsalita si Lucy."Sige ituloy ninyo ang kahibangan ng imagination ninyo. Kapag narinig kayo ng fiancee ni Mr. CEO ay tignan ko lang kung kiligin pa kayo!" Ang
Napailing na lang si Charlene nang irapan siya ni Lucy. Magtitimpla sana siya ng kape kanina nang makita si Cynthia kausap nito kaya hindi siya tumuloy. Pero dinig niyang nagpapaturo gumawa ng kape kanina si Cynthia. Hindi niya akalaing pati ang pag timpla ng kape ay hindi marunong ang babae. Parang biglang naawa siya kay Terence kung ang babaeng iyon ang naging asawa. Baka ang alam lang ay magpakulo ng tubig."Kaiba talaga ang mayayaman, karamihan ay walang alam." ani Charlene sa sarili saka humakbang na palapit sa maliit na dirty kitchen."Ano ang ginagawa mo dito?" mataray na sita ni Lucy sa dalaga nang maka lapit sa kaniya."Bakit mo tinatanong? Trababo mo na ba ngayon ang bantayan ang bawat kilos ng empleyado dito? Nang uuyam na balik tanong din ni Charlene sa babae saka nilampasan ito."Huwag kang mayabang at tinatanong pa kita!" Inis na sinundan ni Lucy sa babae. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niyang muli saka humarang sa maliit na table."Maglalaba?" Paarogante na sagot n
Pagkalabas sa opisina ng binata ay napabuga ng hangin sa bibig si Cynthia. Kailangan niyang mahanap ang nautusan kanina ngunit hindi niya alam kung saang department ito mahanap. Kailangan niyang personal itong hanapin dahil hindi niya rin alam ang pangalan nito. Habang naglalakad sa hallway ay inaalala kung saan niya unang nakita ang empleyadong iyon."Tama, sa reception nga ng kasal nila Jaira!" bulong ni Cynthia sa sarili nang maalala na nakita niya ang babaeng iyon na kasama si Charlene. Doon niya naisip pumunta sa malapit sa babaeng kinainisan.Pagka pasok ni Cynthia ay napatingin sa kaniya ang nga naroon kasama si Charlene. Pero agad ding binawi ni Charlene ang tingin sa kaniya na kinainis niya. Lahat ay bumati sa kaniya maliban sa babaeng kinainisan.Inabala lang ni Charlene ang sarili at nagkunwaring hindi nakita si Cynthia. Puyat siya at pagod ang isipan kaya walang energy makipag malditahan dito. Baka hindi na niya mapigilan ang sarili at makapalimutan kung nasaan sila at ma
"Babe, ipinagtimpla kita ng—ay, sorry po!" Mukhang natigilan na ani Cynthia pagka angat ng tingin at nakita ang ginang. "Hindi ko po alam na narito kayo. Nakakaabala po ba ako?" Nahihiyang pa niyang tanong at tumigil na muna sa paghakbang."No, hija, ayos lang." Ngumiti si Trisha sa dalaga. "Ang sweet mo naman at personal mo pang ipinagtimpla ang anak ko."Lihim na napangiti su Cynthia dahil sa puri ng ginang. "Thank you po, tita, gusto ko pong personla na inaasikaso si Terence kahit nasa trabaho kami pareho."Lalong napangiti si Trisha at natuwa dahil hindi mapapabayaan ang anak niya at tiyak na maging masaya sa piling ng babaeng napusuan nito. "You stay here, hija, hindi rin ako magtatagal."Nakangiting ibinaba ni Cynthia sa working table ng nobyo ang tasang nakapatong sa maliit na platito. "Gusto niyo rin po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?" Alok niya pa sa ginang pero nasa isipan ay nagdadasal na sana ay hindi kagatin ng ginang ang pagmamagandang loob niya. Hindi sa ayaw niyang pa







