Share

Chapter 2

Nervous

"Whaaaaaaaaaaa!" hindi ko mapigilan ang tili ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakahalukipkip namang nakatingin sa'kin si Marian habang nginunguya ang isang chewing gum. Nakasandal siya sa lababo na para bang wala siyang pakialam.

"Hindi talaga ako makapaniwala! Eeeee! Oh my gooood! Hoff, hoff, hoff," dahan-dahan kong paghinga. "Parang hihimatayin yata ako!" tili ko. "Nakita mo ba 'yung nangyari?!"

"Ah... Oo? Yes. Nakita ko kung gaano ka katanga at muntik nang maaksidente," walang pakialam na tono niyang pagkakasabi.

"You know what, inggit ka lang," sabi ko sa kaniya sabay pasok sa cubicle.

"Ako maiingit? hindi 'no! Alam mo namang hindi ang gurang na 'yan ang crush ko 'di ba?" sabi niya. Binuksan ko ang pinto ng cubicle habang patuloy pa ring umiihi.

"Maka-gurang naman 'to. At least g'wapo 'no at mukhang bata. Ahh, 'yung crush mo? Yep. Alam kong ang artistang si Marcus Callaghan ang ultimate crush mo. Sa anong competition nga ulit 'yun nanalo, The Singer's flashlight?" ewan ko ba kung bakit ganito ang mga crush namin ng beshy ko. Kung sa mga typical na mga babae'y nasa school o kapitbahay ang mga crush nila, kami naman mga g'wapo't mayayamang businessman o 'di kaya'y mga artista. Ang weird talaga namin.

"Spotlight 'yun gaga..." sagot niya habang naglalagay ng lipstick.

"Pero aminin mo, naiingit ka dahil sa wakas nakita ko na 'yung crush ko at ikaw hindi pa. Aminin mo na kasi," hirit ko sabay flush. At lumapit na rin sa kaniya at inagaw ang lipstick niya.

"Oo na. Sana all na nga. Hay, kailan ko pa kaya mami-meet sa personal 'yung crush ko? My one and only Marcus!" napa-acting siya nang wala sa oras ah? May paabot pa ng kamay sa hangin.

"Hay... 'Di ko talaga ini-expect na mangyayari 'yun. Ni minsan hindi ko inisip na magkakaharap kami. Nasanay na kasi akong tinititigan lang siya sa posters at magazines. Hindi ko deserve 'to!" nababaliw na yata ako. Ang daming information, oh brain cells ko!

"Teka lang. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?" tanong ni Marian na agad na nagpahinto sa akin sa pagpapantas'ya. Tama siya, ano naman kaya ang ginagawa ni babymyluvs ko rito?

"Huwag mong sabihing nandito siya para mag-interview? Wait. No!" pagpa-panic ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag magkaharap kami ulit. Matutunaw ako!

"Chill ka lang. Hindi naman siya nangangagat 'di ba?" pagpapakalma sa niya sa akin.

"Well hindi naman. Maliban lang do'n sa isang magazine cover na kinakagat niya ang kaniyang k'welyo habang nagki-clench ang panga niya. Sh*t..." naglalaway tuloy ako habang ina-imagine 'yun.

"Oh heto. Kainin mo," bigla niyang iniabot ang isang chewing gum na agad kong kinain.

"Maiibsan ba nito ang kaba ko?" I'm not sure. Pero may nabasa akong nakababawas nga ito ng kaba.

"No. But at least bumango naman 'yang hininga mo. Alam kong sa pagmamadali mo kanina nakalimutan mo nang magsipilyo," b'wesit talaga 'tong si Marian. Nakaba-badtrip!

"B'wesit ka talaga!" pagkainis ko sa kaniya na kaniyang itinawa lang.

"Okay last retouch," paglalagay niya ng lipstick t'saka gumawa ng popping sound.

"Kinakabahan talaga ako. Ano ba ang gagawin ko?" nakatingin lang ako sa salamin, sa aking sarili. "Bakit ang ganda-ganda mong gaga ka..." mahina kong bulong sa sarili ko.

"Tapos ka na?" --

"Nakawawalang gana ka talaga Marian!" b'wesit talaga 'tong babaeng 'to. "Tara na nga..." lumabas na nga kami.

Nagulat naman kaming marami na palang naghihintay sa labas.

"Naman eh," --

"Ni-lock pa kasi ang pinto," --

"Parang sa kanila ang banyo ah?" --

Sabay-sabay nilang pagdadabog.

"Ni-lock mo pala ang pinto? Gaga ka talaga," baliw talaga 'tong babaeng 'to. Naku-naku.

Napatingin na lang kami sa kanila with our disgusted faces. Ganito kami kataray.

Sakto namang tinawag na ako nung babae. Inilabas niya ang kaniyang ulo sa pinto at tinawag ang aking pangalan.

"Ms. Macario?" pagtawag niya.

Oh sh*t. Agad akong nakaramdam ng agarang kaba. Nilunok ko ang laway ko kasama na ang chewing gum na kasalukuyan kong nginunguya.

Blrrrr.

Dahan-dahan akong naglalakad habang nagmumuni-muni. Ano kaya ang magiging reaks'yon ko kapag nakita ko siya ulit?

Hindi ko alam. Bahala na.

"Isa lang ang mapapayo ko Jes, akitin mo siya ng bonggang-bongga," then she ended her useless advice with a wink. Baliw ka talaga Marian!

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa folder kong laman ang aking resume at iba pang requirements.

Bigla akong nabingi at ang tangi ko lamang naririnig ay ang aking mga yapak at ang kalabog ng aking puso.

Hindi ito maari.

Mahinahon kong binuksan ang pinto at wala akong ibang nakita kundi ang isang kulay puting liwanag.

This is it Jes. Huwag na huwag kang magkakamali sa harap ng crush mo. Bakit pa kasi nagsabay ang dalawa sa mga kinakatakutan ko? 'Yung isa ay public speaking at 'yung isa naman kapag kaharap na si crush. Huwaaawww.

Agad kong nakita ang isang upuan sa gitna ng silid. Sa harap naman nito ay ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ngayon 'yung babae at si Alexander.

"G-good morning..." napahinga ako ng malalim gamit ang aking bibig ginagaya ang nguso ng isang bibe.

This is so awkward. Ni hindi ko kayang tumingin sa kaniya ng diretso.

"Okay let's see..." nagsimula nang magtaray ang babae. Sa nameplate na nasa mesa, Geraldine Garcia ang pangalan niya. At hindi nga ako nagkamaling secretary siya. Binuksan niya ang folder ko at binasa ang aking forms.

Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Mr. Lopez.

"Ms. Jeselle Macario, introduce yourself," sabi niya. Sh*t kinilig ako sa boses niya. Magpigil ka self.

Napalunok na lang ako at biglang natulala.

"Ah..."

****************

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahahha kinakabahan parang ako dati ah............
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hahaha sa sobrang niyerbos mo pati bubble gum nilunok mo
goodnovel comment avatar
Milanimfa Dela Cruz Castro
Hahaha tawa talga ako pati chewing gum nilunok na sa sobrang excited
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status