Share

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss
Author: Doopey22

KABANATA 1

Author: Doopey22
last update Last Updated: 2025-08-28 16:13:26

KABANATA 1

Sa ikatlong taon ng pagsasama ng mag asawang Demux at Aimee, pumanaw ang panganay na kapatid ni Aimee, kasunod ang sunod-sunod na rebelasyon dahilan para magsampa agad ng diborsyo ang babae. Ginawa ito ni Aimee para maging malaya na ang mga ito. Pero ang kalayaan  na iyon ay agad naman ding sisingilin ni Aimee.

“No one will have a happy ending of a love story!” tila sumpa na ani ni Aimee.

************

Sumimangot si Demux at tila mukhang naguguluhan: 

"Dahil lang ba hinarang ko ang isang sampal para kay Bella? Kaya ka nagkaganyan?"

Bella, he called her so intimately.

Pero si Bella naman ay bilas lang ng lalaki. 

Hindi maganda ang naging rehistro sa tainga ni Aimee ang naging pagtawa ng kanyang asawa sa hipag.

Dahil sa narinig ng babae mas lalo lang nadagdagan ang galit nito sa lalaki. Galit na hindi naman kayang patayin ang nararamdaman niya para sa lalaki.

"Oo, dahil doon! Mababaw ba? Ako ang asawa mo, dapat  ako ang panigan mo lalo na’t tama naman ako Demux." Galit at puno ng hinanakit na  sabi ni Aimee sa kanyang asawa.

Tila naman maling mali ang naging dating noon kay Demux. Kung sabagay mula pa naman no’n mali lagi sa mata ni Demux ang kanyang asawa kapag si Bella ang katunggali.

***************

Paanong ang isang maliit na bagay ay nakakasira ng kasal?

Ang pulang markang iniwan ng sampal ni Aimee na tumama sa mukha ng asawa ay hindi maitatago kahit gaano pa ito ka gwapo.

Si Demux ang sumalo ng sampal dahil muli na naman niyang prinotektahan si Bella. 

Dahil sa ginawa ng lalaki nagulat ang lahat lalo na ang pamilya ni Demus at pamilya ng asawa ni Bella.

Si Aimee lang naman ang hindi na nagulat sa pangyayari. Dahil alam ni Aimee na kayang gawin lahat ng asawa niyang si Demux  ‘wag lang masaktan si Bella.

Pinilit kalimutan ni Aimee ang lahat ng nangyari alang alang sa pagsasama nila na mag-asawa. Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Dumating ang anniversary ng kasal nila Demux at Aimee.

Naghanda ang Aimee ng isang sorpresa para sa kanyang asawa kaya agad itonv lumipad sa Cebu para puntahan si Demux. Nasa Cebu kasi ito para sa isang business trip. 

Pagdating sa Cebu agad na hinanap ni Aimee ang ang asawa. Nalaman ng babae na nasa isang club pala ito kaya doon na tumuloy si Aimee. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ng nasa harapan na ng pinto si Aime ng Vip room, ay narinig ng babae ang pag-uusap mga lalaki sa loob. Imbis na tumuloy parang may nag-udyok kay Aimee na makinig muna.

"Demux, hindi ko sinasabi ito para sa wala lang. Hindi na tama ang ginagawa mo pagtatago sa tuwing anniversary n’yo ni Aimee. Hindi ka patas. May damdamin din si Aimee, pare. Don't you feel anything from her?" Ani ng isa sa pinaka-close ni Demux na kaibigan. Si Carlo ang tanging may lakas ng loob para supalpalin si Demux sa kabaliwan nitong ginagawa.

"Sa tingin mo gusto ko ang ganito Carlo? Kung hindi ko gagawin ito... hindi siya maniniwala na hindi ko nahawakan si Aimee sa mga nakaraang taon. Hindi siya maniniwala na hindi kami nagtatalik." tila parang napipilitan at nalilito na ani ni Demux.

"Siya..." mahinang ani ni Carlo.

Napagtanto ng kaibigan ni Demux na si Carlo na may mali. Sa isip nito may mga tanong na nabuo. Ano nga kaya ang nangyari sa kanyang kaibigan? Sandaling napaisip si Carlo ng may scenario itong nakita sa kanyang isip.

"Si Bella ba ang sinasabi mo? Demux you’re fucking sick! Si Bella pa rin ba?! She's pregnant, for fucking sake! And to add up, buntis na siya sa kanyang pangalawang anak. Pamangkin mo ‘yun. Dahil anak ‘yun ng bayaw mo. ‘Wag kang uto-uto Demux, may sarili kang asawa, buntisin mo ‘yun at tiyak wala ka pang magiging problema at aberya!” stress at galit na ani ng lalaki na napahilot pa sa kanyang noo. Buong akala pa ni Demux ay manahimik na ang kaibigan ngunit may pumasok na naman sa isip ni Carlo.

“Fuck! don’t tell me—”

“Stop it! 'Wag ka ng magsalita.” putol ni Demux sa kaibigan ng tila iisa ang naging takbo at laman ng kanilang isip.

"What the hell? Hindi ka ba natatakot na bigyan ka ni Kiro ng problema dahil sa ginagawa mo kay Aimee? You're fucking using her as cover of your infidelity. Mag-isip ka nga pare. Manatili ka sa tamang landas Demux? ‘Wag mong pakawalan ang tulad ni Aimee para sa babaeng nasawsawan na ng iba." matapang na wika ni Carlo. Agad namang umakyat sa ulo ni Demux ang lahat ng kanyang dugo dahil sa narinig kay Carlo.

“Stay out of my business Carlo. Problema ko na kung gusto ko si Bella o kung sino pa mang babae!” ganti na sagot Demux sabay tungga ng alak sa kanyang baso.

“‘Wag mong sabihin sa huli na ‘di kita sinabihan at binalaan.” kalmadong tugon ni Carlo.

"Hindi niya gagawin. Hindi siya makikialam sa amin." Tipid ngunit kumpyansa na ani ni Demux.

Pinunasan ni Demux ang kanyang mga daliri na natapuanan ng alak. 

"They had been falling out ever since Aimee and I got married. Three years na silang naka-block sa chat. Wala ng kakampi si Aimee. And no one can dominate her, kundi ako lang. Aimee is under my control." Dagdag na ani pa ni Demux na waring parang tauhan lang ang asawa sa kanyang mga mata.

Dahil sa mga narinig ng babae na usapan. Wala na itong ganang harapin pa ang asawa. Pinili ni Aimee na kalmado na lumabas sa club, kahit pa ang kanyang mga daliri ay nanginginig dahil sa samo’t saring sakit, pagkalito at pagtatraydor na nararamdaman.

Alam naman noon Aimee na may minamahal si Demux na babae bago sila ikasal. Ngunit akala ni Aimee matutulungan siya ng panahon para mapaibig ang kanyang asawa ngunit mali pala siya.

Ilang beses nagtanong si Aimee sa hindi mabilang na mga tao na nakakakilala sa asawa para alamin kung sino ang babae. Ngunit walang makapagsasabi sa kanya kung sino ba ito na patuloy na humahadlang sa kanilang pagsasama.

“Ang layo ng paghahanap ko, nasa bakuran lang pala ng pamilya ko ang matagal ko ng kaagaw.” wala sa sariling sabi ni Aimee habang lumalakad palabas. Mistulang nalugi si Aimee sa kanyang itsura.

Sa totoo lang maraming mga naging haka-haka si Aimee na tila napatotohanan niya. Ang masakit lang hindi niya naramdaman na nasa loob lang ng teritoryo niya ang pumapatay sa kanyang halaga bilang asawa at babae sa mata ng kanyang asawang si Demux.

Sa loob ng tatlong taon iginalang, minahal at ipinagmalaki ni Aimee si Bella bilang bahagi ng kanilang pamilya pero ito pala ang lihim na sumasaksak sa kanyang likuran.

