Mag-log inTahimik na naman muli ang silid ko tanging panaka- nakang pagbuntong- hininga ko lamang ang aking naririnig. Humiga na ako sa kama at sinikap na makatulog ngunit hindi talaga ako dalawin ng antok. Kahit pa nagpabaling- baling na ako ng posisyon sa pagtulog hindi pa rin ako inaantok.
Sa nahuli ay napabangon at napasipat ako sa telepono ko na nakapatong sa bedside table. Kanina pa ay may gusto akong gawin kaya lamang ay nagdadalawang-isip ako kung dapat pa ba. Pero hindi talaga ako mapalagay, may nakikita pa akong munting pag-asang matatakasan ko itong sinasadlakan ko ngayon. Dali- dali kong kinuha ang aking telepono at tinipa ang numero ng aking kapatid. It is now or never, ito na ang huling pagkakataon ko upang mapilit si Bianca na umuwi na at siya na ang magpakasal kay Mr. Carlson dahil siya naman talaga ang tunay na fiancee nito na ayon na rin sa napirmahang dokumentong napagkasunduan. Lagda ni Heleana ang naroroon. So, ibig sabihin lang nun ay alam ni Mr.Carlson na si Heleana ang pakakasalan nito. Hindi ko alam kung hanggang sa pangalan lang ba ang pagkikilala ni Mr.Carlson sa kapatid ko o higit pa roon. Natatakot ako na mabuking ako sa aking pagpapaganggap bilang si Bianca. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nagsisinungaling o nag-iinarte. What you see in me is what you get. Kahit hindi ako palakaibigan. Ni minsan wala ako naging kaaway o nakatampuhan. Marunong kasi akong ilagay ang aking sarili sa tama at sanay akong magpakumbaba para wala na lang gulo. Hindi kasi ako pabida- bida at madalas nonchalant lang ako. Mas iwas hustle at mas panatag ang buhay. Ayaw na ayaw ko ang komplikasyon sa buhay o alalahanin pa. Nasanay akong nasa comfort zone lang palagi kaya’t naliligalig talaga akong isipin na paasukin at susuongin ko ng mag-isa ang napakakomplikadong sitwasyon na pag-aasawa lalo pa at magpapanggap ako ng ibang katauhan. I hurriedly dialed Heleana’s number on my phone hoping she would answer my call. Nabuhayan ako ng tumunog ang kanyang telepono. Pero ilang ring na ng kanyang telepono ay hindi pa rin nito sinasagot hanggang na call ended na lang. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa at tinawagan ko muli si Heleana. Makailang ring pa rin at nagcall ended na lang ay hindi pa rin sumasagot si Heleana. Until my last call, she answered it but hindi ako marinig ang boses ni Heleana bagkus loud background music na sa hula ko ay nanggagaling sa loob ng bar. “Hello… He… he—-llo Hel—-!,”as I usually call her by her nickname. But the other line was deaf to hear me out. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas at lumalagubog na tugtugin. Hindi pa man ako nakakapasok ng isang bar pero nakikinita ko na ang sarili ko na hindi matatagalan ang ganoong lugar. I am sure I am gonna pass out with that smoky, congested, noisy and dark place. “Alam kong nakikinig ka sa akin. Lena…please umuwi ka na at ikaw na ang sumipot sa kasal mo bukas… maawa ka sa akin bunso…alam mo naman na hindi ako sanay umarte at makiharap sa tao… hindi ko talaga kayang magpakasal kay Mr.Carlson…please sana umuwi ka na, maawa ka naman kina mommy at daddy,” mahabang paliwanag ko sa kanya ngunit wala talaga akong narinig na sagot maya- maya ay biglang pinatay nito ang linya kaya napamaang na lang ako sa kawalan. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang text message tone ng aking telepono. Agad kong binuksan at binasa ang mensahe. Sigurado akong kay Bianca nagmula ito pero nanlumo ako sa nilalaman ng kanyang text message. “Han…I am sorry but I will not marry that ugly dying man, I will not go home for that shitty forced wedding at isa pa I am with my boyfriend, I am enjoying my life with him and I will not let any one ruin my happiness I have now, not even that wedding. Ikaw na lang ang magpakasal sa kanya dahil wala ka namang kasintahan and no one ever love you like I do. Sorry but not sorry, but babawi ako sa iyo ate… just please give this once and lifetime chance with me… to be with my man. Good luck and bye!,” ayon pa sa pinadalang mensahe sa akin ni Heleana. Gumuho agad ang maliit na pag-asang makakatakas pa sa kasalan bukas. Who am I not to understand Bianca who might be deeply in love with her boyfriend. Hindi ko siya mahuhusgahan kung bakit mas pinili niya ang kasintahan kaysa sa amin dahil kahit kailan hindi pa ako sumugal sa pag-ibig. Susugal ako sa kasalan bukas dahil sa isang kasunduhan. An agreement devoid of love. Hindi ko namalayan kung paano at kailan ako nakatulog basta’t naggising na lang ako sa tapik sa aking balikat ni Yaya Lulu.Konti lang ang results na lumabas at karamihan ay maikli lang na statement at general knowledge patungkol sa kanya. Wala din mga larawan na nakapost online. Napagod na ang aking mga mata kakabrowse wala rin akong napala kaya tinigilan ko na lang. Talagang napakapribadong tao pala ang napangasawa ni Bianca. Lalo akong nahihiwagaan sa mysterious type of a man ni Hansel. Hindi na rin naman ako inaantok at malapit ng maghatinggabi. Mukhang tinalaban ako ng kape pati buo kong katawan ay parang nawala rin ang hina at mas gusto pa yatang gumalaw- galaw kaysa mahiga at magpahinga. Hindi na ako pumanhik sa itaas. Naglakad- lakad na lang ako at ginala ang buong sulok ng mansiyon. Lahat ng ilaw sa buong kabahayan ay nakasindi. Napakaliwanag at nakakasilaw sa ubod ng puti ng bawat sulok ng wallings. Walang kalat at walang alikabok akong nakikita. Ano ba iyan wala akong lilinisin dito? Total hindi naman ako makatulog ay mabuti pang mag-ayos at maglinis. Pero sa nakikita ko ay par
