THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE

THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE

last updateHuling Na-update : 2025-07-21
By:  KYOCHIEE In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
18views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

She's a licensed teacher but jobless. He's a billionaire CEO in search of a replacement for his missing fiancée. Alina Reyes is a licensed professional teacher, but years have passed and she still hasn't landed a stable job. She's been submitting resumés everywhere she can, hoping to find something with decent pay. But rejection after rejection leaves her feeling defeated. Just when she's about to give up, an unexpected email from a prestigious company arrives. She assumes it's for a regular job interview, an opportunity to turn her life around. But to her surprise, she's hired. Not as an employee, but as the wife of Riel Alcantara, a young, hot, and ridiculously wealthy CEO. At a young age, Riel Alcantara is already one of the most powerful and desirable businessmen in the country. Cold, calculating, and always in control. He's known for being a man of few words and even fewer emotions. After the mysterious disappearance of his fiancée, he's in desperate need of a replacement for both business and personal reasons. He offers Alina a life beyond her wildest dreams: financial stability, security, and a future free from worries. The only condition is that she has to marry him. Can a jobless teacher teach a billionaire the true meaning of love?

view more

Kabanata 1

Chapter 1:

Another day, another rejection.

Nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko habang may bago na namang lumitaw na email notification. Hindi ko na ito kailangan buksan dahil alam na alam ko na kung ano ang laman.

We regret to inform you...

“Licensed Professional Teacher,” bulong ko sa sarili at hinaplos ang mukha gamit ang mga palad. “More like... Licensed Professional Tambay.”

Tumayo ako at nag-inat. Sa totoo lang, habang tumatagal, hindi na siya masakit. Halos hindi ko na mabilang ang nakuha kong rejection sa taong ito. Dahil do'n, parang naging manhid na lang ako. Wala rin naman magbabago kung iiyak ko lang nang iiyak. ‘Buti sana kung magiging pera ang luha, baka sinagad ko na.

As expected, my day was wasted again.

Ilang beses na ba akong sumubok? Nagbakasakali? Nagpadala ng daan-daang resumé, ilang interview ang naranasan, at pati ang pag-aapply sa mga trabahong hindi naman pasok sa aking field hindi ko pa rin pinalagpas.

But still, iisa lang ang naging resulta ng lahat. Failed, rejected, and not qualified.

Licensed teacher nga, wala rin naman silbi. Prinint lang ata 'yon sa papel pampahaba lang ng pangalan ko, e. Pinaghirapan ko pa naman 'yon bago makuha. Tapos ang ending, wala rin pala ako napala.

Gusto kong mag-marathon sa N*****x kaso kahit ata pang-f******k, e, hindi ko kaya ngayon. Failed na nga sa job applications, failed pa sa buhay.

Naglakad ako papunta sa may counter. The sound of my stomach growling pulled me from my thoughts. Kahit gaano pa ka-problema ang isang tao, hindi dapat ito malipasan ng gutom.

Kaso kung isang piraso lang din naman ng instant noodle ang makikita mo sa kusina ay mawawalan ka talaga ng gana kumain.

The rest of the kitchen was as empty as my bank account. Bills piled up on the table, and my landlord’s not-so-friendly warning about overdue rent echoed in my head.

“Perfect,” I sighed, filling my instant noodle with boiling water. “Dream life unlocked. Broke, jobless, and single. Triple threat.”

Nakaupo lang ako habang titig na titig sa aking marangyang hapunan. Dahil sa kawalan ko ng gana ay hindi ko na tuloy maiwasan isipin ang naging buhay ko noong college.

Those late nights studying, the countless lesson plans, the dreams I’d once had of shaping young minds.

It all felt so far away now, pero nandito pa rin ako... walang trabaho at income.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang tingnan ko ang message ay tuluyan na talaga akong nawalan ng gana kumain. Another bill reminder.

Ang sarap talaga mabuhay.

Tumayo na lang ako at iniwan ang kawawang noodle. Uuwi na lang ako sa amin. Doon, baka matulungan ko pa si Mama sa kaniyang sari-sari store.

Pumasok ako sa kuwarto at kinuha na ang towel. Nang mapadaan ako sa kusina ay bahagya akong natigil nang makita ko ang iniwan ko doon na cellphone. Umilaw ito, hudyat na may pumasok na mensahe.

I glanced at the screen, half-expecting another bill reminder. Good thing, it wasn't.

Celine: “Girl, punta ka sa party mamaya. As in bigatin 'yong mga guest. Baka ando'n na 'yong future mo. Hehe!”

I frowned, rereading the message. A party? Niloloko ba ako ng babaetang ‘to?

Ni wala nga akong pera pangbili ng matinong groceries, damit pa kaya para sa party na ‘yan na alam kong puro mayayaman at sosyal ang invited?

To Celine: Send money muna.

Celine: Punta ka na. Madaming boylet doon na sumobra sa yaman. Baka nandoon ang magiging future mo.

Napaisip ako sa kaniyang reply. Alam kong biro niya lang 'yon, pero what if nga pumunta ako doon, tapos may mabangga akong poging mayaman na CEO ng isang malaking kompanya? Tapos siya na pala ang mag-aahon sa akin sa putik?

Syempre, walang gano’n, Alina!

To Celine: Wala akong maisuot, gaga!

Celine: Kahit ganda lang ambag mo, ayos na 'yon.

I couldn't help but rolled my eyes. Totoo naman kasing maganda ako. Ang dami ko rin kayang binasted na manliligaw noong college ako. Puro rich kid pa at may sariling mga kotse.

Kung alam ko lang talaga na ganito magiging buhay ko after college, e, ‘di sana sinagot ko na 'yong anak no'ng Mayor. Kaka-study first ko noon, ito ako ngayon. Wala na ngang pera't trabaho, mamamatay pa ata akong single.

To Celine: Fine! Let’s go meet my future husband, or at least eat free food.

Huling biro ko sa reply bago nagdesisyong tumuloy na sa banyo.

The dress I chose was simple. A black, knee-length number na nabili ko pang naka-sale, dalawang taon na ang nakalipas. Nasuot ko na ‘to noong kasal ng pinsan ko. I paired it with heels that pinched my toes and a clutch bag I hadn’t used since graduation.

Totoo nga’ng kahit pa gaano ka-cheap ang isang damit, kung marunong ka naman magdala ay magmumukha kang expensive tingnan.

At ako ang patunay ng kasabihang iyon.

“Just act confident,” I whispered to my reflection. “You’re not here to impress anyone. Just grab some hors d’oeuvres and go.”

Pagdating ko sa party ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may nag-e-exist pa palang ganitong lugar sa tunay na buhay.

The mansion was enormous, with sprawling gardens and a driveway lined with luxury cars. Everything about it screamed wealth and power na parang nakailang sampal sa akin ng katotohanang hindi ako nababagay dito kaya ano’ng ginagawa ng isang poorita dito?

T-in-ext ko nang paulit-ulit si Celine pero hindi siya nagre-reply. Baka wala pa siya rito. Uso talaga 'yon. Mas nauuna ang inimbita kaysa nag-imbita. Gagang 'yon!

Ang ending, pumasok na lang ako sa loob. Mabuti na lang talaga at hindi ako pinagkamalang naligaw na mamaw no'ng guard. Kasi kung nagkataon? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ako puwedeng umuwi na hindi nakikita si Celine. Magpapahatid ako sa kaniya mamaya pauwi. Tinotoo ko talagang ganda lang ang maiaambag ko rito kasi kahit ang pamasahe ko pauwi mamaya ay wala ako.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
7 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status