Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE / CHAPTER 1 - The Peak to Introduction

Share

CHAPTER 1 - The Peak to Introduction

Author: MOON RED
last update publish date: 2026-08-13 15:12:26

A point of view to Monette.

HALOS napaigtad ng tayo si Monette o si Monet mula sa kanyang pagkagising nang marinig niya ang sunod-sunod na kalabog sa kanilang p***o.

Kaya dali dali niya itong pinuntahan ngunit bago iyon, pinunasan niya muna ang natuyo niyang laway na nangingilid.

Habang nagmamadali sa pagsuot ng kanyang tsinelas ay sinasabayan niya rin ang kanyang pag tali sa kanyang buhok.

"Addy! Papi! Kuya! Makoy!" Mabilis niyang gising sa lahat ng natutulog sa kanilang salas.

Oo. Maliit lang ang kanilang tinitirahan kaya't siksikan pa sila.

"Kayong lahat, bilis! Gising na! Nandyan si manong Rodeo, maniningil!"

Sabay sabay ang lahat bumangon upang pagbuksan ang pintong kanina pang lumalagabog sa katok ni mang Rodeo.

Halos mag tanghaling tapat na ang kanilang pag-gising.

Nang buksan iyon ni Monet—"good morning!" Masaya nilang bati sa lalaking hindi inaasahang magbubukas bigla ang p***o kaya't napasubsob ito ng malakas.

"Ano ba yan!" Inis niyang sabi. "What is good in the morning!" Agad niya pang sagot nang makatayo. "Kung hindi pa kayo nakapagbayad, anong maganda sa araw na ito?!"

"E, mang Rod, wala pa po kasi kaming pangbayad, e. Hindi ba pwedeng next month na lang?" Naiilang na aniya ng ama ni Monet, at siya namang sinabayan ng tango ang mga bata na parang mga yagit.

"Ayon na nga, Robert, e... Buti sana kung isang buwan lang ang due date. E, kaso—siyam na buwan na kayong hindi nagbabayad! Papaano yan? Baka pwede ko na kayong palayasin dito next week niyan?"

"Ay, huwag naman po... Sinusubukan naman po naming pag ipunan, e. Hindi na po ito madadaan sa isa pang pakikiusap?" Pag pu-puppy eyes pa nito na siya namang tinularan din ng mga bata.

"Tse!" Mabilis nitong pagtataray habang pinapaypayan ang sarili. "Wala na akong alam na sabihin sa inyo! Makaalis na nga!"

Sabay sabay ang lahat napaigtad ng padabog iyon isinarado ni mang Rodeo ang kanilang p***o.

Kung kanina kasi ay binuksan iyon ng biglaan dahilan napasubsob ito. Ngayon ay siya naman ang gumanti sa kanila.

Ilang segundo pa bago sila nagsimula na kumilos sa bahay, ay nag tinginan pa muna ang lahat.

"O, siya." Ngiti ni Monet sa lahat at pinag dikit ang dalawang palad. "Huwag niyo ng isipin iyon. Masosolbahan din natin yon. Laban lang, pamilyang Quezada!"

Kagaya ni Monet ay nagtaas din sila ng kamay. "Laban lang!”

A point of view to Felix.

MAPUNGAY ang mga matang dumilat habang inaabot ang bagay na tila nag iingay sa kanyang gilid.

At nang tingnan niya ang oras—

"Shit!" Mabilis niyang aniyang umupo sa kama. "It's ten o'clock! I'm so freaking late!"

"Hey!" Gising pa niya sa dalawang katabing mga babae na tila pinagitnaan siyang natulog.

One was half naked. And the other one was only wearing her green lingerie.

Kung tatanungin ang kwarto. Tila napaka kalat nito dahil na rin sa nagkalat nilang mga damit na kung saan saan na lang inihagis kagabi.

Hindi pa naliligo ang lalaking si Felix ngunit agad na itong nagsuot ng pantalon na pang-alis.

