Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan.
"You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napamulagat ng mga mata si Shaina sa naging pasya ng president. Halos mabingi siya nang maghiyawan ang mga kasama at natuwa dahil promoted siya sa trabaho. Bigla siyang nahilo at mabuti na lang mabilis siyang naalalayan ng isa sa ka team work niya. Inalalayan siya nito hanggang makaupo sa silya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ralph sa dalaga."Ahm, opo! Nabigla lang po ako at na overwhelmed." Nahiya siya bigla at hinilot ang sariling sintido dahil umiikot naman ngayon ang kaniyang paligid."Ang putla mo, baka napabayaan mo naman ang iyong sarili dahil sa sobrang dedicated mo sa trabaho?" May kasamang paninermon ni Ralph sa dalaga.Hindi na nagawang sumagot pa ni Shaina dahil parang dumilim na rin ang kaniyang paligid. Naririnig niya ang kumosyon sa paligid ngunit hindi magawang imulat ang mga mata. Naramdaman niyang umangat ang kaniyang katawan mula sa kinaupuan.Mabilis na dinala ni Ralph ang dalaga sa clinic na naroon lang din sa kanilang kompanya. Agad silang inasikaso ng nurse na nakatalaga roon at sinuri ang blood pressure ng dalaga."Sir, maayos na po siya. Pero kailangan masuri ang kaniyang ihi at dugo."Naunawaan ni Ralph ang Pinilipinang Nurse. Sadyang mga Pilipino ang kaniyang kinuhang tauhan upang makatulong na rin sa mga kabayan. Malaking tulong si Shaina sa kaniyang kompanya kaya hindi niya ito dapat pabayaan, bukod sa may malasakit siya rito.Hindi na tumanggi si Shaina nang dalhin namam siya ni Ralph sa hospital. Naipagpasalamat niya at mabait ang ginoo at parang ka level lang nila ito kung ituring silang lahat na empleyado nito. Sa edad na thirty five ay balo na ang lalaki. May isang anak ito na lalaki at binatilyo na. At ang alam nila ay nasa Pilipinas ang anak nito kasama ang mga magulang ng namayapa ng asawa."Congratulations, the result is positive!" nagagalak na bati ng doctor kina Shaina at Ralph.Tulalang nakatingin lang si Shaina sa doctor na babae at hindi naintindihan ang sinasabi nito. Lumipat ang tingin niya kay Ralph nang magpasalamat ito sa doctor habang nakangiti. Pakiramdam niya ay lumulutang siya ngayon sa alapaap at blangko ang isipan."She's six weeks pregnant and needs more sleep time."Saka lang natauhan so Shaina nang inakbayan siya ni Ralph. Mukhang napagkamalan pa silang mag-asawa ng doctor."Thank you, doc, I will take care of her!" Nakangiting nakipagkamay si Ralph sa doctor.Hindi pa rin magawang makapagsalita ni Shaina habang akay siya ng binata palabas ng clinic. Samu't saring emosyon ang kaniyang nadarama ngayon. Takot at pagkalito. Oo at pinalano niya noon na gusto niyang magkaroon ng anak na lamang. Pero iba pala kapag nandiyan na. Parang hindi pa siya handang maging ina. Wala pa siyang sapat na ipon at kapag nalaman ng pamilya ang tungkol dito ay tiyak lalong pagtawanan siya ng mga pinsan."Are you okay? Puwede mo ako masandalan at mapagkatiwalaan upang gumaan iyang pakiramdam mo." Nakakaunawa ang ngiting iginawad sa dalaga.Nilingon ni Shaina ang kasama. Hindi niya namalayang nakaupo na pala sila pareho sa loob ng kotse nito. Bigla siya naiyak at hindi na nahiyang magsabi tungkol sa kaniyang buhay. "A-ayaw ko pong mawalan ng trabaho!" Garalgal ang tinig sa huling nasampit."Silly, bakit mo naman naisip na tangalin kita sa trabaho? Naintindihan kita at higit mong kailangan ang trabaho ngayon for financial assistant. Ayaw kong mapagod ka dahil buntis at walang katuwang sa buhay. Tanggapin mo ang alok kong position sa iyo at maaring magpatuloy ka sa trabaho kahit sa bahay lang.Lalong naluha si Shaina at sa pagkakataon na ito ay dahil sa tuwa. Ayaw niya kasing malaman muna ng mga kamag anak ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ang pinsan ng abuela ay nasa kabilang city kaya hindi siya makikita ng mga ito."Thank you so much, sir! Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo ang lahat ng ito!"Ngumiti lang si Ralph sa dalaga at hinatid na ito pauwi. Pinagpahinga niya muna ito at bawal ma stress. Tumutulong na rin naman siya, lubos-lubusin na niya.Hindi inilihim ni Shaina ang kalagayan sa kaniyang mga katrabaho bukod sa pamilya. Hindi rin siya nakikipag-ugnayan sa mga ito upang hindi malaman ang tunay niyang kalagayan. Madalas ay sa bahay lang siya pero laging kaharap ang laptop para sa trabaho. Pupunta man siya sa opisina ay para personal na e final review ang gawa ng kaniyang team...."Sir, ito na po ang resulta ng imbistigasyon ko." Inilapag ni Cyrus ang folder sa lamesa.Agad dinampot ni Travis ang folder at binuklat iyon. Kababalik niya lang mula sa Italy at hindi sa kaniya uso ang pahinga."Nasa hotel din nang araw na iyon ang kapatid mo, sir." Paliwanag ni Cyrus nang mangunot ang noo ng binata habang nakatitig sa isang report papers."Gustong kong alamin mo kung sino-sino ang taong naka duty that day." Utos muli ni Travis sa kaibigan."Isa pa nga pala, noong nasa Italy ka ay minamanmanan ko ang bawat kilos ng iyong madrasta at kapatid na si Joshua. Napag-alaman kong palihim nilang kinakausap ang ilan sa board members at shareholders ng kompanya."Napatiim bagang si Travis at naikuyom ang kamao."Kailangan mo nang mag-asawa at magkaroon ng tagapagmana." Suhestyon ni Cyrus sa binata."Thank you for your concern, don't worry, I can handle this matter.""Sa tingin ko ay kasabwat din ng lihim mong kaaway ang babaeng nakaniig mo nang gabing iyon."Hindi masisi ni Travis ang kaibigan kung naisip ang bagay na iyon. Ang nasa list na mga pangalang nag-check in nang araw na iyon ay pawang mga couples. Mga kilala ring tao sa komunidad ang nasa list kaya malabong isa sa mga ito ang babaeng iyon."Aalis na ako, tatawag na lang kung mayroon bagong update sa pinapatrabho mo." Tumayo na si Cyrus at nagpaalam sa kaibigan.Mariing naipikit ni Travis ang mga mata bago sumandal sa kinaupuan. Matagal na siyang hindi umuuwi sa kanilang mansyon na halos inangkin na ng ikalawang pamilya ng ama. Baliwala sa kaniya ang bahay pero sa kaniyang nakapangalan iyon. Ang mayroon lang ang kapatid ay share sa kompanya na nararapat bilang anak ng kaniyang ama.Ilang minuto rin nanatili sa ganoong senaryo si Travis bago nagpasyang pindutin ang intercom. Wala pang isang minuto ay pumasok si Teddy."Itabi mo ang documents na ito at magpatawag ng emergency meeting.""Right away, sir!"Napailing si Travis habang sinunsundan ang mabilis na galaw ni Teddy. Animo'y isang sundalo ito kung magsalita at kilos kapag inutusan niya.Sa kabilang banda, nabahala si Joshua nang malaman na nagpatawag ng meeting ang kapatid at hindi siya kasama sa na inform. Hindi siya maaring pumunta dahil nahuhulaan na niya kung ano ang agenda ng kapatid. Hintayin na lamang niya ang confirmation mula sa taong mapagkatiwalaan.Pagpasok ni Travis sa conference room ay naroon na ang lahat at tahimik na nakaupo sa mga upuan. Isa-isa niyang sinulyapan ang mga ito bago umupo sa kaniyang trono bilang CEO."Alam kong karamihan sa inyo ay nagtataka sa urgent meeting na ito. At ang ilan ay may ideas na." Pauna ni Travis habang nanuniri ang tinging ipinukol sa lahat.Mahinang nagbulongan ang ilan sa mga naroon at nagtatanong sa isa't isa."Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa, alam kong mayroon ditong gusto akong traidurin upang mapigilan ang pagiging chairman of this company."Muling natahimik ang lahat at mayroong nagtataka sa mga narinig. Matanda na ang chairman na siyang abuelo ng CEO. At hindi mailipat ang titulo dito hangga't wala pa itong pamilya."I'm warning all of you, pagsisihan mo lamang ang iyong gagawin!""Mr. Villanova, totoo nga po bang hindi na matuloy ang kasal ninyo ng anak ni Mayor Acosta?" lakas loob na tanong ng isa sa board members.Pinakatitigan ni Travis ang babaeng nagtanong. Halos kaedaran lang ito ng kaniyang ama at kaibigan ng madrasta. "About this matter, sa amin na lang po iyan at ayaw kong may ibang nakakaalam kung matuloy o hindi ang aming kasal.""Pero may karapatan kaming malaman ang status ng iyong buhay dahil ikaw ang nasa top list na siyang papalit sa chairman! Paano kami makapag desisyon kung karapat-dapat ka ba o hindi na maging chairman ng kompanyang ito?"Naningkit ang mga mata ni Travis at pinakatitigan ang nagsalitang lalaki. Umangat ang sulok ng kaniyang labi at ang nasa isip ay nahanap na rin niya ang traidor."Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta
Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut
Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit
"TULOG na po ba siya, ma?" paanas na tanong ni Joshua sa ina.Isinara muna ni Martha ang pintuan ng silid ni Travis bago seninyasan ang anak na sumunod. Nakauwi na rin ang mga bisita kaya wala nang isturbo.Sinundan ni Joshua ang ina hanggang makapasok sa silid nito. Pagkasara ng pintuan ay agad nagsalita ang ina."Kailangan na nating baguhin ang plano at hindi tayo puwedeng maging kampanti sa gamot na pinaiinum sa kaniya.""Pansin ko nga pong bumabalik ang tunay niyang ugali." Sang-ayon ni Joshua sa ina."Kailangan nating mapaniwala siya na may babae siyang kailangang pakasalan. Gagamitin na natin ang dukumentong nakuha mula kay Teddy."Napangisi si Joshua pagkaalala sa tinutukoy ng ina. Talagang itinabi nila iyon nang makita dahil sa kanilang plano. At may babae na siyang puwedeng gamitin upang pakasalan ng kaniyang kapatid.Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Martha matapos mapulido ang plano nila ng anak. Walang maaring makahadlang sa kanila dahil nakaratay na rin si Lauro sa hospital
"Mga anak, maintindihan niyo ba si Mommy kung sasabihin kong hindi ko kilala ang inyong ama?" tanong ni Shaina sa dalawang anak.Pakiramdam niya ay oras ang lumipas na pinaghintay niya sa sagot ng mga ito. Nagpalitan pa ng tingin ang dalawa bago sabay na tumango sa kaniya. Napangiti siya at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Ayaw niya kasing maglihim sa mga anak. Isa pa ay hindi rin naman siya titigilan ng tanong hangga't hindi nakukuha ang tamang sagot."Don't worry, mommy, we can help you to find our father!" Liyad pa ang dibdib na humarap si Adrian sa ina."Yes, Kuya Adrian was right, mommy. I'm so excited to go home and find our daddy!Biglang natahimik ang dalawa nang walang tugon nakuha mula sa ina. Napatitig sila sa ina na mukhang biglang natulalang nakatingin sa kanilang magkapatid. Nagkapalitan ng nagtatanong na tingin ang kambal, tinatanong sa isa't isa kung may nasabi ba silang nakakamangha para sa ina?Napatikhim si Shaina makalipas ang isang minuto. Minsan talaga ay n
