Nanginginig si Lianna habang nakasakay sa isang bus palabas ng Alegria. Hindi niya alam kung bakit sobrang bilis ng kanyang puso at halos nahihirapan siyang huminga. Iniisip niya ang kanyang tatay ngunit iniisip niya na lamang ulit na baka ay nasa maayos ito na lugar ngayon.Napasulyap siya sa bintana at nakita niya ang malagong mga puno sa lalawigan ng Alegria. Nakadagdag sa ganda nito ang mga palayan.“Kailangan mong kumalma, Lianna. Nakatakas ka na sa mga Montecarlo,” bulong niya sa kanyang sarili. Ngunit hindi iyon nakapag-alis ng tensyon sa kanyang sarili. Halos nahihirapan siyang huminga dahil pakiramdam niya ay may unti-unting nawawala sa kanyang pagkatao.Biglang huminto ang bus na sinasakyan nila sa mismong labasan ng Alegria. Napalunok siya ng nakita niya ang mga armadong lalaki na kumakausap sa bus driver.“May kailangan lang kami hanapin,” sabi ng armadong lalaki. Nagpakita ito ng isang papel.“May pinapahanap sa amin si sir Marcus na isang tao,” dagdag ng lalaki kaya tuma
Nagpupuyos sa galit si Ishmael dahil alam naman ng mga katulong sa Montecarlo na bawal siya sa peanut ngunit may nakalusor pa rin. Nasa tabi lamang niya si Savannah na nakahawak sa kanyang kamay habang si Cludia ay may inggit sa mga mata nito. Marahas na bumuntong-hininga si Ishmael. Sa isip niya ay sa oras na mahanap niya kung sino ang may kagagawan nito ay hindi niya papalagpasin kahit ano pa ang mangyari.“Sino kaya ang may gawa nito?” tanong ni Savannah sa kanyang asawa. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito ngunit may bago sa reaksyon nito.“Maybe, this is what Lianna's doing!” galit na sabi ni Claudia.Halos nagtangis ang kalooban ni Ishmael kung iisipin pa lang niya na si Lianna ang may gawa noon. Ngunit paano? Bakit may lakas loob na si Lianna na lumaban sa mga Montecarlo kung isa lamang siyang basura na pinulot ng kanyang kapatid na si Emmanuel.“Gaano ka nakakasigurado na si Lianna ang may gawa nito? Simple siyang babae at hindi halata sa kanya ang ganoon,” komento ni Savannah.
Lihim siya nakahinga ng maluwag ng nakaalis na si Jonathan sa kanyang harapan. Naglakad na ito papalabas ng abandunadong building. Mahirap kalabanin ang mga Dela Gado ngunit mukhang may ginawa ang mga Montecarlo sa angkan nila kaya gumagawa ng hakbang ang pamilya Dela Gado ng hindi nahahalata.Agad naman siyang umalis din at pumunta ulit sa mansyon ng mga Dela Gado ng walang iniiwan na bakas. Natigilan siya ng nakita niya si Savannah na hindi naman siya pinansin.Nagkaroon ng bakas sa disgusto ang mukha ng lalaki. Gusto na niyang saktan ang babaeng nasa harapan niya ngunit baka masira ang plano na sinabi ng kanyang amo.NAGISING si Lianna ngunit nagulat siya ng katabi niya si Emmanuel at nakayakap pa ito sa kanya. Mahigpit ang yakap ni Emmanuel sa kanya na parang takot na naman itong takasan niya ito.Nagkaroon ng panglalambot ang puso niya ng nakita niya ang maamong itsura ni Emmanuel ngunit agad niya itong inalis dahil galit siya. Galit na galit siya sa pamilya ni Emmanuel kaya sinu
Nakangiti lamang si Simon kay Lianna na parang ang babaeng ito ang pinakamaganda niyang nakita sa buong buhay niya. Napangisi ito ng sulyapan siya ni Emmanuel ng may halong panglilisik sa kanyang mata.‘Possessive pala ang mga Montecarlo,’ anya sa isip ni Simon. Sumulyap ulit siya kay Lianna na nakatungo na.“Emmanuel, huwag kang mag-isip ng kung ano dahil magaan lamang ang aking loob sa iyong asawa,” nakangiting sabi ni Simon.“Simon, what are you doing?” Napalingon silang tatlo ng nakita nila ang kahawig ni Simon na paparating. Ngunit bakas sa mukha nito ang kaseryosohan, parang hindi pa ito marunong ngumiti dahil naka-straight line ang labi nito. “Montecarlo,” may galit sa boses ng lalaki. Sumulyap ito sa babaeng katabi ni Emmanuel at natigilan. Napatitig siya kay Lianna ng matagal.“Napakaganda naman ng iyong kasama, Montecarlo,” may halong pang-uuyam sa boses ng lalaki.“Jonathan, hindi ko inasahan na pupunta kayo sa ganitong pagpupulong,” bakas ang kaseryosohan na sinabi ni Em