Nakakahiya! Nakakasuklam at nakakawalang dignidad para kaya Aimee ang nalaman. Ginawa siyang laruan at katawa-tawa ng mga taong minahal at pinahalagahan niya.

Nang tuluyang makalabas si Aimee sa club, bumuhos ang malakas na ulan, ngunit tila hindi napapansin iyon ng babae. Hinayaan lang nito na mabasa ang kanyang sarili.

Dumiretso si Aimee sa airport at walang pagdadalawang isip na lumipad pabalik ng Manila sa loob ng magdamag. Aimee felt empty and worthless while heading back to Manila. Pakiramdam niya kulang siya at may mali siyang ginawa kaya hindi man lang niya nakuha o nagawang akitin ang kanyang asawa.

Dahil sa nabasa ng ulan si Aimee, nagkasakit ito pagkauwi niya galing sa airport.

Nilagnat si Aimee sa loob ng dalawang araw. 

Ngayon palang sana gumaganda ang kanyang pakiramdam. Ngunit isang balita ang dumating sa kanya. Naaksidente  ang kanyang nakatatandang kapatid na si Zane.

Hindi alam ni Aimee ang gagawin sa mga oras na iyon. Ngunit hindi naman magawang tawagan ni Aimee ang asawa para magkaroon ng karamay. Nakakaramdam pa rin kasi ng hiya at panliliit si Aimee dahil sa narinig niya ng puntahan ito sa Cebu.

Dahil tindi ng aksidente na inabot ni Zane, pumanaw ito dahil sa kakulangan ng mga tao at gamitan para ito'y iligtas. 

Nagluksa si Aimee sa pagkawala ng kapatid. Makalipas ang pitong araw, idinaos sa Manila cemetery ang libing ni Zane. Walang Demux na piniling makasama si Aimee. Dumating man ito pero ibang tao at babae ang piniling tabihan maging damayan.

Dahil na rin sa tinamo na labis na pagod, sakit at pagkabigo halos bumigay ang katawan ni Aimee. Kahit ang kanyang kaluluwa ay lumulutang na rin ayon sa kanyang nararamdaman. Wala namang ginawa si Demux para sa kanya dahil mas inalalayan pa nito si Bella.

Matapos ang libing lahat ay umalis na, pero mas pinili ni Aimee ang manatili muna. Habang nakatingin sa puntod ni Zane naawa ang babae sa kanyang kapatid. 

“Patawad, pakiramdam ko kasalanan ko talaga. ‘Wag kang mag alala, ako ng bahala sa lahat kuya.” mahinang ani ni Aimee, bago muling bumuhos ang kanyang mga luha. Matapos ang isang oras pa na pananatili tumayo na si Aimee tsaka marahanang lumakad. Bago makailang hakbang muli niyang nilingon ang puntod ng kapatid.

“Magbabayad ang dapat magbayad kuya ko.” ani muli ni Aimee.

Sa hindi naman kalayuan ay naghihintay ang driver ni Aimee sa may pintuan ng kotse. Nauunawaan naman ng driver ang kanyang amo kaya tanging paghihintay at pag-unawa ang kanyang magagawa.

Napapikit si Aimee ng sa wakas ay nakasakay na siya sa kotse, "Manong, uwi na po tayo."

"Hindi ba tayo pupunta sa lumang bahay?"

"Hindi na po."

Tapos na ang libing, ngunit nagkaroon pa rin ng problema ang pamilya Aimee.

Si Zane ay ang panganay na anak na lalaki at apo. Si Zane din ang pinili na palakihin at hubugin ng mabuti ng kanilang pamilya kaya napunta si Aimee sa mga Gregorio.

Lumabas sa imbestigasyon na aksidente naman ang pagkamatay ni Zane. Dahil sa malfunction ng gear na kanyang suot. Pero dahil sa may ibang paniniwala sila ang itinuturing nilang pumatay aky Zane ay pag-uudyok sa kanya ni Bella na mag-skydiving. Si Belle na kanyang asawa. 

