Share

CHAPTER TWO

Penulis: Sweet Chillie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-21 12:25:21

QUEEN PEPPER

Nakayuko ako at hiyang-hiya kay Mr. Hades Grimaldi na nakaupo sa mahabang sofa ng magara niyang living room at halos mapunit ko na rin ang dulo ng palda ng uniform ko sa higpit ng pagkakagasungot ko sa sobra kong kahihiyan habang panay ang hingi ng paunmanhin ni Lola sa kanya.

"Pasensya na, hijo! Pasensya na talaga! Ang apo kong iyan talagang likas na pagka-pilya! Ako na ang humihingi ng paunmanhin sa iyo nakakahiya man talaga ang ginawa niya!"

Halos kulang na lang si Lola ay lumuhod na sa nakaupong binata sa tapat ko sa solohan na sofa habang nakahalukipkip at naka-ekis ang mga binti at mataman na nakatingin sa akin, sinusuri ako bakit ko iyon ginawa.

"Why did you do that?" he asked calmly.

Hindi niya pinansin si Lola na lumapit sa akin naupo sa tabi ko at sinabing humingi ako ng paunmanhin sa kahihiyang ito.

Napalunok ako hindi ako makapagsalita dahil wala akong magandang irarason at ang tanging dahilan ko ay ang kuryosidad ko.

Kaya bumaling siya kay Lola. "May sakit atang pagka-manyakis ang apo niyo Lola, hindi kaya?" tila birong tanong pero naroon ang pang-iinsulto kaya nakagat ko ang ibaba kong labi at lalo kong nagasungot ang damit ko sa narinig.

Hindi ako manyakis...

"H-Hindi! Hindi! Hades, hindi manyakis ang apo ko, makulit lang talaga siya at madalas manalo ang kalikutan ng isip!" Napangiwi ako nang kurutin ako nito sa tagiliran ko.

"Aray po, Lola!" ungot ko pero hindi makapag-taas ng boses dahil mas nangingibabaw ang kahihiyan.

Kaya nasapo ko na lang ang tagiliran kong pino ang pagkakakurot ng matanda kaya dumako ang tingin dito ni Sir Hades.

Natawa siya pero hindi ko alam kung tuwa ba iyon o idinaan niya na lang sa tawa ang pagkabanas sa akin.

"What a naughty maid we have here, huh?" he commented while his eyes examining my look wearing the maid uniform.

Sinulyapan ko siya pero hindi ko kinayang tingnan ang nangungusap niyang mga mata dahil namula ako agad sa naalala na nahuli niya ako na actual na inaamoy ang brief niya.

"O-Oo hijo! Naughty, tama! Iyon ang tamang paglalarawan dito sa batang ito pasaway eh pero sana ay bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon! Masipag naman ito, hijo!" pilit depensa sa akin ni Lola kahit tagilid na.

He shifted from his seat, nag-alis ng ngalay pero nanatiling nakahulikipkip at naka-ekis ang mga binti hindi pa rin iniwawalay ang tingin niya sa akin.

"Alright, pasalamat ang apo niyo kayo ang tinitingnan ko at wag na sana mauulit pa ito," pagbibigay pa niya ng isa pang pagkakataon sa akin.

Ngunit hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pagkatapos nito araw-araw ko maalala ang nakakahiyang ginawa ko.

"Oo! Hades, hindi na!" Si Lola ang natuwa para sa akin sabay kinurot pa ako ulit kaya napangiwi na naman ako batid niya na magsalita ako at magpasalamat na.

"S-Salamat po at sorry," tanging iyon na lang ang nasambit ko mag-mula pa kanina. Hindi pa rin ako makatingin sa harapan ko, sa kanya.

At naaninagan ko siyang tumayo na at nagpamulsa. "Sige na, Manang teach her what she needs to know and how to use my house equipment para hindi siya inosente at sa susunod hindi na rin tat*nga-t*nga."

Iyon lang at umalis na siya sa harapan namin at lumabas na siya sa salas kaya pareho kami ni Lola na nabigla at nanlaki ang mga mata sa mga sinabi niya.

At napapitlag ako bigla nang hampasin ako ni Lola sa braso na may kalakasan at naging sunod-sunod pa kaya hindi ako nakapalag tanging salag na lang ang nagawa ko.

"T*nga! Oo, t*nga ka talaga..." Sa galit at gigil niya sa akin piningot niya ang tainga ko kaya namilipit ako.

"Aray! Aray! Lola!" Halos mangiyak kong inda hindi ako makasagot dahil ako talaga ang may maling nagawa.

