"Alam kong malabo mo akong magustohan o seryusohin dahil sa uri ng pagkatao ko at trabaho."Biglang nakunsensya si Faredah nang makitang malungkot ang binata at ang baba ng tingin sa sarili nito. Niyakap niya ito sa baywang at tumingala. "Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil hindi importante sa akin ang katayuan sa buhay at uri ng trabaho. Ang mahalaga ay responsible, hindi manloloko at mapagmahal."Sinupil ni Blake ang paghulma ng ngiti sa kaniyang mga labi. "So, may pag asa ako?" Umaasan niyang tanong sa dalaga saka ipinulupot ang mga kamay sa katawan nito.Napangiti na si Faredah nang makitang umamo na ang mukha ng binata. Lumapat ang mga kamay niya sa magkanila nitong pisngi saka pinisil iyon na parang batang pinanggigilan. "Be good at maging masunurin. After na misyon kong ito ay pananagutan kita."Mukhang nabulunan si Blake at napaubo ng dalawang beses. Kakaiba talaga ang babaing ito kaya talagang minahal niya noon pa man. Sa halip na siya ang mangako at managot ay ito ang mu
Mabilis na sinapo muli ni Blake ang chin ng dalaga at iniharap sa kaniya ang mukha nito. Nangangalit ang bagang niya dahil sa nakikitang emotion na dumaan sa mga mata nito. "You are mine!"Napakurap si Faredah nang marinig ang mapang angking tinig ng lalaki. Bahagya pang umawang ang mga labi niya dahil pinisil nito ang baba niya. Mababasa sa mga mata ng binata ang galit na nadarama nito at.... selos? "Let's go home!" Matigad na turan ni Blake at hinawakan sa kamay ang dalaga.Saka lang parang natauhan si Faredah. "Wait, hindi pa tapos ang party at—" hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin nang pukulin siya nang nagbabantang tingin ng binata. Mukha ngang nagseselos ito at ayaw makinig sa kaniya o hindi na siya kinikilalang nagpapasahod dito. Siya dapat ang may karapatan lang na magmando. Pero bakit nakaramdam siya ng takot dito ngayon? "Kailangan pa ba kitang buhatin?" malamig na tanong ni Blake sa dalaga.Mabilis siyang umiling at ikinawit ang kamay sa braso ng binata. Ayaw niyan
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pa umuuwi!" Pinalidad na ani Mike.Sa halip na matuwa sa atensyon na ibinibigay sa kaniya ng matanda at nainis si Blake. "May tinatapos pa akong trabaho kaya baka gabihin ako ng uwi."Pagkarinig sa sinabi ng apo ay ibinaba na niya ang tawag. Napamura na lang siya nang biglang nawala sa kabilang linya ang abuelo. Ito ang tumawag pero ito pa ang may ganang patayan agad siya ng tawag. Hindi agad siya bumalik sa bulawagan at naisip na magsindi ng sigarilyo. Habang bumubuga ng usok sa bibig ay napatingin siya sa paligid. Magkatulad lang ang laki ng hotel nila sa kinaroonan ngayon. Sa ambience ay hindi rin pahuhuli ang hotel nila. Nang maalala si Faredah ay nagmamadaling pinatay na niya ang sindi ng sigarilyo at itinapon iyon sa ashtray.Pinagpaiwasan si Faredah matapos sumayaw kasama ang matanda. Nakaka refresh pala ang ganito at ang saya kahit pinagpawisan siya. Pagkahatid sa matanda sa upuan ay hinanap ng tingin niya si Blake. Baka na turn off ito
Malungkot na ngumiti si Faredah sa matanda. At least hindi na siya mag alala na sasama ang loob nito kapag nakitang may iba na siya."Hangad ko ang kaligayahan mo, hija, at alam kong hindi mo iyon makamtan sa piling ng apo ko. Kung ano man ang ginagawa mo ngayon ay nirerespito ko hindi dahil sa tulong na naibigay mo sa pamilya namin." Pagpatuloy ni Tacy."Lola, huwag na po muna nating pag usapan ang tungkol dito. Ginawa ko ito upang mapasaya ka at walang kinalaman si Denis dito. Huwag po kayong mag alala at tanggap ko na may iba na siya." Niyakap niya ang matanda mula sa likod at ipinatong ang chin sa balikat nito."Alright, let's go dance?" Nakangiting aya ni Tacy sa dalaga.Masayang tumayo si Faredah sa harapan ng matanda saka inilahad ang kamay sa harapan nito.Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Tacy at ipinatong ang kamay sa palad ng dalaga.Sinenyasan ni Faredah ang musiko na palitan ang tugtog. Agad na tumunog ang chacha na nababagay sayawin ng matana.Lahat ay napagingin sa
"Hangad ko ang kaligayahan mo, hija." Tinapik tapik niya ang likod ng kamay ng dalaga na nakahawak sa kaniya. "Sorry dahil sa kabila ng pagmamahal at kabutihang ipinakita mo sa pamilya ko ay hindi nasuklian ng aking pamilya.""Lola, huwag na po kayong malungkot. Huwag po kayong mag alala at kahit magkahiwalay kami ni Denis ay dadalawin pa rin kita."Naluluha na nag angat ng mukha si Tacy saka hibaplos ang makinis na pisngi ng dalaga. "Thank you sa lahat, hija. Huwag mong ikulong sa isang relasyon ang iyong sarili kung sa tingin mo ay may iba siyang babae."Nakangiting tumango siya sa matanda saka ito hinalikan sa pisngi. Kahit papaano ay nawala na ang kunsensyang nadarama dahil tanggap na ng matanda na hindi siya ang mapangasawa ni Denis. "I will, lola!""Faredah, sino ang lalaking pinag uusapan na bago mong manliligaw?" Pagalit na sita ni Dulcy nang makalapit dito. "Bakit hinahayaan mong mapag usapan ang ganoong bagay sa ganitong okasyon?""Dulcy, ang anak mong magaling ang dapat mon
"Here's the half million as down payment. Ang one million ay bonus mo kapag naikasal na kayo ni Denis."Natulala na si Sophie habang nakatitig sa card na ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Shit, hindi ba siya nanaginip lang? "Paano ako makakasigurong hindi mo ako tablahin at lokohin?" Pakipot niyang tanong dito at ipinapakitang hindi siya puwedeng lokohin."Hindi ako katulad ni Denis." Simpleng sagot ni Blake pero maraming pakahulugan.Para siyang napahiya sa sinabi ng lalaki at insulto din sa kaniya iyon. Para na rin kasing sinabi nito na ang baba niya dahil isang tulad ni Denis ang minahal niya."Deal?" Naiinip na tanong ni Blake sa babae.Napalunok ng sariling laway si Sophie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Parang gusto niya bigla maagaw din ito kay Faredah. Pero sa character ng lalaki ay mahirapan siyang makuha ang loob nito. Kung kaya nitong gumastos ng malaki para kay Faredah, ang ibig sabihin ay mahal na mahal nito ang babaing iyon. Ngumiti siya dito, hindi niya dapat pairali