Base sa initial investigation. Ang kagamitan sa skydiving ay hindi gumana ng maayos kaya nahulog si Zane papunta sa kamatayan mula sa isang mataas na lugar. 

Gano'n pa man ay unti-unting nauunawaan ni Aimee ang lahat. Lahat ay naka-plano. Lahat sinadya, bilang kapatid ni Zane nagnais ang puso ni Aimee na maghiganti. Pero sa ibang paraan na alam niyang magmumukha siyang malinis at inosente.

Alam ng lahat na nagawang dalhin sa hospital si Zane agad, ngunit wala namang mahuhusay na doktor doon para iligtas siya. Wala ring kumpleto na mga gamit para tahiin ang sugat sa katawan ni Zane na naging dahilan ng pagkaubos nito ng dugo.

Hindi pa natatapos ang problema, galit at pagluluksa ng pamilya ni Zane. Pero mas luminaw na sa mga mata ni Aimee ang ugnayan ni Demux at Bella.

Sa totoo lang ayaw ng makita muli ni Aimee ang lahat lalo na kung paano ipagtanggol ng kanyang asawa ang babaeng kumitil sa buhay ng kanyang kuya. 

Alam ni Aimee na may mga dapat managot sa nangyari. Batid din ni Aimee na may mga bagay na dapat siyang gawin para sa ikakatahimik niya.

Pero, pag-andar pa lang ng sasakyan, biglang bumukas ang pinto sa back seat.

Si Demux ay nakasuot ng purong itim na handmade suit. Ang kanyang gwapong mukha walang wala ng halaga kay Aimee. Tila naman naguguluhan si Demux ng makita ang paraan ng pagtingin sa kanya ng asawa, " Aimee, uuwi ka na ba?" tanong ni Demux kahit na nababaguhan sa asawang si Aimee.

"Yeah!”

Tipid na sagot ni Aimee sabay sulyap sa kabilang dako at doon nakita niya si Bella at isang batang lalaki sa tabi nito.

Ang anak nina Bella at Zane, na Si Shiro ay apat na taong gulang pa lamang at chubby.

Medyo nalito si Aimee sa tanong ni Demux ng sandali, ngunit ng nakita niya si Shiro na sumakay sa kotse gamit ang kanyang mga kamay at paa tila naunawaan agad ni Aimee. Idagdag pa ang diretsong sinabi ng bata: "Tita, isama mo po ako at si Mama sa inyo ha!"

Bahagyang sumimangot si Aimee, itinaas ang kanyang mga mata at kinumpirma kay Demux gamit ang kanyang mga mata ang sinabi ng bata.

Kinagat ni Demux ang kanyang mga labi, "Galit pa rin sina Mom at Dad, hayaan mo muna sana tumira sina Bella at Shiro sa bahay natin." Ani ni Demux na parang natatakot na baka hindi sumang-ayon si Aimee, idinagdag niya pa, "Ayaw mo ba ng anak? It is great timing na rin upang matuto munang alagaan si Shiro.”

Hindi umimik ng pag-tutol at pagsang-ayon si Aimee pero hinayaan niya si Bella at ang kanyang anak na umuwi kasama niya sa bahay. 

Ngunit dahil sa bugso ng damdamin agad din naman umalis muna ng sandali ai Aimee para bumalik sa lumang bahay na mag-isa upang dalhin ang galit sa mga taong mapagpanggap. 

Hindi sukat akalain ni Aimee na may ika-kapal pa ang mukha ng mga ito. Gano’n pa man hindi naman magawang talikuran ni Aimee ang pamangkin. Dahil pinalaki siya ng kanyang pamilya na lubos na responsable.

Pagdating niya sa bahay matapos umuwi,  nakita ni Aimee na nakaayos at handa na ang lahat. Tiyak na tumawag ng mas maaga si Demux, para linisin na ni ate Arlene ang guest room.

“Too manipulative! Mga manggagamit.” wika ni Aimee sa kanyang isip.

Dala ni Aimee sa isip at puso niya ang samo’t saring damdamin hanggang sa maligo ito. Medyo nakatulong naman ang pagligo para lumuwag ang dibdib ni Aimee, bago humiga siya sa kama at nakatulog.