Habang siya'y nagmamadali, tumunog ang kanyang selpon sa kung saan dahilan mawalan pa ito ng balanse.

"Mommy-La—" pekeng bati niya sa kabilang linya habang pilit pinagkakasya ang kanyang paa sa sinusuot nyang pants.

Habang masaya siyang binabati ng kanyang kausap ay inis niyang sinenyasan upang magmadali ang dalawang babae sa pag bihis at makalabas na.

"Yes-yes, Mommy-La. Yeah, I-I will take care of that..." Sabay tingin at senyas niyang muli sa mga babae. "Go...go!"

"Okay, apo! We'll talk again when I call. Good bye!"

"Sure, Mommy-La! Ah... Good bye! Bye..." Kasabay ng kanyang pag paalam sa kabilang linya ay sabay niya rin yon sinabi sa mga babae na akto pang pinagpapalo ang kanilang mga pwet.

Ilang minuto ay narating na rin niya ang isang sikat na cafe sa isang syudad upang kitain ang kanyang—

"Uncle Luke!"

"Hijo." Kalmadong bati ng isang lalaking nasa edad 60's na at inutusan itong umupo sa kanyang tabi.

Ang kanyang tingin ay nag palipat lipat pa sa dalawang lalaki na mas nauna pa sa kanya. Sila Eli at Ian.

Nang maka upo si Felix ay pa simpleng sumenyas ang lalaking si Ian dito na kunwaring nag hilot ng batok.

"I'm not gonna repeat myself why I came to see the three of you." Malalim ang boses nyang aniya habang nakatingin sa isang papel.

Habang nagsasalita ang kanyang uncle Luke ay muli nyang tinitigan ang dalawa sa kanilang harapan. Si Eli na seryoso na nakikinig, at si Ian naman na parang handang sabayan ang kanyang kalokohan.

Halata sa kanilang tingin na para bang hindi sila aware sa sinasabi ng kanyang uncle Luke.

Hanggang sa magtanong ito, at sabay sabay rin silang nakatunganga…

A point of view back to Monette.

MABILIS na nakapasok si Monet sa isang building sa Makati upang sumali sa isang casting.

Sa sobra niyang pagmamadali ay halos kung sino sinong mga tao ang kanyang nabunggo hanggang paakyat sa sinabing bilang ng floor.

Inabutan niya ang isang napakahabang pila. At habang naghihintay na siya ay tawagin, sinasabayan na rin niya ang magbenta ng mga bra ang mga nandoon.

"O, ito. Ito bagay 'to sa'yo. Naku! Sure akong lulusog yang bogels mo riyan at hindi ka magsisisi na gamitin yan araw araw."

Halos gano'n ang kanyang ginagawa sa tuwing siya'y pumupunta sa mga casting.

Parati niyang sinasabayan ang pag raket, maka benta at maka ipon lang pang bayad ng kanilang renta.

"Anong kaya mong gawin?"

"Ah—bago po ang lahat. Ako po si Monette Cañete. Taga Caloocan City—"

Hindi na niya pinatagal ang pagpapakita ng kanyang talento at sinimulan na nga nyang sumayaw, kumanta, at sabihin sa kanila kung ano pa ang mga kaya niyang gawin.

Hanggang sa mga sumunod pa na mga raket ay ganoon ang kanyang ginagawa.

"Papsi! Dito na po ako. May advertisement casting po kasi ngayon kaya pupuntahan ko na. Sayang naman."

Ilang oras lang ay nandoon na kaagad siya.

At kagaya ng dati niyang ginagawa sa tuwing may raket...

"Bibilhin mo na ba ito, miss? Naku! Singkwenta lang yan, ano ka ba."

"Oo, teh. Sakto yan sa size mo, maniwala ka sa akin. Kapag nakita ka ng jowa mo, naku, lalong mahuhulog sa'yo yon."

"Ito, teh. Baka may magustuhan ka pang mga ibang kulay bukod d'yan. Pumili lang kayo, halagang singkwenta lang yan lahat walang labis na barya."

