HINDI NAPIGILAN ni Philip ang mapangiti. “Of course, narito ako. Kanina pa nga.”
Nilaro ni Kelly ang mga daliri nito. “Hindi lang po kasi ako makapaniwala...” “Bakit naman?” “Kasi po alam ko naman na ayaw mo sa amin ni Mama. Kaya ka nga po hindi umuuwi, e.” Natigilan si Philip. Hindi naman niya intensiyon na sadyang balewalain ang bata, ngunit hindi niya pansin na kahit pala sa murang edad nito ay nahahalata na nito ang mga ganoong bagay, o baka naman... “Papa, sana po maging OK na kayo ni Mama. Mabait siyang mama. Sana po umuwi ka na po palagi para may kasama siya—” “‘Yan ba ang turo niya sa ‘yo?” Hindi siya makapaniwala kung gaano kasahol si Camilla. Talagang bini-brainwash na nito ang bata at tinuturuang maging kasingtuso nito. At talagang may script pa, ha. ‘What a rotten liar...’ “Hindi po...” Bumangon ito at kinuha mula sa bureau ang isang maliit at pink na notebook. Binigay nito iyon sa kaniya. “Nariyan po ang daily thoughts ko, basahin mo po para makita mo kung gaano kabait si Mama at kung gaano ka niya kagusto.” Tumango siya ngunit hindi na nagsalita. Tinago niya sa loob ng kaniyang coat ang notebook nang dumating si Camilla. Pinainom nito ang maligamgam na gatas sa bata na agad namang nahiga at naghanda na sa pagtulog pagkatapos. Nang nahihimbing na si Kelly ay tsaka lamang sila maingat na lumabas ng silid. “Ikaw ang maghatid kay Kelly bukas. Alas siyete ang umpisa ng klase niya sa kindergarten. Sa guest room ka na matulog—” “Para ano? Para magapang mo uli ako kagaya noon?” Naalala pa niya ang gabing sumira sa mga buhay nila ni Shaira. “Huwag kang mag-alala, uso ang lock sa pamamahay na ito. Isa pa, hindi ka naman lasing para hindi makapanlaban kung sakali mang may pumasok sa guest room at pagtangkaan ka ng masama. Lalaki ka, Philip. Alam mo ang diperensiya ng lakas ng lalaki sa babae,” diretso ang mukha na wika nito bago siya tinalikuran. “Pamamahay mo naman ito, alam mo kung nasaan ang guest room. Magpapahinga na rin ako,” saad pa nito habang papalayo. KINAUMAGAHAN AY sakay na nga ng kotse sina Philip at Kelly. Ihahatid na niya sa eskwelahan ang kaniyang anak. Kitang-kita ang sigla sa bata habang nakaupo ito sa backseat katabi niya. “Rica, please inform our major shareholders about the meeting in half an hour,” aniya sa kaniyang sekretarya na kausap niya sa cellphone. “Sir, saan po ba muna tayo? Sa school o sa opisina ninyo?” anang driver matapos ang kaniyang tawag. “Alin ba ang mas malapit?” Noon ay napagtanto niya na hindi niya alam kung saan nag-aaral si Kelly. Napalingon siya sa bata na nakamata pala sa kaniya sa buong pagkakataon na nakasakay sila sa kotse. “A, mas malapit po ang eskwelahan ni Kelly, kaso mata-traffic tayo papunta sa office kung uunahin natin siya, e di ba po sabi ninyo may meeting pa kayo in half an hour.” Napamura siya sa isipan. Dahil sa pagiging makasarili ni Camilla ay naiipit tuloy siya sa isang sitwasyon na hindi naman sana nangyayari. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang isang buwan na iyon. “Pa—” “Sir—” Magkapanabay na tawag sa kaniya ng mga kasama sa kotse. “Sige na, ihatid mo muna ako tapos ihatid mo itong bata.” “Yes, Sir.” “Anong kailangan mo?” Bunsod ng kay agang abala ay hindi naging maganda ang dating ng pagtugon niya sa bata. Agad namang na-realize iyon ni Philip, lalo na nang mapansin niyang natahimik si Kelly at nilaro na lamang ang handle ng lunchbox nito. Napabuga siya ng hangin. Hindi naman siya talaga galit sa bata, sa ina nito siya nabubwisit. Nadadamay lamang ito dahil kamukhang-kamukha nito si Camilla. Nang muli siyang magsalita ay pinilit niyang maging mahinahon. “May gusto ka bang sabihin, anak?” Otomatiko ang pagngiti ng bata nang tumingin sa kaniya. “Papa, pwede mo po ba akong sunduin mamaya?” “Hmmm... Anong oras ba ang uwian ninyo?” “10 po. Saglit lang kami sa school.” Kinuwenta niya sa isipan kung matatapos ba ang meeting sa ganoong oras. Sa palagay naman niya ay kakayanin kaya tumango siya. “OK, susunduin ka ni Papa mamayang 10.” “Yay!” Lalong sumigla ang anyo at tinig nito. Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi na rin nga siguro masama na magpakaama siya sa loob ng isang buwan. Parang training na rin niya oras na sila ni Shaira ang magkaroon ng anak. “Wait lang, Kelly, ha? Magpapahatid lang ako sa office tapos ikaw naman ang ihahatid ng driver sa school, OK lang ba ’yon?” “OK lang po!” WALANG PAGSIDLAN ang kasiyahan ni Kelly kaya kahit ma-late siya sa school ay ayos lamang sa kaniya. At least ay mas mapapahaba nga ang pagsasama nila ng kaniyang ama. Nagba-bye pa ito sa kaniya pagkababa ng sasakyan, hindi nabubura ang ngiti sa kaniyang mga labi hanggang sa siya ay maihatid na ng driver sa school. Sinadya niyang makapasok muna sa kanilang classroom bago tumawag sa mama niya. Nilakasan pa niya ang boses para marinig ng kaniyang mga bully na kaklase. “Ma! Huwag mo na po akong sunduin mamaya, ha. Si Papa na ang susundo sa akin!” “O, sige, si Papa mo muna ang bahala sa iyo mamaya,” tugon ng kaniyang ina. “Sige po, I love you!” “I love you too, anak. Huwag ka masyadong magpapagod, ha.” “OK po, ba-bye!” Napatingin sa kaniya ang ilang kaklase at lumapit. “Talaga ba, Kelly? Susunduin ka ni Papa mo?” anang isang bata. Nakangiting tumango siya. “Hmmm! Mamaya makikita ninyo siya at yung maganda niyang car!” “Wow! Sana kami rin may magandang car!” Kuntentong-kuntento si Kelly at energetic sa buong klase. Sa wakas kasi ay mapatutunayan na niya na mayroon siyang papa. Hindi na siya ibu-bully... NAPANGITI SI Camilla nang matapos ang tawag. Kahit papaano naman pala ay tumutupad sa usapan si Philip. Napatitig siya sa cellphone pagkatapos ay saglit na nag-scroll sa social media. Nangunot ang kaniyang noo nang makita ang isang pamilyar na gold watch. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang relong niregalo kuno ni Philip kay Kelly. “Oh, to be love like this... Thanks for the gift, Babe.” Yun ang caption ng larawan na si Shaira pala ang uploader. Sh-in-are iyon ng isa sa friends niya na nilagyan pa ng caption na, “Sanaol na lang.” Dali-dali niyang b-in-lock ang account ni Shaira para hindi na siya makakita ng anumang posts nito kahit pa i-share iyon ng social median friends niya. Sarkastiko siyang napatawa. Kagabi lang ay hawak ni Kelly ang relo na iyon, ngunit ngayon ay nasa mga kamay na ni Shaira. Ang tindi.“MA?” Pilit pinakalma ni Camilla ang sarili nang marinig ang maliit na tinig ng anak. Nilingon niya ito at nginitian. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Ngumiti nang kaunti si Kelly. “OK lang po, basta OK ka.” Humanga siya sa sariling kakayanan na pagmukhaing kalmado ang sarili sa kabila ng nag-aalimpuyo niyang kalooban. “Oo naman, OK ako, anak.” “Mama, nagalit yata sa akin si Papa.” Nangilid ang luha nito. “Ha?” pagmamaang-maangan niya. “Bakit naman siya magagalit sa iyo, e ang bait-bait mo.” Humikbi ito. “Kung hindi siya galit sa akin, bakit hindi niya tinupad ang sinabi niya na susunduin niya ako?” “Anak, busy lang si Papa mo.” At pinagtatakpan pa rin niya ang walanghiyang lalaki para lang hindi pasamain ang loob ng bata. Nagsunud-sunod ang paghinga ni Kelly hanggang sa napaubo ito nang walang tigil. Hiningal ito at kinabog-kabog ang dibdib. Lumukob ang kaba sa buong pagkatao ni Camilla. “Kelly? Kelly, anak, anong masakit? Hindi ka ba makahinga? Anak dadalahin kita sa ospital!”
