LOGIN"Sinabi sa akin ni Brandon na hapon pa ang flight niya pabalik. Sa umaga, maaari ninyong sulitin ang oras bilang mag-asawa para mag-date o kung ano pa. Elle, sino ba ang walang pagkakamali sa buhay? Ang pagsasama ay pinagdidiwang at inaalagaan ng dalawang tao. Alam kong may nararamdaman ka pa rin sa kanya," pagputol ng lola sa kanyang sasabihin.
"..."Napatigil si Elle at hindi agad nakapagsalita.Ngunit gaano man kalalim ang nararamdaman mo sa isang tao, may hanggaNoong huling beses na magkausap sila ni Edmund ay hindi nito sinabi ang totoo sa kanya, kaya akala niya ay isang ordinaryong tao lang ang napangasawa ni Elle.Bahagyang natigilan si Francis at sumulyap kay Janica.Nagulat naman si Janica sa naging interes ni Ivan sa usapan, ngunit ibinaba nito ang hawak na orasan nang may kalmadong mukha."Personal na buhay niya na iyan, Ivan. Mas mabuting pagtuunan natin ng pansin ang sarili nating proyekto," saway ni Janica.Hindi na ito nagbigay ng anomang sagot.Mas pinili nitong makipag-usap sa ibang mga negosyante sa paligid.Doon mas lalong humanga si Ivan sa ugali ni Janica.Binibigyan pa rin nito ng mukha si Elle sa harap ng marami. Sa halip na hiyain ito dahil sa pang-gugulo sa kanyang kasintahan, pinili nitong manahimik at huwag nang ilabas ang baho nito sa harap ng lahat ng tao rito.Napakaganda ng pinapakitang asal ni Janica para sa kanya.Kaya lang...
Bahagyang ngumiti si Janica nang palihim nang may kaunting pagmamayabang.May katwiran naman ang bawat salita na binitawan ni Francis.At least, siya ay may totoong talento na pwedeng ipakita, pero si Elle?Umaasa lang ito sa lalaki para makasiksik sa mundong kailanman ay hindi naman para sa kanya.Hindi niya ibababa ang kanyang sarili para makipagkompetensya sa isang tulad nito. Tungkol naman sa database ng Medicare, sigurado siyang makukuha niya iyon anoman ang mangyari."Maaari mo namang pag-isipan nang mabuti ang alok, Mr. Carlos. Ang layunin ni Janica ay makapasok sa National Academy of Medical Sciences sa hinaharap, at malaking tulong iyon para sa Intellicare kapag nagkataon," dagdag pa ni Francis para magyabang.Bahagyang natawa si Carlos bago sumagot."O? Napakalaki nga ng pangarap at napakatapang niya."Ang pangarap ay makapasok sa Academy of Sciences? Si Elle nga ay labinsiyam na taong gulang pa lang nung p
"Tutulungan ka ni Brandon na simulan ang proyektong iyan. Sa oras na magsimula iyan, ako ang unang maglalabas ng puhunan para sa kumpanya mo."Ang kanyang lolo ay kasalukuyan pa ring naghahanap sa taong nagligtas sa buhay nito noon. Pagkatapos niyang maglabas ng pera para sa proyekto ni Janica, dadalhin niya ito para makipagkita sa kanyang lolo. Siguradong matutuwa ang matanda at mas lalong magiging maganda ang pakikitungo nito sa kanya.Hindi naman napigilan ni Elle ang sumulyap kay Brandon.Tutulungan ba talaga nito si Janica para sa proyektong ito?Kanina pa palihim na nagmamasid si Ivan sa bawat galaw ni Elle.Ang pagsulyap nito kay Brandon ay muli niyang nakita ngayon.Isang lamig ang gumuhit sa ilalim ng kanyang mga mata.Paano ba ito hinding-hindi susuko sa lalaki?"Mr. Carlos."Nakita ni Janica si Carlos na papalapit sa kanilang direksyon kaya naman agad itong sumalubong nang may ngiti
Nang dumating ang umaga.Sabay na nakarating sina Elle at Carlos sa malawak na exhibition hall.Hindi mapigilan ni Elle ang mapabuntong-hinala sa napakabilis na pag-unlad ng panahon."Hindi pa huli ang lahat basta ba nagbalik ka na. Ang isang henyong tulad mo ay madaling makakasabay sa agos," nakangiting saad ni Carlos, may kaunting paghanga sa boses.Ang mga taong katulad ni Elle ay madaling maging mababa ang tingin sa sarili kung hindi mag-iingat.Hindi naman naglakas-loob si Elle na maging ganoon kakampi sa sarili.Maraming magagaling na tao sa industriyang ito, kaya mas mabuting maging mapagpakumbaba muna siya."Pumunta tayo roon at tingnan mo. Ang skeleton robot na ginawa mo sa National Academy of Medical Sciences noon ay kasama ring ipinapakita roon," turo ni Carlos sa isang direksyon.Ang mga kagamitang ipinapakita rito ngayong araw ay ang mga produkto ng malaking pag-unlad sa teknolohiya ng medikal na in
Sa buong buhay niya mula pagkabata, siya palagi ang may karapatang mang-insulto ng ibang tao.Ngunit sa harap ni Elle.Napakasakit ng mga salitang ibinabato nito sa kanya nang ilang beses na dahilan para tuluyan siyang mawalan ng maisasagot.Pip!Isang pamilyar na sasakyan ang biglang huminto sa kanilang tapat habang mabilis na umiikot ang likod nito.Kanina pa tinawagan ni Elle si Charnell para sunduin siya rito.Hindi na niya muling tinipon si Edmund, mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse ng kaibigan at sumakay bago sila tuluyang umalis.Tinitigan ni Edmund ang papalayong sasakyan nang may mabilis na takbo.Natawa siya sa sarili dahil sa galit.Talaga bang nagawa niyang matalo sa usapan sa harap ni Elle nang paulit-ulit?Wala pang sinomang tao ang nagawang magpatahimik sa kanya nang ganoon sa buong buhay niya.Isang hindi maipaliwanag na inis ang biglang gumuhit sa kanyang dibdi
Alam niya! Sila ng ate niya ang pinakamahalaga para sa lalaking ito!Nakita rin ni Janica na walang anomang balak si Brandon na magalit o mag-imbestiga sa nangyari.Hindi ba't patunay lang iyon na walang anomang halaga si Elle para rito?Mas lalong sumilay ang tamis sa kanyang mga labi."Brandon, mas pinapaboran mo pa siya kaysa sa akin," malambing na wika ni Janica.Wala nang nagbanggit pa sa pangalan ni Elle pagkatapos niyon.Tila ba walang anomang gulo na nangyari sa likod ng hardin."Hindi ba't dahil lang naman iyon sa iyo?" natatawang sagot ni Edmund habang sumusulyap sa direksyong dinaluhan ni Elle nang may kumplikadong ekspresyon.Bahagyang namula ang mukha ni Janica sa narinig, at mas lalong naging malambot ang kanyang tingin kay Brandon, puno ng tamis ang kanyang puso.Alam niya.Pinapahalagahan siya ni Brandon.At maging si Edmund ay nasa panig din niya ngayon.Dahil







