Chapter 04
"Ikaw ang nakita ko, hija," tapat niyang sagot. "Walang sinuman sa paligid ang pwedeng pumalit ngayon. At sa sandaling ito, ikaw lang ang nakikita kong may lakas ng loob para tulungan kami," dagdag niyang sabi sa akin. Muli akong tumingin sa krus. Sa kabila ng bigat ng alok na ito, may kung anong bahagi ng puso ko ang tila tinutulak akong tanggapin ito. Baka nga ito ang paraan ng Diyos para tulungan din ako na magpatuloy. "Merlyn," mahinahon niyang tawag sa akin, "ano na ba ang sagot mo?" tanong niya. Sa gitna ng kaguluhan sa isip ko, pumayag akong gawin ang hindi ko inakala—ang maging substitute bride. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang, pero naisip ko, kung may paraan ako para makatulong, bakit hindi? "Papayag na po ako, pero paano kung magalit o kamuhian ako ng inyong anak?" sambit ko. "Salamat, Merlyn! Wag kang mag-alala, sagot kita kung ano man ang mangyari nasa likod mo ako," mahina ngunit puno ng pasasalamat na sabi ni Mrs. Montereal. Agad niya akong dinala sa may likod ng simbahan, kung saan naroon ang bridal suite. Naghihintay na roon ang mga staff ng bride—mga make-up artist at stylists na tila naghihintay lamang ng utos. "Siya na ang bride," mariin niyang sabi sa mga ito. Agad silang kumilos, tila sanay na sanay sa ganitong sitwasyon. "Pero... paano ang sukat ng damit?" tanong ko, kinakabahan na baka hindi ito magkasya sa akin. Ngumiti si Mrs. Montereal. "Huwag kang mag-alala, hija. Magkasukat lang kayo ng bride." At totoo nga. Nang isuot ko ang wedding gown, para itong hinulma sa katawan ko. Ang mga perlas at lace nito ay kumikinang sa liwanag ng araw na tumatagos mula sa mga bintana ng simbahan. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng gown. "Iha, pagkatapos nang kasal ay sigurado akong maging busy tayong dalawa. Lina halika dito!" tawag niya sa isang babae. "Pagkatapos ng kasal ikaw na ang bahala sa kanya, siguruduhin mong maging maayos ang lahat, maliwanag ba?" sabi niya sa babae. "Opo, Senyora!" agad nitong sagot. Habang inaayusan ako, nararamdaman ko ang bigat ng desisyon ko. Hindi ko kilala ang lalaking papakasalan ko. Hindi ko rin alam kung paano haharapin ang mga susunod na araw. Pero sa kabila ng lahat ng ito, tila may bahagyang kaginhawahan sa puso ko. Para bang sa kabila ng gulo sa buhay ko, may bagong direksyon na inilalatag sa harap ko. Nang matapos ang lahat ng paghahanda, tumingin si Mrs. Montereal sa akin. May bakas ng lungkot at pasasalamat sa kanyang mga mata. "Hija, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Pero tandaan mo, malaki ang utang na loob namin sa'yo," sabi niya saka hinawakan ang aking kamay. Ngumiti ako, kahit pa nanginginig ang mga labi ko. "Sana po tama ang ginagawa ko," sagot ko agad. "Pangako, hija," sabi niya, hawak ang aking mga kamay. "Walang kahit anong masama ang mangyayari sa'yo. Ang anak ko ay mabuting tao. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon at siguradong maintindihan niya ang ginawa nating dalawa," ngiti niyong sabi. Huminga ako nang malalim habang naririnig ang simula ng wedding march. Sa bawat hakbang papunta sa altar, nagtataka pa rin ako kung paano napunta ang simpleng pagpunta ko sa simbahan sa ganitong hindi inaasahang kwento. At doon, sa dulo ng aisle, nakita ko siya—ang lalaking magiging asawa ko sa loob lamang ng ilang sandali. Habang naglalakad ako patungo sa altar, hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang hitsura. Ang lalaking magiging asawa ko sa loob lamang ng ilang sandali—ang groom na hindi ko pa kilala. Ang bawat hakbang ko ay puno ng kabang nararamdaman, ngunit may isang bahagi sa akin ang napapaamo ng kanyang taglay na kagwapuhan. Ang matalim niyang mga mata at malalim na pangangatawan ay tila naglalabas ng isang aura ng kapangyarihan at misteryo, na hindi ko maiwasang mapansin. Nang umabot ako sa harap ng altar, agad niyang inilabas ang kanyang kamay, nag-aalok ng pakiramay na tila hindi ko kayang tanggihan. Ngunit habang