LOGINPAGOD na umuwing galing raket ang dalagang si Monette at pasadong alas dyes na nga ng gabi ng makarating.
Today is August. Ika tatlong linggo ngayong buwan. Ang buwan na ito ay simula ng panahon ng tag-ulan at tag bagyo. Nang makababa si Monette mula sa sinakyan nyang "MoveIt" kung tatawagin ay dumiretso siya kaagad sa kanyang ama na nasa labas. Tila abala na naman sa pag-ihaw ng mga barbeque bilang kanilang tanging business. Sa kanyang gilid ay ang kanyang ate Bambi na asawa ng kanyang kapatid na si kuya Maki. Abala ring tinutulungan si Papsi sa pagbebenta ng barbeque. Sa kanilang kaliwa naman ay si kuya Maki na may kaharapan sa pag-inom. "Monette, anak! Naka-uwi ka na pala." Nakangiting bungad sa kanya ng amang nagpapaypay sa harapan ng tila umuusok na ihawan. "Opo, Papsi. Medyo trapik po ngayon sa kabilang syudad." Aniya nyang kasunod niyon ay nag-abot siya ng pera sa ama. "Ito nga po pala Papsi yung... napagbentahan ko sa rinaraket ko. Pasensya na po, ha? Ayan lang po ang kinaya ng raket ko ngayon." "Naku naman talaga, Monette." Masaya niyang abot sa isang libo ng anak. "Malaking bagay na ito. O, siya! Pumasok ka na sa bahay upang makapagpahinga ka na." "Dito na muna ako, Papsi. O, kuya Maki—naku, umiinom ka na naman, ha?" "Oo, minsan lang 'to..." "Ate Bambi, papasok muna ako, ha?" "Sigi, lang. Magpahinga ka muna..." Even after a long tiring day, Monette still managed to jump and skip those stairs habang paakyat siya. Well, may kaliitan lang kasi yung hagdanan dahil parang Antique ang dating nito. Monette and her family live in a semi-look like eskwater na syudad. Where you can see a little garbage scattered near highways at bulok na kanal somewhere. Sakto sa kanyang pagbaba ng may kalakihang bag na naglalaman ng mga binebentang bra at kung ano ano pa ay tumunog sa kanyang bulsa ang de-keypad niyang selpon. "Hello, Raffy?" Taas enerhiya niyang sagot kahit nakasukbit pa din sa kanyang likuran ang luma nyang Jansport na pink na bag. Raffy is close with Monette. Sa tuwing may nalalaman siyang on-going casting ay tinatawagan niya ito. "Talaga?!" Hindi niya makapaniwalang aniya. Mas lalo pang nagulat ang mga taong nandoon nang tumili ng tumili sa tuwa si Monette. "I'm sorry, guys! I'm sorry, po—natanggap lang talaga ako sa isang casting call na sinalihan ko. Thank you, Lord! Mwa!" Alas dose na ng madaling araw nang kumain ang kanilang buong pamilya. Kahit na anong pagod at pagsubok sa buhay ay wala ni isa sa kanila ang makikita mong malungkot at matamlay. Kung sa salita ngayon ay lahat sila ay "walang t***n". Madalas silang kumain sa gabi o madaling araw bilang kanilang hapunan. Dahilan na rin kasi iyon ng kanilang paghahanapbuhay. Masaya ang lahat na umupo ng harap harap sa pagkainan. Nang ihain ng kapatid ni Monette ang kanilang tanging bukod ulam na—tuyo. Wala sa kanila ang nagreklamo o kahit man lang bakas ng lungkot. Sanay na sila sa palagi lagi at paulit-ulit na ulam sa pang-araw araw. Kung hindi tuyo. Itlog naman kinabukasan. Madalas o minsan, pancit canton. "O, siya, sigi. Kain na—" aniya ng ama nila Monette sa dalaga na tila pinasalamatan din siya. "Walang anuman, Papsi. Tsaka bukas pupunta akong makati." "O—bakit daw?" Pagtatakang tanong ng kanyang kuya na pinagsasandukan ng pagkain ang anak at asawa. "E, kasi..." Nakangiti nyang tinignan ang lahat na para bang may sorpresang sasabihin. Kaya lahat naman sila ay napatigil. "Bukas, nasa TV advertisement na ako!