Queen Pepper
"Let's talk about the employer and employee agreement," Sir Hades said in his formal tone while we are all here in the living room kung saan din ako napagalitan kanina. Magkatabi kami ni Lola at nakikinig habang nasa harapan namin siya at nakaupo rin na nakabuka ang mga hita habang ang dalawa niyang braso at siko nakatuon dito hawak ang isang papel tila kontrata. Mabuti na rin talaga ang may kontrata at least mayroon disclosure rules agreement between the employee and the employer kasama na rin diyan ang rights. "I am responsible for my employee, kumpleto benebisyo kayo ni Manang, meron din kayo matatanggap na benepisyong gobyerno, and me, personally will give you a bonus kapag naka-isang taon ka sa akin, Pepper." Napalunok ako nang sambitin niya ang pangalan ko, para bang may kakaiba sa pandinig ko nang siya ang bumanggit ng Pepper, o baka masyado lang talaga akong hibang. "Meron din monthly incentives kapag nagustuhan ko ang paninilbihan mo sa akin gaya ng binibigay ko kay Manang Conchita, bukod doon ang 13th month pay niyo this coming Christmas." Nagningning ang mata ko ganoon din ang paggalaw ng tainga ko sa tuwa sa naririnig, kay bago-bago ko pa lang akalain mo meron na ako 13month pay? Plus incentive bonus pa buwan-buwan? Kay Lola wala nang problema dahil noon pa naman meron na sa kanyang ibinibigay ang pamilya Grimaldi, pero ang pareho kaming magkaroon napaka-laging bagay sa amin. Kaya nasiko ako ni Lola at binalingan ko ito ng pasimple nakita ko tumataas-baba ang mga kilay niya tila sinasabing 'Ayos ba?' at kung iisipin nga kahit pumasok ako sa mga fastfood ngayon, hindi hamak na mas malaki ang pasahod ni Sir Hades sa isang maid pa lang, 30,000 a month na... at fixed na iyon. Ang bait niya. "But of course, there's always a rule in a house, kung malaki ang pasahod you have to pay it with your hardwork and also your loyalty," dagdag pa niya at nag-angat na siya ng tingin sa amin, sa akin kaya napaayos ako ng upo. Loyalty lang naman pala, makulit lang ako pero mapagkakatiwalaan naman akong tao. "Wag kayong magaalala, Sir. Hindi po kami magnanakaw." Ngumiti ako ng malawak at tumango pa kaya si Lola napakunot noo sa akin. Natawa naman si Sir Hades. "I know, but loyalty is not about taking something that is not yours but it is about how honest you are with your boss and also how you follow the regulations in my house, katulad na lang kung may mga bagay na makikita ka na hindi mo na nararapat sabihin pa sa iba." "That is one of the definitions of loyalty, isn't it? To protect your boss's image because you don't want him ruined," he asked and smiled kaya muli ako tumango. "Yes, Sir alam ko po ibig sabihin na iyan," sagot ko at tumango-tango rin naman siya saka ibinalik ang tingin sa papel na hawak. "Then let's proceed to the next, now, this is do's and don't, exclusively will apply only for you, Pepper..." Napalunok na naman ako nang banggitin niya muli ang pangalan ko parang merong sumusundot-sundot sa akin, pangalawang beses na ito. "No boyfriend allowed, kahit manliligaw o kaibigang lalaki bawal, bukod sa nag-aaral ka iiwasan natin mabuntis ka habang ikaw nasa pamamahay ko kasabay ng pagaaral dahil kawawa naman ang iyong Lola." Napaawang ang bibig ko dahil parang hindi niya na sakop pati manliligaw ko at kaibigan kong mga lalaki pero nang ipaliwanag niya kung bakit natigilan din ako. "Nagbabalak ako sagutin ang pag-aaral mo, isa ito sa matatanggap na benebisyo ni Lola na hindi naibigay sa tagal na paninilbihan niya sa bahay ng pamilya ko." "Kaya ako nang magbibigay." Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya muli akong napaayos ng upo. "She's too old to shoulder your needs, so I'm here to help." Sa katanuyan nahahabag ako dahil kita ko ang malasakit niya sa Lola ko... sana lang marami pa ang mga katulad niya. "Basta maka-graduate ka lang and make your grandma's proud bayad ka na," he said those with full of kindness which makes my eyes heated. Kaya pala gusto ni Lola ipagpatuloy ko ang pagtatrabaho dito dahil ganito naman pala talaga kabait ang may-ari ng bahay tapos... ako itong g*ga na gumawa ng kalokohan unang araw pa lang. Tumango ako at nakagat ko ang ibaba kong labi. "Maraming salamat po, Sir..." tanging iyon na lang ang nasambit ko. "Kung sa iba-iba hindi ito gagawin," saad niya at itinabi ang papel at ipinatong sa ibabaw ng center table katapat namin. "Kaya nga po." Yumuko ako. "Kaya ngayon pa lang marami na pong salamat." Nang magsalita si Lola. "Salamat hijo, wala pa rin talagang kupas ang kabutihan mo noon pa," pasalamat ng matanda. "Wala ho ito, Manang... hindi ito kabawasan sa yaman ko," ginawa na lang niyang biro kaya natawa si Lola ganoon din ako. "Pero may tanong po ako," hirit ko kaya napadako ulit ang tingin niya sa akin. "What is it?" he let me speak. "Hanggang sa maka-graduate ako mananatili ako rito sa inyo pero kapag po nakapagtapos na ako, maghahanap na po ako ng trabahong akma sa natapos ko." "Of course, hindi habang buhay katulong ka, kaya nga sinasabi ko na may bonus ka kapag nakatagal ka sa akin at sa bahay ko ng isang taon." Bakit may pakiramdam ako na magiging pagsubok sa akin ang pananatili ko rito? Naisip ko, masyado siyang mapagbigay, generous pagdating sa pera pero ano kayang ibang kalakip nito? Lahat ng tao, may ugali. Ako nga meron, palasagot paladabog pa. Siya pa kayang lalaki na mayaman mukang suplado at istrikto? Muka pang klase ng taong 'di p'wedeng walang mapapala... "As you can see, Manang Conchita has worked for us for decades, wala naman naging malalang problema." Iba si Lola, iba naman ako... Magkaiba ang matatanggap naming treatment natural na may respeto siya rito dahil matanda na, at inalagaan pa siya noon mag-mula noong bata pa. Kanina sa kwarto niya iyung ginawa niya sa akin, magagawa ba niya iyon kay Lola? Eh Lola na 'to. "Sabi nga po niya mabait raw kayo nakikita ko naman po..." pabalat bunga kong sinabi pero ang totoo nakakailang siya. Ngumisi siya. "Yeah, I'm kind." Na para bang buhat na buhat ang sariling bangko. Gusto kong umirap pero siyempre hindi ko ginawa at katabi ko ang Lola ko, baka makurot na naman ako. "Pero hindi sa lahat ng panahon." Bigla siyang sumeryoso. "Sometimes, I punish stubborn young girls, lalo kapag ubod ng mga pasaway..."Queen Pepper"Let's talk about the employer and employee agreement," Sir Hades said in his formal tone while we are all here in the living room kung saan din ako napagalitan kanina.Magkatabi kami ni Lola at nakikinig habang nasa harapan namin siya at nakaupo rin na nakabuka ang mga hita habang ang dalawa niyang braso at siko nakatuon dito hawak ang isang papel tila kontrata.Mabuti na rin talaga ang may kontrata at least mayroon disclosure rules agreement between the employee and the employer kasama na rin diyan ang rights."I am responsible for my employee, kumpleto benebisyo kayo ni Manang, meron din kayo matatanggap na benepisyong gobyerno, and me, personally will give you a bonus kapag naka-isang taon ka sa akin, Pepper."Napalunok ako nang sambitin niya ang pangalan ko, para bang may kakaiba sa pandinig ko nang siya ang bumanggit ng Pepper, o baka masyado lang talaga akong hibang."Meron din monthly incentives kapag nagustuhan ko ang paninilbihan mo sa akin gaya ng binibigay ko
