Fast
"Ah-ah. I am Jeselle Macario. 29 years of age. I'm from Quezon city. But my family originally came from Sicogon Island, Carles, Iloilo. I graduated at Camphigh Inc., School Valedictorian. Nung college naman sa..." naputol ang sinasabi ko nung bigla siyang sumingit na aking ikinagulat.
"English only please," b'wesit. Hindi naman sa hindi ako marunong mag-english, sadyang kapag sinasalita ko na ito ay nauutal ako at nakalilimutan ko ang ibang salita. Kung nagsusulat naman ako hindi naman ganito ah? Tsk.
"Ah, I'm sorry," nakahihiya talaga. Sa harap pa naman niya?
"Continue," 'ika niya sabay idinikit ang mga palad at kinuyom ang mga ito. Ipinatong niya ang kanyang baba rito na para bang mas naging interesado na siyang makinig sa akin. Napansin ko kasing bahagya niya ring ipinikit ang kanyang mga mata na hudyat na mas nakikinig na siya.
"Um, I studied business management at Harvestton University and I graduated as Summa Cum Laude way back four years ago. In terms of experience, I also work in various companies for various positions and you can check the contact numbers I put in my resume for character references..." hayyst. Mabuti na lang naitawid ko. Whoooo.
"U-huh," pagtango ni Ms. Geraldine habang nakahawak sa kanyang cat-eye glassses. "Interesting," 'ika niya habang naka-focus lang sa pagbabasa nito.
"Very good Ms. Macario. Now tell me, why would I accept you?" walang hiya. Whoooo, grabe kinakabahan na talaga ako ng sobra. Accept me in your life ba? Hahahaha.
Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag ganito ang environment? Napakalamig ng hangin na nagmumula sa air conditioner at ang tangi ko lang naamoy ay ang mabango nilang mga pabango. Napakaliwanag din ng paligid na nakasisilaw. Kaya naman wala talaga akong ibang pagpipilian kundi ang humarap sa kanila.
Napi-pressure pa ako dahil sa mga kaharap ko ngayon. Nakai-intimidate talaga ang mga tingin nila. Kahit malamig, pinapawisan na ako.
"Um Sir. I think my skills, experiences and knowledge are suited for your company. On the other hand, I am a very versatile person, I can work in any department and first of all, I can work with different kinds of people," sa tingin ko naman okay na 'yun. Hay naku, sana lang talaga ayos na 'yung sagot ko.
Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo. Isinara niya ang butones ng kanyang suot na suit sa parteng tiyan at inayos ng bahagya ang kanyang buhok.
"Okay, tanggap ka na," hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o kung ano man. Hindi ko mabasa sa kanyang walang kaemosyo-emosyong mukha at boses kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Ba't parang ang bilis naman yata? Typically "We will call you, just keep in touch" 'yung mga naririnig ko. Hindi ko alam na ganito lang pala kabilis makapasok sa Lopez Enterprises. Ang pinakamayamang kompanya sa buong bansa. Ewan ko ba kung ano ang standards nila, pero napaka-weird na ang bilis niya akong tinanggap.
Hindi naman sa nagrereklamo ako, sa katunayan natutuwa pa nga ako eh. Kaso based on my experience, ang lahat ng bagay na mabilis na dumadating ay mabilis ding nawawala.
Natatakot akong hindi isang biyaya ang bagay na ito. Na baka masaktan lang ako sa huli. Hayyst. Ang OA ko talaga. Mga ganitong bagay iniisip ko agad ng malalim.
"Si-sir?" hindi talaga ako makapaniwalang parte na ako ng kompanyang ito.
"You heard me. Ikaw ang magiging bago kong secretary. Huwag kang mag-aalala dahil tuturuan ka naman ni Geraldine bago siya umalis," sabi niya at umalis na nga siya sa silid. Narinig kong pang pumalakpak siya sa labas para tapusin na ang job interview. "Okay, tapos na ang paghahahanap. May natanggap na sa posisyon!" sigaw niya sa labas.
"Huwag kang mag-aalala Ms. Macario, ituturo ko naman sa iyo ang lahat," wika ni Ms. Geraldine at nagligpit na. "Halika samahan mo 'ko, may pupuntahan tayo," napalunok na lang ako sa mga nangyayari. Hindi pa talaga nagsi-sink in ang lahat.
Umalis na nga kami sa silid at hinihintay na pala ako ni Marian sa labas. Nakangisi pa siyang nakaharap sa akin.
"Oh 'di ba, sabi ko naman sa'yo. Effective talaga 'yung pang-aakit," naku! Isa na lang talaga Marian. Nakakahiya ka na.
"Anong pang-aakit?" agad na nagtaka si Ms. Geraldine at napahawak sa kanyang glasses.
"Ah! Wala-wala po," bigla ko siyang sinagot at agad kong hinawakan si Marian sa braso. "Tumahimik ka na lang kasi," bulong ko sa kanya sabay nag-awkward laugh kay Ms. Geraldine.
"Who is this Ms. Macario?" nakakapanindig-balahibo talaga ang accent ni Mr. Geraldine. Kitang-kita agad kung gaano siya katalino. Talagang mai-intimidate ka talaga sa kanya.
"Let me introduce myself po. I'm Marian San Pedro, kaibigan po ni Jeselle since highschool," pabida niyang pagpapakilala.
Tumango lang si Ms. Geraldine na para bang wala siyang pakialam. "Anyways, pupunta tayo sa mall, you can't be Mr. Lopez's secretary sa ganyang kasuotan. No offense girls pero ang baduy ng mga suot ninyo,"
Napatingin na lang kami ni Marian sa mga suot namin. Eh, ano naman kung sa ukay-ukay ko nabili ang suit na 'to?
