LOGINQUEEN PEPPER
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko sapo ang dibdib ko nang makaalis ako sa kwarto niyang pumigil sa paghinga ko. Napasandal ako sa likod ng pinto at mariin na napapikit. Anong nangyari? Dumaus-os ako kinasasandalan ko at napaupo sa sahig at nayakap ang dalawa kong tuhod. Kay bago-bago ko pa lang, unang araw ko na nakilala ang may-ari ng bahay kung ano-ano na agad ang naganap! At dahil din naman sa kagagawan ko, kasalanan ko dahil hindi ako nag-iisip! Nasabunutan ko na lang ang sarili. Natural, Pepper na iyon ang magiging reaksyon niya dahil lalaki iyon at ikaw ba naman ang makahuli sa babae na ganoon ang ginagawa? Siguro iniisip niya sa mga oras na ito pinagpapantasyahan ko siya... at akala niya'y easy to get ako kaya ganoon na lang siya kung kumilos sa harapan ko... baka ang isip niya playgirl ako... Napa-irit ako pero sinikap kong sa akin lang para mailabas ang frustrations na ito. Parang ayaw ko nang tumuloy sa pangangatulong dahil hindi ko alam paano ang pakikitungo na gagawin ko sa boss ko matapos nung kanina... "Lola, hahanap na lang ako ng ibang trabaho hindi na ako tutuloy sa pamamasukan dito." Kanina ko pa kinukulit si Lola dito sa laundry room at gusto ko na lang sumama sa kanya mamaya pauwi pero sinasamaan niya lang ako ng tingin sa tuwing nagsasalita ako at hindi pinapansin. "Lola, hindi niyo ba nakita? Nakakahiya ang ginawa ko—" "Oo nakakahiya talaga, nakakahiya ka." Napakagat labi ako at nagmaktol na. "Kaya nga ho hindi na ako tutuloy! Sigurado hindi na maganda ang iniisip sa akin ni Sir Hades!" "Oo, tama ka sinabi mo pa," gatong pa niya kaya nag-umpisa na akong mainis dahil lalo niyang ipinamumuka sa akin ang nagawa ko. "Lola naman eh!" Hinarap niya na ako matapos niya i-set ang automatic washing machine at nailagay ang lahat ng damit kaya natigilan ako natahimik nang nagpamaywang na siya at itinukod naman ang isang kamay sa ibabaw nito. "Sinong t*nga kasi ang aamoy ng brief ng boss niya? Ikaw lang ang kilala kong gumawa niyan!" pagalit niya. Napayuko na lang ako at napagdaop ang dalawang kamay at nilamukos ito saka pa napasimangot. "Isipin mo, kung aalis ka hindi ka na tutuloy paano matrikula mo eh ang laki ng magiging tulong sa gastusin ng pamamasukan mo rito?" "Pwede naman ho ako sa mga fastfood—" "Fastfood? Magkano lang sahod doon!" Natahimik ulit ako. "Eh dito, malaki ang pasahod sa atin dahil tayong mag-lola lang ang mamamahala sa bahay at wala kang ibang gagawin kundi mag-silbi," pagpapaintindi niya kaya lalo akong hindi nakapagsalita. "Kung hindi ka ba naman sira, ikaw ang nagawa ng sarili mong kahihiyan bata ka." "Pasalamat ka nga, kung sa iba-iba iyan tinanggal ka na! Mabuti mabait iyan ako nag-alaga diyan noon kaya kilala ko ugali niyan ni Hades, marunong maawa sa mga katulad natin!" Lumapit siya at kinurot na naman ako sa tagiliran ko kaya namilipit na naman ako kasabay ng pagdaing. "Lola naman kanina pa kayo nananakit!" "Dapat ka lang saktan! Susmaryosep ka..." "Tapos ikaw pa may ganang hindi tumuloy eh pinagbigyan ka na nga sa kagagahan mo??" Pinanlakihan niya pa ako ng mata. "Alalahanin mo, ako ay matanda na, ang laki ng gastos mo at next year graduating ka na kaya tumulong ka!" buska pa niya kaya hindi ko na napigilan maiyak kanina pa siya sigaw nang sigaw. "Alam ko naman ho iyon... kaya nga ako magtatrabaho," may tampo kong sagot. Nagkamali ako oo, pero hindi niya naman kailangan na sabihin pa na ang kailangan kong tumulong dahil kahit hindi niya sabihin tutulong naman talaga ako. Masakit talaga magsalita kung minsan si Lola kapag galit at may nagagawa akong kalokohan. Talagang minsan lang din may pagka-pusong mamon ako. "Kung hindi ka magtatrabaho dito kasama ko nganga tayong dalawa," panenermon pa niya. "Sa akin ka iniwan ng mga magulang mo, dapat nga ako'y nagpapahinga na lang sa bahay at nag-pe-pension pero heto sa edad kong ito kailangan ko pa kumayod dahil may pinaaral pa akong apong matigas ang mukha." Napaiyak na nga ako ng tuluyan habang nakayuko at nakagat ko ang ibaba kong labi para wag ako makalikha ng ingay nang nag-umpisa na siyang kumilos ulit. Sinasalansan niya sa batyang nakatapat sa gripo ang mga de-color na damit ni Sir Hades upang basain bago isalang mamaya. "Wag kang umiiyak-iyak diyan isipin mo ang atraso mo na hindi p'wedeng tinatakasan, maging responsable kang harapin ito." Napalunok ako at tumango at pinalis ang mga luha sa magkabila kong pisngi habang sinusulyapan niya ako. "Pilyang iyakin," bulong pa niya at napa-iling na lang. "Wag ang hindi ka tutuloy isipin mo, bayarin mo sa eskwela," pagtatatak niya sa isip ko. "Kaunting tiis na lang, Pepper... kapag naka-graduate ka na maaari ka na umalis dito at magpaalam na kay Sir Hades, wag lang iiral ang kalandian mo baka mabuntis ka, sinasabi ko sa iyo h'wag mo susubukan," pagpapalakas niya ng loob ko pero may banta naman. "Lola, hindi papatol sa akin si Sir Hades—" "Hindi si Hades ang tinitukoy ko kundi iyung mga kaharutan mong kaklase! Akala mo ay hindi ko alam na may pa-fling fling ka nang nalalaman?!" Hahampasin pa niya ako ng damit kaya maagap akong napaiwas. "Lola! Wala ho akong fling! Focus ako sa pag-aaral! Ginagaya niyo naman ako kay Mama eh!" pagalit ko nang sagot dahil sa mga paratang niya. Iyung mga sinasabi niyang kaharutan ko, mga kaibigan kong lalaki na tumutulong kapag nahihirapan ako maka-adopt sa klase... May mga subjects na mahina ako, pero hindi naman sa lahat, at forte ko mag-manage at manguna sa pangkalahatan dahil noong high school parati akong punong abala. Kaya nga hotel and management ang kinuha ko dahil pangarap ko mag-trabaho sa isang luxurious hotel at ako ang manager na sana hindi ipagkait sa akin ng kapalaran. "She has a fling, Manang?" Pareho kaming nagulat ni Lola nang biglang sumulpot si Sir Hades sa pintuan at prenteng nakahilig na sa hamba nito kaya nanlaki ang mata ko at siyang kiming pag-tawa naman nitong si Lola. Kailan pa siya nakatayo diyan? Bakit hindi nararamdaman kapag papalapit na siya?? Ang tahimik niyang kumilos kaya mabibigla ka na lang na nandiyan na siya. "N-Naku, wala hijo! Wala! Bawal pa iyang mag-boyfriend nag-aaral pa iyan at baka mabuntis talandi pa man din!" Napaawang ang bibig ko kung paano ako ilarawan at paratangan ni Lola na para bang hindi ako apo! Tumawa si Hades at dumako ang tingin sa akin. "I see... yes, no boyfriend allowed while you are working here and you are still young, at baka makakaapekto lang iyan sa trabaho mo rito at sa pag-aaral," opinyon niya at pagppayo na hindi ko naman hinihingi. Napanguso na lang ako. Bakit ba iyon ang tingin nila? Hindi naman ako ganoong babae.QUEEN PEPPER Nalaman ko ang ginawa ni Hades sa negosyo nina Liliana na ikinagulat ko dahil hindi ko lubos akalain na magagawa niya iyon para sa amin... "Hades..." tawag ko sa kanya dahil pagdating niya galing opisina kinagabihan iyon kaagad ang ipinaalam niya sa akin, ang ginawa niya. Hinawakan ko siya sa dibdib at tiningala, hinawakan niya naman ako sa baywang, pinakatitigan namin ang isa't isa. "Hindi ba parang..." Napakurap ako at medyo awang ang bibig. "Sobra naman ata iyon?" nagaalangan kong tanong. "Tinanggalan mo sila ng kabuhayan—" "No, that's not the exact term, Pepper. Hindi ko sila tinanggalan ng kabuhayan, inalis ko lang ang suporta ko sa kumpanya nila, we were just business partners." "Kanina pa rin ang kumpanya nila, iyon lang almost half of their wealth nakadepende sa akin, sa kumpanya ko at ang pag-iwan ko o pagkalas ko sa kanina, isang malaking down fall para sa kanila." "Bagay na hindi ko na kasalanan pa," seryoso niyang dagdag na walang bahid pagsisis
HADES'S POV "Hades!" Bumulaga ang galit na si Liliana sa aking opisina matapos kong pinal na magpasya putulin na ang ugnayan ko sa pamilya nila. Prente lang akong nag-angat ng tingin mula sa pinipirmahan kong papeles that needed to be signed immediately and she rushed to me and hit the table with her tremble hands, galit na galit, labis na nagpupuyos na pinakatitigan ako. He learned forward to show how mad she is which makes my eyebrows raised. "What?" I acted innocent like I didn't do anything wrong. Pero sa loob-loob ko gusto kong matawa. Napatiim bagang siya. "Why did you do this?" she asked with tears in her eyes. "Why you're cutting the tie between our family?! Wala namang kinalaman ang negosyo—" "Siyempre meron," I immediately cut her off which stops her. Itinuon ko ang aking siko sa arm rest ng swivel chair na kinauupuan ko at ipinagdaop ang dalawa kong kamay and I looked at her coldly. "Kung hindi ko ito gagawin, titigil ka ba?" seryoso kong tanong at pagak pa ngang na