Inabot ko ang aking telepono sa side table at tiningnan ang oras, mag-aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Hansel. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng lahat ng mga maybahay kapag late na umuuwi ang kanilang mister. Saklap naman pala makapag-asawa ng lalakeng mahilig magliwaliw sa gabi. Sa naisip ko, hindi mapigilang maalala ang sinabi sa akin ni Hansel kahapon na wala siyang mapapala kung didito siya kasama ko dahil hindi ko naman maibigay sa kanya ang gusto niya. Ibig sabihin lang ba niyan ay katawan ko lang ang habol niya? At nang hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya ay kukunin niya iyon sa iba? Kaya ba umalis siya ngayon dahil hindi ko siya masatisfy? Ganoon ba talaga ang mga lalake? Gaano ko ba kakilala si Hansel Carlson para maisip ko ah este ang kapatid ko na pagtaksilan? Oo nga’t pinakasalan niya ako este si Heleana at bumungat siya ng mga salitang pag-ibig pero sapat ba iyon sa ipinapakita niya sa akin ngayon na nilayasan niya ako sa gitna ng aming pu
Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Hansel, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Hansel. Maaga- aga pa naman. Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Hansel at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon. Konting tiis pa Hannah. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi. Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Hansel kahit pa impo
Hinalungkat ko ang laman ng ref at naghanap ng easy to cook meal para sa akin at para na rin sa amin ni Hansel. Baka sakaling umuwi iyon ngayong dinner. Pasado alas kuwatro pa naman ng hapon. Mahaba pa ang oras para makapaghanda ako ng maluluto para sa hapunan. Gumawa muna ako ng lettuce salad with apples and cucumber para malamig mamayang dinner. Ngumuya naman ako ng sandwich with peanut butter habang inihahanda ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Plano kong magluto ng chopsuey at sinigang na isda. Bisaha na ako sa pagluluto ng ganitong putahe dahil lage akong tumutulong kay nanay Fely sa pagluluto. Kahit pa alaga at amo ako ni nanay Fely ay hindi ko iyon inisip. Tinuring ko na siyang ikalawang nanay bukod kay mommy. Namiss ko tuloy siya at kanyang pag-aalagang parang tunay niya akong anak. Wala ng pamilya si nanay Fely. Singkwento anyos na rin ito tulad ni mommy. Hiwalay na ito sa kanyang asawa na umapid sa iba. May isa sanang anak si nanay Fely ngunit maaga
May nakita akong kakaibang switch sa gilid ng bed. Hindi naman ang switch ng ilaw ang hitsura nito. Nacurious ako kaya’t lumapit ako rito at pinindot ko ito at bigla na lang bumukas ang walling sa kaliwang bahagi. Kaya pala napakalapad ng bahaging ito sa gilid ng kama. Akala ko ay pader lang iyon pala ay may secret door na bigla na lang bumubukas. Napakahigh- tech naman pala nitong mansiyon. Kung ang ancestral home namin sa probinsiya ay makaluma. Dito naman ay napakamoderno na kailangan ko talagang sanayin at mag-adjust dahil pansamantala ito muna ang magiging tahanan ko hangga’t hindi pa nakakabalik ang kapatid ko. Sana na lang talaga ay madali akong makabagay dito at unti-unti na ring matutunang mahalin ang magsisilbing tahanan ko. Okay lang na mahalin ko itong mansiyon huwag lang ang may ari nito dahil talagang malalagot ako. Sana ganoon lang kadaling ipagtapat kay Hansel ang lahat. Sana ay magkaroon ako ng lahat ng loob upang aminin sa kanyang impostora lang ako a
“Oh, my gosh, hija!, he must be really a super billionaire kayang- kaya niyang bumili ng mansiyon ora mismo!,” hiyaw ni mommy. Marami pa kaming napag-usapan ni mommy. Ang ilan ay walang katapusang tagubilin at paalala. Ako na mismo ang nagpaalam sa kanya dahil mukhang walang balak siyang tapusin ang aming pag-uusap. Nang maibaba ko na ang aking telepono ay sinubukan kong e-dial ang numero ni Heleana. Baka sakaling makontak ko siya. Gusto ko na rin kasing matapos agad itong pagpapanggap ko. Ayaw ko ng pahabain pa ang oras na ilalagi ko rito pati ang makasama si Hansel baka sa huli ako lang ang magiging talunan. Pero bigo ako unattended na ang numero ni Heleana baka nga nagpalit na ito ng numero. Paano ako makakalaya sa kamay ni Hansel kung sakaling hindi na bumalik si Heleana. Paano na ang sarili kong buhay? Baka habang-buhay na akong magpapanggap. Huwag naman sana. Napagod na ako na katitipa ng numero ni Heleana kaya’t napagpasyahan ko na lang na magshower upang gumaan naman







