FAZER LOGINChapter 2
Bumalik si Janella sa kanyang condo at itinapon ang bote ng pekeng bitamina sa basurahan.
Gusto niyang pumayat! Gusto niyang maging maganda! At bumalik sa dati niyang pangangatawan.
Gagantihan niya nang sampung beses ang mag-inang iyon sa lahat ng ginawa nila sa kanya!
Hindi siya nag-shortcut sa pagbabawas ng kaniyang timbang. Kinontrol niya ang dalawang bagay na hirap ang nakararami. Nagdiyeta siya at nag-ehersisyo.
Maraming tao ang sumubok, ngunit iilan lamang ang talagang gumagawa at nagtagumapay.
Mahilig talaga siya sa hot pot, fried chicken, barbecue, at potato chips, pero sa loob ng isang buong taon, ni minsan ay hindi siya nangahas na kainin ang mga iyon.
Kapag nagugutom siya uminom siya ng tubig; kapag may gusto siya, naghahalughog siya and last but not in the list, nagsisipilyo siya pagkatapos kumain to help lessen her cravings.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagugutom siya. Nagisising siya sa kalagitnaan ng gabi dahil sa gutom, niyakap nalamang niya ang kaniyang kumot at umiiyak, nagmamatigasan na ayaw kumain kahit isang subo.
Bukod pa rito, gumagawa siya ng aerobic exercise, strength training, at body shaping araw-araw.
Nag-jo-jogging tuwing umaga, umaakyat sa burol o kaya sa hagdan nang walang laman ang tiyan, swimming, cycling, squats, push-ups, planks, at Pilates extensions.
PAGKALIPAS ng isang buwan, tumuntong si Janella sa timbangan at tumimbang ng lagpas 70 kilos.
Lumipas pa ang dalawang buwan, tumuntong uli si Janella sa timbangan at tumimbang ng mga 64 kilo.
Pagkalipas ng tatlong buwan, muli.syang tumuntong sa timbangan at tumimbang ng at naging 60 kilos na lang siya.
Pagkalipas ng apat na buwan, tumuntong muli siya a timbangan at tumimbang ng 54 kilos.
Habang lalo niyang sinusubukang magbawas ng timbang, lalo itong nagiging mahirap.
“Ayos lang, ituloy mo lang! Makukuha mo din ang goal mo balang araw!” pag-cheer up pa sasarili.
Gagamitin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makamit ang isang napakalaking tagumpay!
Gusto niyang lahat ng paghanga at mga salita ng papuri ay nakatuon sa kanya!
Gusto niyang sabihin sa buong mundo na kaya niyang manalo!
Pagkalipas ng anim na buwan, tumuntong si Janella sa timbangan at tumimbang ng 51 kilos. Malayo pa pero malayo na.
PAGKALIPAS ng isang taon, tumuntong uli siya sa timbangan at sa wakas ay nakamit na niya ang kilong minimithi niya. Siya ay 49 kilo na. Payat oo, pero healthy naman siya dahil nasunod niya ang lahat, at hindi siya umabuso.
Matapos niyang pumayat, nanlaki ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin, mas naging malinaw ang kanyang ilong, nawala ang kanyang doble chin, luminaw ang kanyang panga, napakagaan ng kanyang pakiramdam kapag naglalakad, at kaya na niyang isuot ang anumang damit na gusto niya.
Sa pagbabawas ng timbang ay isa na ring uri ng desiplina. Kailangan mo lang gawing tama at huwag madaliin ang proseso.
Noon pa man ay mahilig na si Janella sa kulay pula.
Red symbolize, happiness, light,and positivity.
Dati, hindi siya kailanman nangahas na magsuot ng pulang damit kapag lumalabas siya, dahil natatakot siyang makita ang mga mapangutyang tingin ng mga dumadaan at masabihan ng pangit ng mga taong walang ginawa kundi bantayan ang iba at hindi tinitingnan ang kanilang mga sarili bago manghusga at makialam sa iba.