"Naturingan ka nag-aaral pero bakit ka ganiyan ka-t*ngang bata ka..." Mas piningot niya pa ako kaya lalo akong napaluha dahil parang mapupunit na ang tainga ko.

"Lola, sorry na! Aray!" nagmamakaawa na ako bitawan niya ang tainga ko pero galit talaga siya.

"Kay bago-bago mo wala ka pang ilang oras dito kahihiyan agad, Pepper?! Anak ka talaga ng Nanay mong si Paprika! Naku kung buhay ang Nanay mo baka mas maaga ako nawala sa kanya sa konsumisyon sa inyo!" pagalit pa niya.

Pati Nanay kong namamahinga na nadamay pa sa pag-amoy ko lang naman ng brief!

Huhu, nag-so-sorry na nga eh!

Sabay binitiwan na niya ako at hingal na hingal siya sa galit habang pabukaka na nakaupo at hawak ang dalawang tuhod, muli ako binalingan ng galit niyang tingin dinuro pa ako.

"Pumanik ka sa taas, dalhan mo ng kape si Sir! At kahit anong meryendang maihahain mo!" pagalit niyang utos kaya agad akong tumayo pero nagaalangan ako sumunod.

"Nakakahiya, Lola... anong sasabihin ko?"

"Problema mo na iyan! L*ntik ka!"

Napahawak na lang ako sa batok at napakamot hindi maipinta ang mukha. Paanong usap naman kaya ang gagawin ko??

Nakagat ko ang ibaba kong labi at tumango na lang, nag-tungo na ako sa kusina saka ko binuksan ang malaking refrigerator, meron akong nakitang mga pastries na nasa box, initin ko na lang.

Mabibigat ang bawat hakbang ko habang inihahanda ang meryenda niya, alam kong gumamit ng ibang high tech na gamit sa bahay dahil sa course ko meron sa school kaya alam ko paano gumamit kahit wala kami nito sa bahay namin.

Ginagawan ko siya ng kape sa coffee maker at ini-o-oven ko ang chocolate croissant para initin sa tamang temperatura lang na nakita ko sa fridge.

Hindi ko alam ang gusto niya kung black ba o may creamer, kaya black na lang at least pwede niyang lagyan kung gusto niya, ipag-seperate ko na lang.

Habang naghihintay ng ilang minuto napatulala ako sa kawalan. Bakit ko nga ba iyon ginawa? Nasapo ko ang noo at nahagod ko ang buhok ko.

Itinuon ko ang mga kamay ko sa kantuhan ng kitchen island at nagmumuni-muni, ang hirap kapag masiyado nananalo ang inner thoughts, nakakahiya ang kinalalabasan.

Hanggang tumunog na ang oven at mayamaya lang ay ang coffee machine naman, kaya inilagay ko na sa platito ang croissant, inilagay naman sa tasa ang kape saka nag-seperate ng creamer at sugar na nasa sachet na papel at bahala na siyang maglagay saka ko ipinatong sa tray at binitbit ko na palabas ng kusina.

Si Lola nasa likod nasa laundry room hindi ako hinayaan tulungan siya at gusto niya ayusin ko ang atraso ko kay Sir Hades.

Hindi ko maiwasang suminangot habang paakyat sa hagdanan pero sa loob-loob ko naroon pa rin ang matinding kahihiyan pero wala akong pagpipilian kundi ang harapin ito.

Tumigil ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya at kumatok sa pinto pero wala akong narinig na tugon kaya huminga ako ng malalim at muling sinubukan.

"Bukas iyan," isang malagong na boses niya ang narinig ko sa loob kaya lalo tuloy akong ninerbiyos at atras abante ang mga paa ko kung ipapasok ba ito o iiwan ko na lang ba dito?

Mariin akong pumikit muna at tumingala at nagpaloob ng hangin sa magkabilang pisngi saka nagbuga ng hangin sa bibig at wala na pagdadalawang isip pa na binuksan ko na ang pinto pero nagulat ako sa nadatnan.

Kalalabas lang nito ng banyo at kasalukuyang nagtutuyo ng buhok, natigilan din siya nang makitang ako ang pumasok at may dalang tray.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa katawan niyang tanging tuwalya lang sa baba ang nagtatakip, nakatapis lang siya at may hawak na bukod na tuwalya pangtuyo ng buhok niya.

Tumikhim siya kaya napukaw ako. "A-Ah, Sir! Sabi ni Lola dalhan ko kayo ng makakain." At utal-utal pa nga sa kaba. "S-Saan ko p-po ito ilalagay?" Natataranta ako habang kunot noo siyang pinapanuod ako.

