Parang tumigil lahat sa pagtibok ang mga pulso ko. Ang katawan ko ay namanhid na, tila wala ng nararamdaman. Gamit ang natitira kong lakas, tinapon ko ang aking cellphone sa tabi. Kasabay nun ang malakas kong pagsigaw at ang muling pangangatog ng buong katawan ko. Sumigaw ako nang sumigaw. My heartbeat roared in my ears as the sound of my voice echoed through the hall. Ramdam ko ang pagtakbo ng kung sino palapit sa akin, ngunit tuloy lang ako sa pagsigaw. Ang kamay kong hindi na mapermi sa pangangatog ay napasabunot na sa sariling buhok. "This can't be happening..." iiling iling ko. "Panaginip lang 'to."Napatakip ako sa bibig nang kumawala sa akin ang matinding hikbi. Marahas akong napapikit nang sampalin ko ng paulit-ulit ang sarili, umaasa na isa lang ito sa mga naging bangungot ko. "Alina..."Tumigil ako nang marinig ko ang boses ni Riel. Dumilat ako at nakita syang nakatayo sa harap ko. Mabilis akong tumayo at estiriko kong hinawakan ang kanyang kamay."I was set up again-I
Nagpatuloy ang kanilang argyumento. Nangatog na rin ang tuhod ko nang nakompirma kong tungkol nga sa kasal namin ang pinagtatalunan nila. Hindi ko alam kung saan nalaman ng Mama nya na kontrata lang ang kasal namin. Pero iyon ang narinig ko. Alam na nya. Mas lalo kong diniin ang sarili sa sementong pinagtataguan ko dahil dun. "You're making a fool of yourself, Riel," his mother spat, her voice cold and biting. "Because of a woman who doesn't even have the decency to protect her name, let alone yours."Parang bumaliktad ang sikmura ko sa narinig. Nagsimula ng mamawis ang mga kamay ko. Gusto ko ng umalis sa kinatatayuan. Parang nahihimigan ko na kung saan papunta ang pagtatalo nilang ito."What are you talking about?" boses ni Riel. Parang kanina pa sya naubusan ng pasensya. Kung kanina ay napapalakas ang boses nya, ngayon ay bumaba na at parang nagpipigil. Iniwas ko ang tingin sa kanila at sinandal ang ulo sa semento. Ang kaninang tuwa na nararamdaman ko sa byahe ay parang naglaho
Madilim na ang kalangitan nang lumabas ulit kami sa mall para umuwi. Gabi na at parang uulan pa yata. "Hatid na kita?" tanong niya habang inaayos ang mga bag niya.Nakatingin lang ako sa kanya. Pareho kaming nakatayo sa side walk. Nasa harapan na namin ang kanyang kotse. "'Wag na, susunduin naman ako," sagot ko, pointing toward the sleek black car pulling up. "Ikaw? Okay ka lang ba?""Yeah. Text me when you get home," bilin nya at bumeso sa akin. "Ikaw rin."Lumabas mula sa kotse ang driver na sumundo sa akin nang i-park nya sa tapat ko ang sasakyan. Nagpatulong ako sa kanya kunin ang mga shopping bag sa kotse ni Celina para ilipat sa dala nitong kotse. Nauna ng lumarga si Celine. Bagama't tahimik ako sa byahe pauwi, hindi maitatanggi ang tuwa sa dibdib ko.Parang naiwan ang utak ko sa mga nangyari ngayong araw. 'Yung moment namin ni Riel noong umaga, tapos ang naging bonding namin kanina ni Celine. Akala ko hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. Life is full of surprises tal
"Nadala kasi ako sa moment," depensa ko. "Basta iyon na 'yun. Life is too short, Celine. Hindi ko naman 'yun pinagsisisihan."Pumitik sya sa ere. "That's the spirit!"Nagulat ako nang tumili sya. Tinampal ko nga sa balikat. Napatingin kasi sa gawi namin ang ibang kumakain."Kainis!" she groaned in frustration. "Ako ang malandi sa ating dalawa, e. Tingnan mo, mas nauna ka pa magka-lovelife."Natawa ako sa himutok nya. Mga ganitong senaryo ko talaga minsan nakukuwestyon kung paano nag-click ang ugali namin. Parang kanina lang kasi, dismayado sya, tapos mamaya kinikilig na. Ngayon naman, parang bata na sinumpong ng tantrums. Mas lalo syang napadaing nang kinuwento ko ang huling sinabi ni Riel sa akin. Sabi, bakit hindi pa raw sya sunduin ng liwanag. Mukhang sa inggit lang daw sya mamamatay. Sira talaga. "Bagay sa'yo 'to," tinapat ko sa kanya ang naispatang tube. Ngumiwi sya bilang tugon. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami dito sa mall. Plano ko syang ilibre dito ng kahit ano
The more I thought about everything she'd done for me today, the more that gratefulness grew.Katulad ni Riel, para sa akin deserve din nya malaman lahat ng hindi ko pa nasasabi sa kanya. Sya ang pinakamatalik kong kaibigan. Dapat lang na walang lihiman sa pagitan namin."Celine," seryoso kong putol sa pang-aasar na naman nya.Tumigil sya at napatitig sa akin. My heart started pounding harder. Uminom muna ako sa aking iced tea upang ihanda ang sarili para sa pu-pwede nyang maging reaksyon sa sasabihin kong ito. Bahagya nyang pinilig ang ulo. Kuryosidad ang nakikita ko ngayon sa mukha nya. "May aaminin ako sa'yo," pigil hininga kong panimula. "Hmm?" pabiro nyang ismid. Still, nandoon pa rin ang kuryosidad sa mukha nya. "Ano na naman 'yan?""It's about me and Riel."Awtomatik syang napasandal sa inuupuan pagkarinig pa lang sa sinabi ko. Maya-maya, ngumisi na sya. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "Okay... So, the whole marriage thing. It's not exactly what everyone thinks
Her eyes widened slightly, like she hadn't expected to see me either. For a second, there was silence, thick and heavy between us."W-what are you... doing here?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kumurap-kurap pa ako. Seryoso, anong ginagawa nya dito?Hindi sya nagsalita. Sumilip ako sa bandang likod nya para siguraduhing hindi ako nagkamali ng napuntahan. I mean, this was the place I went to, where David was. Definitely not a place where she had any reason to be.Huminga sya ng malalim. I tried again to sneak a glance inside just to be sure, but before I could see anything, she grabbed my wrist.Sa gulat ko sa ginawa nya, hindi agad ako naka-react. Tuloy lang sya sa paghila sa akin palayo sa tinatayuan naming opisina kanina. Saka nya lang ako binitawan nang nasa harapan na kami ng pinanggalingan kong elevator. "Let's talk," she said quickly, her voice low but urgent.Tahimik syang pumasok sa loob nang bumukas ang elevator. Naguguluhan man ay sumunod na rin ako sa kanya. "C