Nang muli siyang magising, alas nuebe na ng gabi.

Saktong kinuha niya ang telepono, tumatawag kasi ang isang kaibigan.

"I have drafted the divorce agreement according to your requirements. Ipapadala ko ba sa iyo?"

"Salamat, Mr. Garcia." 

Wala ng urungan, tutuldukan na nga ni Aimee ang lahat ng ugnayan nilang mag asawa.

“Send it urgently.” dagdag pa niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 240

    KABANATA 240 Tumindig ang adam's apple ni Eleazer habang pinagmamasdan ang panunukso sa kanyang mga mata. Sa una, sinubukan niyang pigilan ang sarili dahil naroon sina Lola Beatriz at Seb, ngunit ngayon, bigla niyang ayaw siyang palampasin nang ganun-ganon na lang. "Hmm?" Tumugon si Eleazer ng isang mahabang buntong-hininga, nagtataas ng kilay habang nagtatanong, "Anong gusto mo?" Habang nagsasalita siya, pinatay niya ang gripo dahan-dahan at sadyang pinunasan ang tubig sa kanilang mga kamay gamit ang malambot na tuwalya. Ginamit niya ang parehong tuwalya, una kay Aimee, pagkatapos ay sa kanya. Ito ay isang maliit na bagay, ngunit nagparamdam kay Aimee ng pagiging malapit. Dagdag pa, ang kanyang ekspresyon ay hindi na kasing tensyonado tulad ng dati, ngunit sa halip ay kaswal gaya ng dati, na may bahid ng pagkaaliw sa kanyang mga mata. Uminit ang mga tainga ni Aimee at naramdaman niyang may mali. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay, "Wala, lumabas na tayo, si

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 239

    KABANATA 239 "Mansion?" Hindi naman ito ang bahay ni Eleazer kaya bakit tumatawag si Seb? Hindi sumagot nang direkta si Aimee at tinanong, "Anong problema? Nasa Cassa Villa ako ngayon, katatapos ko lang mag-acupuncture para kay Tita Wen." Tumango si Seb at sinabi, "Oo, alam ko." Sa kabutihang palad, tapos na ni Aimee gamutin ang kanyang ina, Kung hindi magkakaproblema siya at kung malalaman ng kanyang pamilya na gumawa siya ng isang bagay na napakalaking kalokohan at hindi pinapansin ang kanyang ina para kay Eleazer, tiyak na papagalitan nanaman siya muli. Tinatawagan ang doktor habang tumatanggap ng paggamot ang kanyang ina ,anong isang mapagmahal na anak! Idinagdag ni Seb, "Si Lola Beatriz Napilayan ng matanda ang kanyang bukung-bukong habang bumababa sa hagdan at ang mga hakbang niya ay di niya lubos na namalayan dahilan para mawalan ng balanse at namamaga na ngayon, Ayaw niyang pumunta sa ospital kasama ko, ngunit na-iced na niya ito." Nang marinig ito, mabili

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 238

    KABANATA 238 Tinawag niya siyang, "Kuya"—Nataranta si Eleazer na parang may bumaril nang diretso sa kanyang mga eardrum papunta sa kanyang katawan, papunta sa kanyang bloodstream, na nagpamanhid sa kanyang tailbone. Ito ang unang pagkakataon simula nang magkita silang muli na kusang-loob siyang tinawag na "Kuya" gaya ng dati. Kung hindi dahil sa katotohanan na may iba pang mga taong nakatira sa tapat maliban sa kanya, malamang na hindi nakayanan ni Eleazer. Hindi, Hindi pa rin niya nakayanan. Pinihit ni Eleazer ang doorknob at lumabas, na hindi pinansin ang tanong ni Seb tungkol sa kung saan siya pupunta ng ganitong oras at gabi na pero dumiretso parin siya palabas ng bahay na hindi pinapansin si Seb. Walang sagot sa kabilang dulo ng telepono, ngunit mayroon pa ring ingay na nagmumula sa loob. Si Aimee habang iginuguhit ang mga kurtina at naghahanda na humiga sa kama, ay sinadyang sinabi, "Kung hindi ito totoo, kung gayon magpapanggap na lang akong nag-aakala." Sina