—" "Yehey!" Abot langit na pagsasaya nilang lahat para kay Monette pagsabi niya ng gano'n. Tila napakaliit na bagay ngunit napakalaking gantimpala na iyon sa kanilang pamilya. At bilang pamilya, sama sama rin nilang niyakap ang isa't isa at binati ang dalaga. "Tita Monette! Bukas makikita ka na namin sa telebisyon!" "Oo! Makikita niyo akong gumaganon ganon ng buhok sa tv. O, di ba?" Tila nagtawanan ang lahat habang sinasabayan niya pa ito ng pag aakting sa kanilang lahat. "Naku! Sinasabi ko sa inyong lahat. Sinabi ko sa kanila, magaling akong lumangoy, magaling akong mag konstruksyon—" "O? Sinabi mo din yon?" "Aba, oo! Sinabi ko rin na magaling akong mag repair ng kotse—" "Tita Monette, wala naman po tayong kotse, e..." Sabay tawa ng lahat sa sinabi ng kanyang pamangkin. "O—sinabi ko rin na magaling akong mag hiking at tumambling." "Pwede ba yon?" "Oo...kaya nga ako natanggap, e." Matapos ang kanilang hapunan ay kanya kanya na rin ang lahat sa pagtulog. Sa kanilang lahat ay tanging si Monette na lang ang hindi pa dinadalaw ng antok. Kung hindi pa natutukoy, si Monette lamang ang mayroong kwarto dahil sa siya kang ang bukod tanging babae sa kanilang magkakapatid. Ngunit ang kwarto na iyon ay hindi kalawakan at kalakihan. Sobrang sikip. Gumilid ng higa si Monette kasabay ng kanyang malalim na pag iisip. Kung tutuusin, wala pa ding matitira sa kanilang pera kahit makuha niya ang munting kikitain niya bukas sa shooting ng advertisement. Ang totoo, extra lang naman ang kanyang gagampanan doon. And for the first time, this is her first casting call na tumanggap sa kanya. Sa lahat ng mga inaplayan niya ay ito pa lang ang tumatanggap sa kanya. Kaya't malaki pa rin iyon na bagay na matanggap siya. Kinabukasan. Kagaya ng dati ay sumakay ito sa isang MoveIt. Ang purpose nito ay iwas trapik na din kung sakali ngunit sobrang init naman dahil motorsiklo lang ito at walang silungan katulad ng mga taxi. Taranta niyang tinignan ang kanyang relo upang malaman kung huli na ba siya o maaga pa. Nang makita niya itong may ilang minuto pa ay medyo kumalma ang dalaga. "Kuya," tawag niya sa rider nito. "Wala na po bang isho shortcut ang rota para naman po hindi na tayo makipagsiksikan pa sa trapiko?" Pumayag naman kaagad ang rider kaya't mas napaaga ang kanyang dating. Sa kanyang pagpasok ay marami na agad ang mga nandoon nang—hatakin siyang bigla ni Raffy. "Ay—Raffy... Nandito ka lang pala." Masaya niyang aniya sa kaibigan na animo'y kinikilig pa. "Oo, teh. Kanina pa kita hinihintay. O, siya. Ibaba mo muna iyang bag mo at ng maayusan ka nila ng maayos dito bago magsimula ang shoot." Itinuro ni Raffy ang kanyang uupuan na ilan ilan sa silid na iyon ay nandoon na din ang kanyang mga kasamahan na extra din sa shoot. "Teh," bulong pa ni Raffy sa kanyang likuran. "Punasan mo yang tagaktak mong pawis at maaarte ang mga staff nila dito." "Ay, oo nga pala!" Dali dali niyang pinunasan ang kanyang pawis mula ulo hanggang sa may dibdib at sa kili-kili na din. Hindi nagtagal ay pumasok na nga ang mga mag ma-make up sa kanila at dala-dalawa silang inaayusan. Hindi naman mahirap ayusan si Monette dahil maliit lang naman ang kanyang mukha. Ang buhok niyang may kulay na stripe pink at pati na din ang labi niyang pinkish din. Pati sa pagpili sa kanyang kasuotan ay hindi din siya mahirap pilian dahil slim ang kanyang katawan. "Maraming salamat, ako na." Malamig na utos ni Raffy sa mga nag make up kay Monette at tawagin siya nito. "Halika. Ako pipili sa'yo ng susuotin mo at baka gawin ka lang nilang nanay." "Talaga ba? Naku, Raffy. Maraming salamat, ha? Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako magkakaroon ng magandang opportunity ngayon." Kinikilig niyang aniya at napayakap pa ito sa braso ni Raffy. "Walang anuman, babaita. Alam kong matagal ka na kasing sumusubok sa mga casting kaya deserve mo lang talaga ito." "E, matanong ko lang, Raffy. Sino ba yung artistang mag shooting ngayon ng advertisement?" "Aray!