LOGINTatlong taong naghintay si Criszah Montalban na mahalin ng lalaking pinakasalan niya. Si Jude De Leon, ang CEO at namamahala ng De Leon Empire. Tatlong taon siyang nanatili sa isang kasal kung saan siya lang ang lumalaban. Hanggang sa isang araw, napagod na rin siya. “Jude, kung sakali bang mawala ako balang araw, hahanapin mo ba ako?” Ngunit hindi alam ni Jude na sa pagkakataong iyon, hindi na pagmamahal ang hinihingi ni Criszah—kundi isang dahilan para manatili. At nang hindi niya iyon maibigay, pinili ni Criszah na umalis. Ngunit kapag ang babaeng minahal ka nang buong puso ay tuluyan nang bumitaw... Mababalik mo pa ba siya kapag ikaw naman ang natutong magmahal?
View MoreCHAPTER 1:
Kahit alam ni Jude De Leon na sinisiraan ng mga netizens ang kaniyang asawa na si Criszah Montalban, pinili pa rin niyang magtungo sa airport para sunduin ang kaniyang kababata. Grabe ang bash na inabot ni Criszah mula sa madla, kung titingnan mo ang mga post ngayon online, halos pangalan ng babae ang nilalaman. “Oh my gosh! Confirmed! Si Criszah Montalban ay isang kabit!” Komento iyon sa isang post ng dalawang pigura na magkatabi. Halatang old photo iyon. Agad na nakilala ni Criszah kung sino ang mga ito. Ang asawa niya iyon at ang kababata nitong si Rena Amares. Tatlong taon nang nagpahinga si Criszah sa pag-a-artista dahil nagpakasal siya sa isa sa mga mayamang pamilya sa Quezon City dahil sa kasunduan ng dalawang panig. Kasagsagan nang shooting niya sa Texas nang puntahan at pakasalan siya ni Jude noon sa naturang bansa. At ngayong nasa bansa na ang tunay na nagmamay-ari sa puso ng asawa, ano na ang mangyayari sa kaniya? Habang tinititigan niya ang trending topic ngayon sa site na pataas nang pataas ang views, likes, at comments hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa sarili. Ngayong araw ay ang 3rd anniversary nila ni Jude, at nagpa-book na siya ng maaga sa isang restaurant,na pagmamay-ari ng manager niya. Nakumpirma na niya ito sa asawa at hinihintay na lamang niya ang pagdating nito. Ngunit ilang oras na siyang naghihintay pero walang Jude, ang dumating. Pananghalian sana ang usapan nila pero mag-a-alas tres na lang ng hapon subalit hindi man lang ito sumipot. Kung hindi pa tumawag ang assistant nito, siguro maghapon siyang maghihintay sa multo. “Ma'am, pinapasabi po ni Sir na hindi siya makararating ngayon, may pupuntahan po kasi s'yang meeting. Mahalaga daw po kasi ang taong iyon.” “G-Ganon ba, sige.” tipid niyang sagot. Tahimik at palagi s'yang nakangiti kahit nasasaktan na siya. At ang palaging bukambibig ay ayos lang siya. Pero hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari, kaya naman luminga-linga siya sa paligid bago tuluyang tumayo. Ngayon lang niya napagtanto na ang 'napakahalagang' tao ay ang kababata ni Jude noong bata pa siya at ang kanyang one and only true love. Nang ikasal silang dalawa, wala iyong seremonya kaya naman walang may nakakaalam na siya ang legal wife ni Jude, bukod sa iilang myembro ng pamilya at kaibigan nito. Hindi rin siya naisasama ng lalaki sa kumpanya o kahit anong social gatherings. At nasanay na siya roon, kaya naman laking gulat niya nang tawagin s'yang kabit ng mga netizens at kung anu-ano na lang ang itawag sa kaniya. Bilang isang public figure, ang ganitong komento o opinyon ay isang kasiraan sa kaniyang pagkatao. “What are you waiting for, Cris? Call mister De Leon now! Kailangang ang De Leon Empire ang kikilos para lutasin ang nagkalat na fake news on several social media platform. Malaking kasiraan’to sa pangalan mo,” sabi ni Jo—ang kaniyang manager na nakasunod sa kaniya. Nasa opisina lang niya ito kanina ngunit nang makita ang trending, lumabas ito at lumapit sa kaniya. In fact, hindi lang niya ito manager, best friend niya rin ito kahit sampong taon ang tanda nito sa kaniya. At alam din nito ang totoong relasyon niya kay Jude. Bumuntonghininga si Criszah, bago tumigil. Kahit alam na niya ang mangyayari, kinuha pa rin niya ang selpon at nag-dial. Gaya nang kaniyang inaasahan, nakadalawang tunog pa lang, pinatay na nito