LOGINChapter 05
Habang nagsisimula na ang seremonya, ang bawat salitang binanggit ng pari ay nagiging malabo sa aking pandinig. Nakatuon lamang ang aking isipan sa kanya, sa lalaki na ngayon ay tatawaging asawa ko—si Crisanto "Cris" Montereal. Sa huling bahagi ng kanyang pangalan, ang bigat ng pagiging Montereal ay tila sumakal sa aking dibdib. Isang pamilyang may mataas na estado, at ako... isang estrangherong walang kamalay-malay sa mga larangan ng buhay na kanilang tinatahak. Sa mga susunod na minuto, naramdaman ko ang pawis na dumaloy sa aking noo habang siya ay nakatayo sa aking harapan. Habang binabaybay ko ang proseso ng kasal, sa bawat salita ng pari, ang pangalan niyang "Crisanto" ay umiikot sa aking isipan, parang malupit na paalala na ngayon, nakatali na ako sa isang mundo na hindi ko alam. Sa aking puso, may isang bahagi na hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Si Merlyn Claveria Santiago, isang simpleng babae, ay ngayon ay nakatayo sa altar, kasal na sa isang taong hindi ko pa lubos na nakikilala. At ang lalaking ito, si Crisanto Montereal, ay may daan-daang taon ng pangalan at legacy na nakatago sa kanyang likod. Ang bawat bahagi ng seremonya ay tila isang simbolo ng pagiging bahagi ko sa kanilang mundo—isang mundong hindi ko alam kung ano tong pasukin ko. Subalit, hindi ko na kayang mag-atubili. Nasa harap ko si Cris, ang lalaking magiging asawa ko ngayon araw, at sa kabila ng lahat ng tanong at nagbibigay sa akin ng kalituhan. 'Bakit ba akong pumayag na maging substitute bride? Ano ang mapapala ko dito? O baka dahil sa awa ko sa lalaking hindi sinipot ng maging bride at alam ko kung gaano ka sakit ang maging sawi sa pag-ibig kaya ako napapayag sa alok ni Mrs. Montereal,' tanong ko sa aking isipan. Habang patuloy ang seremonya, naramdaman ko ang matinding kaba sa aking dibdib. Lahat ng mata ng mga bisita ay nakatutok sa amin, at ang bawat salita ng pari ay nagiging isang matinding pagsubok. "Merlyn Claveria Santiago," tinanong ng pari, ang kanyang tinig ay seryoso at puno ng solemnidad, "tinatanggap mo ba si Crisanto Montereal bilang iyong asawa, sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at karamdaman, hanggang sa kamatayan ay maghiwalay kayo?" Ang tanong na iyon ay tila tumagos sa aking kaluluwa, at sa kabila ng lahat ng kabiguan at pagdududa sa aking puso, ang tanging sagot ko na lamang ay ang mabigat na "Oo." Tumingin ako kay Cris, at sa mga mata niya, na puno ng hindi ko kayang basahing emosyon, nagkaroon ako ng isang malupit na realization—na sa kabila ng lahat ng ito, ako ay nakatali na sa kanya. Sa isang iglap, ang buhay ko ay magbabago. Alam ko na hindi niya ako makikita dahil ang akinv mukha ay naka tago sa ilalim ng belo. Bago ko pa maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nangyayari, tinanong ulit ng pari si Cris. "Crisanto 'Cris' Montereal, tinatanggap mo ba si Merlyn Claveria Santiago bilang iyong asawa?" Tumango si Cris, ang kanyang mga mata ay hindi umiwas, ngunit ang expression niya ay tila naglalaman ng isang matinding pagnanais na hindi ko kayang intindihin. "Oo," ang sagot niya, at sa salitang iyon, napagtanto ko na ang aming kasal ay hindi lang basta isang seremonya—isang desisyon na magbabago sa mga buhay namin magpakailanman. Habang inihahayag ng pari na kami ay kasal na, ang mga salitang iyon ay parang mga kidlat na dumaan sa aking isip. Kasal na kami—ngunit sa lahat ng mga aspeto ng relasyon, wala kaming kilala sa isa't isa. Lahat ng ito ay isang kasunduan na nagsimula lamang sa isang pakiusap ng ina sa lalaki kaya ako andito bilang halili sa kanyang totoong bride. Ang mga bisita ay nagpalakpakan, ngunit sa kabila ng lahat ng ingay at kasiyahan, nararamdaman ko ang labis na kalituhan sa aking puso. Ang pinakahuling bahagi ng seremonya ay ang "kiss the bride," at naramdaman ko ang matinding kaba na bumabalot sa aking sestima. "Sandali!" pigil ko dito. "Pasensya na pero wala ito sa usapan ng iyong ina at isa pa hindi naman siguro na gawin nating ito? Di'ba?" bulong ko dito at sapat na kami lang dalawa ang makakarinig sa sinabi ko. Pero hindi ito sumagot at bahagyang tumingin lamang ito sa pari. Dahilan upang bumaling qko doon. Tanging tango lang ang pari bilang tanda na kami ay dapat magbigay ng halik sa isa't isa bilang tanda ng aming pagsasama. Ngunit nang inangat ni Cris ang aking belo upang mahalikan ako, napansin ko ang alingawngaw ng katahimikan sa pagitan namin. Sa unang pagkakataon, nag-alinlangan ako. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami, at sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko pa siya kilala. Ang init ng kanyang hininga, ang presensya niyang malapit sa akin—lahat ng ito ay nagsanhi ng isang malupit na pag-kalito sa aking isip at puso. Paano ko siya hahalikan? Paano ko siya tatanggapin bilang asawa kung wala akong kasiguraduhan sa kung anong klaseng buhay ang hinaharap ko sa kanya? Bahagya itong natigilan sa pagkakita niya sa akin at nakita ko sa kanyang sulok sa labi ang isang ngiting nakapaskil doon. Bago ko pa man maisip ang mga sagot, naramdaman ko na lang ang malumanay niyang labi sa aking labi, at ang akala ko ay dampi lang ang kanyang gagawin halik pero mukhang nasiyahan pa ito sa paghalik niya sa akin dahil mukhang ayaw niya bitiwan angnaking labi, buti na lang at may lumapit na isang lalaking nakangiting tinapik ang kanyang balikat upang mabitiwan niya ito. "Tama na yang, tol! May honeymoon pa kayo, doon mo na lang itutuloy," pilyong sabi ng lalaki sabay kindat sa akin. Agad akong pinamulahan sa kanyang ginawa kaya napaiwas ako sa kanilang tingin. Hinapit niya ang aking baywang ma parang ayaw niya akong mawalay sa kanyang tabi saka kami humarap sa mga taong naging saksi sa aming kasal. "Wag kang masyadong makabahan, wife! " bulong niya. Sasagutin ko sana ito ng, 'paano hindi kabahan kung kanina lang ay nagmukha ako sa bigo sa pag-ibig pero ngayon ay biglang nakaroon ako ng isang asawa at ni hindi man lang kilala ang mga taong naging saksi sa aking kasal-kasalan,' pero hindi ko ito naisatinig man lang. Ngunit, hindi ko na kayang itago ang kaba ko sa mga nangyari ngayon. Halos pakiramdam ko ay nawala na ang lahat ng kakayahan kong magdesisyon. Sa kabila ng lahat ng duda at takot, ang tanging natira sa aking puso ay ang tanong na ano ang mangyayari pagkatapos nito?Chapter 0148Si Mrs. Montereal naman ay lumapit kay Mila, hawak-hawak ang balikat nito.“Anak, kalma lang… I know you, hindi mo ‘yan magagawa.”Ngunit ako, nanatili lang na nakatayo, hindi natinag. Tinitigan ko si Mila nang diretso, may bahid ng ngiti sa labi.“Mila… hindi mo ba naiisip? Kung kaya kong nakawin ang first kiss mo, mas kaya kong nakawin ang buong pagkatao mo.”Natahimik ang lahat. Napakuyom ang kamao ni Mr. Montereal, halatang gusto akong suntukin.“Get. Out. Of. My. House. Ngayon din!” mariin niyang utos.Pero hindi ako gumalaw. Sa halip, dahan-dahan kong dinampot ang kahon ng singsing mula sa mesa at inilapit muli kay Mila.“Think carefully, Mila. You can deny it all you want, but one day… mapapa-amin din kita.”At bago pa man makagalaw ang lahat, ngumisi ako, naglakad palabas ng mansyon na para bang ako pa ang panalo sa eksenang iyon.Paalis na sana ako ng mansyon nang biglang marinig ko ang boses ni Mrs. Montereal.“Iho, halika bumalik ka sa loob. At isa pa, iiwan mo
Chapter 0147 Clark POV Napailing lang ako nang makitang umalis siya sa opisina ko. Tumalikod siya na may apoy ng galit sa mga mata, ngunit sa likod ng galit na iyon… nakita ko rin ang takot, at higit sa lahat—ang pagkalito. Pagkawala niya ay dahan-dahan kong hinawakan ang aking labi. Mainit pa rin, parang nasusunog sa alaala ng kanyang halik. Ramdam ko pa rin ang lambot at tamis ng mga labi ni Mila—unang tikim, pero alam kong hindi iyon ang huli. “Mila…” bulong ko na puno ng determinasyon. “Mula ngayon… wala ka nang kawala sa akin. Akin ka lang. Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako.” Isang ngiting mapanganib ang sumilay sa aking mukha. Sa bawat segundo, mas lumalakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa saya, kundi dahil sa pagnanasa at pag-aangkin. “Maghanda ka, Mila. Sapilitan man o kusa… magiging asawa kita.”Kinabukasan.Sabado ngayon kaya alam ko na kompleto ang pamilya Montereal. Walang makakatakas sa plano ko.Pagmulat ko pa lang ng mata ay agad kong kinuha ang
Chapter 0146Pagkatapos ng lecture, nagsimula nang magsiuwian ang mga estudyante. Ako naman ay inaya ng guro na bumalik muna sa faculty room, ngunit bago pa ako makalakad ay bigla akong hinarang ni Clark.“Miss Montereal,” aniya, malamig pero may laman ang tinig, “kanina habang nagle-lecture ka… may nabanggit kang tungkol sa pagtataksil. Interesante.”Naningkit ang mga mata ko. “Business world iyon, Mr. Anderson. Lahat ay posibleng mangyari.”Tumango siya, saka bahagyang yumuko palapit sa akin. “Kung gano’n… baka maging interesado kang malaman na ang taong nagtangkang pekein ang pirma mo—ay dating nag-aral dito, sa unibersidad ko.”Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maitago ang pagkabigla. “What?!” halos bulong pero may halong galit.Ngumiti si Clark ng tipid, isang ngiting parang nag-aanyaya. “At kung gusto mong malaman ang buong pangalan niya… kailangan mo munang makipag-usap sa akin. Nang pribado.”Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung ito ba’y bitag, o tunay na impormasyon n
Chapter 0145Hanggang dumating na ang oras kaya agad kaming tumayo at sinamahan ng isang guro papunta sa classroom ng kambal. Habang naglalakad sa pasilyo, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa mga estudyanteng nadadaanan namin. Marahil ay narinig na nila ang tungkol sa akin bilang CEO, o baka dahil sa impresyon na dala ng pangalan kong Montereal.“Miss Montereal, narito na po tayo,” sabi ng guro habang itinuturo ang pinto ng silid.Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang masayang sigawan ng mga estudyante, lalo na nang makita nila ako. Nakatayo sa unahan ang kambal, parehong nakangiti nang malaki na tila ipinagmamalaki ang presensya ko.“Ate!” sabay nilang sigaw, sabay turo sa akin.Hindi ko napigilang ngumiti. Dahan-dahan akong pumasok sa classroom, bawat hakbang ay may kasamang bulungan ng mga estudyante. Ngunit sa sulok ng silid, muling umagaw ng atensyon ko ang presensya ng lalaking nakita ko kanina sa may labasan ng faculty.Nakatayo siya roon, tila ba matagal nang na
Chapter 0144 "Sympre lagi akong andito sa tabi mo, secretary at bff mo kaya ako," ngiti niyang sabi sa akin. "Miss ko na Ang mga kaibigan nating iba," ani ko. “Same here,” sagot ni Celine sabay buntong-hininga. “Kung hindi lang busy sa iba’t ibang trabaho at pamilya, baka nagkikita pa rin tayo hanggang ngayon.” “Naalala mo si Jessa? Siya ’yung palaging late sa klase kasi laging inaantok.” Napatawa si Celine. “Oo! At kapag may quiz, bigla siyang nagiging alert, parang milagro.” “Tsaka si Marco,” dagdag ko. “’Yung mahilig mang-asar pero siya ang unang umiiyak kapag bagsak ang grade.” Nagkatinginan kami ni Celine at sabay kaming natawa. Ilang sandali, tumahimik kami at kapwa nagbalik-tanaw. “Ang bilis ng panahon, Mila,” mahina niyang wika. “Dati mga estudyante lang tayo na walang pakialam sa problema ng mundo. Ngayon, CEO ka na, at ako naman secretary mo. Parang panaginip.” Tinitigan ko siya at ngumiti. “Panaginip nga siguro. Pero maswerte ako na kasama ka pa rin dito hanggang n
Chapter 0143Tinawagan ko agad si Celine.“Celine, clear my schedule this afternoon,” malamig ngunit buo kong utos. “I want at least three hours free. Pupunta ako sa university ng kambal—ayaw kong biguin ang mga kapatid ko.”“Yes, Miss. Montereal. I’ll make the necessary adjustments. I’ll also inform the board that your pending reviews will be moved tomorrow morning,” mabilis na sagot niya sa kabilang linya.“Good. And make sure walang istorbo. Kapag nasa university ako, I’m not the CEO—I'm their Ate.”Nang matapos ang tawag, napahinga ako nang malalim. Kahit gaano kabigat ang problema sa kumpanya, hindi ko hahayaang maapektuhan ang relasyon ko sa kambal. Sila lang ang dahilan kung bakit nananatili akong matatag sa lahat ng laban.Mula sa malaking bintana ng aking opisina ay natanaw ko ang lungsod. Sa labas, abala ang lahat, pero sa loob ko ay nagbabaga pa rin ang galit sa traydor na nagtangkang pekein ang pirma ko. Hindi pa tapos ang laban… pero sa ngayon, unahin ko muna ang mga kapa







