Share

Chapter 02

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-02 20:53:04

Chapter 02

Hindi ko napansin kung gaano na ako katagal naglalakad. Hindi ko rin alam kung paano ako napadpad dito. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong magtago—magtago mula sa sakit, sa kahihiyan, at sa kawalang-katarungan ng mundo.

Nang lingunin ko ang paligid, natuklasan kong nasa loob na ako ng isang simbahan. Tahimik ito, ngunit puno ng mga tao. Marahil ay may misa o espesyal na okasyon, pero wala na akong pakialam. Para akong bulag, lutang sa sariling mundo ng sakit at hinagpis.

Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng upuan, doon kung saan walang makakapansin sa akin. Hindi ko alintana ang malamig na hangin sa loob. Ang mga luha ko'y patuloy na dumadaloy habang tulalang nakatitig sa krus sa harapan.

"Lord," mahinang bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. "Bakit ganito? Bakit sa kabila ng lahat ng sakripisyo ko, ganito pa rin ang naging kapalit? Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?"

Isang saglit, parang gusto kong bumagsak sa sahig at isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero pinili kong manatili sa aking kinauupuan, pilit na pinapatahan ang sariling puso na tila hindi na muling babangon.

"Miss, okay ka lang ba?" Biglang may lumapit sa akin—isang pamilyar na boses, malalim at may halong pag-aalala. Hindi ko agad tiningnan kung sino iyon.

"Pasensya na po, pero gusto ko lang mapag-isa," mahina kong sagot, hindi inaalis ang tingin ko sa krus.

"Pasensya na rin kung istorbo ako," sagot niya. "Pero hindi ko kayang balewalain ang nakikita kong luha mo."

Napilitan akong tumingin. Isang lalaki, may edad na nasa trenta o higit pa, matikas at maaliwalas ang mukha. May kakaiba sa presensya niya, tila may bigat ng pananampalataya ngunit may halong kalmado. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong init at ginhawa ang nadama ko sa kanyang tingin.

"Ako nga pala si Father Caleb," pakilala niya, sabay ngiti. "Mukhang mabigat ang dinadala mo, hija. Baka sakaling makatulong ang pakikinig ko."

Saglit akong tumahimik. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibahagi ang sakit na tinatago ko o manatiling tikom ang bibig. Pero sa mga mata niyang puno ng sinseridad, parang bigla akong nakaramdam ng lakas ng loob.

"Father... minsan ba, tama lang na sumuko na?" mahina kong tanong, kasabay ng muling pag-agos ng luha.

Umupo siya sa tabi ko at tahimik na tumango, hinihintay akong magpatuloy. At doon ko napagtanto, sa loob ng tahimik na simbahang iyon, na maaaring ito na ang lugar kung saan sisimulan kong buuin muli ang pira-pirasong bahagi ng sarili kong pagkatao.

Habang nakikinig si Father Caleb, hinayaan niyang bumuhos lahat ng sakit at sama ng loob na matagal kong kinikimkim. Hindi niya ako pinutol ni minsan. Nang natapos ako sa kwento, isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan niya bago nagsalita.

"Hija," mahinahon niyang sabi, "hindi ko masasabing naiintindihan ko ang lahat ng pinagdadaanan mo, pero nararamdaman ko kung gaano kabigat ang sakit na dinadala mo. Isa lang ang natitiyak ko: hindi ka nag-iisa. Ang Panginoon ay kasama mo, lalo na sa mga panahong pakiramdam mo'y wala kang kakampi."

"Pero Father," humikbi ako, "parang hindi ko na kaya. Binuhos ko na lahat ng sakripisyo ko para sa kanila, pero ganito pa rin ang naging sukli nila. Paano ko sila mapapatawad? Paano ko tatanggapin ang ginawa nila sa akin?"

Tumingin si Father Caleb sa krus at saglit na nanahimik bago sumagot. "Merlyn, ang pagpapatawad ay hindi madali, lalo na kung ang sugat ay malalim. Pero tandaan mo, ang pagpapatawad ay hindi para sa kanila—ito'y para sa'yo. Para mabigyan mo ang sarili mo ng kapayapaan. Hindi mo kailangang kalimutan ang nangyari o piliting magpanggap na walang sakit. Pero kailangan mong piliin ang hindi pagdadala ng poot sa puso mo."

"Pero paano, Father? Hindi ko alam kung kaya ko," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hindi mo kailangang gawin ito nang mag-isa," tugon niya. "Simulan mo sa paglapit sa Diyos. Ibigay mo sa Kanya ang lahat ng sakit mo, ang lahat ng bigat na hindi mo kayang dalhin. Sa Kanya, makakahanap ka ng lakas na harapin ang bukas."

Tumingin siya sa akin nang may ngiti, puno ng pag-asa. "Huwag mong madaliin, hija. Ang paghilom ay isang proseso. Pero alam kong darating ang araw na makakabangon ka. At kapag dumating ang araw na iyon, makikita mo kung gaano ka kaganda ang planong inihanda ng Diyos para sa'yo."