ang tawag. “O, bakit hindi sumasagot si Mister De Leon?” nagtatakang tanong nito. Mapait na ngumiti si Criszah, mahigpit siyang napahawak sa kaniyang selpon, hindi niya alam kung sasabihin niya rito o hindi, pero kalaunan ay, “Assistant niya iyon. Baka busy lang kaya hindi niya agad nasagot.” Hindi naman alam ng kaniyang manager kung tatawa ito o iiling, habang nakahawak nang madiin sa kaniyang sintido. Legal na asawa si Criszah kaya bakit kailangan pang dumaan sa assistant nito kung kailangan niya ang prensensya ni Jude? “Hay naku, Criszah! Maloloka ako sa iyo! Anong klaseng asawa ba iyang asawa mo?! Ang mabuti pa talaga bumalik ka na lang sa pag-arte kung ganito lang naman ang inabot mo,” seryoso, pero halata ang inis sa boses ng manager. Huminga nang malalim si Criszah noong una'y nag-aalangan pa siya pero kalaunan ay direkta niyang tinawagan ang numero ni Jude na hiningi pa niya noon sa drayber nito. Makalipas ang ilang segundo, isang malalim at kaaya-ayang boses ang umalingawngaw sa kabilang linya. “Hello, sino ‘to?” Private number ito ni Jude at ang nakarehestro lamang ay mga importanteng kliyente saka iilang mga kaibigan. At malinaw na wala sa listahan ang pangalan ni Criszah. Nang marinig ang boses ng lalaki, nakaramdam ng pagkabahag si Criszah. Wala silang call sign at tanging pangalan lang ng lalaki ang binabanggit niya kapag nagkakasama sila. Pero ngayon, labis siyang nasaktan habang iniisip na may ibang kasama ang kaniyang asawa. “M-Mahal, ako ‘to,” halos pabulong niyang sagot. Hindi nakasagot ang nasa kabilang linya, animo'y nahinto ito sa paghinga. “How many times do I tell you, don't call me that kapag nasa labas tayo.” Pagkarinig, biglang nawalan ng lakas si Criszah, tila isa s'yang tuta na nabahag ang buntot. “I'm sorry, gusto ko lang sanang sabihin sa ‘yo na may taga-media na kumuha sa yo ng litrato. Gusto ko lang…” Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin nang bigla s'yang makarinig ng mahinang boses ng babae sa kabilang linya. Malumanay at ‘di makabasag pinggan ang tono nito. “Kuya, sino ba iyang kausap mo?” Nakaramdam si Criszah ng kirot sa kanyang dibdib, na para bang tinutusok iyon ng libo-libong matatalas na karayom. “Nothing,” rinig niyang sagot ng lalaki, na mas lalong nagpakirot sa kaniyang puso. “Okay.” Maya-maya narinig niyang tumikhim ito bago kaswal at malamig na nagsalita. “Kung may kailangan ka, puntahan mo na lang kami sa kumpanya para makapag-usap tayo. Nasa biyahe pa ako ngayon.” “Kung iyan ang gusto…” Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil ibinaba na nito ang tawag. Dahan-dahan na lamang ibinaba ni Criszah ang selpon at blanko iyong tinitigan bago tuluyang binuksan ang social media account niya, at bumungad sa kaniyang news feed ang isang reposted picture kung saan ang lalaking naka-black suit ay maiingat na pinoprotektahan ang ulo ng isang babae habang inalalayan itong makapasok sa kotse. At iyon din ang litratong nakita niya kanina. Bagama't hindi malinaw ang kanyang mukha, ang babae ay maliit at pino, parang isang hibla balahibo at magandang anghel na bumaba mula sa kalangitan. Sa isang kuha, nagulat ito noong una nang makita ang media, pagkatapos ay ngumiti at kumaway. Ang post ay naging viral, at nakakuha na ng libu-libong komento, likes at share. [Haha, makikita mo sa likuran niya na si Mr. De Leon ay isang tunay na heartthrob at gentleman.] [Ang sweet naman, nakakainggit tuloy. And now I officially announced na kayong dalawa ay perfectly match couple of the year!] Iilan lang na mga komento ng netizens sa naturang post. Sabog na rin ang notification ni Criszah, at nang buksan niya ang mga naka-tag, samot-saring bash pa ang kaniyang inabot. Ngunit hindi na niya iyon pinansin. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad hanggang sa marating ang parking area, agad na binuksan ni Criszah ang pinto ng kotse. “Hep hep hep, saan ka pupunta,” pigil ni Jo, sabay hawak ng kaniyang selpon. “May pupuntahan lang ako,” sagot niya. “At saan naman iyon?” naguguluhang tanong nito. Ngunit isang blangkong titig lang ang kaniyang naging sagot.Napaka-natural ng pag-arte ni Criszah kaya matapos niyang bigkasin ang mga linya, halos lahat ng staff sa set ay napahinto at naparamdam ang bigat ng eksena. Pagkasigaw ng direktor ng, “Cut!” Biglang napaiyak si Kiarah. “Ate Criszah! Acting lang ‘to, hindi mo kailangang manakit nang sadya!” Tahimik naman na tumingin si Criszah sa kanya. Pagkatapos, ginaya niya ang kilos nito kanina—tinakpan ang bibig at bahagyang napangiwi. “Ay, sorry… nadala lang ako sa role.” Walang kumampi kay Kiarah. Sa totoo lang, alam ng lahat ang nangyari. Kahit pinahiya siya kanina, tiniis lang iyon ni Criszah. Kaya ngayong gumanti siya— Walang may ganang magsalita. “Criszah,” tawag ng direktor, halatang impressed, “ang ganda ng reaction mo. Ulitin natin.” Hindi nakaimik si Kiarah. Wala s'yang nagawa kundi sumunod. Nang matapos ang eksena, halata ang limang marka ng daliri sa pisngi ni Kiarah. Pagkatapos ng shooting, hindi agad makatayo si Kiarah . Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyan
Sa kabilang banda, pagpasok ni Jude sa sasakyan, naroon na si Secretary Quinn, tahimik na naghihintay.Kagabi, sinigurado niyang maayos ang lahat sa villa—umaasang baka sakaling magkaayos ang mag-asawa. Hindi niya gustong mapagitna sa gulo ng dalawa.Bilang isang propesyonal, hindi siya pwedeng diretsahang magtanong.“Sir,” maingat niyang sabi, “may kailangan po ba si Ma’am na ipaasikaso?”Hindi man lang tumingala si Jude.“Wala.”Saglit siyang tumigil, saka malamig pang nagsalita.“At sa susunod, huwag mo akong i-schedule kung kani-kanino. Binabayaran kita para magtrabaho, hindi para ihatid ako sa kama ng iba.”Nanahimik si Secretary Quinn.Sa loob-loob niya, napabuntong-hininga siya.Kagabi ay bisperas ng Pasko.Mukhang… plano talaga ng babae ang umatras para makausad.Subalit sa nakita niyang reaksyon ng amo, alam niyang hindi nito nagustuhan ang nangyari.****MAKALIPAS ang ilang araw, sa wakas ay nakuha na ni Criszah ang kaniyang bagong ID. Eksaktong tumapat iyon sa pagsisimula n
Samantala, napakunot-noo si Secretary Quinn sa kabilang linya. Sa tono kasi ni Criszah, parang delivery rider lang ang turing niya kay Sir Jude.Ngunit hindi siya sumuko, muli siyang nag-dial, agad naman iyong sinagot ni Criszah. “Ma’am… nakalimutan n’yo po ba na Thursday ngayon?” Natigilan si Criszah. Doon lang niya naalala.Araw ito na balak niyang kausapin si Jude tungkol sa hiwalayan. Pero paano na ngayon? Nasa kamay ng ibang tao ang marriage certificate niya. Wala siyang maipapakita, wala siyang laban. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Jude na ninakaw ng sarili niyang pamilya ang papeles at pati ang bahay niya. Magulo ang isip niya, pero kalaunan'y pumayag din. “Sige… babalik ako ngayon din.” **** PAGDATING niya sa villa, totoo nga—lasing na lasing si Jude. Halos buhatin na niya ang bigat ng katawan nito, parang bagong katay na baboy sa bigat. Inalalayan niya ito, ipinahilig sa kaniyang sarili. Naamoy niya ang pabango ng lalaki—panlalaking cologne na ma
**** Pagpasok niya sa bahay, napansin niyang iba na ang itsura. Na-renovate na ito. Mga bago ang gamit at halos mamahalin ang mga naroon. Kung hindi lang niya magulang ang nakatira rito, baka isipin niyang ibang bahay ang napasukan niya. Pumunta siya sa kaniyang kwarto—pero sinabi ng nanay niya habang inilalapag ang baso ng tubig: “Hindi ka naman na umuuwi, at wala ka namang ginagawa. Ginawa na lang naming study room ng kapatid mo ‘yan.” Natigilan siya, mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang kamao.Nagtataka siya, Grade 12 na si Zahara, at halos hindi na ito umuuwi dahil sa bigat ng mga gawain sa eskwela.Ilang beses tumayo ang kaniyang in na, halatang-halata sa bawat kilos at galaw ng buhok nito na gusto na niyang paalisin si Criszah.Ang kwartong tinutuluyan ni Criszah noon ay dati lamang imbakan ng mga maleta.Wala itong bintana, at halos hindi kasya ang isang maayos na kama.Mula nang tumira siya roon hanggang makapagtapos ng high school, sa maliit na kutson lang siya nagsis






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews