Share

Chapter 03

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-02 21:33:49

Chapter 03

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Alam kong hindi ko dapat pakialaman ang sitwasyong ito, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa lalaki. Sa harap ng lahat ng tao at sa isang mahalagang araw, nagawa siyang ipahiya ng babaeng dapat ay kasama niya habang-buhay.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ng altar. Nakatalikod siya, ngunit kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, ramdam ko ang bigat ng emosyon niya. Ang tikas ng tindig niya ay tila pilit lang, na parang sinisikap niyang huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng maraming tao.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bagay ang nagtulak sa akin na manatili at obserbahan ang nangyayari. Sa gitna ng sarili kong sakit, naramdaman kong hindi lang ako ang nawawasak ng mga pangyayari sa araw na ito.

Habang nagmamasid ako sa kaguluhan, biglang napansin ng isang babaeng elegante ang aking presensya. Nakasuot siya ng mamahaling damit at may tindig na nagsasabing isa siyang taong may mataas na estado sa lipunan. Napatingin siya sa akin, tila nagtatanong ang kanyang mga mata. Ilang saglit lang ay lumapit siya sa akin.

"Ikaw," malumanay ngunit may awtoridad niyang sabi. "Anong ginagawa mo rito?"

Bigla akong kinabahan, pero nanatili akong nakaupo, pilit na pinapanatili ang aking kumpiyansa kahit na ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko.

"Pasensya na po," mahina kong sabi. "Napadaan lang po ako at hindi ko sinasadya na maging sagabal."

Ngumiti siya, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may halong lungkot at kaba. "Hindi kita inaakusahan, hija. Nagulat lang ako. Hindi kita kilala, at hindi ka mukhang isa sa mga bisita. Ako si Mrs. Cristina Santos Montereal, ina ng groom."

Napalunok ako. Hindi ko inasahang direktang kakausapin ako ng isang tao na tila napakaimportante. "Ako po si Merlyn," sagot ko, halos pabulong. "Hindi po talaga ako parte ng kasalan. Nagpunta lang po ako rito sa simbahan para magdasal."

Saglit niyang sinuri ang aking mukha, at tila may nakita siya sa akin na hindi ko maintindihan. "Mukhang mabigat din ang dinadala mo, hija," sabi niya sa mas malumanay na tono. "Alam mo, ang araw na ito dapat ay pinakamasaya para sa anak ko. Pero sa isang iglap, naging bangungot. At ikaw naman, mukhang nalulungkot ka rin. Ano bang nangyari?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Sa kabila ng kanyang pagkatao, naramdaman kong hindi siya nanghuhusga. Para bang tunay siyang nag-aalala, kahit pa kakakilala lang namin.

"Baka hindi ko po kayo dapat istorbohin sa oras na ito," tugon ko. "Mukhang mas malaki ang problemang kailangan ninyong ayusin."

Ngumiti siya, bahagyang napapailing. "Merlyn, minsan ang mga taong hindi natin kilala ang mas madaling lapitan at kausapin tungkol sa mga problema natin. At sa ngayon, gusto kong malaman—bakit ka narito sa ganitong oras? Ano ang dinadala mo?"

Tahimik akong tumango, hindi pa rin sigurado kung paano magpapaliwanag. Ngunit sa mga mata ni Mrs. Montereal, nakita ko ang sinseridad at kabutihan na tila nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.

"May i-offer ako sayo iha," malumanay nitong sabi.

"Ako po yun, Mrs Montreal?" magalang kung sagot.

"Pakasalan mo ang anak ko, ang ibig kong sabihin ay can you be a substitute-bride?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halos hindi ko magawang paniwalaan ang narinig ko.

"P-po?!" halos nauutal kong tanong. "Ako po? Pakasalan ang anak ninyo? Substitute-bride?"

Tumango siya nang seryoso, ngunit nanatili ang mahinahon at maamong ekspresyon sa kanyang mukha. "Alam kong biglaan ito, hija, at baka isipin mong desperado kami. Pero kailangan kong iligtas ang pangalan ng pamilya namin. Hindi pwedeng magkaroon ng eskandalo sa araw na ito. At sa nakikita ko, mukhang ikaw ang sagot sa problema namin."

"Pero... pero Mrs. Montereal," pilit kong nililinaw, "hindi po ako kilala ng anak ninyo. At hindi rin po ako handa sa ganito. Paano ko po magagawa iyon?"

Bahagya siyang ngumiti, ngunit ang mga mata niya'y puno ng determinasyon. "Hindi kailangang magmadali. Hindi ko inaasahang sasang-ayon ka agad. Pero isipin mo ito, Merlyn—may dahilan kung bakit ka narito sa simbahan sa araw na ito. Baka ito ang paraan ng Diyos para magbigay sa'yo ng bagong simula."

