MasukChapter 3
SA labas ng 3D Coffee Shop, isang itim na Rolls-Royce ang nakaparada sa harap nito.
Sabay na napalingon ang drayber at assistant sa passenger seat, isang marangal na lalaki ang nakapikit roon.
Ang lalaki ay may maitim na buhok, makapal na kilay, at maputla at malamig na kutis. May matangos na ilong na mas lalong nagbigay sa kaniya ng angking kaguwapuhan, at ang kanyang mga labi ay natural na matingkad na pula at manipis. Sa totoo lang, guwapo pa siya sa mga male lead sa Kdrama at Cdrama.
Habang nakapikit ay napanaginipan na naman ni Brielle Sebastian ang kaakit-akit at mamasa-masang gabing iyon.
Mga hitang ala labanos sa puti, hindi malinaw na paghingal, mabilis na paghinga, putol-putol na mga ungol na lumalabas mula sa kanyang mapupulang labi.
Aksidente ang gabing iyon, ngunit nagdala ito kay Brielle ng isang alaala na kailaman ay hindi niya malilimutan.
It was his first time. Tungkol sa seks hindi siya inosente pero concervative si Brielle. Kapag nakipagrelasyon lalong-lalo na ang makipagtalik sa isang babae, aako na siya ng responsibilidad para dito.
Nang gabing iyon, nakiisa siya sa anumang gawain na dapat ay sa magkarelasyon lang nagaganap.
Ginugol nila ang gabi na magkasama, lumalagablab sa init at nagkaisa.
Plano sana niyang makipag-usap nang maayos sa babae tungkol sa kasal kinabukasan, ngunit nang magising siya, wala na roon ang babae.
Nakita na lamang niya sa mesang kulay pula, ang isang barya.
“Piso?”
Inis siyang napatawa. Iyon ba ang halaga ng serbisyo niya? Sa panahon ngayon wala ng halaga ang piso. Isang malaking insulto iyon sa kaniya bilang lalaki.
Gusto niya itong hanapin at tanungin nang personal.Sa kasamaang palad, hindi niya ito mahanap.
Wala ding record ang CCTV ng hotel mula sa araw na iyon dahil nasira umano.
Hinanap ni Brielle ang babaeng iyon sa loob ng isang buong taon, ngunit hindi pa rin niya ito nataatagpuan.
Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanyang manipis at mapupulang labi, at ang kanyang mahaba at tuwid na mga pilikmata ay gumuhit ng isang kaaya-ayang anino sa hangin habang iminumulat ang kanyang mga mata.
Ang assistant, na alam agad ang sitwasyon, ay alertong binuksan ang pinto ng kotse, at naglakad papunta sa likuran, saka binuksan ang pinto ng kotse, saka inilagay ang palad sa bandang itaas bilang alalay sa ulo ng amo bago ito lumabas sa kotse.
Narito siya ngayon sa harap ng Coffee Shop upang makita ang babaeng pilit ibinlind date ng lola niya.
ILANG sandali pa pagpasok ng lalaki sa naturang coffee shop ay may dumaang babae sa tapat ng Rolls-Royce.
Nakasuot ito ng isang simple pero eleganteng red dress, ang balat niya'y tela nagrereflect sa sinag ng araw na tumatama rito, at ang kanyang makapal, mahaba, at kulot na buhok ay nagniningning. Ang kanyang kaakit-akit na mukha ay nakamamangha, walang kahirap-hirap na nakahigit sa lahat ng mga artista at modelo sa magazine at telebisyon.
“Wow, tingnan mo! May magandang babae roon, grabe para s'yang si Kristine Hermosa, ala goddess ang dating niya. Tipong kaya niyang pabagsakin ang isang kaharian sa isang kisapmata lang.”
Sa loob ng Rolls-Royce, itinuro ng drayber si Janella at ipinakita ito sa kasama na nasa tabi
Tumingala ang assistant, nanlalaki rin ang mga mata sa pagkamangha sa nakamamanghang kagandahan ng babaeng itinuro ng kasama.
“Ang ganda nga!”
Sa tindig pa lang ng babae, halatang may mataas itong katayuan sa lipunan gaya ng kay Brielle. Marami na silang nakitang socialites, at mga maharlikang babae, at nakakita na ng lahat ng uri ng magagandang babae, ngunit wala ni isa sa kanila ang kasingganda ng babaeng nasa harapan nila.
Kakaiba ang ganda ng babae, may mapang-akit na mga mata at kaakit-akit na pang-akit. Ang kanyang pulang palda ay sumasabay sa ihip ng hangin, at siya ay parang isang apoy na handang lumiyab at tumupok sa mga taong mangmaliit sa kaniya.
