LOGIN
“I love u my wife, please come back to me!,” pagsumamo sa akin ni Irven na nakaluhod sa aking harapan.
Hindi ko mapigilan ang pangilid ng mga luha ko pero mas pinili ko ang patibayin ang aking kalooban. “Love? Anong alam mo sa pagmamahal? Taksil ka? Pagmamahal ba iyon?,” sumbat ko sa kanya. “I am so sorry!,” hindi na nito napigilang mapahagulhol, kitang- kita ko ang pagbaksak ng kanyang balikat. “Sorry? Anong akala mo isang sorry mo lang mabubura lahat ng kataksilan mo sa akin?,” hiyaw ko at pilit na inaalis ang dalawang kamay niya na nakayakap sa aking mga binti. “Please… maawa ka sa akin, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko!,” hindi pa rin ito maawat sa pakikiusap sa akin pero buo na ang loob ko, hindi na niya ako malilinlang sa paawa niya sa akin. “Awa? You already did leave me, the moment you cheated on me!!! Wala ka ngang awa sa akin, naisip mo lang ba ako ng pumatol ka sa babae mo, wala!! Kaya anong karapatan mong humingi ng awa? kapatawaran? pagmamahal? …. sa akin Irven!!! ,” I said my last blow with rage and contempt. “Isabel… please…!,” tanging namutawi sa bibig ni Irven. “Makakaalis ka na… leave me alone!,” taboy ko sa kanya. “No… no… no… wife? Please give me another chance… promise no more cheating… hindi na ako magpapadala sa tukso bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon na ayusin ko itong pagkakamali ko!,,” ang lakas lang talaga ng loob ng lalakeng itong humingi ng second chance. “Chance? Hindi nga kita mapatawad sa kataksilan mo, bibigyan pa kaya kita ng isa pang pagkakataon na saktan ako muli… no way, Irven hindi basta- basta nawawala ang sakit dito sa puso at isip ko.., I don’t think magkakaayos pa tayo, you ruined everything… hindi madali ang hinihiling mo… kaya utang na loob umalis ka na!!,” mahabang litanya ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkapit niya sa aking dalawang binti kaya’t nagmadali akong umatras sa kanya. Sumalampak siya sa sahig. Awang- awa ako sa kanyang hitsura at pagtangis pero hindi niya ako masisisi dahil tulad niya ay lubos din akong nasasaktan. “Bumalik ka na sa babae mo. Tapos na sa atin ang lahat Irven!,” iyon ang huli kong salita sa kanya bago ko siya tinalikuran at mabilis na pumasok sa pinto ng munti naming bahay na magkakapatid. Napakapit ako sa aking dibdib at napasandal sa pinto ng maisarado ko na ito. Hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang pag-iibigan namin ni Irven. Siya lang lalakeng pinagkatiwalaan ko ng lubos at buong puso kong pinag-alayan ng aking pagkatao. Pero siya lang pala ang sisira sa akin at sinumpaan naming habang buhay na pagmamahalan. Hindi ko batid kung saan ako nagkamali at ano ang aking pagkukulang. Lahat naman ay ibinigay ko sa kanya. Wala akong itinira para sa aking sarili. Masakit na masakit. Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit. Pinagmukha niya akong tanga. Pinaniwala sa lahat ng kanyang mga pangako. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya na kailangan niya pang pumatol sa mas bata at mas seksi sa akin? Pakiramdam ko ay napakababa ko, napakapangit at walang karapatan na mahalin. Isa lang naman akong ulirang asawa, mabait at mapagbigay na kapatid at higit sa lahat isang simpleng babae na gusto lamang pasayahin at iukol ang kanyang buhay sa mga toang mahalaga sa kanya. I gave up everything in the name of love. Tinalikuran ko lahat para sa pagmamahal ko kay Irven. I let him chase and reach for his dreams. I supported him in all his endeavors. I played the untiring, loving and submissive better half but now I became his betrayed wife. Ako si Isabel Mendez naniwala, umasa at nagmahal ng totoo. Pero sa huli niloko at sinaktan. Makakabangon pa kaya akong muli at makakabawi sa pagiging the Billionaire’s Betrayed Wife?“Hon, gising— what’s this?— oh, I am so sorry, I forgot about our anniversary!,” malungkot na turan ni Irven habang palinga- linga sa buong set-up ng hardin. “Hon—- I am sorry nakatulog ako—- happy 4th wedding anniversary mister ko!,” mabilis akong tumayo hindi ko na alintana ang hitsura ko basta’t maiabot ko lang sa kanya ang fuzzy wire bouquet na ginawa ko. “Thanks hon, you are so sweet! Pasensiya ka na hon, babawi ako next time— nagkaproblema lang sa site kaya inayos ko pa kaya nagabihan ako!,” hindi magkauga-ugaga na rason pa ni Irven. “Okay lang iyon, ang mahalaga ay narito ka na at nakaabot ka sa surprise dinner date ko para sa ating dalawa—- nagustuhan mo ba, hon?,” malambing kong sabi habang ipinulupot ko sa kanyang batok ang aking mga kamay. “Ahmm— of course, hon— ang ganda— thanks hon!,” ganti pa nito sa akin ngunit nasa lamesa sa likuran ko ang tingin. “Ah— eh, hon— kain na tayo, upo ka na— ipaghahain kita, marami akong niluto, — ahhmn, gusto mo initin ko muna? hala, a
