Lucky
Nasa mall na nga kami ngayon. At hindi ito basta-basta mall lang, ito 'yung Luxomall na ang mall ng mga mayayamang tao, mga elites. Kapansin-pansin ding walang masyadong tao. Nangangahulugan lang itong kaunti lang talaga ang mga mayayaman dito sa pilipinas at mas marami pa ring mga kagaya naming mahirap lang.
Napakalinis ng lugar at maaliwalas. Mayroon din itong napakalaking chandelier sa itaas kung saan matatagpuan ang pinakasentro ng gusali.
"Ang ganda!" pagkamangha namin ni Marian. Ewan ko ba. Lumalabas talaga ang pagkaignorante naming dalawa.
"Magpigil kayo girls. Naiintindihan ko naman ang mga nararamdaman ninyo ngayon. Pero dapat pa rin kayong mag-observe ng tamang asal sa mall na ito. This is no ordinary mall," pangangaral ni Ms. Geraldine na napakaastig kung maglakad kahit naka-heels na lumilikha ng malutong na tunog sa tiles. Nasa tabi niya kaming naglalakad at hinahabol siya dahil sa bilis niya.
"Queen's Wardrobe?! Can someone kill me?" pagkamangha ni Marian. Marami talaga siyang alam 'pag tungkol na sa mga damit.
"Ano ba 'yun?" hayyy, wala talaga akong kaalam-alam sa mga ganyang bagay. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga mamahaling damit at kung ano pang bagay. Maliban na lang kung may mukha ni Alexander 'yun, bibilhin ko talaga.
"Naninilim paningin ko sa'yo ha, lumayas ka Jes," bahagya siyang napapikit habang bumubulong sa'kin.
"Sorry naman. Wala kasi akong kaalam-alam sa mga bagay na 'yan. At saka, poor lang kami 'no. Malay ko ba," sagot ko at napakamot sa aking ulo.
"Well, FYI, ang Queen's Wardrobe ay isang napakamahal na clothing line. Halos mga mayayaman lang ang nakasusuot ng mga ganyang damit dahil nga sa presyo nito. Isa pa, ang mga stores nila ay kompleto, ito'y salon at department store in one," pagpapaliwanag niya habang pumapasok na kami sa store.
Sinalubong kami agad ng dalawang babaeng magkaterno ng suot. Grabe pa ang makeup. Ganito ba talaga dapat 'pag sa mall ka nagtatrabaho?
"Good day!" bati nila. "Ano po ang maitutulong namin sa inyo?" at napatingin sa aking suot at biglang nandiri. "Oh I see," sabi ng isa.
Naku, kung hindi lang ako nagpipigil. Makatitikim talaga ang dalawang 'to sa'kin.
"Alam niyo na ang gagawin ninyo," sabi ni Ms. Geraldine sa dalawang babae at bigla nila akong hinablot.
"Yes Ma'am, maupo muna kayo doon habang ginagawa namin ito," sabi ng isang babae kina Marian at agad nila akong dinala sa likurang bahagi ng gusali at wala akong kaalam-alam kung ano ang gagawin nila sa akin ngayon.
****************
Marian's POV
Excited akong malaman kung saan 'to pupunta. Naiintriga rin naman akong malaman kung ano ang magaganap sa hinaharap.
Napakabilis ng mga pangyayari, ganito ba talaga sa mundo ng mga mayayaman? Sa isang iglap lang nandiyan na agad? Walang kahirap-hirap nilang nakukuha ang kanilang mga gusto at dahil 'yun sa pera nila.
Iba talaga ang kapangyarihan ng pera. Nababago nito ang isang tao. Sa pagbasa ko sa katauhan ni Ms. Geraldine, sa tingin ko hindi talaga siya ganito dati. Malamang nagbago siya dahil sa trabaho niya at hanggang sa naging personality na nga niya ito na dinadala hanggang ngayon.
"Ah Ms. G, ilang taon ka na po bang nagtatrabaho kay Mr. Lopez?" kung masagot niya man 'to o hindi. Wala akong pakialam. Mukhang hindi naman siya 'yung tipo ng taong mahilig makipag-usap sa mga taong hindi niya ka-level.
