ログインChapter 167 NANG gabing makuha ni Janella ang ipinatahi niyang custom-made gown, dumiretso siya sa pinakamalaking cosmetic surgery hospital sa siyudad, kung saan nagtatrabaho si Lyca. Dahil Sabado, dagsa ang mga kliyente ng ospital. Alam ni Janella na tiyak na abala ang kaibigan kaya tahimik na lamang siyang naghintay sa opisina nito. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pinto. "Bestie!" masayang bati ni Lyca. "Pasensya na at pinaghintay kita." "Okay lang. Tapos ka na ba sa trabaho?" "Barely," natatawang sagot nito. "Dalawang double-eyelid surgery ang ginawa ko ngayong hapon. Tapos nagkapon pa ako ng aso ng kasamahan ko, libre pa." Napataas ang kilay ni Janella. "Pati hayop, inooperahan mo?" "Basta operasyon, game ako. Mas madali pa nga ang pagkapon kaysa double eyelids. Ilang beses ko na ring ginawa sa mga alagang aso ng mga katrabaho ko. Kaya nga tinatawag nila akong 'Queen of Castration.'" Napangiwi si Janella. "Huwag mong sabihing ipapakita mo pa sa akin ang... ala
Chapter 166 “SHH…” Sinenyasan ni Flor si Diane na manahimik. Kanina pa nangangarap si Diane na mapangasawa si Brielle Sebastian at maging bahagi ng alta society. Dahil sa pagsaway ng ina, napasimangot siya. “Ma, bakit pinapatahimik mo ako?” Tahimik na itinuro ng nguso ni Flor ang babaeng makakasalubong nila. Napalingon si Diane at agad niyang nakita ang isang babae na nakasuot ng pinakabagong pulang Chanel dress. Matangkad ito at balingkinitan, may magandang hubog ng katawan. Payat man, kapansin-pansin pa rin ang tamang kurba ng kaniyang pigura. Lalong namumukod-tangi ang malamig ngunit marangal nitong tindig. Bawat hakbang ay punong-puno ng kumpiyansa at elegante. Hindi lahat ay kayang magsuot ng matingkad na pula. Hindi dahil pangit itong tingnan, kundi dahil kakaunti lamang ang may dating na kayang magdala ng ganoong kulay. Ang pula ay mapili. Bukod sa kutis, tangkad, at hubog ng katawan, kailangan din nito ng sapat na karisma upang hindi matabunan ng mismong kula
Samantala, sa unang palapag ng bahay, abalang gumagawa ng takdang-aralin si Jake, araw-araw iyon na lang lagi ang inaatupag niya. Minsan naglalaro siya ng online games pero alam pa rin niya ang kaniyang priority. Nang mapansin niyang dahan-dahang bumababa si Janella mula sa ikalawang palapag. At nakaalalay si Brielle.Paika-ika itong naglalakad, na para bang bawat hakbang ay may kasamang kirot."Ate, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.Hindi pa man nakakasagot si Janella ay nauna nang magsalita si Brielle. Bahagya pa itong ngumiti at pasimpleng sinulyapan ang asawa."Ikaw na lang ang magsabi sa kapatid mo kung bakit ka paika-ika."Halos mabulunan si Janella., iba ang tono ng pagkabigkas nito kaya napakunot-noo siya.Mabilis niyang binigyan ng masamang tingin ang asawa bago pilit na ngumiti kay Jake"Wala 'yon. Nalasing lang ako kagabi. Nadulas ako at bahagyang naipit ang ugat sa paa ko."Tumango naman si Jake."Ah, kaya pala." "Kaya sa susunod, mag-ingat ka na sa pagla
KINABUKASAN bandang alas-diyes na ng umaga nagising si Janella. Pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad niyang hinanap ang cellphone sa may ulunan ng kama. Ramdam niya ang pasakit ng kaniyang ulo, kaya napahawak siya rito. Ngunit nang makita ang oras sa screen, bigla siyang napabalikwas ng bangon. Ang sakit na kaniyang iniinda ay tila tinangay ng hangin. "Oh my gosh! Mala-late na ako sa trabaho!" Sa sobrang pagmamadali, naihagis niya ang kumot na nakatakip sa kanya, saka mabilis na bumaba ng kama. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Brielle mula sa harap ng malaking bintanang salamin. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang isa nama'y may hawak na tasa ng kape. Bahagya itong napalingon sa kanya bago kalmadong nagsalita. "Sabado ngayon." Natigilan si Janella, tila biglang nahimasmasan ang isip niya. Napakurap siya nang ilang ulit bago napahawak sa noo, napapikit saka nailing. "Ay... oo nga pala." Nahihiya siyang bumalik sa kama at muli