—" sabi pa nito ng bahagya siyang hampasin ni Raffy sa kanyang balikat. "Ikaw talaga—hindi ka talaga nakikinig magkatawagan pa tayo niyan kagabi. Ang sabi ko—si Maja Salvador." Halos mapantig ang tenga ni Raffy sa biglang tili ni Monette ngunit hindi nagtagal ay lumiit din ang kanyang boses. "Aray ko lang, ha, Monette Cañete! Masakit naman sa tenga yan." "Alam ko, sorry! Natuwa lang ako—" "Oo nga e, hindi ko halata! O, sigi na. Magpalit ka na doon sa dressing room. Abangan na lang kita sa shooting room." Walang pag papatumpit ay nagtungo na siya sa may dressing room. Si Raffy naman ay dumiretso na roon upang maki chika sa magiging role ni Monette. "Direk. Baka naman pwede na lang natin 'to ibigay na role kay Ms. Cañete? I bet mas babagay sa kanya ang role na 'to. Goods ang combination nila ni Ms. M." "Uy, Raffy—" maya't maya ay tahimik na bungad iyon ni Monette sa kaibigan. "Bagay ba?" "Oo. Yan na yon outfit mo today. O, halika dito. Pumayag si Direk sa switching role. Pinakiusapan kong ikaw na lang ang ilagay nila dito—" Nagsasalita pa lamang si Raffy nang bigla itong yakapin ni Monette. "Maraming salamat talaga sa'yo, Raffy." Parang nangingiyak niyang sabi kaya't tinulak siya nito ng marahan. "Mamaya ka na umiyak, mag shoshoot ka pa. Itigil mo na muna yan!" Sumunod naman kaagad si Monette at saka nakinig sa instruction ni Raffy kung ano ang kanyang gagawin. Hindi nagtagal ay nagsimula na nga ang kanilang shooting. Sa gitna ay nandoon na nga ang nasabing artista. Everything went smoothly including the script given to Monette. And the most exciting and unexpecting moment? Monette was also given the chance to talk to the Filipino actress and she appreciates her.DALA DALA ang mga gamit niyang pang raket ay tinungo na ni Monette ang nabanggit na audition sa kabilang syudad.Ilang oras lang ang kanyang tulog. Sa sobra niyang tuwa at excited sa nalaman mula kay Raffy ay hindi na yata siya natulog. Buong umaga siyang nagpapaikot ikot lang sa higaan at parang tanga na hindi mapakali sa higaan.Kahit sino naman ang hindi kikiligin yata kung ang crush na crush mo ay biglang magpa audition? Kahit hindi alam ni Monette ang theme ng kanyang sasalihang audition ay sinabak pa din niya ang kanyang talento. Marahan niyang tinulak ang glass door saka siya pumasok. Sa araw na ito ay hindi niya makita si Raffy. Siguro ay araw ng kanyang pahinga. Kaya't nag tungo na lamang siyang mag-isa sa may parang reception niyong building. "4F po. Nandoon po ang ating on going audition ngayon under Mr. Felix Quezada." Sagot ng babae habang nakangiti ito. "Um, miss, pwede ko ba malaman kung para saan po yung audition ni sir Fe—" "Hoy! Monette!" Biglang bungad ni R
NAGISING muli ang dalagang si Monette ng tanghaling tapat nang marinig niya ang tilian ng buong pamilya mula sa salas. Sa sobrang gulat nito at iniisip kung baka ano na ang nangyari ay dali dali siyang nagtungo sa kanila. "Good morning!" Tila sabay sabay nilang masayang bati kay Monette habang sila ay nasa harapan ng telebisyon. Sa telebisyon na iyon ay pinapanood nila ang isang teleserye sa tanghali na kasama doon si Monette. Oo. Nakasama si Monette sa teleserye na iyon dahil sa kanyang mga walang tigil na pag a-audition. Nagbabakasakali na manalo siya. "O, anak! Tara, kumain ka na. Pasensya ka na, ha, kung mas nauna ng kumain itong kuya at pamangkin mo." Mula sa ilalim ng mesa ay hinila niya ang isang upuan doon at ibinigay kay Monette na siya namang inupuan niya."Kayo, talaga itay. Walang problema yon sa akin at saka, huli na din kasi ako ngayon nagising." "Tita Monette, tignan mo napakahusay niyo po, o?" Siyang tuwang tuwa na turo sa kanya ng kanyang pamangkin sa telebisy
