Mag-log inHER POV
Hindi ako makatulog. Bukas na ang aking kasal. Bukas magiging isang substitute bride na ako. Bukas ay magiging isa na akong asawa ng isang pangit at may taning na ang buhay. Kahit tatlong buwan lang ang itatagal ng pagsasama namin ay may halong takot pa rin ang nanalalaytay sa aking dibdib. Deep in my heart and mind, ayaw ko talagang makasal. Ni minsan hindi ko naisip na magpakasal kahit nasa hustong edad naman din ako. Wala akong naging kasintahan simula’t sapul ng aking pagdadalaga. Manliligaw marami pero hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa akin. Iwas ako sa mga lalake. Para sa akin sagabal lang sila sa aking pag-aaral at lalong- lalo na sa aking health issues. Hindi ko pinagtuonan ang pakikipagsyota o pangongolekta ng mga manliligaw. Bahay at eskwela lang talaga ako at kahit dalawang taon na mula nang makapagtapos ako ng pag-aaral. Mas pinili ko ang mamuhay ng payak sa loob ng aking healing home. Kaya siguro madali na lang ang pagsang- ayon ko kina mommy at daddy na magpakasal kay Mr.Carlson dahil sa loob loob ko makabayad man lang ng utang na loob sa kanila sa lahat ng sakripisyo nila sa akin mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Ayaw ko silang masaktan at kaligayahan lang nila ang aking iniisip. Pero isang bagay lang talaga ang nagpakumbinsi sa akin upang pumayag na maging substitute bride ni Mr. Carlson iyon ay maisalba ang aming ancestral home na nagsisilbing healing therapy ko sa tuwina. Simula kasi ng mamatay ang aking abuelo at abuela ay para na rin akong nawalan ng masasandalan. Sila kasi talaga ang may malaking ambag sa aking kamusmusan. Si Lala Aya o aking mahal na abuela ay mahilig akong kuwentuhan at basahan ng mga fairy tales samantalang si Lolo Anton naman ay madalas na nakikipaglaro sa akin. Sa tuwing nagkakasakit ako o masama ang pakiramdam, tanging malamyos nilang awitin ay laging nagpapakalma sa akin. Pareho sila kasing mahilig kumanta at sa kanila ko rin natutunan ang pagtipa ng piano na buhay na buhay pa rin nakalagak sa sala ng ancestral home. That old house has a lot of sentimental memories from the inner child of me that I don’t want to let go. Isa nga siguro akong makaluma at emosyal ang pagkatao dahil hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa pagkawala ng aking abuelo at abuela. It was a tragic day that was supposed to be my 9th birthday party that ended in the loss of the lives of my grandparents. Nadisgrasya ang sinasakyan nilang bus papunta ng lungsod upang makadalo sa aking party. Isa sila sa mga pasaherong nasawi sa nasabing aksidente. Napakurap- kurap ako ng maagaw ang atensiyon ko sa pagbabalik- tanaw sa mahinang katok sa labas ng pintuan. Dagli kong pinunasan ang aking pisngi na nabasa na pala ng aking mga luha. “Tuloy po…,” mungkahi ko pa sa taong nasa labas. “Hija… Han…bakit gising ka pa? hindi ka ba makatulog nak?,” pumasok agad sa silid ko si Mommy at naupo sa aking tabi sa ibabaw ng kama. “Uhmn… eyyyy… o—po,” tango ko pa. “Heto uminom ka muna ng gatas ng mainitan iyang sikmura mo,” inabot niya sa akin ang baso at sinunod ko nga ang sabi ni mommy. Totoo nga at umipekto naman ng bahagya sa aking sikmura ang mainit na gatas ngunit hindi pa rin nito naggagamot ang mga pag-aalinlangan at mga bumabagabag sa aking puso at isipan. “Good… Han, anak… alam kong nabibigla at hindi ka pa rin makapaniwala na ikakasal ka na bukas… salamat anak sa pagsasakripisyo… mahal na mahal ka namin anak… lage mo sanang tandaan iyan at huwag mong isipin na ginusto din namin na mangyari ito sa iyo,”pahayag pa ni mommy ng maluhaluha at hinawakan ang isang kamay ko na may hawak ng basong wala ng laman. Napayakap ako ng mahigpit kay mommy. Hindi ko napigilang humikbi. Kahit anong pilit kong magpakatatag ay nilulukob pa rin ako ng takot at pangamba.Makakayanan ko kayang makisama sa isang tulad ni Mr. Carlson? Makakayanan ko kayang ang pagpapanggap bilang si Heleana? “Shhhh… tahan na Han… everything will be fine… alam