Nangahas lamang siyang isuot ang pulang bestida nang palihim sa kanyang silid kapag walang tao sa paligid.
Ngayon, nakukuha na niyang maglakad sa kalye suot ang pulang bestida, ang kanyang balingkinitan na baywang at magandang balakang, mahaba at kaakit-akit na mga binti, maputi ang balat at magandang mukha, bakas ang kumpiyansa sa bawat kilos.
Ang mga nagdaraang nakakita sa kanya ay hindi maiwasang mamangha at mapalingon sa kaniya.
Sa loob ng isang taon na pumayat siya, kailaman ay hindi pa sila nagkikita ng kontrabidang mag-ina. Mula nang araw na nalaman niya ang lahat ay hindi siya umuwi at nagpakita sa mga ito. Ilang mensahe ang natatanggap niya pero hindi niya iyon binigyang pansin.
Hanggang isang araw, habang nakaupo siya sa kaniyang kama nakatanggap si Janella ng tawag mula kay Flor, na ang boses ay parang napakaamo at mabait.
“Janella, iha, it's me, si mama Flor mo ito. Mayroon akong kasosyo at kaibigan sa negosyo. Mabait naman siya kaya lqng 50 years old na siya ngayon, halos kalahati ang tanda sa iyo. Naghahanap kasi siya ng ina at mag-aalaga sa kaniyang mga anak. He's already annulled, sa una niyang asawa. How about going a blind date on him? Kung magugustuhan ka niya, pwede mo siyang pakasalan. Mas maigi iyon para magagawa mo pa din ang mga gusto mo,” wika pa nito sa kabilang linya.
“Iha, hindi ka na bata. Kaya tigilan mo na ang pangarap mong mapansin ka ng mayayaman at guwapong lalaki. Panahon na para harapin ang realidad. Sa bigat mong lagpas otsienta, baywang na parang barell, at mga binti na parang elepante. Swerte mo na kung mapansin ka man lang ng isang annul na matandang lalaki na may dalawang anak.” dagdag pa nito na halatang nang uuyam.
“Kung mapapangasawa mo siya, malaki ang maitutulong niya sa negosyo natin.”
Tahimik lang siyang nakikinig rito at paminsan-minsa'y napapatango.
“Magkita na lang kayo sa 3D Coffee Shop mamayang ala una ng hapon, sa ika-9 na mesa. Kaya tumayo at maglinis ka na ng katawan at puntahan siya. Make sure na amoy bulaklak ka ha, hindi amoy bulaklak na naliligo sa mantika.”
Alam ni Janella na hindi ito isang blind date lang; isa itong panlilinlang upang ibenta siya sa kasusyo ng madtrasta.
Dahil napakahalaga ng kasosyong ito sa negosyo ni Flor at sa anak, titiyakin niyang masisira niya ang kanilang negosyo na dapat ay para sa kaniya.
Taas noo at may ngiting mapanlinlang siyang tumayo at nagtungo sa 3D Coffee Shop na sinabi ng madrasta.