"Barya mo, miss— ikaw, teh. Baka gusto mo rin? Halika, mag tingin ka baka lang may magustuhan ka."

"Monette Cañete, number 24—"

"Ay! Ayon na nga. O, sigi. Balikan ko kayo, ha? Ako na kasi ang susunod."

Dali dali niyang pinulot ang mga gamit niyang pumasok sa casting room.

"State your name, age, at kung taga saan ka." Seryosong ani ng pangatlong taga tanong habang nakatingin sa papel.

"I am Monette Cañete. 22 at taga Caloocan City!"

Ilan sa mga nandoon ay tumatango tango at panay sulyap sa isa't isa.

"Okay. Show us what you can do."

Hindi mo mawari ang taas ng enerhiya ng dalagang si Monette.

Monette is such a cheerful lady at positive sa lahat ng bagay.

Kahit na anong pagsubok ay handa siyang subukin ang mga bagay kahit na minsan, sabihin mong imposible.

There's nothing impossible eka nga niya kung hindi susubukan.

A point of view back to Felix.

"Sigurado ka bang hindi alam ni uncle mo ang tungkol sa perang nagastos mo, Felix?"

"Ano ka ba? Chill, bro?" Natatawa niyang sabi sa kaibigang si Eli. "How can my uncle know about that kung walang magsasabi, right?"

"Right!" Mabilis na sagot ni Ian. Ngunit, "not right!" Mabilis niya ring bawi.

"At tsaka—chill, p're. Dapat ngayon nagsasaya tayo dahil birthday ko. Kung inaalala mo yung pera, don't worry about that. Kasi bukas, hindi ba't mayaman na ako?"

Felix drew his finger to Eli while holding a shot glass as if he was teasing him to remind him something.

Maya't maya ay sumilay ang ngiti ng lalaking tumitig kay Felix. "Yeah. I remember. Makukuha mo yung trust fund mo kay Mommy-La mo!"

"Damn, right! Mababayaran na natin ang mga utang ko!"

Sabay sabay ang tatlong nag hiyawan sa loob ng club na siya namang sinabayan din ng mga bisita sa kanilang paligid.

"Wala na bang ilalakas yung tugtog ng Dj? Come on! Para naman masaya ang party, o—"

Ang iba ay nag lulundagan sa tuwa. Habang ang iba naman sa loob ng silid na yon ay nag sho-shot glass challenge.

Ang iba ay masayang nagkukwentuhan at ang iba naman ay nakikipag sayawan sa mga taong hindi nila kakilala.

Ang lahat ng nandoon ay wala ng pakialamanan, lahat ay magsaya lang.

Sa kanyang magkabilang gilid ay may akbay akbay siyang dalawang babae. Habang ang isa ay hagod ang dibdib ni Felix na para bang niyaya siya nitong makipag one night stand.

Sa mga oras na iyon ay hindi na niya alam ang kanyang ginagawa.

Mapupungay na ang mga matang pilit pa din tinatanggo ang shot glass na punong puno ng alak. Halos mawalan ito ng balanse kada minuto.

If there's one more thing you should know about Felix...

Kung kanina ay abot langit ang ngiti ng dalawang lalaking sina Eli at Ian, ngayon ay hindi na.

"Pre—pre..." Tawag ni Eli kay Felix ngunit wala lang itong pakialam sa dalawa.

"Pre," ani pa ni Ian habang may tinuturo sa kanyang likuran.

Sa inis ni Felix ay halos itulak niya ng bahagya ang dalawang babae sa may gilid at lingunin kung ano ba yung tinutukoy ng dalawa.

Halos tumigil ang ikot ng mundo ni Felix.

Ang kaninang umiikot nyang bisyon dala ng kalasingan ay biglang huminto. Tila nahimasmasan ang kanyang kalasingan.

"Manon..."

Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang dalagang matamis ang ngiti sa kanya.

At ang plot twist?