mo bang ganitong- ganito rin ako tulad mo noong gabi bago ang kasal namin ng daddy mo… I was crying in pain and in turmoil!,” pang-aalo ni mommy sa akin. “Iba naman kasi ang sa inyo ni daddy my… eh!!! You love him kaya and you were lovers before you got married!,” turan ko pa na humiwalay sa pagyakap ko kay mommy. “Correction… we were not lovers, we were forced to marry each other … pareho kaming may mga kasintahan dati pero dahil sa bata pa kami ay pinagkasundo na kami ng mga magulang namin… eh, wala kaming naggawa but to obey for our parent’s happiness,” pahayag pa ni mommy sa akin kaya’t nawindang ako sa mga rebelasyon niya sa akin. “That is so selfish of them, what about your own happiness, dad’s happiness?,” himutok ko pa. “Iba kasi ang mga pananaw ng mga nakakatanda sa noon anak, ang mga salita nila ang batas kaya’t tulad mo ay nagsakripisyo din kami ng daddy mo alang- alang sa nakakarami!,” dagdag niya pa. “Paano mo naggawang mahalin si daddy my? eh pilit lamang ang kasal ninyo?,” usisa ko pa. “We started the wrong way but we both worked it out and see where we are right now… we have two beautiful daughters, kung hindi kami ang nagkatuluyan eh wala kayo hindi bah?, what I mean Bern… look at the bright side and not the negative side upang mas madali mong matanggap ang katotohanan,” masinsinang mungkahi ni mommy sa akin. “Iba naman kasi sitwasyon ninyo ni daddy… kilala na ninyo ang isa’t isa bago pa kayo pinilit magpakasal at isa pa gwapo kaya si daddy at higit sa lahat hindi pa mamamatay,” hirit ko pa. “Iyon na nga Han.. that’s the exciting and challenging part of your sacrifice, God has a greater purpose why things happen not the way we like it. Maybe you are destined by God to be of help to your dying husband to be. Malay mo ikaw ang kanyang dinarasal sa Diyos na magbibigay sa kanya ng kasayahan bago man lang siya mamaalam dito sa mundong ibabaw,” mahabang parangal sa akin ni mommy. “My… hindi ko alam psychologist ka na pala at pastora pa? ayieeh… maybe that’s the biggest reason why dad fell madly in love with you… you have a positive thoughts about life… sana katulad mo rin ako my,” pagbibiro ko pa but in the end, seryoso akong napatitig kay mommy. “Alright… shhh…tama na nga ang usapan natin… matulog ka na para blooming at may lakas ka bukas huwag na magpuyat at mag-isip pa ng kung ano- ano, okay?,” paalala pa ni mommy. “Good night my… mahal na mahal din kita kayo ni daddy!,” humalik ako sa pisngi ni mommy bago siya tumayo at nagpaalam at tuloy- tuloy ng lumabas ng silid ko.Konti lang ang results na lumabas at karamihan ay maikli lang na statement at general knowledge patungkol sa kanya. Wala din mga larawan na nakapost online. Napagod na ang aking mga mata kakabrowse wala rin akong napala kaya tinigilan ko na lang. Talagang napakapribadong tao pala ang napangasawa ni Bianca. Lalo akong nahihiwagaan sa mysterious type of a man ni Hansel. Hindi na rin naman ako inaantok at malapit ng maghatinggabi. Mukhang tinalaban ako ng kape pati buo kong katawan ay parang nawala rin ang hina at mas gusto pa yatang gumalaw- galaw kaysa mahiga at magpahinga. Hindi na ako pumanhik sa itaas. Naglakad- lakad na lang ako at ginala ang buong sulok ng mansiyon. Lahat ng ilaw sa buong kabahayan ay nakasindi. Napakaliwanag at nakakasilaw sa ubod ng puti ng bawat sulok ng wallings. Walang kalat at walang alikabok akong nakikita. Ano ba iyan wala akong lilinisin dito? Total hindi naman ako makatulog ay mabuti pang mag-ayos at maglinis. Pero sa nakikita ko ay par