HADES'S POV I know she's in her hardest, that's why I am here to settle everything for her and to take care of her worries which continue bothering her. Mabuti at nakatulog na ito ng mahimbing matapos ng malalang pag-iyak magmula labas hanggang makauwi ng bahay. I pity her for experiencing insult and downgrading from racists people I knew, unang-una na riyan ang aking ina, na wala na atang ginawang tama simula noon, at si Liliana na dahilan kung bakit nangangalit ako ng husto ngayon. Hinding-hindi ko mapapalagpas ang nangyari kanina dahil siguradong uulitin at uulitin nito, kaya hahayaan ko pa ba na mas malala ang gawin niya sa mag-ina ko? Of course I won't allow that to happen. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng kama at inayos ang kumot ng aking magiging asawa... Sa kabila ng pagpupuyos ko, napangiti ako nang pagmasdan ko ang maganda niyang mukha, lalo siya gumanda nang magdalang tao, walang duda dahil babae ang magiging anak ko. At ang tanging gusto ko lang maging
QUEEN PEPPERHindi ko alam kung kailan ito matitigil, kung kailan nila hahayaan maging masaya si Hades na ako ang kasama.Magkakaanak na kami, ano pa ba? Bakit patuloy nila akong hina-harass? Habang pauwi wala akong tigil sa kaiiyak kaya si Hades, walang tigil din kakapatahan."You're now safe, Pepper," he said to ease me while hugging me, nakakulong ako sa mga bisig at braso niya habang mariin siyang nakayakap sa akin habang nasa biyahe."Kailan ba sila titigil?" nahahabag kong tanong. "Para na silang nasisiraan ng bait! Tanggap ko nang hindi nila ako matanggap para sa iyo, pero mali ang saktan nila ako at pati dinadala ko idinadamay!" Hindi ko na mapigil ang galit na nararamdaman ko."Shh, I handle everything," he hushed me while caressing my arm. "Hinding-hindi ka na nila malalapitan pa.""Nahihirapan na kasi ako, Hades eh... para bang hindi na ligtas lumabas ng bahay dahil saan man lugar pwede ko sila makasalubong o makita? Kung ako lang kaya ko sila pero kasi may bata akong kaila
QUEEN PEPPER Sa kabila ng pagiging agresibo at marahas niya, nakipagpambuno ako! Hindi ko naman hahayaan na m*matay ako sa pananakal niya kaya buong lakas ko siyang itinulak! Nagulat siya sa ginawa ko dahilan para tumalsik siya at napasalampak sa sahig, nanlalaki ang mga matang tinitigan ako habang sapo ko ang leeg ko at umuubo. Hindi na ako nag-sayang pa ng oras tinakbo ko ang pinto na ikinatawa niya pero bago ko pa nga mahawakan ang saradura para makalabas, agad siyang nakatayo. Hinila niya ako sa buhok na ikinasigaw ko pero itinapat niya ang bibig sa tainga ko at tinakpan ang bibig ko. "Matapang ka, huh? Anong akala mo basta ko na lang palagpasin ang pang-aagaw mo kay Hades?!" Tumaas ang boses niya kaya mariin akong napapikit at napaiyak dahil mismong sa tainga ko siya sumigaw. "Ang landi mo na nga, ang kapal pa ng mukha mo!" Dinala niya ako sa may sink, iniharap niya ko sa salamin kaya nakita ko ang sarili ko na sabog na ang buhok at ang ilang hibla nalatabon na sa pawisan k
QUEEN PEPPERDahil sa isipin kay Lola, nag-pasya si Hades na ilabas ako para kahit papaano maibsan ang mga agam-agam ko at nang malibang.Nag-tungo kami sa shopping mall, bumili ng ibang kailangan pa para sa baby, ibinili niya rin ako ng bahong maternal outfits na para daw kahit buntis ako, muka hot preggy.Pinatatawa niya ako sa buo naming pamamasyal, lalo na nang nas undergarment section kami."Hades, hindi ako makakapag-suot ng ganyan, ang sagwa naman." Natatawa kong sinabi nang ipinakita niya sa akin ang isang pares ng underwear na halos string na lamang.Natawa rin siya. "Why not? You're still sexy."Itinuro ko tiyan ko. "Sexy? Oh lumalaki na ang baby bump. Saka na lang, Hades pagkaanak ko at naka-recover na, magsusuot talaga ako ng ganyan." Tatawa-tawa kong kinuha sa kamay niya at ibinalik sa kinuhunan niya.Ngumisi siya. "Sure?" He bit his lower lip which made me laugh and nodded."Oo, napaka mo na wag tayo rito napaghahalataan ka." Muli akong napatawang itinulak na siya palaba







