مشاركة

Chapter 22

مؤلف: Xielyne J.
last update تاريخ النشر: 2026-07-16 21:39:48

Sa kabilang banda, pagpasok ni Jude sa sasakyan, naroon na si Secretary Quinn, tahimik na naghihintay.

Kagabi, sinigurado niyang maayos ang lahat sa villa—umaasang baka sakaling magkaayos ang mag-asawa. Hindi niya gustong mapagitna sa gulo ng dalawa.

Bilang isang propesyonal, hindi siya pwedeng diretsahang magtanong.

“Sir,” maingat niyang sabi, “may kailangan po ba si Ma’am na ipaasikaso?”

Hindi man lang tumingala si Jude.

“Wala.”

Saglit siyang tumigil, saka malamig pang nagsalita.

“At sa susun
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 22

    Sa kabilang banda, pagpasok ni Jude sa sasakyan, naroon na si Secretary Quinn, tahimik na naghihintay.Kagabi, sinigurado niyang maayos ang lahat sa villa—umaasang baka sakaling magkaayos ang mag-asawa. Hindi niya gustong mapagitna sa gulo ng dalawa.Bilang isang propesyonal, hindi siya pwedeng diretsahang magtanong.“Sir,” maingat niyang sabi, “may kailangan po ba si Ma’am na ipaasikaso?”Hindi man lang tumingala si Jude.“Wala.”Saglit siyang tumigil, saka malamig pang nagsalita.“At sa susunod, huwag mo akong i-schedule kung kani-kanino. Binabayaran kita para magtrabaho, hindi para ihatid ako sa kama ng iba.”Nanahimik si Secretary Quinn.Sa loob-loob niya, napabuntong-hininga siya.Kagabi ay bisperas ng Pasko.Mukhang… plano talaga ng babae ang umatras para makausad.Subalit sa nakita niyang reaksyon ng amo, alam niyang hindi nito nagustuhan ang nangyari.****MAKALIPAS ang ilang araw, sa wakas ay nakuha na ni Criszah ang kaniyang bagong ID. Eksaktong tumapat iyon sa pagsisimula n

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    chapter 21

    Samantala, napakunot-noo si Secretary Quinn sa kabilang linya. Sa tono kasi ni Criszah, parang delivery rider lang ang turing niya kay Sir Jude.Ngunit hindi siya sumuko, muli siyang nag-dial, agad naman iyong sinagot ni Criszah. “Ma’am… nakalimutan n’yo po ba na Thursday ngayon?” Natigilan si Criszah. Doon lang niya naalala.Araw ito na balak niyang kausapin si Jude tungkol sa hiwalayan. Pero paano na ngayon? Nasa kamay ng ibang tao ang marriage certificate niya. Wala siyang maipapakita, wala siyang laban. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Jude na ninakaw ng sarili niyang pamilya ang papeles at pati ang bahay niya. Magulo ang isip niya, pero kalaunan'y pumayag din. “Sige… babalik ako ngayon din.” **** PAGDATING niya sa villa, totoo nga—lasing na lasing si Jude. Halos buhatin na niya ang bigat ng katawan nito, parang bagong katay na baboy sa bigat. Inalalayan niya ito, ipinahilig sa kaniyang sarili. Naamoy niya ang pabango ng lalaki—panlalaking cologne na ma

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 20

    **** Pagpasok niya sa bahay, napansin niyang iba na ang itsura. Na-renovate na ito. Mga bago ang gamit at halos mamahalin ang mga naroon. Kung hindi lang niya magulang ang nakatira rito, baka isipin niyang ibang bahay ang napasukan niya. Pumunta siya sa kaniyang kwarto—pero sinabi ng nanay niya habang inilalapag ang baso ng tubig: “Hindi ka naman na umuuwi, at wala ka namang ginagawa. Ginawa na lang naming study room ng kapatid mo ‘yan.” Natigilan siya, mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang kamao.Nagtataka siya, Grade 12 na si Zahara, at halos hindi na ito umuuwi dahil sa bigat ng mga gawain sa eskwela.Ilang beses tumayo ang kaniyang in na, halatang-halata sa bawat kilos at galaw ng buhok nito na gusto na niyang paalisin si Criszah.Ang kwartong tinutuluyan ni Criszah noon ay dati lamang imbakan ng mga maleta.Wala itong bintana, at halos hindi kasya ang isang maayos na kama.Mula nang tumira siya roon hanggang makapagtapos ng high school, sa maliit na kutson lang siya nagsis