Ang balak ni Shaina na pagbisita sa bauela ay naudlot dahil sa problema sa kompanya. Halos lahat ng client nila ay gustong mag-break contract at lumipat sa kompanyang kilala niya."Hindi natin sila masisi, mas gustohin nga naman nilang maging business partner ay ang kompanyang may pangalan na at may kapit sa higanting kompanya," nalulumong turan ni Ralph.Naaawang tinitigan ni Shaina ang binata. Parang biglang dumoble ang edad nito ngayon dahil sa problema. Naikuyom niya ang kaniyang kamao, ayun sa imbistigasyon ay panunulot ang ginawa ng kalaban. Ngayon niya lang din nalaman na bukod kay Rex, ang isa niyang pinsan ay malapit na rin sa higanting pamilyang Villanova.Nang mapabalita na si Angeline ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Mr. Travis Villanova, lalong bumango ang kompanya ng kaniyang pamilya. Maraming negosyong hawak ang kaniyang pamilya at isa na roon ang linyang kinabilangan niya ang pinamamahalaan ng pinsan na si Angeline. Pero businesses is business at na kay Ralph ang k
Nanatili si Shaina sa kinaupuan kahit wala na ang mga ka-meeting. Si Ralph ay matyagang naghihintay sa kaniyang pasya.Ayaw ni Ralph pilitin ang dalaga kahit trabaho nito ang bagay na iyon. Malaki ang mabago sa buhay nito once humarap na in public at makasalamuha ang mga taong nakakilala na dito.Ilang minuto pa ang lumipas ay bumuntonhininga si Shaina bago nagsalita. "Tinatanggap ko ang hamon nila.""Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Ralph pero nasa mukha ang kasiyahan sa naging pasya ng dalaga.Matipid na ngumiti si Shaina at tumango. Hindi niya rin kayang panooring lumubog ang negosyo ng kaibigan. Isa pa ay isa siya sa shareholder ng kompanyang itinayo nito. Malaki na ang naitulong nito sa kaniya at gusto niya iyong suklian.Sa mansyon ng pamilyang Villanova, nagpumilit muling makatayong mag-isa si Travis. Wala sina Joshua at ang ina nito dahil abala sa kompanya. Sa kaniyang pag-aaral sa dukumento sa kompanya, maayos namang napapatakbo iyon ni Joshua. Sa nakikita niya ay may ti
Pagkapasok sa silid ng matanda at agad na inilahad ni Shaina ang tungkol sa kaniyang kambal na anak. Kita niya sa mukha ng abuela ang pagkagulat sa una, kalauna'y napaiyak."Tiyak na nagdanas ka ng paghihirap at wala manlang kami nagawa ng iyong ama.""Huwag na po kayong malungkot, lola. May mabuting tao namang tumulong sa akin, siya ang dahilan kung bakit hindi agad ako nakapunta dito."Nakakaunawang hinaplos muli ni Cristy ang pisngi ng apo. Masaya siya at nagkaroon ito ng ikalawang pamilya. Kahit papaano ay panatag na ang kalooban na lisanin ang mundong ibabaw dahil maayos ang kalagayan nito."Lola, may isa pa sana akong ihingi ng tawad. Hindi ko gustong kalabanin ang ating pamilya, pero sinunod ko lang ang aking puso nang magsimula ng buhay sa Italy."Pinakinggan lang ni Cristy ang apo na magsabi ng buhay nito ngayon. Sa una ay nasaktan siya pero hindi niya ito masisi. Siya rin naman ang nagturo dito upang maging successful sa buhay. Dapat siya maging masaya dahil may napatunayan