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 237

    KABANATA 237 Nang makita ni Seb ang masamang ngiti ni Eleazer, alam niyang naghukay ang lalaking ito ng hukay para mahulog siya at gayunpaman, wala siyang pagpipilian kundi ang tumalon. Tiningnan siya ni Seb nang may pag-iingat at sinabi, "Ano ang mga kondisyon? Hindi mo naman gustong maging isang walang pusong sub-landlord at taasan ang upa nang daan-daan o libu-libong beses, di ba?"Ngumisi si Eleazer at sinabi, "Paano ko gagawin iyon? Magkapatid tayo diba? Bukod dito, maliit na halaga lang ng pera, hindi ganoon kaseryoso." Hindi nakapagtataka na siya ang namamahala sa pamilya Gregorio. Hindi man lang siya tinitingnan ng daan-daan o milyon-milyon. Pero ang paraan ng pagsabi niya nito ay hindi nagmumukhang peke sa halip, mukhang ganap na makatwiran. Palihim siyang pinag-aralan ni Seb habang nagtatanong, "Kaya ano ang gusto mo?" Kumbinsido siya na walang magandang intensyon si Eleazer sa nais nito at tiyak na hindi siya binigo ni Eleazer na sinasabi, "Hindi ka ba m

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 236

    KABANATA 236 Hindi naging madali ang buhay ni Lola Beatriz sa pinili niya noon. Bilang isang babae, ayaw niyang sundan ni Aimee ang mga yapak niya Kahit apo niya si Eleazer hindi niya ito kukunsintihin. Natural na naintindihan ni Eleazer ang ibig sabihin ng lola niya, sa tingin niya ay hindi problema ang pagbubuntis ni Aimee, kundi natatakot siya na magdulot ito ng hindi pagkakasundo sa pagitan niya at ni Aimee sa hinaharap Pero hindi nag-alala si Eleazer tungkol dito. Kung ikukumpara sa sa babaeng pinalaki niya na maging isang solong ina o sa kanya na magpakasal sa iba, halos hindi mahalaga ang problemang ito basta mahal nila ang isat isa sapat na iyon para pagtibayin ang pagsasama nila. Mula simula hanggang wakas, si Aimee lang ang kinilala niya na asawa sa hinaharap. Kinagat ni Eleazer ang manipis niyang labi at nagsalita nang taimtim, isang bihirang pangyayari para sa kanya: "Lola, sigurado ako. Hindi ko naisip na magpakasal sa iba maliban sa kanya, kaya para

  • THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss   KABANATA 235

    KABANATA 235 Akala ni Aimee si Lola Beatriz ang dumating para bisitahin siya. Nang makita niyang bumukas ang pinto sa tapat, akala niya nagkamali siya ng bahay. Tutal, hindi madalas dumalaw si Lola Beatriz sa bahay niya at dahil sa edad niya, malinaw na hindi na kasing ganda ng dati ang memorya niya, kaya normal lang na magkamali siya. Napatawa si Eleazer at sinabi, "Mahusay ang memorya niya." Natigilan si Aimee na parang Magkakilala sina Eleazer at Lola Beatriz? Bago pa man niya maisatinig ang tanong sa isip niya, narinig niya si lola Beatriz na tumawa at nagsabi, "Walang mali, Hindi ba't nagkataon na nakatira sa tapat mo ang apo ko? Dapat magkakilala na kayong dalawa..." Habang nagsasalita siya, hindi sinasadyang sinulyapan ni Lola Beatriz ang magkahawak na kamay nina Eleazer at Aimee, nanlaki ang mga mata niya at biglang tumigil ang boses niya at magulat na sinabi, "Kayo, kayong dalawa...?" Nagpakita ng sorpresa at galak ang mukha niya at hindi niya masabi kung mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status