Inabot ko ang aking telepono sa side table at tiningnan ang oras, mag-aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Hansel. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng lahat ng mga maybahay kapag late na umuuwi ang kanilang mister. Saklap naman pala makapag-asawa ng lalakeng mahilig magliwaliw sa gabi. Sa naisip ko, hindi mapigilang maalala ang sinabi sa akin ni Hansel kahapon na wala siyang mapapala kung didito siya kasama ko dahil hindi ko naman maibigay sa kanya ang gusto niya. Ibig sabihin lang ba niyan ay katawan ko lang ang habol niya? At nang hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya ay kukunin niya iyon sa iba? Kaya ba umalis siya ngayon dahil hindi ko siya masatisfy? Ganoon ba talaga ang mga lalake? Gaano ko ba kakilala si Hansel Carlson para maisip ko ah este ang kapatid ko na pagtaksilan? Oo nga’t pinakasalan niya ako este si Heleana at bumungat siya ng mga salitang pag-ibig pero sapat ba iyon sa ipinapakita niya sa akin ngayon na nilayasan niya ako sa gitna ng aming pu
Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Hansel, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Hansel. Maaga- aga pa naman. Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Hansel at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon. Konting tiis pa Hannah. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi. Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Hansel kahit pa impo
Hinalungkat ko ang laman ng ref at naghanap ng easy to cook meal para sa akin at para na rin sa amin ni Hansel. Baka sakaling umuwi iyon ngayong dinner. Pasado alas kuwatro pa naman ng hapon. Mahaba pa ang oras para makapaghanda ako ng maluluto para sa hapunan. Gumawa muna ako ng lettuce salad with apples and cucumber para malamig mamayang dinner. Ngumuya naman ako ng sandwich with peanut butter habang inihahanda ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Plano kong magluto ng chopsuey at sinigang na isda. Bisaha na ako sa pagluluto ng ganitong putahe dahil lage akong tumutulong kay nanay Fely sa pagluluto. Kahit pa alaga at amo ako ni nanay Fely ay hindi ko iyon inisip. Tinuring ko na siyang ikalawang nanay bukod kay mommy. Namiss ko tuloy siya at kanyang pag-aalagang parang tunay niya akong anak. Wala ng pamilya si nanay Fely. Singkwento anyos na rin ito tulad ni mommy. Hiwalay na ito sa kanyang asawa na umapid sa iba. May isa sanang anak si nanay Fely ngunit maaga
May nakita akong kakaibang switch sa gilid ng bed. Hindi naman ang switch ng ilaw ang hitsura nito. Nacurious ako kaya’t lumapit ako rito at pinindot ko ito at bigla na lang bumukas ang walling sa kaliwang bahagi. Kaya pala napakalapad ng bahaging ito sa gilid ng kama. Akala ko ay pader lang iyon pala ay may secret door na bigla na lang bumubukas. Napakahigh- tech naman pala nitong mansiyon. Kung ang ancestral home namin sa probinsiya ay makaluma. Dito naman ay napakamoderno na kailangan ko talagang sanayin at mag-adjust dahil pansamantala ito muna ang magiging tahanan ko hangga’t hindi pa nakakabalik ang kapatid ko. Sana na lang talaga ay madali akong makabagay dito at unti-unti na ring matutunang mahalin ang magsisilbing tahanan ko. Okay lang na mahalin ko itong mansiyon huwag lang ang may ari nito dahil talagang malalagot ako. Sana ganoon lang kadaling ipagtapat kay Hansel ang lahat. Sana ay magkaroon ako ng lahat ng loob upang aminin sa kanyang impostora lang ako a
“Oh, my gosh, hija!, he must be really a super billionaire kayang- kaya niyang bumili ng mansiyon ora mismo!,” hiyaw ni mommy. Marami pa kaming napag-usapan ni mommy. Ang ilan ay walang katapusang tagubilin at paalala. Ako na mismo ang nagpaalam sa kanya dahil mukhang walang balak siyang tapusin ang aming pag-uusap. Nang maibaba ko na ang aking telepono ay sinubukan kong e-dial ang numero ni Heleana. Baka sakaling makontak ko siya. Gusto ko na rin kasing matapos agad itong pagpapanggap ko. Ayaw ko ng pahabain pa ang oras na ilalagi ko rito pati ang makasama si Hansel baka sa huli ako lang ang magiging talunan. Pero bigo ako unattended na ang numero ni Heleana baka nga nagpalit na ito ng numero. Paano ako makakalaya sa kamay ni Hansel kung sakaling hindi na bumalik si Heleana. Paano na ang sarili kong buhay? Baka habang-buhay na akong magpapanggap. Huwag naman sana. Napagod na ako na katitipa ng numero ni Heleana kaya’t napagpasyahan ko na lang na magshower upang gumaan naman