Queen PepperDali-dali akong pumasok sa kwarto ko sapo ang dibdib ko nang makaalis ako sa kwarto niyang pumigil sa paghinga ko.Napasandal ako sa likod ng pinto at mariin na napapikit. Anong nangyari? Dumaus-os ako kinasasandalan ko at napaupo sa sahig at nayakap ang dalawa kong tuhod.Kay bago-bago ko pa lang, unang araw ko na nakilala ang may-ari ng bahay kung ano-ano na agad ang naganap!At dahil din naman sa kagagawan ko, kasalanan ko dahil hindi ako nag-iisip!Nasabunutan ko na lang ang sarili. Natural, Pepper na iyon ang magiging reaksyon niya dahil lalaki iyon at ikaw ba naman ang makahuli sa babae na ganoon ang ginagawa? Siguro iniisip niya sa mga oras na ito pinagpapantasyahan ko siya... at akala niya'y easy to get ako kaya ganoon na lang siya kung kumilos sa harapan ko... baka ang isip niya playgirl ako...Napa-irit ako pero sinikap kong sa akin lang para mailabas ang frustrations na ito. Parang ayaw ko nang tumuloy sa pangangatulong dahil hindi ko alam paano ang pakikitung
Queen PepperNakayuko ako at hiyang-hiya kay Mr. Hades Grimaldi na nakaupo sa mahabang sofa ng magara niyang living room at halos mapunit ko na rin ang dulo ng palda ng uniform ko sa higpit ng pagkakagasungot ko sa sobra kong kahihiyan habang panay ang hingi ng paunmanhin ni Lola sa kanya."Pasensya na, hijo! Pasensya na talaga! Ang apo kong iyan talagang likas na pagka-pilya! Ako na ang humihingi ng paunmanhin sa iyo nakakahiya man talaga ang ginawa niya!" Halos kulang na lang si Lola ay lumuhod na sa nakaupong binata sa tapat ko sa solohan na sofa habang nakahalukipkip at naka-ekis ang mga binti at mataman na nakatingin sa akin, sinusuri ako bakit ko iyon ginawa."Why did you do that?" he asked calmly. Hindi niya pinansin si Lola na lumapit sa akin naupo sa tabi ko at sinabing humingi ako ng paunmanhin sa kahihiyang ito.Napalunok ako hindi ako makapagsalita dahil wala akong magandang irarason at ang tanging dahilan ko ay ang kuryosidad ko.Kaya bumaling siya kay Lola. "May sakit
Queen Pepper LaurelNakatingala akong nililibot ng tingin ang mala-palasyong bahay kasama si Lola na pinasok namin kung saan ito naninilbihan.Isinama niya ako rito sa bahay ng boss niya para maging katuwang sa trabaho, oo isa rin akong kasambahay na maguumpisa pa lang kasabay ng aking pag-aaral sa kursong Hotel and Management.Kailangan eh, kami na lang ni Lola ang magkasama sa buhay, umi-edad na rin siya at dumarami na ang gastusin ko sa eskwela nagkataon naman naghahanap daw ng isa pang katulong ang boss niya para katuwang ni Lola kaya tinanong nito kung maaari bang ipasok ang apo niya at pumayag naman daw ito.Kaya naman pala palaging umuuwing pagod ang Lola ko dahil napaka-laki ng bahay kahit na isang tao lang naman ang pinagsisilbihan niya katumbas daw ang lima na amo kung mag-utos daw ito kaya ngarag ang matanda.Napapahiniksik ako dahil grabe ang boss nito wala man lang pakundangan sa matanda palibhasa hindi lang makapag-reklamo at pinasasahod niya. Hmmp!"Huy!" Kinalabit ako