Halos humapdi ang palad ni Manon sa lakas ng kanyang sampal na siyang ikinalingon ng mga tao sa kanilang paligid.

"Happy birthday, Felix Quezada!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 33: See The Sign

    DUMATING ang lalaking nadatnan niya itong abala sa kanilang kwarto.Medyo natanggal naman ang kanyang kaba dahil dati rati ay nakikita niya agad ang dalaga sa may sala. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang pang ibabaw na office uniform sa mga single sofa habang naka tingin sa dalagang tila abala sa pag aayos ng kanilang kwarto. "Ano'ng meron?" Naka ngiting mahinahon na pagtatanong ng lalaki na siyang naka ngiti."Nakauwi ka na pala? Ang aga mo ngayon, ah?" Lumapit din ang dalagang tinulungan siya upang hubarin ang kanyang white na long sleeves. "Mm, naging maayos naman ang lahat sa meeting kanina kaya napa aga na rin ang uwi ng mga ilan sa amin. Ikaw? Kumusta ka ba dito?"Bahagya pang napa atras ang ulo ng babae kunwari saka siya pinag kakunutan ng noo. "Kailan ka pa nag tanong ng ganyan? Grabe. Mag dalawang buwan na ako dito. Ayos lang ako, 'no." Matapos niyang tulungan si Felix ay tumungo pa ito sa may kabilang silid kung saan nandoon ang kanilang laundry room. Doon niya rin i

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 32 - The Good Timing

    NAPAGTANTO na lamang ni Monette na siya na lang pala ang mag isa sa kanilang bahay nang bumaba ito sa kanilang sala. Ngayon nga pala ang huling meeting nila Felix sa kanilang opisina para sa kanilang final report, bago matapos ang buwan. Hindi na nag abala pa si Monette na mag luto dahil nakaugalian na no'ng lalaki ang mag luto parati, kaya ano na lang ang kanyang gagawin? E, 'di, kakain na lang.Mataas na ang araw kaya't sinimulan na ng dalagang hawiin ang mga kurtina upang pumasok sa kanilang bahay ang liwanag ng haring araw. Sumunod ay diniligan niya muna ang mga munting halaman nila sa loob ng bahay saka naman nag simulang mag walis at kung ano'ng dapat pa na linisin sa loob. At dahil wala naman silang katulong, trabaho din ni Monette o ni Felix na linisin din ang kanilang bakuran saka diligan ang mga halaman sa labas. Pang huli ay ang paghuhugas ng mga ginamit na lutuan sa kanilang kusina.Nang medyo makadama ng kaunting pagod si Monette ay naisipan niya munang umupo sa kani

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 31 - Another Office Stress

    LUMUWA ang mga mata ni Felix dahil sa kabaliktaran na sinabi ni Monette sa kanilang Mommy-La.Bahagya pa niyang binitawan ang kaninang hawak niyang sandok pang halo sa ulam at tila hindi malaman kung paano niya ipapakita sa dalaga ang natamo niyang sakit sa ulo. "No-that's not what I said. You should've not said that!" Pigil ang pag tawa ni Monette habang nakikinig sa kabilang linya ng hindi man lang tinitignan ang lalaki, at baka maibulalas pa niya ang kanyang pag tawa."F,ck, Monette! Baliw ka talaga. Paano ako ngayon mag so sorry kay Mommy-La?!" "Ah, yes po, Mommy-La. Huwag po kayong mag alala, ako po ang bahala kay Felix." Tumalikod pa ang lalaking hindi makapaniwala na gano'n ang kanyang mga sinasabi. "No, baliw ka na talaga." Ani pa nitong pinagpatuloy ang pag luto. "Okay po, Mommy-La! I miss you too. Mwa!" Pagbaba ni Monette sa kanyang cellphone saka tinawanan ang lalaking gano'n pa din ang hitsura.Umirap ang lalaking nag luluto na imbis ay naka upo lang. Si Monette nama