Pero imbis na sumagot, para siyang modelong lumapit sa akin para siyang nasa cat walk kung maglakad, damn... ang gwapo sarap pa ng katawan.

Mariin naman akong napapapikit at napagsusuntok ko ang sarili sa isip ko. Ano bang nangyayari sa iyo, Pepper!? Boss mo ito ba't parang pinagnanasahan mo?

"What's that?" Dinungaw niya ang tray at napaatras pa ako, dahil ang lapit naman niya ata masyado.

"K-Kape p-po, s-saka c-croissant," nangatal pa ang boses ko lalo na nang matitigan ko siya nang malapitan.

Grabe ang perpekto ng mukha...

Lalaking-lalaki mula ulo hanggang paa.

Habang nakadungaw siya napaangat siya ng mata sa akin. "Bakit nauutal ka?" kunot noo siyang tanong.

Umiling ako. "W-Wala, Sir... ano kasi first time job," alibi ko na lang at idinaan pa sa kimi at awkward na pagtawa kahit wala namang nakakatawa...

"Ganoon ba? Kaya ka nang-aamoy ng may brief nang may brief?" Ngumisi siya sabay lumikot ang mata niya sa mukha ko.

Kaya muli akong inatake ng kahihiyan.

"S-Sir! T-Tungkol nga po pala doon... sorry... sorry ho talaga." Napayuko na lang ako at hindi na naman ako makatingin sa kanya.

"Bakit mo nga ba ginawa iyon?" tanong niya tila binibigyan ako ng pagkakataon na personal na ipaliwanag ang sarili ko.

Nakagat ko naman ang ibaba kong labi at ramdam ko ang tingin niya rito at sa buong mukha ko.

"Kasi ano po eh..." Humigpit ang hawak ko sa tray. "Pagpasok ko ng kwarto niyo ang bango, pati banyo niyo mabango rin kaya naman... na-curious ako kung..." Hindi ko na kaya ituloy.

"Kung ano naman ang amoy ng may-ari?" Siya na nagtuloy ng ibig kaya nanginit lalo ang mukha ko sa hiya!

"Sorry po!" Yumuko ako pa ako ulit at pumikit kaya narinig ko siyang natawa. "Hindi na ho mauulit!"

Pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Gusto mo talaga malaman kung anong amoy meron ako?" Nanlaki ang nga mata kong napaangat ng mukha sa kanya at nakita ko siya mas nakangisi sa akin.

Para akong tinakasan ng dugo at didistansya na sana ako nang bigla niya hinawakan ang baywang ko at hinapit kaya napasalampak ako sa katawan niya!

Maagap niyang kinuha ang tray sa akin at inilagay sa ibabaw ng kama niya at kabado naman ako napahawak sa dibdib niya para hindi tuluyang magdikit ang mga dibdib namin!

"S-Sir! Anong ginagawa niyo??" gulantang kong tanong habang nanlalaki ang mata.

"Letting you sniff me? Feel free," he said and chuckled. "Libre amuyin, ayoko nahihirapan ka."

Kahit sa ganitong distansya lang amoy na amoy na siya ang bango niya nga dahil na rin bagong paligo siya.

Totoong nakakatukso pero isa na naman itong kahihiyan at lagot na naman ako kay Lola! Baka isipin nito nilalandi ko ang may-ari ng bahay lalo na't may girlfriend pa ito baka ano lang ang isipin!

"H-Hindi na, Sir!" Pilit akong kumawala sa kanya at pinakawalan din naman niya ako habang naaaliw siyang pinapanuod ako paanong iwas na iwas.

"Ayaw mo?" panunukso niya. "You want to know what my scent is, right? At least you don't have to sneak peaks just to sniff my used clothes. You can smell me directly," he said teasingly and he winked with a chuckle pakiramdam ko sinasadya niya para ipahiya ako.

Umiling ako at lumayo, umayos pa ng tayo, at saka ko ipinagdaop ang mga kamay ko at nag-bow para sana humingi ng pakiusap ka itigil ito.

Pero mukang wrong move ata dahil nakita ang cleavage ko na sumilip kaya mabilisan din ako tumayo at nakita ko siya nakatingin sa dibdib ko at napakagat ng labi habang ngingisi-ngisi.

"S-Sorry na, Sir! Wag niyo nang gawin big deal pa ito!" Pero wala sa sinasabi ko ang atensyon niya kundi nasa katawan ko.

"Nananadya ka talaga, hindi ba? Iyon ang sabihin mo..." Natigilan ako sa paratang niya.

