แชร์

Chapter 1

ผู้เขียน: COMIIX
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-08-14 12:25:30

First meeting

Jeselle's POV

Isang malakas na sigaw ang nagpagising sa akin mula sa baba sabay pukpok sa takip ng kaldero.

"Hoy pangit gumising ka na!" sigaw ng kuya kong napakag'wapo. Ugh. I hate him!

"Oo na, nariyan na!" sigaw ko habang nakasubsob sa unan at sumigaw ulit ng malakas.

Hayss. Buti na lang pinapasaya mo ako babyluvs ko. Masaya akong nakangiti habang nakatitig sa k'warto kong pinalilibutan ng mga poster ng aking ultimate crush. Alexander Javier Lopez. Bakit napakaguwapo mo?

Alam kong malayo ang agwat ng mga edad natin, pero wala akong pakialam!

Nasa tabi ko rin ngayon ang mga magazine niya na itinatabi ko sa pagtulog. Call me weird pero ganito ako.

Siguro kakaiba ito pero sa tingin ko hindi ako nag-iisa. Isa lang din naman ako sa libu-libo niyang mga tagahanga.

Napayakap na lang ako sa unan kong pina-customized ko pa para maging kamukha niya sabay tili. Take note, kamukha niya, sort of, parang kamukha naman eh, low budget kasi. Ah basta.

"Hi mahal ko. Ba't nakasimangot ka? Ay oo nga pala, ganiyan ka na talaga. Alam ko namang masungit ka. Hindi ka nga nagpapa-interview eh," tili ko sabay tayo habang naka-pout.

Napahikab ako at agad kong hinanap ang cellphone ko.

"Teka, nasa'n na 'yun?" sabay natatarantang hinanap ito. Naku, mawala na ang lahat huwag lang ang cellphone ko! Myghad!

Agad naman akong kumalma nang makita ko ang cellphone kong nasa pagitan ng dalawang hita ng unan ko.

"Eeeeehh. Nemen ehh..." ewan ko, nababaliw na yata ako. Dahan-dahan kong kinuha ang phone habang tinatakpan ko ang mga mata ko.

Mahirap na 'no, baka makita ko 'yung k'wan niya.

Bigla naman itong nag-ring kaya mabilis ko itong dinampot. Nagulat ako ro'n ah?

Napalunok ako bago ko sinagot ang tawag...

"Ah, hello?"

"Naman oh, maligo ka na. Nakalimutan mo na ba? Ngayong araw ang job interview natin sa Lopez Enterprises!" inilayo ko ang telepono ko sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Marian sa akin. Naman oh.

Oo nga pala. Naku naman, job interview pa lang late na. Excited na 'kong makatrabaho ang mahal ko!

Kaya nagmadali nga akong naligo at nagbihis at agad na umalis sa bahay. Hindi na ako nakapag-breakfast pa at nagpaalam na kina kuys. Kuys kasi ang tawag ko sa kanila.

Mabuti na lang at nakakuha ako agad ng taxi na saktong madadaanan ang kompanya. Kinuha ko na rin itong pagkakataon para makapag-retouch.

Pagbaba ay natigilan ako sa taas ng gusaling halos nababalot ng glass.

"Lopez Enterprises..." pagbasa ko sa malaki nilang billboard sa taas. Grabe ang yaman-yaman niya talaga.

Kung tutuusin wala pa ang gusaling ito sa main building niya na matatagpuan sa pinakasentro ng s'yudad. Ngunit kahit gano'n pa man, ang ganda talaga at napakalinis tingnan.

Pagdating ay sinalubong ako agad ng aking bestfriend na naka-formal attire with her folder on her hand kagaya ko.

"Ano ba 'yan ang bagal mo naman?! Dali!" sigaw niya. Marian is my bestie since highschool hanggang nag-college na kami. Siguro nga tadhanang maging magkaibigan kami dahil hanggang ngayon napaka-strong ng samahan namin.