“Asan ka na, hon?!,”mangiyak- ngiyak kong anas habang nakaupo sa sofa paharap sa main door. Mga isang oras na rin ako naghihintay sa mister ko. Hindi ko maggawang tumayo at pumunta sa hardin kung saan nakaset- up iyong surprisa kong dinner date para kay Irven. “Ano kaya kung tawagan ko na lang siya?!,” wika ko sa sarili habang titig na titig sa key pad phone ko. Hindi na kasi ako mapakali. Imposibleng nakalimutan ni Irven ang wedding anniversary namin ngayong araw. Kahit paggising ko kanina ugma at sa buong araw ay wala akong text na natanggap sa kanya. No greetings and no sweet words coming from him. Naninibago ako sa kanya pero baka parte lang din ito ng surpresa niya sa akin. Irven is also full of surprises kaya nga nainlove ako lalo sa kanya. “Please answer, hon—!,” hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili at tinipa na ang numero ni Irven. Ilang ring na ng telepono ni Irven ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko. Hanggang nag- end na ang call. Inulit ko naman n
“Ate, ang baho muna, maligo ka na nga!,” angal sa akin ni Nica matapos kong magluto ng mga putaheng ihahain ko mamaya sa surprise anniversary dinner date namin ni Irven. “Oo mamaya na, tatapusin ko munang linisin ang mga kalat ko rito,” saad ko pa sa bunsong kapatid. “Hay, naku, ate… ako na bahala rito—- magpahinga ka na at magpaganda, sige ka mamukha kang haggard mamaya pagdating ni kuya Irven,” dagdag pa nito. “Ikaw talaga Nic— kapatid ba talaga kita? okay lang naman na eremind ako eh, may dagdag pang negatibong patutsada!!!,” balik ko sa kanya. “Haist—- ate, nagrereal- talk lang naman ako. Oo na, ang haba na ng hair mo kasi sa dami- daming babae diyan pero ikaw ang pinakasalan ni kuya Irven. Pero ate dapat magself- care ka rin kasi dagdag ganda iyon para sa mga kalalakihan!,” parang sinong may malawak na karanasan at kaalaman sa pakikipagrelasyon na pangaral pa ni Nica. “Ai—- nagsalita ang matanda!!! Sige na nga— ate— hahaah!!,” sabi ko sabay amoy sa magkabilaang kiliki- kili
“Wow!!!— ang ganda naman ng naggawa nating set- up, ate!,” hiyaw pa ni Nica matapos namin ayusin ang mga balloons sa may parte ng hardin. Dito ko naisipang e- set ang intimate dinner date namin ni Irven bukas ng gabi. Siguro naman ay nakauwi na rin ito mula sa Cebu. Mula kasi kaninang umaga na umalis siya ay hindi na nakatawag sa akin. Busy lang siguro masyado sa trabaho nito. Hindi na rin ako nag- abala pa disturbuhin si Irven kapag nasa sa trabaho siya. Pwera na lang kung emergency or urgent na talaga. Malaki ang tiwala ko sa aking mister. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng napakaresponsable at matapat na asawa. Kaya lang nararapat lang na pagsilbihan ko siya sa abot ng aking makakaya. Hindi niya lang ako minahal kung hindi ay inako niya ang lahat ng responsibilidad ko sa aking mga kapatid. Siya ang nagpapaaral kay Jerry at Nica. Kung baga inahon niya kaming lahat sa kahirapan. “Sana magustuhan ni Irven ang inihanda natin, Nic!,” may agam agam na
“Hello, mom—-,” she cut me short immediately. “Where is Irven? Kanina pa kaming naghihintay sa kanya dito sa airport, his dad is so furious! Hindi mo siguro inaasikaso ng mabuti ang asawa mo kung kaya’t palagi na lang nahuhuli sa mga business meetings and other gatherings ng kumpanya!!,” galit at matinis na tinig ni mommy Adora. “Walang galang na po mom—- kanina pa po umalis si Irven… mahigit kuwarenta’y singko minutos na po! Hin-di ko po pinapa—-,” again she cut me short. “Pag-aasikaso na lang nga ng asawa mo ang maitutulong mo ay palpak ka pa rin!,” nakakainsultong paratang sa akin ni mommy na agad na pinatay ang linya. She was always like that kung kami lang ang nag-uusap. Pero kapag nariyan at nakikinig si Irven sa aming usapan ay akala mo’y sinong butihing ina. Hinayaan ko na lang ang pag-aalipusta sa akin ni mommy. Mahal na mahal ko si Irven kaya lahat ng mahal niya at mahalaga sa buhay niya ay pinapahalagahan ko na rin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong- hininga. Gani
“Oi, ate, huwag ka ng malungkot, I am sure may supresa sa iyo si kuya Irven pagbalik niya,” pukaw sa akin ni Nica dahil saglit akong napa-isip. “Haist… iyon na nga bunso, gusto kong supresahin ang kuya mo para maiba naman… buti pa kaya tulungan mo ako!,” untag ko kay Nica. “Ai bet ko iyan ate!!! Siyempre naman nuh para sa pinakamabait kong ate at kuya kong pogi … gusto ko masaya kayong dalawa sa anniversary n’yo bukas!,” masayang pahayag pa ni Nica. “Sure ka Nic… baka naman may kailangan ka sa akin… ano ba iyon?!,” biro kong tanong sa kapatid. “Hala si ate, nahulaan na agad… ang lakas talaga ng radar mo ate.. oo!,” manghang sagot nito. “Siyempre naman bunso! Sige na dalian muna sa pagkain at mahuhuli ka na sa klase. Nasa ibabaw ng cabinet sa sala ang pera at may extra pa iyon!,” bulalas ko pa. “Wow, the best ka talaga! Salamat ate, basta ate tutulungan kita sa plano mo ha, mamaya pag-uwi ko ate, sabihan mo lang ako ate!,” masayang dinaluhan ako ni Nica at yumakap sa aking