Anong nananadya?

"Kanina, Naabutan kita nakatuwad sa sarili kong banyo hindi alintanang ano man oras maaari akong pumasok."

Napalunok ako at napaatras ng isang hakbang dahil humakbang siya para subukang lumapit ulit.

"And now, you suddenly bow your head to bend forward, just to what? To show me your full cleavage?" He crossed his arms while the smirked never left his lips.

"H-Hindi ho ako nang-aakit, kung iyon ang ibig niyong sabihin! Marahil nagkamali po ako kanina pero hindi po ako malandi!" depensa ko sa sarili.

"Really?" His one eyebrow raised like he can't believe me. Ayaw niya maniwala? Tingin niya sl*t ako?

Eh, kasalanan ito ng maid uniform niya!

Kaya nangatwiran ako.

"Hindi ko kasalanan sobrang iksi nitong pinasadya niyong maid uniform ng bago niyong katulong na kaunting tuwad at yuko lang boso na agad!" bulalas ko pero imbis na magalit dahil sa pagtaas ng boses ko natawa lang siya.

Anong tinatawa-tawa niya?

"You don't like it?" he asked like he's playing with me. "I'm aware na new adult ang apo niyan ni Manang Conchita, pasalamat ka pinag-isipan ko ang unipormeng iyan."

Nawindang ako. Pinag-isipan?

Napaawang ang bibig ko at nag-bukas sara hindi ko maaupuhap ang sasabihin, talaga ngang punasadya ito kung ganoon...

"Hindi bali, mas maganda na ang ganiyan kaysa mga usual uniform ng matatandang maids, you are fresh and young so..."

Ngumiti siya. "Bagay naman sa iyo."

Laglag ang panga ko na napatitig na lang sa kanya. Tapos sasabihin niya na ako pa itong nangaakit eh siya ang may gusto nitong ganitong damit?!

Ang lalaking ito... mukang pilyo rin.

Nakahanap ka na ba ng katapat, Pepper?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   (FINAL) CHAPTER SEVENTY-SEVEN

    QUEEN PEPPER Nalaman ko ang ginawa ni Hades sa negosyo nina Liliana na ikinagulat ko dahil hindi ko lubos akalain na magagawa niya iyon para sa amin... "Hades..." tawag ko sa kanya dahil pagdating niya galing opisina kinagabihan iyon kaagad ang ipinaalam niya sa akin, ang ginawa niya. Hinawakan ko siya sa dibdib at tiningala, hinawakan niya naman ako sa baywang, pinakatitigan namin ang isa't isa. "Hindi ba parang..." Napakurap ako at medyo awang ang bibig. "Sobra naman ata iyon?" nagaalangan kong tanong. "Tinanggalan mo sila ng kabuhayan—" "No, that's not the exact term, Pepper. Hindi ko sila tinanggalan ng kabuhayan, inalis ko lang ang suporta ko sa kumpanya nila, we were just business partners." "Kanina pa rin ang kumpanya nila, iyon lang almost half of their wealth nakadepende sa akin, sa kumpanya ko at ang pag-iwan ko o pagkalas ko sa kanina, isang malaking down fall para sa kanila." "Bagay na hindi ko na kasalanan pa," seryoso niyang dagdag na walang bahid pagsisis

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SEVENTY-SIX

    HADES'S POV "Hades!" Bumulaga ang galit na si Liliana sa aking opisina matapos kong pinal na magpasya putulin na ang ugnayan ko sa pamilya nila. Prente lang akong nag-angat ng tingin mula sa pinipirmahan kong papeles that needed to be signed immediately and she rushed to me and hit the table with her tremble hands, galit na galit, labis na nagpupuyos na pinakatitigan ako. He learned forward to show how mad she is which makes my eyebrows raised. "What?" I acted innocent like I didn't do anything wrong. Pero sa loob-loob ko gusto kong matawa. Napatiim bagang siya. "Why did you do this?" she asked with tears in her eyes. "Why you're cutting the tie between our family?! Wala namang kinalaman ang negosyo—" "Siyempre meron," I immediately cut her off which stops her. Itinuon ko ang aking siko sa arm rest ng swivel chair na kinauupuan ko at ipinagdaop ang dalawa kong kamay and I looked at her coldly. "Kung hindi ko ito gagawin, titigil ka ba?" seryoso kong tanong at pagak pa ngang na