Pinunasan ko ang mga luha ko habang tahimik na nag-isip sa mga sinabi niya. Sa loob ng simbahan, sa harap ng krus, nakaramdam ako ng bahagyang gaan sa dibdib. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapatawad o ang pagbangon, pero sa sandaling iyon, napagdesisyunan kong subukan.

"Salamat po, Father," mahina kong sabi.

"Ang mahalaga, Merlyn, ay handa kang magtiwala muli—hindi lang sa ibang tao, kundi sa sarili mo at sa Diyos." Tumayo siya at nagdasal para sa akin. Habang binibigkas niya ang mga salita, tila unti-unting napapawi ang bigat na matagal ko nang pasan.

Pagkatapos ng dasal, tiningnan niya ako. "Ang simbahan ay bukas para sa'yo, hija. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng gabay o lakas. Tandaan mo, ang Diyos ay hindi kailanman lumalayo sa atin."

Tumango ako at muling tumingin sa krus. Sa sandaling iyon, alam kong hindi pa tapos ang laban ko, pero handa na akong harapin ito—kahit paunti-unti.

Nang magpaalam si Father Caleb, sinabi niyang kailangan niyang magtungo sa altar para sa isang kasalan. Doon ko lamang napagtanto ang dahilan ng maraming tao at ng mga magagarang dekorasyon at bulaklak sa paligid. Isa palang marangyang kasalan ang magaganap, at mukhang ang mga tao rito ay mga maimpluwensyang personalidad.

Tahimik akong nanatili sa pinakadulong bahagi ng simbahan, ayaw makihalo sa engrandeng kaganapan. Pero ilang saglit lang, nagkagulo ang mga tao. May mga pabulong na usapan, halatang nabalot ng kaba at pagkabigla.

"Nasaan ang bride?" rinig kong tanong ng isang babae na mukhang bahagi ng pamilya ng lalaki. "Bakit hindi pa siya dumarating?!"

"Anong ibig sabihin nito?!" sumingit naman ang isang matandang lalaki na mukhang ama ng groom. "Hindi maaaring mangyari ito! Napakalaking eskandalo nito para sa ating pamilya!"

Nagsimula nang mag-usap-usap ang mga bisita, at sa bawat minuto, mas lalong lumala ang tensyon. Ayon sa narinig ko mula sa mga bulungan, ang bride ay hindi sumipot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0116

    Chapter 0116 Habang abala si Mila sa pagsawsaw ng fishball sa paborito niyang manong-style suka, hindi niya napapansin ang palihim na tinginan namin ni Merlyn. “Ready ka na ba, Hon?” tanong ko sa aking asawa. “Kanina pa. Sobrang effort ng school staff — pati 'yung balloons, color theme ni Mila.” sagot Niya agad sa akin. Tumingin ako kay Mila. Suot pa rin niya ang medalya, nakalaylay sa uniporme. Wala siyang kaalam-alam sa paparating na sorpresa. “Ang sarap talaga ng fishball kapag pagod at nanalo ka. Parang… panalo ulit!” ani nito. “Kaya nga po Ate, every time na magugutom ako, iisipin ko na lang na nanalo rin ako.” sabi ni Liam sa kanyang ate Mila “Ako rin… kahit hindi ako sumali, damay sa fishball!” wika naman ni Amara. Napatawa si Mila habang isinusubo ang huling tusok ng fishball. “Grabe, perfect day!” Napatingin si Merlyn sa relo niya, sabay tango sa akin. Oras na. “Anak, tapos ka na ba?” tanong ko. “Yes po, Dad. Okay na ako. Bakit po?” sagot Niya agad sa akin. “Ma

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0115

    Chapter 0115 Game 3. Final round. Laban ng talino, bilis, at tibay ng loob. “QUIZ SHOWDOWN: The Top 3 will battle it out in this buzzer round. One wrong move, and the point goes to the next!” Si Mila ay kasama sa Top 3 finalists—kasama ang dalawang contestant mula sa private science schools na kilala sa Math at Robotics programs. Kalaban #1: si Jeremy, Grade 5, may eyeglass na mukhang college student na. Kalaban #2: si Thea, tahimik pero mabilis ang reflexes, galing sa isang all-girls Catholic school. At syempre… si Mila Montereal, ang Brain Queen ng Team Mila. “Let the final round begin!” sigaw ng host. ROUND 1: GENERAL KNOWLEDGE Host: “What is the national animal of the Philippines?” BUZZ! Thea: “Carabao!” DING! Point to Thea! “Okay, okay, warm-up lang,” sabi ko kay Merlyn habang nag-aadjust ng upo. Host: “What is 15 multiplied by 6?” BUZZ! Jeremy: “90!” DING! Point to Jeremy! “Uy, dalawang sunod sila, Hon…” bulong ni Merlyn, medyo kabado. Sumulyap ako kay