What's our secret? No secret at all!

Wala kaming itinatago sa isa't isa. Kaya naman napaka-open namin sa mga bagay-bagay at madali na lang namin itong napag-uusapan. She's more like a sister to me, a sister I never had perhaps. Puro kasi lalaki ang mga kapatid ko at ako 'yung bunso.

Me and Marian are indestructible. Kung nag-aaway man kami, hindi 'yun tumatagal ng ilang oras dahil pinagtatawanan lang namin ang mga sarili namin na para bang mga baliw.

"Dali!" tili niya at sabay kaming tumakbo papunta sa front desk.

"Ah miss, anong floor 'yung sa job interview?" tanong ko sa offficer.

"Sa second floor lang po," sagot ng babaeng suot ang kulay asul niyang uniporme sabay turo sa elevator na malapit nang sumara.

"Pigilan niyo!" sigaw ni Marian sa mga taong nauna nang nakapasok sa elevator. Minsan talaga nakahihiya siyang makasama. Hay naku, sumigaw pa talaga siya. Mapapa-facepalm ka na lang talaga.

Mabuti na lang at nakaabot pa kami at nakapunta na nga sa second floor.

Napakalinis talaga ng gusaling ito, maganda rin ang interior design. Pinaupo kami ng babaeng sumalubong sa amin na sa tingin ko'y may mataas na posisyon dito sa bench na nasa hallway. Parang secretary yata siya rito o kung ano man.

"Please wait here, tatawagin na lang namin kayo isa-isa. Maya-maya darating na rin ang espesyal nating panauhin," napakamalumanay niyang magsalita na para bang wala siyang bahid ng anumang kasalanan. Agad siyang pumasok sa silid na nasa dulo ng hallway at sumunod na rin sa kaniya ang isa.

B'wesit. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba.

"Bes, naiihi ako..." pangungulit ko kay Marian.

"Ano ba naman Jeselle, hindi ito ang tamang oras," malakas niyang bulong. May mga oras talaga na nangangailanan ka ng buckup, at isa na roon ang pag-ihi.

"Sige na samahan mo na ako..." pamimilit ko sa kaniya sabay tayo. Hinawakan ko na ang kamay niya para maisama ko siya.

"Ano ba, ikaw na nga lang!" sigaw niya at nagpumiglas kaya naman nabitiwan ko siya at nadulas ako.

Mababagok na sana ako kung hindi ako sinalo ni...

OMG!

Natigilan ako mga bes. Si-si myluvs ko.

"Oooww, mag-iingat ka miss..." for the first time, narinig ko ng personal ang malamig niyang boses. Napakalalim ng boses niya na dumudurog sa'king tainga.

Parang hindi ako makahinga habang sinusuportahan niya ang katawan kong hindi tuluyang bumagsak.

Bigla namang nabasag ang moment nang bigla na lang umeksena si Marian.

"Ahh bes, halika ka na. Umihi na tayo. Ah, sir, excuse us. Hehehehehe," nag-awkward laugh pa siya habang nakatitig sa mahal ko.

"Good morning Mr. Lopez..." dinig kong sabi nung secretary at pumunta na nga roon si Alex my love.

Agad akong hinatak ni Marian at pumasok nga kami sa pinakamalapit na banyo.

******************

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
MyPrince Alden
napaka gandA..
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahhaha umpisa palang maganda na...
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Buti nasalo ka ng may love mo Jeselle Sana matanggap ka
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Epilogue

    Napaupo na nga lang si Ms. Emma sa upuang malapit sa napakahabang mesa at napakapit dito habang siya'y nanginginig. Agad siyang nilapitan ni Marian at Aeron at siya'y kinausap."Ayoslang po ba kayo?"wika ni Marian at hinawakan niya ito sa balikat."DaliAeron,kumuhakangtubig,"aniya rito at agad ngang nagmadaling kumuha ng tubig si Aeron na siya naman nakakuha ng atensyon ng lahat ng nandoon."Oh,Titaokaykalang?"pagkabahala ni Marcus at inilapag niya sa mesa ang hawak na isang baso ng alak. Tumabi sa kaniya si Gabriela na siyang nagtaka na rin sa nangyayari."Balae