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-FIVE

    HADES'S POV I know she's in her hardest, that's why I am here to settle everything for her and to take care of her worries which continue bothering her. Mabuti at nakatulog na ito ng mahimbing matapos ng malalang pag-iyak magmula labas hanggang makauwi ng bahay. I pity her for experiencing insult and downgrading from racists people I knew, unang-una na riyan ang aking ina, na wala na atang ginawang tama simula noon, at si Liliana na dahilan kung bakit nangangalit ako ng husto ngayon. Hinding-hindi ko mapapalagpas ang nangyari kanina dahil siguradong uulitin at uulitin nito, kaya hahayaan ko pa ba na mas malala ang gawin niya sa mag-ina ko? Of course I won't allow that to happen. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng kama at inayos ang kumot ng aking magiging asawa... Sa kabila ng pagpupuyos ko, napangiti ako nang pagmasdan ko ang maganda niyang mukha, lalo siya gumanda nang magdalang tao, walang duda dahil babae ang magiging anak ko. At ang tanging gusto ko lang maging

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-FOUR

    QUEEN PEPPERHindi ko alam kung kailan ito matitigil, kung kailan nila hahayaan maging masaya si Hades na ako ang kasama.Magkakaanak na kami, ano pa ba? Bakit patuloy nila akong hina-harass? Habang pauwi wala akong tigil sa kaiiyak kaya si Hades, walang tigil din kakapatahan."You're now safe, Pepper," he said to ease me while hugging me, nakakulong ako sa mga bisig at braso niya habang mariin siyang nakayakap sa akin habang nasa biyahe."Kailan ba sila titigil?" nahahabag kong tanong. "Para na silang nasisiraan ng bait! Tanggap ko nang hindi nila ako matanggap para sa iyo, pero mali ang saktan nila ako at pati dinadala ko idinadamay!" Hindi ko na mapigil ang galit na nararamdaman ko."Shh, I handle everything," he hushed me while caressing my arm. "Hinding-hindi ka na nila malalapitan pa.""Nahihirapan na kasi ako, Hades eh... para bang hindi na ligtas lumabas ng bahay dahil saan man lugar pwede ko sila makasalubong o makita? Kung ako lang kaya ko sila pero kasi may bata akong kaila

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-THREE

    QUEEN PEPPER Sa kabila ng pagiging agresibo at marahas niya, nakipagpambuno ako! Hindi ko naman hahayaan na m*matay ako sa pananakal niya kaya buong lakas ko siyang itinulak! Nagulat siya sa ginawa ko dahilan para tumalsik siya at napasalampak sa sahig, nanlalaki ang mga matang tinitigan ako habang sapo ko ang leeg ko at umuubo. Hindi na ako nag-sayang pa ng oras tinakbo ko ang pinto na ikinatawa niya pero bago ko pa nga mahawakan ang saradura para makalabas, agad siyang nakatayo. Hinila niya ako sa buhok na ikinasigaw ko pero itinapat niya ang bibig sa tainga ko at tinakpan ang bibig ko. "Matapang ka, huh? Anong akala mo basta ko na lang palagpasin ang pang-aagaw mo kay Hades?!" Tumaas ang boses niya kaya mariin akong napapikit at napaiyak dahil mismong sa tainga ko siya sumigaw. "Ang landi mo na nga, ang kapal pa ng mukha mo!" Dinala niya ako sa may sink, iniharap niya ko sa salamin kaya nakita ko ang sarili ko na sabog na ang buhok at ang ilang hibla nalatabon na sa pawisan k

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SEVENTY-TWO

    QUEEN PEPPERDahil sa isipin kay Lola, nag-pasya si Hades na ilabas ako para kahit papaano maibsan ang mga agam-agam ko at nang malibang.Nag-tungo kami sa shopping mall, bumili ng ibang kailangan pa para sa baby, ibinili niya rin ako ng bahong maternal outfits na para daw kahit buntis ako, muka hot preggy.Pinatatawa niya ako sa buo naming pamamasyal, lalo na nang nas undergarment section kami."Hades, hindi ako makakapag-suot ng ganyan, ang sagwa naman." Natatawa kong sinabi nang ipinakita niya sa akin ang isang pares ng underwear na halos string na lamang.Natawa rin siya. "Why not? You're still sexy."Itinuro ko tiyan ko. "Sexy? Oh lumalaki na ang baby bump. Saka na lang, Hades pagkaanak ko at naka-recover na, magsusuot talaga ako ng ganyan." Tatawa-tawa kong kinuha sa kamay niya at ibinalik sa kinuhunan niya.Ngumisi siya. "Sure?" He bit his lower lip which made me laugh and nodded."Oo, napaka mo na wag tayo rito napaghahalataan ka." Muli akong napatawang itinulak na siya palaba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status