Sa sala ng villa, nakikipagnegosasyon si Jake sa apat na lalaking binayaran para bantayan sila ni Blythe.Sa madaling salita, sinusubukan niyang suhulan ang mga ito.Buong kumpiyansa niyang itinaas ang kaniyang baba. “Magkano ang ibinayad sa inyo ng bayaw ko para bantayan kami ng munting prinsesa? Dodoblehin ko! Basta huwag ninyo kaming isumbong sa kaniya.”Walang emosyong sumagot ang isa sa mga lalaki. “sampong libong piso.”Napatigil si Jake.Sa sampung pisong laman ng bulsa niya, biglang nawala ang yabang niya.“Ah… ganoon ba?”Napatingin sa kaniya si Blythe. “Ano pang hinihintay mo? Ilabas mo ang dalawang daang libo!”Dahan-dahang nilingon ni Jake ang apat na lalaki.“Puwede bang perang pang-abuloy na lang sa patay?”Kumunot ang noo ng isa sa mga lalaki. “Kung may pera ka para sa yumao naming lola sa tuhod, tatanggapin namin. Sampung taon na siyang patay.”“Ah… ganoon ba?” Napalunok si Jake.“Baliw ka ba?” singhal ni Blythe.“Makinig ka, basta pera ang kailangan, may paraan akong
Hindi naglaun, unti unti nang lumulubog ang araw sa kanluran, natanglawan ng ginintuang liwanag ang harding ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos walang laman.Ngayon, napalilibutan na ito ng mga bulaklak na kanina lamang ay inilipat roon. Maayos na nakahanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng daanan, habang ang ilan ay nakatanim sa malalaking paso sa ilalim ng mga punong nagbibigay-lilim sa hardin.Sa gitna ng lahat, nakatayo si Brielle habang hawak ang isang maliit na pandilig. May mga mantsa ng lupa ang kaniyang puting polo, at bahagyang nagulo ang buhok dahil sa maghapong pagtatanim. Halata rin sa mukha niya ang pagod, ngunit hindi iyon naging hadlang upang mapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sarili niyang itinanim.Lumingon siya kay Janella, na tahimik na nakatayo ilang hakbang ang layo.“Mrs. Sebastian, ano'ng masasabi mo sa mga itinanim ko?”Muling sinuri ng babae ang hardin bago ibinalik ang tingin sa asawa.“Mga bulaklak.”Natigilan si Brielle, un
---Sa hardin, patuloy na naghuhukay si Brielle sa ilalim ng tirik na araw.Samantala, nakatayo si Janella sa lilim ng puno habang pinagmamasdan ang asawa.Ilang minuto na niyang pinapanood ang lalaki. Sa tuwing yumuyuko ito upang maghukay, nakikita niya ang mga ugat ng braso nito sa ilalim ng nakatiklop na manggas. Kapag inaayos naman nito ang mga punla, maingat ang bawat kilos, na para bang may hawak itong isang bagay na napakahalaga.Hindi niya namalayang napapangiti na siya.Maya-maya, humingi siya ng payong sa katulong at lumapit kay Brielle.Nang tumapat ang anino niya sa ulo ng lalaki, tumingala ito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa lilim?"Inangat ni Janella ang payong."Sinusuri ko lang kung ginto ba ang pala mo."Napatingin si Brielle sa hawak niyang kagamitan."Gusto mo bang tingnan?"Iniangat niya ang pala na para bang isa itong mamahaling bagay na ipinagmamalaki sa isang eksibisyon.Natawa si Janella."Oo naman. Baka sakaling may nakatagong
Pagkatapos ng tanghalian, dumating sa mansiyon ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga imported red lilies at hydrange na espesyal na ipinabili ni Brielle mula sa ibang bansa.Maingat na ibinaba ng mga tauhan ang mga kahon mula sa sasakyan. Sa loob ng mga iyon ay nakabalot ang mga punla at tangkay ng hydrangea, na sadyang pinili ni Brielle para sa hardin ng mansiyon.Hindi naman kailangang personal niyang asikasuhin ang pagtatanim. May mga hardinero silang nakatalaga sa pag-aalaga ng buong bakuran, at sapat na ang isang utos niya upang matapos ang lahat.Pero sa pagkakataong ito, may sarili siyang plano. Gusto niyang siya mismo ang magtanim ng mga bulaklak.Ang mga red lillies ay madalas iugnay sa matinding pag-ibig, paghanga, at pagnanasa. Sa ilang pagkakataon, sumasagisag din ang mga ito sa kagandahan at marubdob na damdamin.At iyon mismo ang nais ipahiwatig ni Brielle, kahit hindi pa niya kayang sabihin nang direkta sa asawa.Nang marinig ni Janella na pumunta ang lalaki sa
