Huminga ako ng malalim at muling pinakalma ang sarili. Ibabalik ko na sana ulit sa kahon ang kabibilang pa lang ulit na mga piraso nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang huling taong gusto kong makita sa pagkakataong ito. Nataranta ako at mabilis na pinagbabalik sa kahon lahat, pero sa sobrang pagpa-panic ko ay nabitawan ko ang kahon, na naging dahilan ng muling pagkalat ng mga condom sa sahig.Si Riel na kapapasok pa lang ay gulat na napatingin sa isang pirasong natapon malapit sa kaniya. Tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan at halos hindi na huminga na nakatingin sa kaniya. Tiningnan niya ako saglit pero binalik din agad ang mata sa isang piraso na nasa paanan niya. Maya-maya pa ay pinulot niya ito at dahan-dahang napangisi nang matitigan niya ang hawak."Mali ka nang iniisip!" agap ko nang itaas niya sa ere ang condom. "What... is this?" tanong niya habang nasa ere pa rin ang hawak niyang isang piraso. I felt my heart race as I scrambled to pick the rest, as
Nakatayo lang ako habang nakasunod ang tingin sa pigura niyang papasok na sa banyo. Maya-maya pa ay natagpuan ko na lang ang sarili na nakangiti na sa kawalan habang tinutungo ang daan papunta sa hapag. Haynaku! Kung gano'n lang din na napupuri ako ng isang bilyonaryong katulad niya, dapat sana ay pinakyaw ko na ang mga ganitong pajama sa mall no'ng pinahiram niya sa akin ang card niya. 'Di sana hindi na niya ako lagi inasar at puro papuri lang ang natatanggap ko. Pagkarating ko sa hapag ay wala nga doon ang kaniyang Lolo katulad ng sabi niya. Dahil sa nangyari ay nakangiti akong kumaway kay Riel nang makita kong pababa na siya sa hagdan, mamasa-masa ang buhok. "You look hot," papuri ko rin sa kaniya sa mamasa-masa niyang itsura dahil sa pagligo. He was wearing a plain, navy blue t-shirt, na pinaresan ng itim na jogging pants. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang tatak nitong Gucci.Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin at naupo sa katabi kong bangko. "What did you say?" Bi
Breakfast-breakfast pa siyang nalalaman, ha. Hindi ba siya inform na mag-aalas dose na at kasalanan niya kung bakit kami tinanghali? Akala siguro niya nakalimutan ko na ang pang-aasar niya sa akin sa kama kagabi. Deserve mong matameme d'yan, bwisit!Nagpatuloy na lang ako sa walang katapusang paghiwa, gano'n pa rin at ayaw magpantay-pantay kahit anong subok ko. His grandfather, as if to punctuate my humiliation, said something else in Japanese, shaking his head with a sigh.Hindi ko na sinubukang intindihin pa ang mga sinasabi niya. Tuloy lang ako sa ginagawa. Nilingon ko ang naiwang prinsipe at nakitang wala na siya roon. Kuryuso man kung saan siya nagpunta, pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Makalipas ang ilang minutong pagkawala niya ay natapos ko na rin ang ginagawa. Grabe ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa nahiwang mga gulay, abot hanggang Pilipinas. Finally! "Hajimete ni shite waakanaka ii desu ne."Hindi ko man naintindihan ang sinabi ng matanda tungkol sa
Bago pa ako tuluyang magpalamon sa lupa ay naramdaman ko ang marahang pagtapik ng kung sinuman sa tuktok ng aking ulo. It was Riel. Habang nasa tuktok pa rin ng ulo ko ang kamay niya, umabante siya at pumwesto sa gilid ko, saka ako nginitian. "Good morning," kaswal niyang bati sa akin. Medyo magulo pa ang buhok niya. Nakakainis lang na kahit nasa ganitong sitwasyon ako ay nagagawa ko pa rin puriin ang itsura niya. Oo na. Siya na ang pogi kahit kagigising lang. Kainis!"Ojiisan said, you should help prepare breakfast, since you're already married and all," may pang-aasar niyang sabi na akala mo, e, wala sa harapan ang kaniyang Lolo. Kung wala lang dito ang matanda ay baka naikutan ko na naman siya ng mata. Halata naman kasing nang-aasar na naman. Napaka-insensitive, ha. "Don't worry about it," he added with a chuckle. "I'll explain everything later. Just relax."Ay, dapat lang. Hindi puwedeng sa loob ng isang linggong pananatili ko rito ay clueless pa rin ako sa paligid. Paano na
Nagising ako na nakayakap pa rin ang kamay ko sa kaniya. Tiningnan ko muna ang mukha niya bago maingat na inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya. Sa sobrang pag-iingat na baka siya ay magising, halos hindi na ako huminga hangga't hindi ako tuluyang nakalayo sa kama.Dinampot ko ang cellphone, na nakalatag lang sa gilid, at tiningnan ang oras. Alas dyes na pala ng umaga. Magulo ako matulog kaya paano ko natagalan ang ganoong posisyon?Nag-inat ako at napahikab. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinulog namin, pero masasabi kong kahit paano nama'y naging masarap ang tulog ko. Iyon nga lang at medyo masakit ang katawan ko. Namanhid ata siguro dahil hindi na nagalaw habang tulog. Inayos ko muna ang nagusot kong pajama, saka napatingin sa tulog na tulog pa rin na lalaki. Still, he was sleeping soundly. At oo na... para na naman siyang modelo kung matulog na akala mo, e, kinukuhanan ng magandang shot. I shook my head. Kailangan kong maghanda ng magiging almusal namin. Nakakahiya naman sa lo
I frowned, confused by his words. Hindi naman siguro mali ang nabasa ko sa internet, 'di ba? Pero sabi naman do'n ay rumor lang ang lahat ng 'yon at wala pang kompirmasyon. Posible kayang..."Stop thinking so loudly. I can almost hear the noise in your head."Saglit akong natigilan at napatitig sa kaniya. Nakapikit pa rin naman ang mata niya. "Excuse me?" halos tunog defensive kong tanong sa kaniya. How could he read me so easily?Hindi agad siya nagsalita. Akala ko ay wala na siyang balak magsalita pero nang dumilat siya at tiningnan ako, diretso sa mata, kusang umakyat ang kaba sa dibdib ko. "Just stop overthinking it, Alina," his tone was firm. "Whatever happened before doesn't matter. What matters is that you're the wife now. For convenience, a deal, or whatever interpretation you want to make of it, we're married."Nag-init ang pisngi ko sa mga binitawan niyang salita. Isama mo pa ang mariin niyang pagtitig sa akin habang binibigkas ang lahat ng iyon. Lumunok ako at hindi pina