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0114

    Chapter 0114Cris POV“Contestants, please take your final positions. Game 1 will begin shortly.”Tumindig kami mula sa kinauupuan namin habang tinatawag ng host ang bawat kalahok. Si Mila ay nasa gitnang row ng Grade 5 contestants—nakaupo, nakatindig ang likod, pero hindi maitago ang mabilis niyang paghinga.“Game face na, Mila,” bulong ni Amara habang kinawayan siya mula sa audience section.Tumango si Mila, saka huminga nang malalim. “Team Mila… ACTIVATE!”Si Liam naman ay nagtaas ng maliit na placard na may nakasulat:“BRAIN MODE: ON 🔥”Pumutok ang tawa ni Merlyn habang hawak ang video cam. “Grabe ‘tong mga anak natin. Pang-TV show!”HOST:“Welcome everyone to BATALINO KIDS 202X! Let's begin with… Game 1: Fast Thinkers Challenge!Each contestant will answer five rapid-fire questions. One point for each correct answer. No multiple choice. Just pure brain power!”Naghiyawan ang audience. May pa-ilaw pa sa stage, at music na parang “Who Wants to Be a Millionaire” ang dating.Tumigil

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0113

    Chapter 0113Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda. Si Mila, excited na excited sa suot niyang school uniform na may maliit pang pin ng "Batalino Kids Candidate" na siya rin ang gumawa gamit ang paperclip at glitters. Si Amara at Liam naman ay naka-family day shirt na parang field trip ang pupuntahan.Maaga rin kaming dumating sa paaralan—ang Montereal School—na pag-aari ko rin mismo.Pagkapasok pa lang namin sa main gate, agad kaming sinalubong ng mga guwardiya na may mga ngiting-hindi-maipinta, sabay saludo.“Good morning po, Sir Cris, Ma’am Merlyn! Good luck po kay Ma’am Mila!”“Good luck sa Ate naming lahat!” dagdag pa ni Mang Tonyo, ang pinakamatandang guard na parang fan club president ni Mila.“Mukhang mas kilala na si Mila kesa sa’kin dito,” biro ko kay Merlyn habang iniabot niya kay Mila ang water bottle niya.“Oo nga, Hon,” sagot ni Merlyn. “Ikaw may-ari, pero si Mila ang superstar.”Pagdating sa lobby ng admin building, sinalubong kami ni Ma’am Donna, an

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0112

    Chapter 0112Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa sala para magpahinga. Si Merlyn, nakaupo sa gilid ng sofa habang naglalagay ng lotion sa mga braso ni Amara. Si Liam ay nakapatong sa hita ko, yakap-yakap ang kanyang stuffed dinosaur. Si Mila naman, naka-cross legs sa carpet sa harap ng TV, parang reviewer ang hawak kahit wala naman siyang binabasa.Nag-play ang evening news. Pero katulad ng dati, walang nakikinig masyado sa mga headline dahil busy ang mga bata sa pagtatalo kung sino ang pinakamagaling mag-drawing ng stickman.Hanggang biglang nag-flash sa TV ang promo ng isang inter-school talent and brain contest na may malalaking letrang:"BATALINO KIDS 202X: SINO ANG PINAKAMATALINO SA LAHAT?"May pa-intro pa ng mga batang nakasalamin habang nagso-solve ng math, may nagsusulat ng essay, at may nagtataas ng buzzer.Biglang tumayo si Mila, sabay turo sa screen. “Ako ‘yan. Ako ang susunod na Batang Henyo ng Bansa!”Nagkatinginan kami ni Merlyn. Si Liam napataas ang kilay habang n

  • THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE   Chapter 0111

    Chapter 0111Five Years LaterLimang taon na ang lumipas mula noong unang beses naming masilayan sina Amara at Liam. Sa bawat taon na dumaan, mas lalong naging makulay, magulo, pero punung-puno ng pagmamahal ang buhay namin.Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na naglalaro sa damuhan. Si Mila, suot ang improvised cape na gawa sa lumang kumot, ay abalang sinisigawan si Liam at Amara na kunwari raw ay mga prinsipe at prinsesa ng “Kingdom of Flores.”“Dad!” sigaw ni Mila mula sa may garden. “Si Liam gusto na namang mag-dragon! Eh sabi ko siya ang prinsipe!”Napailing ako pero nakangiti. “Hayaan mo na, anak. Baka gusto niyang maging dragon ngayong araw. Bukas, baka hari na siya.”Tumakbo si Liam papalapit sa akin, sabay yakap sa binti ko. “Dad! Si Ate Mila gusto akong kulungin sa castle! Eh mabait naman akong dragon!”Umupo ako sa damuhan, sabay buhat kay Liam. “Kahit anong gusto mong maging, anak—dragon o prinsipe—basta huwag mo lang isusuka si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status