Napangiti si Jake."Opo! Kaya nga masakit na masakit—""Kung ganoon, bakit may pulang tinta sa puwitan mo?"Nawala ang ngiti ni Jake.Saglit siyang hindi kumurap.Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili.May malaking pulang mantsa sa likod ng pantalon niya.Eksaktong kung saan niya ipinahid ang tinta kanina.“Patay.”Subalit huli na. Sa sobrang taranta, bigla niyang pinagkrus ang mga binti at umusog sa upuan. Ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Brielle ang lahat, pati ang pekeng dugong ipinagmamalaki nila kanina."Kung hindi mo sinabi na sugatan ang tuhod mo," dagdag ni Brielle, "iisipin kong may regla ka. Wala naman sigurong lalaking nireregla ‘di ba?"Napahawak si Janella sa bibig upang pigilan ang tawa.Namula naman ang mukha ni Jake hanggang leeg."Kuya! Hindi mo naman kailangang ipagsigawan ‘yon.” "Kung ayaw mong mapahiya, huwag kang gumawa ng kalokohan."Napakagat-labi si Jake. Gusto niyang sumagot, pero nang makita niya ang ekspresyon ni Brielle, nilun
Saglit na natigilan ang lalaki.Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad patungo sa hapag-kainan na para bang wala siyang narinig."Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Baka lumamig ang pagkain. Masama pa namang paghintayin ang grasya."Napakurap si Janella."Hoy! Huwag ka ngang change topic!"Hindi lumingon si Brielle."Halina kayo. Mainit pa ang sabaw. Sayang naman kung hindi natin makakain."Napatitig si Janella sa likod ng asawa.Bigla niyang naalala ang usapan nila nong isang gabi.“Bakit parang ang husay mo nang humalik ngayon?” “Natuto lang ako nang mag-isa.” naging sagot nito sa tanong niya.Dahan-dahang napunta ang tingin ni Janella sa labi ng lalaki.Pagkatapos ay napakagat siya. “Talaga bang nag-aral lang siya nang mag-isa?” tanong ng kaniyang isipan. Sa hapag-kainan, magkatapat na nakaupo sina Janella at Brielle. Habang kumukuha ng ulam ang lalaki, hindi maiwasang sumulyap ng babae sa labi nito.Namumula pa rin ang mga iyon.Napakurap siya at mabilis na ibinaba ang tingi
Nagtaka naman si Janella, minsan na niya iyong pinatanggal sa derma. Dahil nangati at ayon sa dermatologist safe naman daw iyon, pero pinatanggal pa rin niya. Kaya akala niya'y hindi na mahahalata iyon. “Ang talas naman ng mga mata mo.” Naisambit na lamang niya. Ngumisi si Brielle. “Salamat. P
SAMANTALA kanina pa naibaba ni Brielle ang telepono, pero hindi pa rin maalis sa utak niya ang naging tanong ng kapatid. Lumaki siya sa isang tahanang punô ng sigawan at walang katapusang away ng kaniyang ama at ina-inahan. Halos gabi-gabi, wala sa bahay ang kaniyang ama, habang ang kaniyang ina-
Malinaw na napansin din ni Brielle ang mga pinggan na nakalagay sa kaniyang harapan. Hindi siya tanga upang hindi mapansin ang pagkaiba—walang ganoong putahe sa iba. At alam niya kung para saan ang soup na iyon. Para tuloy s'yang may malalang problema sa bato at lubhang nangangailangan ng tonics
ALAS singko na ng hapon, at sa wakas ay natapos nang ma-review at permahan ni Brielle ang lahat ng mga nakatambak sa kaniyang lamesa. Tumayo siya sa upuan at kinuha ang itim na suit jacket mula sa coat rack at kaswal itong sinuot bago nagpasyang lumabas. Nang buksan niya ang pinto, nagulat siya







