Share

THE BILLIONAIRE'S CONTRACT
THE BILLIONAIRE'S CONTRACT
Author: COMIIX

Prologue

"Don't you dare falling in love with me,"

"A contract's a contract."

Namuhay ng payapa si Jeselle Macario kasama ang kaniyang mga kuya. Wala siyang ibang pinapangarap noon kundi ang matupad ang kaisa-isa niyang hiling na ma-meet ang kaniyang hinahangaang lalaki. Si Alex Lopez na maliban sa guwapo, iniidolo niya rin ang pamamaraan nito kung bakit naabot nito ang lahat ng mga ninaais at naging matagumpay siya sa buhay. 

Si Alexander Javier Lopez ay isang mayamang lalaki. Billionaire to be exact. Siya ang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas. Sa edad na 40, wala pa siyang asawa o nobya man lang. At dahil ito sa ugali niyang may pagka-playboy at ayaw niyang pumasok sa commitment. Sa pananaw ng kaniyang mga empleyado, siya ay isang hardworking, matalino, arogante, philanthropist at g'wapong lalaking dapat hangaan. 

But then, even he's on the top of the world, he felt emptiness. Lahat nasa kaniya na pero sa tingin niya'y parang may kulang. 

Parang may kulang sa buhay na hinding-hindi mabibili ng kahit anumang yaman niya. 

Lahat ng tao'y pinapangarap ang kaniyang buhay, pero ang hindi nila alam, hindi naging madali ang lahat bago niya nakamtan ang lahat ng ito. 

Kaya naman pinaniniwalaan niya ang quote ni Uncle Ben mula sa Spider-man film na "With Great Power Comes Great Responsibility."

Hindi porke't mayaman ka, hindi ka na magkakaproblema. 

"Bigger wealth, bigger problems," 'ika niya sa sarili niya. Kaya nga wala siyang pinagkakatiwalaan maliban sa sarili niya. Tinawag na nga siyang narcissistic dahil dito. 

Ngunit dumating din ang araw na matatagpuan niya ang kaniyang katapat, isang babaeng hindi kailanman nasilaw sa perang mayro'n siya. Dahil sa isang kasunduaan nilang dalawa, magbabago siya nang hindi inaasahan. 

****************

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ramel Teodosio
mag and a a ng kwento
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
mukhang maganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status