"P'wede ba akong sumama Ma'am?" hindi ka na talaga nahiya Marian! Isa na lang talaga, isa na lang.
"Sure," mabuti na lang at pumayag si Ms. Geraldine. "We could use a hand," dugtong niya. Huh, balak niya pa lang gawing tagabitbit ng mga shopping bags si Marian.
Napatingin na lang ako kay Marian na hindi na 'yun initindi pa. Wala naman talagang importante sa kanya. Siya kasi ang klase ng babaeng easy-go-lucky. May kaya naman sila sa buhay, kaya kung tutuusin hindi na niya kailangan pang magtrabaho. Sinamahan niya lang naman talaga ako rito para raw hindi niya ma-bored sa bahay nila. Sana all talaga.
Kahit ganito si Marian, may isang bagay talaga akong hinahangaan sa kanya. 'Yun ay ang pagiging simple niya. Ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang yaman nila ng kanyang pamilya. Mas gusto niyang tanggapin siya kung ano siya, hindi dahil sa yaman nila.
Nakalabas na nga kami sa building at sumakay agad sa isang napakakintab na kulay itim na sasakyan na pumarada sa harap. Na may personal driver pang naka-suit.
Hindi ako makapaniwalang ito na ang magiging bagong buhay ko.
**********************
Napaupo na nga lang si Ms. Emma sa upuang malapit sa napakahabang mesa at napakapit dito habang siya'y nanginginig. Agad siyang nilapitan ni Marian at Aeron at siya'y kinausap."Ayoslang po ba kayo?"wika ni Marian at hinawakan niya ito sa balikat."DaliAeron,kumuhakangtubig,"aniya rito at agad ngang nagmadaling kumuha ng tubig si Aeron na siya naman nakakuha ng atensyon ng lahat ng nandoon."Oh,Titaokaykalang?"pagkabahala ni Marcus at inilapag niya sa mesa ang hawak na isang baso ng alak. Tumabi sa kaniya si Gabriela na siyang nagtaka na rin sa nangyayari."Balae
Conclude"KungumaasakapangdadatingditosiAlexMarcellnagkakamalika. M-Malamangaynakaalisna 'yun at maslumayopa. Kung ikaw lang din naman, b-bakitkapa niyapag-aaksayahanng oras?!"aniya. Kahit pa namimilipit na siya sa sakit dahil na rin sa braso ni Marcel
Request"Nandito ka lang talaga para insultuhin ako?"Marcell scoffed. Napatawa na lang siya ng saglit at bigla niyang hinampas ang mesa na siyang gumawa ng malakas na kalabog na gumulat sa lahat lalung-lalo na sa kaharap niya na si Geraldine."Hoy ano 'yan ha?! Tigilan niyo 'yan!"banta ng Warden at inihanda niya ang kaniyang baril na nakalagay malapit sa kaniyang sinturon.Napalunok na lang si Geraldine at tinitigan niya ng mabuti si Marcell habang unti-unting nanliliit ang mga mata."Actually nandito ako dahil bago ko lang narinig ang balitang nakulong ka, I'm in shock. Sa totoo lang naaawa ako sa'yo Marcell, kung sana'y ipinagpatuloy mo na lang ang mga mabubuting gawain mo noon sa kompanya, eh 'di sana'y nasa
AstoundedJeselle's POVIsang hindi makalilimutang karanasan ang araw ng kasal namin ni Alex. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Iba naman talaga ang pakiramdam kapag ang pinakamamahal mong tao ay tuluyan mo na talagang napangasawa.Sa loob ng isang buwan, tuluyan ko na talagang naramdaman ang buhay may-asawa. Isang kakaibang karanasang nagbigay sa akin ng mga bagong papanaw na siyang nagpamulat ng aking mga mata.Masaya ang naging buhay naming pareho ni Alex isang buwan pagkatapos ng kasal. Nagpasya si Alex na bumili ng sarili naming bahay sa Baguio na nasa medyo may kataasang lugar na may kalapitan sa bangin
The TwistJeselle's POVPagkagising ko'y nakahiga na ako sa k'warto ko at suot ko pa rin ang hoodie. Hawak ko naman sa kamay ko ang bulaklak na dandelion na nagkukulay dilaw.Napangiti ako nito at naalala ang magandang karanasan na naganap kagabi. It turned me full 360 degrees. It was my turning point. The realization moment of my life, a moment that I will never forget.I sit up at kinusot ko ang aking mga mata at napahikab na lang. Napatingin nga ako sa vase at kinuha ito. Laman nito ang origami flowers na bigay sa akin ng aking mga pamangkin at isinuksok ko na rin dito ang dandelion at ibinalik nga ito sa desk kasama ng lampshade ko.Pagk
Sealed"So, matagal mo nang dino-drawing ang mukha ko?"ani Jeselle habang siya'y pinapaupo ni Alex.May naka-setup na rin kasing mesa para sa kanila at ang pagoda ay pinaganda ng mga nagkukulay yellow na tela at pailaw na pinatingkad ng napakagandang chandelier sa gitna."Yep, matagal ko nang pina-practice na makuha talaga na para bang makatotohanan 'yang mukha mo. Kaya nga nung mga unang beses ko iyong sinubukan, nahihiya pa akong ipakita sa'yo ang mga gawa ko. But then, I found the courage na ipakita na lang lahat na para bang isang evolution sa paraang nagkasusunod-sunod ang mga frame sa isa't isa,"maligayang wika ni Alex na para bang gustong-gusto niya talagang