FELIX stares at the ceiling blankly while drowning in deep thoughts still wondering about the trust fund agreement weeks ago. He wouldn't want to move any single muscle since he doesn't have much energy to think about things. Walang gana siyang umupo sa kanyang kama habang kunot ang noo. Hindi niya malaman sa sarili kung- "is this really a big deal" to him? O pababayaan lang at bumalik na naman sa pagiging childish na pag-uugali niya. And for Eli and Ian. This was the first time na makita nilang naging focused ang lalaki sa opisina. Katulad nila, napapaisip ang dalawa na - maybe, Felix is still wondering about kung paano niya makukuha ang trust fund, pero kailangan magpakasal. Di ba?With a towel hanging on his shoulders, Felix went inside the bathroom half naked. Matapos buksan ng padabog ang shower na ngayo'y lumalagaslas ang tubig mula ulo hanggang sa kanyang paa. He both rested his hands in front of him as he lowered his gaze on his feet.Pero kahit na anong ingay na ginagawa
TINANGHALI na naman sa paggising ang lalaking si Felix. Ngayon ay mag-isa lang siya sa bahay. Ang bahay na iyon ay sa kanyang Mommy-La pa na nasa U.S. Sa edad na bente singko, ang isip ni Felix ay nasa isip bata pa na pakiramdam niya ay siya'y nasa high school pa. Lagi laging lasing. At kapag may sinasabi ang kanyang Mommy-La ay hindi nakikinig saka magsisisi kapag naging padalos-dalos. Felix never learns. Kahit no'ng nawala ang kanyang parehas na magulang sa puder niya ay mas lalo itong naging matigas ang ulo. Ang kanyang ina, sumama na sa bago niyang pamilya. At ang kanyang ama—he died few years ago. Hapos hapos ang kanyang ulo ay nagtungo siyang banyo upang maghilamos upang mahimasmasan. Dala na din ng kanyang kalasingan kagabi ay hindi niya maalala kung ano ang mga nangyari. Not until makita niya ang bakas ng parang isang sampal sa kanyang mukha. Doon niya uli naalala kung ano ang mga nangyari kagabi sa club. "Fuck it!" Mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Para sa
PAGOD na umuwing galing raket ang dalagang si Monette at pasadong alas dyes na nga ng gabi ng makarating. Today is August. Ika tatlong linggo ngayong buwan.Ang buwan na ito ay simula ng panahon ng tag-ulan at tag bagyo. Nang makababa si Monette mula sa sinakyan nyang "MoveIt" kung tatawagin ay dumiretso siya kaagad sa kanyang ama na nasa labas. Tila abala na naman sa pag-ihaw ng mga barbeque bilang kanilang tanging business. Sa kanyang gilid ay ang kanyang ate Bambi na asawa ng kanyang kapatid na si kuya Maki. Abala ring tinutulungan si Papsi sa pagbebenta ng barbeque. Sa kanilang kaliwa naman ay si kuya Maki na may kaharapan sa pag-inom. "Monette, anak! Naka-uwi ka na pala." Nakangiting bungad sa kanya ng amang nagpapaypay sa harapan ng tila umuusok na ihawan. "Opo, Papsi. Medyo trapik po ngayon sa kabilang syudad." Aniya nyang kasunod niyon ay nag-abot siya ng pera sa ama. "Ito nga po pala Papsi yung... napagbentahan ko sa rinaraket ko. Pasensya na po, ha? Ayan lang po ang k
A point of view to Monette.HALOS napaigtad ng tayo si Monette o si Monet mula sa kanyang pagkagising nang marinig niya ang sunod-sunod na kalabog sa kanilang pinto. Kaya dali dali niya itong pinuntahan ngunit bago iyon, pinunasan niya muna ang natuyo niyang laway na nangingilid.Habang nagmamadali sa pagsuot ng kanyang tsinelas ay sinasabayan niya rin ang kanyang pag tali sa kanyang buhok."Addy! Papi! Kuya! Makoy!" Mabilis niyang gising sa lahat ng natutulog sa kanilang salas. Oo. Maliit lang ang kanilang tinitirahan kaya't siksikan pa sila."Kayong lahat, bilis! Gising na! Nandyan si manong Rodeo, maniningil!" Sabay sabay ang lahat bumangon upang pagbuksan ang pintong kanina pang lumalagabog sa katok ni mang Rodeo. Halos mag tanghaling tapat na ang kanilang pag-gising. Nang buksan iyon ni Monet—"good morning!" Masaya nilang bati sa lalaking hindi inaasahang magbubukas bigla ang pinto kaya't napasubsob ito ng malakas. "Ano ba yan!" Inis niyang sabi. "What is good in the morni







