Share

Chapter 26

GALIT ang namamayani kay Ishmael ng narinig niya ang bagay na 'yon. Talagang, hindi siya pinakinggan ni Claudia at basta na lamang nito ginawa kung ano man ang gustuhin nito. Naging madilim ang kanyang mukha saka pinilit na ngumiti dahil nakatingin si Savannah sa kanya. Napalunok siya saka naging matalim ang tingin kay Claudia na nakangiti sa kanya.

‘Damn! Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin, Claudia!’ isip ni Ishmael.

Pinilit niyang tumawa at ipinakita sa mga tao na masaya siya. Bakit ba hindi siya sinusunod ni Claudia? Wala na ba itong tiwala sa kanya? Ilang beses niya bang dapat sabihin na maghintay lamang ito sa pinaplano niya!

“Bautista, ang swerte mo na maka-asawa ng isang Montecarlo,” Bakas ang sarkasmo sa boses ni Ishmael. Pangatlo lamang ang mga Bautista kung tutuusin kaya hindi niya maisip ang sinasabi parati sa kanya ni Claudia.

“Kuya Ishmael, swerte rin naman ako kay Jerald," Agad na sabi ni Claudia. Hinawakan niya sa kamay si Jerald na parang kino-comfort niya ito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status