Ngunit nagulat ako na sumagot nga siya. Huminga siya ng malalim at humarap sa akin. Inilapag niya ang kanyang mga braso sa mesa at humarap na rin ako sa kanya.
"40 years old na si Mr. Lopez ngayon, ako naman 34, at magkasama na kami simula pa lang nung mga 32 years old pa lang siya. Almost 8 years na rin kaming nagsasama. At sa loob ng mga oras na 'yun, mas nakilala ko siya at mas nabasa ko siya kung bakit siya gano'n. Kung bakit siya arogante, playboy at wala masyadong pinagkakatiwalaan. Kung mayroon man siyang pinagkakatiwaan ng lubusan, ito ay ang kanyang ina at ang sarili niya," bahagya kong ipinikit ang aking mga mata at idinikit ang aking mga kilay dahil nabigla akong nagkwento na siya tungkol sa buhay ni Mr. Lopez.
"Akala ko po ba nag-iisa na lang sa buhay ngayon si Mr. Lopez? At isang tanong pa, totoo bang sa kanya nanggaling ang lahat ng yaman nila?" tutal sumasagot na naman siya. Lulubusin ko na lang. Napa-facepalm ako habang interesadong-interesadong nakikinig sa kanya.
"Buhay pa ang kanyang inang 82 years old. Ngunit nasa kanilang mansyon na lang ito nananatili. Hindi naman talaga sa kanya nanggaling ang lahat ng yaman nila. Siya lang ang nagpalago ng mga ito. Mayaman na talaga sila dati, mas yumaman na lang ngayon," kilalang-kilala niya talaga si Mr. Lopez, mukhang malaking space yata ang iiwan niya para kay Jeselle ah? Mukhang mahihirapan yata ang beshy kong punan ang malaking espasyong iyon.
"Ah, Ms. G, kanina kasi sa saksakyan habang papunta tayo rito, nabanggit mo na aalis ka na sa kompanya. B-bkit naman po?" mas mabuti nang itanong ko ito sa kanya.
"Ah, oo aalis nga ako. Pero bilang secretary lamang ni Mr. Lopez. Na-asign na kasi ako bilang head sa isang department namin sa New york. Doon na ako mamamalagi. At saka huwag kang mag-alala sa kaibigan mo, mabait si Alexander. Mas kilala ko siya. Ibang-iba siya sa mga tsismis ng ibang tao sa kanya," kaya naman pala. Hayys. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niyang ito, pero malaki ang maitutulong nito kay Jeselle.
"Ah, Ms. G, sorry kung itatanong ko ito. P-pero bakit ang bilis niyo naman yatang tinanggap ang kaibigan ko?" hindi naman sa ayaw kong matanggap ang kaibigan ko 'no, masaya nga ako para sa kanya dahil may trabaho na siya. Pero napakamisteryoso lang kung bakit gano'n-gano'n na lang kabilis ang pagtanggap sa kanya. Bakit ang bilis naman yata?
"Alam mo, naiinggit nga ako riyan sa kaibigan mo eh. Nung mga panahon ko kasi, dumaan pa ako sa butas ng karayom bago ko narating ang kinalalagyan ko ngayon. Nakasisigurado akong hindi lang ako, pati na rin ang iba pa niyang mga empleyado ay naiinggit din dahil sa tinamo ngayong s'werte ni Ms. Macario. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Alex sa kaibigan mo, pero naniniwala akong maganda 'yun. Sa tagal ng samahan namin, hindi ko pa siya nakitang nagkamali ng desisyon pagdating sa kompanya," halos hindi ako makahinga sa mga sinabi niya sa akin ngayon.
Tama nga siya, napakas'werte mo nga Jeselle.