Napatigil ako. Ang bigat ng sinabi niya ay tila humampas sa dibdib ko. Isang bagong simula? Matapos ang lahat ng sakit na naranasan ko, posible pa ba iyon?

"Bakit ako, Mrs. Montereal?" tanong ko, pilit hinahanap ang lohika sa kanyang alok.

"Hindi ko rin alam," tapat niyang sagot. "Pero sa sandaling nakita kita, may naramdaman akong tiwala. Isa kang estranghero, pero tila may liwanag kang dala sa gitna ng kaguluhang ito."

Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. "Alam kong mahirap ang hinihingi ko, pero iha, ito lang ang paraan para mailigtas ang araw na ito. Ang anak ko ay mabuting tao. Bigyan mo siya ng pagkakataong makilala ka, at baka... baka ito na rin ang pagkakataon mo na muling buuin ang pira-piraso mong puso."

Tahimik akong napatingin sa krus. Napakabigat ng alok, ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, isang ideya ang tumatak sa isip ko: Baka nga ito ang pagkakataon ko para magsimulang muli.

Nanatili akong tulala sa harap ni Mrs. Montereal. Ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya ay tila bumalot sa akin, habang ang isip ko ay litong-lito sa alok na ito.

"Malaking bagay ito, hija," muling sambit niya, ang kanyang boses ay puno ng pakiusap. "Kapag pumayag ka, maililigtas mo ang pangalan ng aming angkan. Naiintindihan ko kung gaano ito kahirap para sa'yo, pero tutunawin ko ito bilang isang malaking utang na loob sa'yo."

Lumunok ako nang malalim, pilit na hinahanap ang tamang sagot sa sitwasyong ito.

"Wag kang mag-alala," dagdag pa niya, na tila nababasa ang kaba ko. "Pagkatapos ng kasalang ito, pwede ka nang umalis. Magiging kasunduan natin na ibibigay mo sa akin ang iyong contact number, at agad kong ipapadala sa'yo ang divorce papers. Magiging malaya ka ulit, parang walang nangyari."

Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. Sa kabila ng lahat, may naramdaman akong sinseridad sa kanyang mga salita. Parang handa siyang gawin ang lahat para lang maisalba ang reputasyon ng kanyang pamilya. Pero para sa akin, napakalaking desisyon nito.

"Bakit hindi na lang po ibang tao? Baka po may mas angkop na pumalit sa bride?" tanong ko, umaasang may makukuhang sagot na makakapagpaluwag sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0116

    Chapter 0116 Habang abala si Mila sa pagsawsaw ng fishball sa paborito niyang manong-style suka, hindi niya napapansin ang palihim na tinginan namin ni Merlyn. “Ready ka na ba, Hon?” tanong ko sa aking asawa. “Kanina pa. Sobrang effort ng school staff — pati 'yung balloons, color theme ni Mila.” sagot Niya agad sa akin. Tumingin ako kay Mila. Suot pa rin niya ang medalya, nakalaylay sa uniporme. Wala siyang kaalam-alam sa paparating na sorpresa. “Ang sarap talaga ng fishball kapag pagod at nanalo ka. Parang… panalo ulit!” ani nito. “Kaya nga po Ate, every time na magugutom ako, iisipin ko na lang na nanalo rin ako.” sabi ni Liam sa kanyang ate Mila “Ako rin… kahit hindi ako sumali, damay sa fishball!” wika naman ni Amara. Napatawa si Mila habang isinusubo ang huling tusok ng fishball. “Grabe, perfect day!” Napatingin si Merlyn sa relo niya, sabay tango sa akin. Oras na. “Anak, tapos ka na ba?” tanong ko. “Yes po, Dad. Okay na ako. Bakit po?” sagot Niya agad sa akin. “Ma

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0115

    Chapter 0115 Game 3. Final round. Laban ng talino, bilis, at tibay ng loob. “QUIZ SHOWDOWN: The Top 3 will battle it out in this buzzer round. One wrong move, and the point goes to the next!” Si Mila ay kasama sa Top 3 finalists—kasama ang dalawang contestant mula sa private science schools na kilala sa Math at Robotics programs. Kalaban #1: si Jeremy, Grade 5, may eyeglass na mukhang college student na. Kalaban #2: si Thea, tahimik pero mabilis ang reflexes, galing sa isang all-girls Catholic school. At syempre… si Mila Montereal, ang Brain Queen ng Team Mila. “Let the final round begin!” sigaw ng host. ROUND 1: GENERAL KNOWLEDGE Host: “What is the national animal of the Philippines?” BUZZ! Thea: “Carabao!” DING! Point to Thea! “Okay, okay, warm-up lang,” sabi ko kay Merlyn habang nag-aadjust ng upo. Host: “What is 15 multiplied by 6?” BUZZ! Jeremy: “90!” DING! Point to Jeremy! “Uy, dalawang sunod sila, Hon…” bulong ni Merlyn, medyo kabado. Sumulyap ako kay