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Chapter 79

    Conclude"KungumaasakapangdadatingditosiAlexMarcellnagkakamalika. M-Malamangaynakaalisna 'yun at maslumayopa. Kung ikaw lang din naman, b-bakitkapa niyapag-aaksayahanng oras?!"aniya. Kahit pa namimilipit na siya sa sakit dahil na rin sa braso ni Marcel

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Chapter 78

    Request"Nandito ka lang talaga para insultuhin ako?"Marcell scoffed. Napatawa na lang siya ng saglit at bigla niyang hinampas ang mesa na siyang gumawa ng malakas na kalabog na gumulat sa lahat lalung-lalo na sa kaharap niya na si Geraldine."Hoy ano 'yan ha?! Tigilan niyo 'yan!"banta ng Warden at inihanda niya ang kaniyang baril na nakalagay malapit sa kaniyang sinturon.Napalunok na lang si Geraldine at tinitigan niya ng mabuti si Marcell habang unti-unting nanliliit ang mga mata."Actually nandito ako dahil bago ko lang narinig ang balitang nakulong ka, I'm in shock. Sa totoo lang naaawa ako sa'yo Marcell, kung sana'y ipinagpatuloy mo na lang ang mga mabubuting gawain mo noon sa kompanya, eh 'di sana'y nasa

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Chapter 77

    AstoundedJeselle's POVIsang hindi makalilimutang karanasan ang araw ng kasal namin ni Alex. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Iba naman talaga ang pakiramdam kapag ang pinakamamahal mong tao ay tuluyan mo na talagang napangasawa.Sa loob ng isang buwan, tuluyan ko na talagang naramdaman ang buhay may-asawa. Isang kakaibang karanasang nagbigay sa akin ng mga bagong papanaw na siyang nagpamulat ng aking mga mata.Masaya ang naging buhay naming pareho ni Alex isang buwan pagkatapos ng kasal. Nagpasya si Alex na bumili ng sarili naming bahay sa Baguio na nasa medyo may kataasang lugar na may kalapitan sa bangin

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Chapter 74

    The TwistJeselle's POVPagkagising ko'y nakahiga na ako sa k'warto ko at suot ko pa rin ang hoodie. Hawak ko naman sa kamay ko ang bulaklak na dandelion na nagkukulay dilaw.Napangiti ako nito at naalala ang magandang karanasan na naganap kagabi. It turned me full 360 degrees. It was my turning point. The realization moment of my life, a moment that I will never forget.I sit up at kinusot ko ang aking mga mata at napahikab na lang. Napatingin nga ako sa vase at kinuha ito. Laman nito ang origami flowers na bigay sa akin ng aking mga pamangkin at isinuksok ko na rin dito ang dandelion at ibinalik nga ito sa desk kasama ng lampshade ko.Pagk

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACT   Chapter 76

    Sealed"So, matagal mo nang dino-drawing ang mukha ko?"ani Jeselle habang siya'y pinapaupo ni Alex.May naka-setup na rin kasing mesa para sa kanila at ang pagoda ay pinaganda ng mga nagkukulay yellow na tela at pailaw na pinatingkad ng napakagandang chandelier sa gitna."Yep, matagal ko nang pina-practice na makuha talaga na para bang makatotohanan 'yang mukha mo. Kaya nga nung mga unang beses ko iyong sinubukan, nahihiya pa akong ipakita sa'yo ang mga gawa ko. But then, I found the courage na ipakita na lang lahat na para bang isang evolution sa paraang nagkasusunod-sunod ang mga frame sa isa't isa,"maligayang wika ni Alex na para bang gustong-gusto niya talagang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status