****************
Napaupo na nga lang si Ms. Emma sa upuang malapit sa napakahabang mesa at napakapit dito habang siya'y nanginginig. Agad siyang nilapitan ni Marian at Aeron at siya'y kinausap."Ayoslang po ba kayo?"wika ni Marian at hinawakan niya ito sa balikat."DaliAeron,kumuhakangtubig,"aniya rito at agad ngang nagmadaling kumuha ng tubig si Aeron na siya naman nakakuha ng atensyon ng lahat ng nandoon."Oh,Titaokaykalang?"pagkabahala ni Marcus at inilapag niya sa mesa ang hawak na isang baso ng alak. Tumabi sa kaniya si Gabriela na siyang nagtaka na rin sa nangyayari."Balae
Conclude"KungumaasakapangdadatingditosiAlexMarcellnagkakamalika. M-Malamangaynakaalisna 'yun at maslumayopa. Kung ikaw lang din naman, b-bakitkapa niyapag-aaksayahanng oras?!"aniya. Kahit pa namimilipit na siya sa sakit dahil na rin sa braso ni Marcel
Request"Nandito ka lang talaga para insultuhin ako?"Marcell scoffed. Napatawa na lang siya ng saglit at bigla niyang hinampas ang mesa na siyang gumawa ng malakas na kalabog na gumulat sa lahat lalung-lalo na sa kaharap niya na si Geraldine."Hoy ano 'yan ha?! Tigilan niyo 'yan!"banta ng Warden at inihanda niya ang kaniyang baril na nakalagay malapit sa kaniyang sinturon.Napalunok na lang si Geraldine at tinitigan niya ng mabuti si Marcell habang unti-unting nanliliit ang mga mata."Actually nandito ako dahil bago ko lang narinig ang balitang nakulong ka, I'm in shock. Sa totoo lang naaawa ako sa'yo Marcell, kung sana'y ipinagpatuloy mo na lang ang mga mabubuting gawain mo noon sa kompanya, eh 'di sana'y nasa
AstoundedJeselle's POVIsang hindi makalilimutang karanasan ang araw ng kasal namin ni Alex. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Iba naman talaga ang pakiramdam kapag ang pinakamamahal mong tao ay tuluyan mo na talagang napangasawa.Sa loob ng isang buwan, tuluyan ko na talagang naramdaman ang buhay may-asawa. Isang kakaibang karanasang nagbigay sa akin ng mga bagong papanaw na siyang nagpamulat ng aking mga mata.Masaya ang naging buhay naming pareho ni Alex isang buwan pagkatapos ng kasal. Nagpasya si Alex na bumili ng sarili naming bahay sa Baguio na nasa medyo may kataasang lugar na may kalapitan sa bangin
The TwistJeselle's POVPagkagising ko'y nakahiga na ako sa k'warto ko at suot ko pa rin ang hoodie. Hawak ko naman sa kamay ko ang bulaklak na dandelion na nagkukulay dilaw.Napangiti ako nito at naalala ang magandang karanasan na naganap kagabi. It turned me full 360 degrees. It was my turning point. The realization moment of my life, a moment that I will never forget.I sit up at kinusot ko ang aking mga mata at napahikab na lang. Napatingin nga ako sa vase at kinuha ito. Laman nito ang origami flowers na bigay sa akin ng aking mga pamangkin at isinuksok ko na rin dito ang dandelion at ibinalik nga ito sa desk kasama ng lampshade ko.Pagk
Sealed"So, matagal mo nang dino-drawing ang mukha ko?"ani Jeselle habang siya'y pinapaupo ni Alex.May naka-setup na rin kasing mesa para sa kanila at ang pagoda ay pinaganda ng mga nagkukulay yellow na tela at pailaw na pinatingkad ng napakagandang chandelier sa gitna."Yep, matagal ko nang pina-practice na makuha talaga na para bang makatotohanan 'yang mukha mo. Kaya nga nung mga unang beses ko iyong sinubukan, nahihiya pa akong ipakita sa'yo ang mga gawa ko. But then, I found the courage na ipakita na lang lahat na para bang isang evolution sa paraang nagkasusunod-sunod ang mga frame sa isa't isa,"maligayang wika ni Alex na para bang gustong-gusto niya talagang