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0114

    Chapter 0114Cris POV“Contestants, please take your final positions. Game 1 will begin shortly.”Tumindig kami mula sa kinauupuan namin habang tinatawag ng host ang bawat kalahok. Si Mila ay nasa gitnang row ng Grade 5 contestants—nakaupo, nakatindig ang likod, pero hindi maitago ang mabilis niyang paghinga.“Game face na, Mila,” bulong ni Amara habang kinawayan siya mula sa audience section.Tumango si Mila, saka huminga nang malalim. “Team Mila… ACTIVATE!”Si Liam naman ay nagtaas ng maliit na placard na may nakasulat:“BRAIN MODE: ON 🔥”Pumutok ang tawa ni Merlyn habang hawak ang video cam. “Grabe ‘tong mga anak natin. Pang-TV show!”HOST:“Welcome everyone to BATALINO KIDS 202X! Let's begin with… Game 1: Fast Thinkers Challenge!Each contestant will answer five rapid-fire questions. One point for each correct answer. No multiple choice. Just pure brain power!”Naghiyawan ang audience. May pa-ilaw pa sa stage, at music na parang “Who Wants to Be a Millionaire” ang dating.Tumigil

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0113

    Chapter 0113Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda. Si Mila, excited na excited sa suot niyang school uniform na may maliit pang pin ng "Batalino Kids Candidate" na siya rin ang gumawa gamit ang paperclip at glitters. Si Amara at Liam naman ay naka-family day shirt na parang field trip ang pupuntahan.Maaga rin kaming dumating sa paaralan—ang Montereal School—na pag-aari ko rin mismo.Pagkapasok pa lang namin sa main gate, agad kaming sinalubong ng mga guwardiya na may mga ngiting-hindi-maipinta, sabay saludo.“Good morning po, Sir Cris, Ma’am Merlyn! Good luck po kay Ma’am Mila!”“Good luck sa Ate naming lahat!” dagdag pa ni Mang Tonyo, ang pinakamatandang guard na parang fan club president ni Mila.“Mukhang mas kilala na si Mila kesa sa’kin dito,” biro ko kay Merlyn habang iniabot niya kay Mila ang water bottle niya.“Oo nga, Hon,” sagot ni Merlyn. “Ikaw may-ari, pero si Mila ang superstar.”Pagdating sa lobby ng admin building, sinalubong kami ni Ma’am Donna, an

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0112

    Chapter 0112Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa sala para magpahinga. Si Merlyn, nakaupo sa gilid ng sofa habang naglalagay ng lotion sa mga braso ni Amara. Si Liam ay nakapatong sa hita ko, yakap-yakap ang kanyang stuffed dinosaur. Si Mila naman, naka-cross legs sa carpet sa harap ng TV, parang reviewer ang hawak kahit wala naman siyang binabasa.Nag-play ang evening news. Pero katulad ng dati, walang nakikinig masyado sa mga headline dahil busy ang mga bata sa pagtatalo kung sino ang pinakamagaling mag-drawing ng stickman.Hanggang biglang nag-flash sa TV ang promo ng isang inter-school talent and brain contest na may malalaking letrang:"BATALINO KIDS 202X: SINO ANG PINAKAMATALINO SA LAHAT?"May pa-intro pa ng mga batang nakasalamin habang nagso-solve ng math, may nagsusulat ng essay, at may nagtataas ng buzzer.Biglang tumayo si Mila, sabay turo sa screen. “Ako ‘yan. Ako ang susunod na Batang Henyo ng Bansa!”Nagkatinginan kami ni Merlyn. Si Liam napataas ang kilay habang n

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0111

    Chapter 0111Five Years LaterLimang taon na ang lumipas mula noong unang beses naming masilayan sina Amara at Liam. Sa bawat taon na dumaan, mas lalong naging makulay, magulo, pero punung-puno ng pagmamahal ang buhay namin.Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na naglalaro sa damuhan. Si Mila, suot ang improvised cape na gawa sa lumang kumot, ay abalang sinisigawan si Liam at Amara na kunwari raw ay mga prinsipe at prinsesa ng “Kingdom of Flores.”“Dad!” sigaw ni Mila mula sa may garden. “Si Liam gusto na namang mag-dragon! Eh sabi ko siya ang prinsipe!”Napailing ako pero nakangiti. “Hayaan mo na, anak. Baka gusto niyang maging dragon ngayong araw. Bukas, baka hari na siya.”Tumakbo si Liam papalapit sa akin, sabay yakap sa binti ko. “Dad! Si Ate Mila gusto akong kulungin sa castle! Eh mabait naman akong dragon!”Umupo ako sa damuhan, sabay buhat kay Liam. “Kahit anong gusto mong maging, anak—dragon o prinsipe—basta huwag mo lang isusuka si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status