“WOW! Nagmukha kang tao, Lianna,” nakangising sabi ni Claudia ng nakauwi na sila Emmanuel at Lianna galing sa engrandeng party. Umiiling pa ito habang lumalapit sa kanya.“Hindi ko akalain na isasama ka ni kuya Emmanuel sa mga ganitong pagpupulong,” naiiling na sabi ni Claudia sa kanya.Nakaramdam ng sakit si Lianna sa kanyang mga narinig. Sino nga ba si Claudia para ganitohin siya parati? Sino nga ba si Claudia para palaging siya pahirapahan?Biglang sasampalin sana siya ni Claudia ng mabilis niya itong pigilan. Natigilan si Claudia sa kanyang ginawa. Kahit siya'y natigilan dahil hindi dapat siya lumalaban sa babaeng nasa harapan niya ngunit masyado na siya nitong sinasaktan.“What are you doing, Claudia?” seryosong tanong ni Jaime. Naglalakad na ito papalapit sa kanilang dalawa na may galit sa mukha nito.Agad naman inalis ni Claudia ang kamay niya saka humarap kay Jaime. Masakit para sa kanya na nagiging savior ni Lianna si Jaime.“Kuya Jaime, bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng
MASAKIT ang puso ni Lianna dahil sa kanyang mga narinig. Ngunit mabuti na lamang ay nakahanda ang puso niya sa sinabi ni Emmanuel. Napakagat siya sa kanyang labi at hindi na nakaangal ng hilahin siya ni Emmanuel upang pumunta sa kanilang kwarto.Narinig na lamang niya ang pagsigaw ni Jaime sa kanyang pangalan. Halos kaladkarin na siya ni Emmanuel paitaas ng hagdan.“Didn't I tell you to stop talking to my brother?” malamig na sabi ni Emmanuel sa kanya.Pumasok agad sila sa kwarto at pabalya siyang itinulak ni Emmanuel sa kanyang kama. Tumitig lamang ito sa kanya saka umalis sa kanyang harapan upang may kunin. Ilang minuto ay may dala na itong medical kit saka tumabi sa kanya.“Don't ask,” utos ni Emmanuel kahit wala naman siyang itatanong talaga. Napangiwi siya ng nagsimula ng linisin ni Emmanuel ang kanyang sugat sa noo. Nanglaki ang mga mata niya ng halos malapit na ang mukha ni Emmanuel sa kanya.“Bakit ba kasi hindi ka lumalaban?” Bakas ang galit sa tono ni Emmanuel habang sinasabi
“Emmanuel!” malakas na sigaw ni Bea. Galit siyang tumingin kay Lianna na nakatungo lamang. Halos sumabog ang selos na nararamdaman niya, matagal niya ng gusto si Emmanuel ngunit bakit ba hindi siya nito pinapansin?“Why?” yamot na tanong ni Emmanuel.Ngumiti ng malambing si Bea saka umirap kay Lianna. Niyakap niya si Emmanuel saka marahan na inamoy ito. Bakit ba ang bango ni Emmanuel?“Please, ipasyal mo naman ako ngayon sa mansyon niyo,” malambing na sabi ni Bea.“Si Savannah ang ayain mo. Busy ako,” malamig na sagot ni Emmanuel.Hihilain niya na sana si Lianna ng hinila naman siya ni Bea. Bakit ba hindi natatakot ang babaeng ito sa kanya? Hindi porke anak siya ni Matilda ay magiging mabait na siya rito. Kung tutuusin para sa kanya ay isa lamang anay si Matilda at Bea sa pamilya ng mga Dela Gado. Nakakapagtaka lamang na masyado silang close ni Savannah.“E-Emmanuel, ipasyal mo po muna siya,” mahinang sabi ni Lianna sa kanya. Napatigil siya. Pinamimigay ba siya ni Lianna sa babaeng li
Tanging kahihiyan lamang ang nararamdaman ni Lianna dahil sa sinabi ni Emmanuel sa kanya. Inaasar ba siya nito? Kung ganoon ay gusto na niyang tumakbo sa labis na kahihiyan. Nainis lang naman siya sa mga sinabi ni Bea ngunit mukhang hindi naman iyon napansin ni Emmanuel. Mas napansin nito ang kanyang mga sinabi na may halong pagmamalaki.“Nakagat mo ba ang dila mo, slave?” tanong ni Emmanuel sa kanya.Ano nga ba ang dapat niyang maging reaksyon? Dapat ba siyang tumalon sa tuwa o itago ang kanyang namumulang mukha? Napayuko na lamang siya at hindi niya kayang magsalita sa harapan ni Emmanuel.“I miss my slave, miss mo na ba ang master mo?” pang-aasar ni Emmanuel. Hindi na lamang siya umimik dahil pakiramdam niya ay baka magbago ang mood ni Emmanuel kapag sumagot siya. Naging seryoso naman ang tingin ni Emmanuel sa kanya. Agad siyang pinatingala nito at saka tinitigan. Nakaramdam naman siya ng kahihiyan, kailangan sa harapan ni Emmanuel ay parati siyang inosente. Mas gusto ni Emmanuel