Tulad ng nakabibighaning adarna na may magandang boses kapag ito’y umawit.
“Pero uy, ang ganda niya ah, malabong hindi siya magustuhan ni boss sakaling siya ang makakablind date niya.”
Habang nakatingin sa babaeng nasa labas, sumagot ang assistant, “Ayaw ni boss ng ganiyang uri ng babae. Mas gusto niya ang mga babaeng inosente at mahinhin. Isa pa, ang pula ang pinakaayaw ni boss.”
Bilang may karanasan na at may asawa, napangiwi ang drayber, “Hindi porke hindi mo type ang isang babae, hindi mo na siya matitipuhan. Kung talagang makakakilala ka ng isang taong gusto mo, wala kang pakialam kung bungi, pilay o p**e siya, magkakagusto at magkakagusto ka rin kahit hindi sila ang tipo mo.”
Kumibit-balikat ang kasama, “Okay, Ano taya? Pusta ako na ang ka-blind date ni boss ngayon ay parang mga chives sa bukid tuwing taglamig—parang bulaklak na namumukadkad pa lang.”
“Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko na magtatagumpay na si boss sa blind date n'yang ito. Pero mas okay sana kung ang babaeng iyan ang katagpo niya.”
Matagal nang naninilbihan ang assistant kay Brielle, kaya naniniwala siyang kilala niya nang husto ang amo kaya't lubos siyang kumpiyansa sa pustahan nilang ito.
“Sige. Pustahan na lang tayo. Kung sino ang matatalo dapat magbabayad ng sampong libong peso. So ano, pupusta ka ba?”
Taas at may kumpyansang tumango ang drayber. “Game.”
Chapter 27Nahihilo man, pakiramdam ni Janella ay kulang pa ang nainom niya. Napakalinaw ng mga sensasyon; ang balat na hinalikan ng kanyang mga labi ay parang nag-iinit sa kaniyang pakiramdam na parang kuryenteng unti-unting dumadaloy sa kaniyang sistema.Hindi naman mapigilan ni Brielle ang sarili, hindi pa siya lasing pero pakiramdam niya'y sinisilaban siya lalo na nang idikit ng asawa ang labi nito sa dibdib niya. Nagsitayuan ang balahibo niya lalo na ang kaibigan sa ibaba. “Damnit! Babae, alam mo ba ang ginagawa mo?” Parang wala itong naririnig, patuloy lang ito sa ginagawa, bagay na hindi mapigilan ni Brielle ang sarili. Inilagay na njya ang palad sa likod nito at malakas itong ikinabig paharap.Hinawakan ang ulo at pinatingala ito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.Dahil sa posisyong ito, mas madali sa kanilang dalawang halikan ang isa't isa. Mapang-akit na tumingin si Janella, saka inilapat ang labi sa labi nito na agad namang ginantihan ng banayad ngunit kalaunan
NANG matapos magbihis ni Brielle, lumabas na siya ng banyo. Nakita niyang nakahiga na ang babae, sinuyod niya ito nang tingin bago sinulyapan ang alak na nakapatong sa lamesang nasa gilid ng pader, naroon din ang baso, at halatang hindi pa iyon nasasalinan. Naglakad siya palapit at naupo sa kama. Naramdaman naman ni Janella ang palubog ng kutson kaya dahan-dahan siyang tumingala at nakita niyang nakaupo na ang lalaki sa tabi niya. Hindi nito suot ang binigay niyang pantulog, sa halip, suot nito ang maroon na roba niya na nakasabit sa likod ng pinto. Maikli iyon para sa lalaki, bagay na kita niya ang mapuputing braso at binti nito. Sa sandaling ito, bumaba ang kwelyo nito, na nagpapakita ng kalahati ng kaniyang maputi at makinis na balikat. “Bakit hindi ka pa nagtagay para sa sarili mo?” Inilagay ni Brielle ang palad sa balikat niya. “‘Wag kang kabahan. Wala naman akong gagawin sa ‘yo. Baka kasi kaya ka kinakabahan dahil akala mo gagalawin kita—but no, I just want to drink with