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 19

    Sa kabilang linya, ibinaba na ni Jude ang telepono. Nanatili siyang nakatitig sa kawalan.Napansin ni Secretary Quinn na tila natulala ito, kaya marahan siyang nagpaalala, “Sir Jude?”Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Jude nang maalala ang sinabi ni Criszah—“mayabang at akala mo kung sino.”Ibig sabihin ba, iyon lang ang nakita nito sa kanya? Ang pagiging mayabang at dominante?O baka naman katulad lang siya ng iba—mahilig sa pera at marangyang buhay.“Wala ‘yon,” malamig niyang sagot habang pumipirma ng dokumento at inaabot kay Secretary Quinn. “Nga pala, let ke ask you something," napatingin ito sa kaniya, "Ano sa tingin mo sa acting ni Criszah?”Para bang hindi niya asawa si Criszah, kundi isa lang ordinaryong empleyado sa kumpanya.Sandaling nag-isip si Secretary Quinn bago sumagot, “Artista po si Ma’am—Isang napakagaling na artista.”“Exactly.” Sumandal si Jude sa upuan, walang emosyon ang mukha. “Lahat ng tao, may dalawang mukha.”Nagtaka naman ang si Secretary Quinn. Pero h

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 18

    Tahimik na bumalik ang usapan sa loob ng VIP room.Ngunit hindi na katulad kanina ang atmospera.Kung noong una ay sa bagong bise presidente ang sentro ng atensyon, ngayon ay paminsan-minsang napapatingin ang lahat kay Criszah.Hindi nila maiwasang maawa.Kahit may mataas na lagnat, pinilit pa rin nitong dumalo at makisama.Marahil ay napansin ni Rena ang unti-unting pagbabago ng ihip ng hangin.Hindi ito maaaring mangyari.Kakaupo pa lamang niya bilang vice president.Kailangan niyang makuha ang loob ng mga tao.Kailangan niyang maipakita kung sino ang may kapangyarihan.Maya-maya ay may isang babaeng empleyadong tumayo.Hindi ito kilala ni Criszah.Ngunit halatang gustong magpasikat sa bagong vice president."Ate Criszah," nakangiti nitong sabi, "kung hindi ka na puwedeng uminom, baka naman puwede kang kumanta.""Narinig ko kasi na maganda raw ang boses mo."Tumawa ang ilan."Sige na! Isang kanta lang!"Hindi pa man nakakasagot si Criszah ay bigla siyang tinulak ng babae.Hindi nama

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 17

    Pagdating ni Criszah sa restaurant, halos alas-onse na ng gabi.Tahimik niyang itinulak ang pintuan ng VIP room, ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay narinig na niya ang masasayang tawanan at usapan ng mga tao sa loob.Mainit ang salubong ng mga empleyado kay Rena. Halatang ginagawa ng lahat ang makakaya upang makuha ang loob ng bagong vice president."Ma'am, ang totoo? Bagay na bagay talaga kayo ni Sir Jude. Kapag magkatabi kayo, para kayong itinadhana." "Tama! Ang ganda n'yo, ang elegante pa ng dating. Hindi nakapagtataka kung bakit bagay kayo sa isang taong tulad ni President Jude. At higit sa lahat, para kayong reyna. Hindi kagaya ng ibang artista na umaasa lang sa koneksiyon."May isa pang sumabat habang umiiling."Si Criszah kasi, hindi alam ang lugar niya. Kung hindi dahil sa impluwensiya ng iba, hindi naman talaga siya aangat."Kasabay ng mga salitang iyon ay bumukas ang pinto. Biglang natahimik ang buong silid.Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon kay Criszah.

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status