itinataas ko ang aking mukha upang makita siya, parang ang mundo ko ay napagod na mag-ikot. Sa kabila ng lahat ng kabiguan at sakit na nararamdaman ko, sa harap ko ngayon ay ang lalaki na hindi ko kilala, ngunit siya na ang magsisilbing asawa ko. Subalit, bago ko pa man lubos na matanggap ang pagkatao niya, bigla siyang bumulong sa akin, at ang mga salitang binitiwan niya ay parang kutsilyong tumama sa puso ko. "Saan ka napulot, Mommy?" malamig at seryoso niyang tanong, ang tono ay may kabuntot na pahiwatig ng hindi pagkakasiya. Parang na-freeze ako sa kanyang tinig, at ang mga mata ko ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. Bakit ganun ang tanong niya? Ang sakit sa puso, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya na tila may pagka-kritikal. Walang sagot mula sa akin, kaya ang katahimikan ay naging mahirap pagdanasan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano mag-react, o kung paano sasabihin sa kanya ang katotohanan tungkol sa aking mga nararamdaman. Ang kanyang tanong ay parang isang malupit na suntok na hindi ko inaasahan, at ang sakit nito ay nagbigay daan sa matinding katahimikan na bumalot sa paligid. Habang kami ay nakatayo sa altar, ang bawat segundo ay tila tumagal, at ang mga mata ng mga bisita ay naramdaman ko na nakatingin sa amin. Ngunit sa harap ng lahat ng iyon, ang tanging tunog na naririnig ko ay ang tibok ng puso ko—matinding kaba, at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod na hakbang. Siya naman, tila hindi na naghintay ng sagot mula sa akin, kaya't nagsimula siyang maglakad patungo sa simbahan na may malalamig na galak sa mukha. Wala ni isang salitang binanggit pa sa akin, at ako, hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari, ay napilitang sumunod sa kanya. Ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa mga hakbang ko, habang ang kanyang presensya sa harap ko ay tila nakakapanghina ng loob. Minsan, ang katahimikan na sumusunod sa isang tanong ay mas malalim at mas masakit kaysa sa anumang sagot.Chapter 0116 Habang abala si Mila sa pagsawsaw ng fishball sa paborito niyang manong-style suka, hindi niya napapansin ang palihim na tinginan namin ni Merlyn. “Ready ka na ba, Hon?” tanong ko sa aking asawa. “Kanina pa. Sobrang effort ng school staff — pati 'yung balloons, color theme ni Mila.” sagot Niya agad sa akin. Tumingin ako kay Mila. Suot pa rin niya ang medalya, nakalaylay sa uniporme. Wala siyang kaalam-alam sa paparating na sorpresa. “Ang sarap talaga ng fishball kapag pagod at nanalo ka. Parang… panalo ulit!” ani nito. “Kaya nga po Ate, every time na magugutom ako, iisipin ko na lang na nanalo rin ako.” sabi ni Liam sa kanyang ate Mila “Ako rin… kahit hindi ako sumali, damay sa fishball!” wika naman ni Amara. Napatawa si Mila habang isinusubo ang huling tusok ng fishball. “Grabe, perfect day!” Napatingin si Merlyn sa relo niya, sabay tango sa akin. Oras na. “Anak, tapos ka na ba?” tanong ko. “Yes po, Dad. Okay na ako. Bakit po?” sagot Niya agad sa akin. “Ma
Chapter 0115 Game 3. Final round. Laban ng talino, bilis, at tibay ng loob. “QUIZ SHOWDOWN: The Top 3 will battle it out in this buzzer round. One wrong move, and the point goes to the next!” Si Mila ay kasama sa Top 3 finalists—kasama ang dalawang contestant mula sa private science schools na kilala sa Math at Robotics programs. Kalaban #1: si Jeremy, Grade 5, may eyeglass na mukhang college student na. Kalaban #2: si Thea, tahimik pero mabilis ang reflexes, galing sa isang all-girls Catholic school. At syempre… si Mila Montereal, ang Brain Queen ng Team Mila. “Let the final round begin!” sigaw ng host. ROUND 1: GENERAL KNOWLEDGE Host: “What is the national animal of the Philippines?” BUZZ! Thea: “Carabao!” DING! Point to Thea! “Okay, okay, warm-up lang,” sabi ko kay Merlyn habang nag-aadjust ng upo. Host: “What is 15 multiplied by 6?” BUZZ! Jeremy: “90!” DING! Point to Jeremy! “Uy, dalawang sunod sila, Hon…” bulong ni Merlyn, medyo kabado. Sumulyap ako kay