Chapter 25Pakiramdam ni Janella, may mga kunehong nagtatakbuhan at gustong lumabas sa dibdib niya sa mga oras na iyon.Upang itago ang kaba, nagtungo siya sa kabinet kung saan nakapatong ang telebisyon at yumuko, ang kaniyang katawan ay maayos na nakakurba. Binuksan niya ang drawer, at hinalungkay iyon. “Sige, maligo ka na lang muna. Hanapin ko lang ang shot glass na nakuha ko as give-away sa binyag na napuntahan ko last month. May sabon naman sa banyo, pagtyagaan mo na lang muna, hanapan na lang din kita extra shirt sa cabinet ko.” Patuloy na binubuksan ni Brielle ang butones ng kanyang damit, na nagpapakita ng malaking bahagi ng kanyang maskuladong dibdib, makinis at pino na parang labanos.“Sige. Ang init kasi.”Nang sandaling mawala ang matangkad at guwapo nitong pigura, napahawak si Janella sa kanyang dibdib at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga.Tahimik niyang isinumpa ang sarili sa pagiging assuming hindi pa nga niya nahuhubad ang kanyang damit, ay nagsisimula na siyang
Chapter 24 ………… Sa ibaba, sa loob ng Rolls-Royce. Patuloy na nakatingin ang assistant sa madilim na hagdanan, “Anong oras na, bakit hindi pa bumababa si boss?” “Naku, asa ka pang baba iyon.” “Ang sabi niya kakain lang daw siya, tas baba na.” “Naku, parang may naamoy na talaga ako d'yan sa amo natin. Pakiramdam ko kakainin niya rin mga sinabi niya sa huli.” Napalingon ang assistant sa katabi, “Impossible, walay may buang mo baliktad sa ilang kuan nga walay hinungdan ui!” “Ako.” Naalala ng driver noon bago sila magtalik ng kanyang asawa, sinasabi niya rito na isang beses lang niya ito gagawin. Hindi nagtagal pagkatapos ng unang beses, muli siyang nasa ibabaw ng asawa at sasabihing uulitin niya ito, dahil masarap at kakaiba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hanggang matapos ang pangalawa, nasundan uli hanggang sa nakalimang putok siya sa loob ng asawa. “Hindi mo pa kasi alam ang pakiramdam na iyon dahil wala ka pang jowa at walang experience, pero try mong maghanap ng
Chapter 23 “HEY . . .” Nabalik si Janella sa mula sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Brielle. “Bakit?” wala sa sariling tanong niya rito. “Tingnan mo ang baso.” Inilipat niya ang tingin sa basong sinasalinan niya ng tubig, kasabay niyon ang manipis na agos ng tubig na umaagos palabas, at natapon sa isang parte ng mesa. “What the—!” Kumuha siya ng tissue at nagpunas nang walang pakundangan. Kanina pa siya nag-iisip, mag-aalas dyes na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi ang lalaki. Kanina pa sila natapos sa pagkain at maglinis sa kanilang pinagkainan pero narito pa ito. “Ano ba kasing iniisip mo?” “Wala naman.” “Sigurado ka? Eh, bakit natataranta ka?” sabay tingin sa kamay. Tumingin si Janella sa ibaba at nakita niyang ang kamay lang ng lalaki ang pinupunasan niya ng tissue, habang ang tubig sa mesa ay nananatiling hindi nagagalaw. Mabilis niyang itinaas ang kamay, “Sorry, mali pala pinunasan ko.” Mabilis siyang tumayo. “Banyo lang ako.” Hindi pa m
CHAPTER 22 Biglang binawi ni Janella ang kamay niya mula sa tiyan ni Brielle. Noon lamang niya napagtanto na medyo malaswa ang kanilang posisyon. Para siyang sinapian, sumulyap pa ang mga mata niya sa tiyan nito, bagay na uminit ang kaniyang pisngi. Bigla siyang bumalik sa pag-upo, hinawakan ang mga naligaw na buhok sa kanyang noo gamit ang kanyang mga daliri at isinukbit sa likod ng tainga. “Wala. Nasiko ko lang ang tiyan niya kaya inano ko ‘yong ano niya.” “Ang okay, na ano lang pala ang ano. Akala ko nag-anuhan na kayo.” “Umalis na nga lang kayo rito!” itinaboy niya ang mga ito upang itago ang pangangamatis ng kaniyang pisngi. “Okay. Sa labas na lang po tayo mag-usap Mr. Sebastian, tinuyo na naman ang Ate eh,” aya ng kapatid kay Brielle. Habang palayo ay kumakanta pa ito ng Habang itinatapon ni Janella ang mga binalatang balat ng kamatis sa basurahan, tumingin siya sa ibaba at nakita si Brielle na nakasuot ng itim na tsinelas. “Wait—akala ko ba hindi siya nagsusuot ng