Hindi man sila halos magkasama, subalit kapag nagkita sila, may mga sandaling hindi napapansin ni Janella na unti-unti nang nagiging bahagi ng kanyang buhay ang maliliit na bagay na ginagawa ni Brielle para sa kanya. Mga malumanay na salita. Mga banayad na haplos. Mga gabing hindi siya iniiwang mag-isa. At mga yakap na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya. Kahit sa kalasingan, hinahanap ng puso ng isang tao ang katahimikan at seguridad. At sa gabing iyon, natagpuan ni Janella ang mga iyon. "Sige..." mahina niyang bulong pero halatang ang diwa na lamang niya ang nakakarinig. Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pag-aalala tungkol sa malaking itim na "daga." Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Ang makakapal niyang pilikmata ay nakalaylay na parang mga pakpak ng paru-paro habang unti-unting dinadala siya ng antok patungo sa mahimbing na pagtulog. Wala na ang makulit, matigas ang ulo, at palaging palaban na si Janella. Sa sandaling iyon, para lamang si
Agad namang napalingon si Brielle. Nakatuon ang kanyang tingin sa mukha ni Janella. Namumula pa ang mga pisngi nito dahil sa mainit na paligo, habang ang mga hibla ng buhok ay bahagyang basa pa. Kumikinang ang mga mata nito sa ilalim ng ilaw, dahilan upang magmukha itong mas buhay at masigla kaysa kanina. "Halika nga rito sandali," bulong ni Janella. Lumapit si Brielle sa pintuan ng banyo. "Ano 'yon?" "Kunin mo naman ang pantulog ko," pakiusap pa nito. "Sige." Tumalikod siya at naglakad papunta sa aparador. Matapos maghalungkat ng ilang sandali, kumuha siya ng isang burgundy na pantulog at ibinalik iyon sa may pintuan ng banyo. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Janella. "Ayaw ko niyan." Napataas ang kilay ni Brielle. "Bakit?" "Masiyado iyang maganda." Napabuntong-hininga si Brielle. "At anong problema doon? Mas okay nga ito eh." "Malay mo, lalo kang mabighani sa akin." Napatawa si Brielle. "Ang taas naman ng confidence mo." Agad naman itong sumiman
Pag-akyat nila sa ikalawang palapag, dinala ni Brielle si Janella sa isa sa mga silid doon. Pagkabukas pa lang ng pinto, agad nang napansin ni Janella ang malaking pagkakaiba nito sa kuwarto ni Blythe. Kung ang kuwarto ni Blythe ay puno ng malalambot na kulay, stuffed toys, at mga dekorasyong p
Nagtaka naman si Janella, minsan na niya iyong pinatanggal sa derma. Dahil nangati at ayon sa dermatologist safe naman daw iyon, pero pinatanggal pa rin niya. Kaya akala niya'y hindi na mahahalata iyon. “Ang talas naman ng mga mata mo.” Naisambit na lamang niya. Ngumisi si Brielle. “Salamat. P
SAMANTALA kanina pa naibaba ni Brielle ang telepono, pero hindi pa rin maalis sa utak niya ang naging tanong ng kapatid. Lumaki siya sa isang tahanang punô ng sigawan at walang katapusang away ng kaniyang ama at ina-inahan. Halos gabi-gabi, wala sa bahay ang kaniyang ama, habang ang kaniyang ina-
“Sira! Kita mo namang nasa kumpanya mo tayo.” “Joke lang,” natatawang dagdag ng binata. “Pagod lang talaga ako kaya dinadaan ko na lang sa biro.” Napatawa rin si Janella sa sarili. Kagabi pa kasi sila gising—mula alas-diyes ng gabi hanggang halos alas-tres ng madaling-araw. At kahit hindi m