Chapter 0114Cris POV“Contestants, please take your final positions. Game 1 will begin shortly.”Tumindig kami mula sa kinauupuan namin habang tinatawag ng host ang bawat kalahok. Si Mila ay nasa gitnang row ng Grade 5 contestants—nakaupo, nakatindig ang likod, pero hindi maitago ang mabilis niyang paghinga.“Game face na, Mila,” bulong ni Amara habang kinawayan siya mula sa audience section.Tumango si Mila, saka huminga nang malalim. “Team Mila… ACTIVATE!”Si Liam naman ay nagtaas ng maliit na placard na may nakasulat:“BRAIN MODE: ON 🔥”Pumutok ang tawa ni Merlyn habang hawak ang video cam. “Grabe ‘tong mga anak natin. Pang-TV show!”HOST:“Welcome everyone to BATALINO KIDS 202X! Let's begin with… Game 1: Fast Thinkers Challenge!Each contestant will answer five rapid-fire questions. One point for each correct answer. No multiple choice. Just pure brain power!”Naghiyawan ang audience. May pa-ilaw pa sa stage, at music na parang “Who Wants to Be a Millionaire” ang dating.Tumigil
Chapter 0113Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda. Si Mila, excited na excited sa suot niyang school uniform na may maliit pang pin ng "Batalino Kids Candidate" na siya rin ang gumawa gamit ang paperclip at glitters. Si Amara at Liam naman ay naka-family day shirt na parang field trip ang pupuntahan.Maaga rin kaming dumating sa paaralan—ang Montereal School—na pag-aari ko rin mismo.Pagkapasok pa lang namin sa main gate, agad kaming sinalubong ng mga guwardiya na may mga ngiting-hindi-maipinta, sabay saludo.“Good morning po, Sir Cris, Ma’am Merlyn! Good luck po kay Ma’am Mila!”“Good luck sa Ate naming lahat!” dagdag pa ni Mang Tonyo, ang pinakamatandang guard na parang fan club president ni Mila.“Mukhang mas kilala na si Mila kesa sa’kin dito,” biro ko kay Merlyn habang iniabot niya kay Mila ang water bottle niya.“Oo nga, Hon,” sagot ni Merlyn. “Ikaw may-ari, pero si Mila ang superstar.”Pagdating sa lobby ng admin building, sinalubong kami ni Ma’am Donna, an
Chapter 0112Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa sala para magpahinga. Si Merlyn, nakaupo sa gilid ng sofa habang naglalagay ng lotion sa mga braso ni Amara. Si Liam ay nakapatong sa hita ko, yakap-yakap ang kanyang stuffed dinosaur. Si Mila naman, naka-cross legs sa carpet sa harap ng TV, parang reviewer ang hawak kahit wala naman siyang binabasa.Nag-play ang evening news. Pero katulad ng dati, walang nakikinig masyado sa mga headline dahil busy ang mga bata sa pagtatalo kung sino ang pinakamagaling mag-drawing ng stickman.Hanggang biglang nag-flash sa TV ang promo ng isang inter-school talent and brain contest na may malalaking letrang:"BATALINO KIDS 202X: SINO ANG PINAKAMATALINO SA LAHAT?"May pa-intro pa ng mga batang nakasalamin habang nagso-solve ng math, may nagsusulat ng essay, at may nagtataas ng buzzer.Biglang tumayo si Mila, sabay turo sa screen. “Ako ‘yan. Ako ang susunod na Batang Henyo ng Bansa!”Nagkatinginan kami ni Merlyn. Si Liam napataas ang kilay habang n
Chapter 0111Five Years LaterLimang taon na ang lumipas mula noong unang beses naming masilayan sina Amara at Liam. Sa bawat taon na dumaan, mas lalong naging makulay, magulo, pero punung-puno ng pagmamahal ang buhay namin.Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na naglalaro sa damuhan. Si Mila, suot ang improvised cape na gawa sa lumang kumot, ay abalang sinisigawan si Liam at Amara na kunwari raw ay mga prinsipe at prinsesa ng “Kingdom of Flores.”“Dad!” sigaw ni Mila mula sa may garden. “Si Liam gusto na namang mag-dragon! Eh sabi ko siya ang prinsipe!”Napailing ako pero nakangiti. “Hayaan mo na, anak. Baka gusto niyang maging dragon ngayong araw. Bukas, baka hari na siya.”Tumakbo si Liam papalapit sa akin, sabay yakap sa binti ko. “Dad! Si Ate Mila gusto akong kulungin sa castle! Eh mabait naman akong dragon!”Umupo ako sa damuhan, sabay buhat kay Liam. “Kahit anong gusto mong maging, anak—dragon o prinsipe—basta huwag mo lang isusuka si