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 30 - Felix being stressed with Monette

    NAKA patong ang baba niya sa dalawang palad habang nakatitig iisang sulok ang dalaga habang ang lalaki naman ay abala na sa pagluluto. Panay ang ngiwi nito dahil sa hitsura ni Monette na siyang kanina pang nakaupo sa may sulok. Tila pilit pa'ng kumakawala sa antok dahil kakagising lang nito. "Ano ba'ng nakikita mo na hindi ko nakikita d'yan sa may dingding?" Ani ni Felix na panay ang pag halo sa niluluto. "Mag iisang oras ka na d'yan, umupo ka na sa may sofa." Dahan dahan niyang nilingon ang lalaki. Ang mata niya ay parang kinulang pa din sa tulog. Mahinang kumurap kurap ang mata niyang nakatitig lang sa lalaki na parang pilit pang nag po proseso ang kanyang isip. Kaya't bahagyang napa ngisi ang lalaki sa tatawa tawa. Maya't maya ay tumayo na rin ang dalaga saka pabagsak ang katawan nang umupo siya sa may sofa. Pinag krus pa nito ang mga brasong parang nag iisip na ng malalim kaya't tinanong pa ito ng lalaki. "Ano at kanina ka pa yata hindi maka usad usad d'yan sa iniisip mo?"

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 29 - Pasyal Now, Pagod Later...

    LAST DAY IN BOHOL."Ano? Chocolate Hills tayo?" Tugon pa nito kila Felix habang naka ngisi. Sumang-ayon naman silang lahat ay pinag usapan na kinabukasan sila aalis.KINABUKASAN. Gaya uli ng dati ay maagang nag handa ang apat, pati na rin si Vic na siyang magiging kasama nila papuntang Bilar. Tila masaya silang nag gayak. Nandoon na ang mga importanteng kailangan nila kung sakali rin na masyadong pagpawisan. Mag liliwanag pa lamang ay naka handa na sila. Ngunit bago umalis ay nag salo salo muna ang lima sa pagkain. "O, kumain muna kayo! Walang aalis sa atin ng hindi kumakain baka mamaya n'yan, himatayin kayo n'yan dahil lahat tayo ay mapapagod." Striktong aniya Vic sa apat na sumang-ayon naman. "Pag ba kayo ay bumalik na sa Maynila. Babalik pa ba kayo dito?" "Kung wala naman pong pagkaka abalahan sir Vic. Bakit hindi. Hindi ba, Felix?" Tugon pa ni Eli sa lalaki na tumango tango rin. "Hay, naku! Hindi niyo sure kasi nga nag ta trabaho kayo sa QZ. Malamang marami na naman kayong

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT BRIDE    CHAPTER 28 - Hotel Visit

    DAY SIX IN BOHOL.Sapo ang ulo ni Felix dahilan sa sobrang pagod pa din kahapon. Tahimik ang lahat na naka upo sa sala. Halos pare parehas lang ang kanilang hitsura. Palapit na rin ang tanghalian at kahit natapos na nila ang ibang gawain ay tila pakiramdam nila, bugbog pa din ang kanilang katawan. "Hindi nga tayo nilagnat, nanghina naman tayo..." Nanghihinang sabi ni Ian sa isang sofa na tila tulala pa."Akala ko, mapapagod tayo kasi may mini meet tayong mga client. Mali pala tayo ng akala." Gayon din ang pag tugon ni Eli na parang lutang ang isipan. "So, ano ba ang hinihintay natin, Felix?" Ani pa uli ni Ian sinimulan ang pag katik sa kanyang cellphone. Nagkibit-balikat ang lalaki na para bang may inaantay ngunit bakas din sa kanyang hitsura ang katamarang kumilos.Tumayo ang dalaga na kanina ay parang bata kung humiga sa may isang sofa. Nag timpla ito ng kanilang black coffee saka isa isang inabot iyon sa kanila pag katapos."O, uminom muna kayo ng kape at ng ganahan kayong ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status