AKALA PA naman niya ay seryosong nagpapakaama na si Philip. Bigla ay naawa siyang muli kay Kelly. Ang natatanggap ni Kelly mula sa ama nito ay ang tinatawag na bare minimum ngunit maligayang-maligaya na roon ang kaniyang anak. ‘Wala, e... Mas matimbang sa kaniya si Shaira kaysa sa sarili niyang dugo at laman...’ Nahinto lamang siya sa pagdaramdam nang tumunog ang alert tone ng kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na pangalan sa kaniyang inbox na kaytagal na niyang hindi nakikita. Nag-send lamang ito ng larawan ng isang plane ticket. Ang schedule ng flight ay sampung araw mula noon at ang destinasyon ay sa Pilipinas. Napalunok siya... GAYA NG INAASAHAN ni Philip ay nakawala nga siya sa meeting bago mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang pulong na iyon, kumbaga sinisiguro lamang niyang nasa kaniya pa rin ang loyalty ng shareholders ng kumpanya. At matapos ang ilang bolahan at palaparan ng papel ay hayun siya at susunduin na ang
HINDI NAPIGILAN ni Philip ang mapangiti. “Of course, narito ako. Kanina pa nga.” Nilaro ni Kelly ang mga daliri nito. “Hindi lang po kasi ako makapaniwala...” “Bakit naman?” “Kasi po alam ko naman na ayaw mo sa amin ni Mama. Kaya ka nga po hindi umuuwi, e.” Natigilan si Philip. Hindi naman niya intensiyon na sadyang balewalain ang bata, ngunit hindi niya pansin na kahit pala sa murang edad nito ay nahahalata na nito ang mga ganoong bagay, o baka naman... “Papa, sana po maging OK na kayo ni Mama. Mabait siyang mama. Sana po umuwi ka na po palagi para may kasama siya—” “‘Yan ba ang turo niya sa ‘yo?” Hindi siya makapaniwala kung gaano kasahol si Camilla. Talagang bini-brainwash na nito ang bata at tinuturuang maging kasingtuso nito. At talagang may script pa, ha. ‘What a rotten liar...’ “Hindi po...” Bumangon ito at kinuha mula sa bureau ang isang maliit at pink na notebook. Binigay nito iyon sa kaniya. “Nariyan po ang daily thoughts ko, basahin mo po para makita mo kung gaano
“CAMILLA...” GIGIL na wika ni Philip. Hindi niya pinansin ang nagbabaga nitong mga mata. “Gusto kong magmula bukas—birthday ni Kelly—ay samahan mo siya parati at iparamdam sa kaniya na isa kang ulirang ama. Gawin mo lang iyan sa loob ng isang buwan at pagkatapos ay wala na tayong pakialaman. Pipirmahan ko nang matiwasay ang annulment papers natin kahit wala kang ibigay na kahit na ano sa akin. Yun lang ang kondisyon ko.” Nagsalubong ang mga kilay ni Philip at akmang sasagot ngunit pumitada na naman ang kapatid ni Shaira. “Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo! Gagamitin mo pa talaga ang bastarda ninyo—” “Tumahimik ka!” bigla niyang sigaw. Hiindi niya ito papansinin kung hindi lang sa bansag nito kay Kelly. “Wala kang kinalaman sa usapan namin kaya huwag kang makisali!” “Ikaw itong basta na pumasok dito habang nag-uusap kami tapos—” “Dennis, tama na. Ako na ang bahala rito,” saway ni Philip bago siya muling hinarap. “Ano na naman bang pakana ito, Camilla? Bakit pati si Kelly ay
HALOS MADULAS sa pagtakbo si Camilla, hindi siya nakapagsuot ng matinong sapatos o tsinelas man lang dahil sa natanggap na tawag mula sa teacher ni Kelly. Nagtutumining sa kaniyang mga tainga ang mga salitang binitiwan ni Teacher Joan nang tawagan siya nito. ‘Mommy, sinugod namin si Kelly sa ospital. Nahihirapan kasi siyang huminga at nagkukulay blue na ang mga labi...’ Alam niyang mabilis mapagod si Kelly, pero ano iyong nagkukulay blue raw ang mga labi nito? “Doc!” sigaw niya sa doktor na nakitang lumabas sa emergency room kung saan daw naroon si Kelly. “Doc, ako si Mrs. Limjoco. Mommy ni Kelly. K-kumusta siya?” Pinakatitigan siya ng doktor bago ito huminga nang malalim at inimbitahan siyang maupo muna. Hindi niya gusto ang kaseryosuhan nito na tila ba may napakabigat na balita itong ihahatid sa kaniya. Pumalo sa kaba ang kaniyang puso. “Mrs. Limjoco... hindi ko alam kung bakit hindi ninyo kaagad napansin ang signs pero… si Kelly ay may severe congenital heart disease. Late