Share

CHAPTER 13: BITE MARK

Author: febbyflame
last update publish date: 2026-07-30 16:28:11

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Kristine habang tila binibiyak ang kaniyang ulo sa matinding sakit. Napangiwi siya at marahang napahawak sa kaniyang sentido, pilit inaalala kung ilang baso nga ba ang nainom niya noong nakaraang gabi. Mabigat pa rin ang kaniyang mga talukap at parang walang lakas ang buong katawan niya.

Nang subukan niyang umupo ay napapikit siya sa kirot na kaniyang naramdaman. Hindi niya malaman kung dulot ba iyon ng sobrang pagod, alak, o ng kung anong nangyari matapos s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iza May
Salamat naman po at naka pag update ka miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 16: MARKA NI D!

    Matapos ang mahabang pag-uusap nila ni Jill ay nanatili muna si Kristine sa coffee shop nang ilang minuto upang ayusin ang kaniyang sarili. Humarap siya sa maliit na salamin sa loob ng comfort room at pinagmasdan ang sariling repleksiyon. Bahagyang namumugto pa ang kaniyang mga mata, at kahit inayos niya ang buhok at naglagay ng kaunting make-up ay hindi niya kayang itago ang pagod na nakaukit sa kaniyang mukha.Huminga siya nang malalim at ilang beses na pinilit pakalmahin ang sarili bago tuluyang lumabas. Kailangan niyang umuwi, dahil higit sa lahat ng problema niya ay may isang batang naghihintay sa kaniyang tahanan.Pagpasok niya sa sasakyan ay ilang sandali siyang nanatiling nakaupo bago pinaandar ang makina. Sa buong biyahe ay paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Ngunit sa pagkakataong iyon ay ayaw muna niyang isipin ang lahat ng iyon.Gusto lamang niyang makita ang anak niya at makasiguro na maayos ito. Kahit saglit lamang ay gusto n

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 15: HUMILIATED

    Nanatiling nakatayo si Amber sa tabi ng kanilang mesa habang naghihintay ng magiging tugon ni Kristine. Bahagyang nakataas ang sulok ng mga labi nito, tila kumpiyansang hindi siya tatanggihan sa harap ng maraming tao. Tahimik namang nagpalipat-lipat ang tingin ni Jill sa dalawang babae, ramdam ang biglang pagbigat ng atmospera sa loob ng coffee shop. Maging ang mahihinang tugtog sa paligid ay tila nawala sa pandinig nila. Lahat ay parang huminto sa loob ng ilang segundo.Dahan-dahang ibinaba ni Kristine ang tasa ng kape sa mesa bago niya iniangat ang kaniyang paningin. Wala na ang takot na kanina lamang ay malinaw na mababanaag sa kaniyang mukha. Sa halip ay isang kalmadong ekspresyon ang sumalubong kay Amber, kahit mahigpit niyang pinipigil ang kaba sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga siya nang malalim bago tuluyang nagsalita. Hindi siya umiwas ng tingin kahit isang saglit.“Sorry, Amber,” mahinahon ngunit matatag niyang sambit. “We can't allow you to join us because we're discussing

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 14: THINK LIKE NOTHING HAPPENED

    Nang makitang lalapit pa si Daveron ay mabilis na umangat ang isang kamay ni Kristine bilang pagpigil. Napahinto ang binata sa kalagitnaan ng kaniyang hakbang at tahimik lamang siyang tumitig sa babaeng nakabalot pa rin ng kumot. Halata sa namumula nitong mga mata na kanina pa nito pinipigilan ang pagluha. Maging ang mga labi nito ay bahagyang nanginginig habang pilit nitong kinakalma ang sarili. Sa pagitan nilang dalawa ay tila muling bumigat ang hangin sa loob ng silid.“This is wrong,” nanginginig na sambit ni Kristine habang marahang umiiling. “You have a wife... and a child.” Saglit siyang napapikit at isang mainit na luha ang dahan-dahang gumulong sa kaniyang pisngi. “Maling-mali ito,” halos pabulong niyang dugtong, na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay unti-unting dumudurog sa sarili niyang puso.Nanatiling tahimik si Daveron habang nakatitig lamang sa kaniya. Hindi niya agad itinanggi ang sinabi ni Kristine, bagkus ay pinagmasdan lamang niya ang lungkot na nakau

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 13: BITE MARK

    Unti-unting nagmulat ng mga mata si Kristine habang tila binibiyak ang kaniyang ulo sa matinding sakit. Napangiwi siya at marahang napahawak sa kaniyang sentido, pilit inaalala kung ilang baso nga ba ang nainom niya noong nakaraang gabi. Mabigat pa rin ang kaniyang mga talukap at parang walang lakas ang buong katawan niya. Nang subukan niyang umupo ay napapikit siya sa kirot na kaniyang naramdaman. Hindi niya malaman kung dulot ba iyon ng sobrang pagod, alak, o ng kung anong nangyari matapos siyang mawalan ng ulirat.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang iminulat ang mga mata at sinuyod ng tingin ang buong silid. Malawak ang kuwarto, moderno ang disenyo, at mula sa kisame hanggang sahig na bintana ay tanaw ang matatayog na gusali ng Bonifacio Global City. Hindi iyon ang kaniyang silid. Hindi rin iyon ang kaniyang bahay. Bigla siyang nakaramdam ng malamig na kilabot na gumapang sa kaniyang batok.Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang sarili. Doon lamang niya napagtant

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 12: WET DREAMS OR REAL?!

    WARNING!!! DETAILED HOT SCENE AHEAD!Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang humupa ang pagsusuka ni Kristine. Halos wala na itong malay habang nakasandal sa gilid ng kama, mabigat ang paghinga at namumutla ang mukha. Tahimik na inilapag ni Daveron ang basong may tubig sa bedside table at pinagmasdan ang kalagayan nito.Doon lamang niya napansing may mga mantsa na rin ng suka ang damit ng babae. Napabuntong-hininga siya habang napapikit, tila naghahanap ng ibang paraan upang hindi na niya gawin ang susunod na kailangan.“Seriously… this if fvcking torture.” mahina niyang bulong sa sarili. Alam niyang hindi maaaring pabayaan si Kristine na matulog sa ganoong kalagayan dahil baka lalo lamang itong magkasakit. Ngunit ang simpleng ideya ng pagpapalit ng damit nito ay sapat na upang maging hindi siya mapalagay. Hindi iyon dahil sa pagkainis, kundi dahil sa respeto na nananatili pa rin niya para sa babaeng minsan niyang minahal.Gano’n pa man ay wala siyang ibang mapagpipilian sa sandali

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 11: GENUINE CARE

    Paglabas ni Kristine mula sa comfort room ay bahagya niyang hinilot ang kaniyang sentido. Unti-unti nang umiikot ang kaniyang paningin dahil sa ilang baso ng wine na nainom niya, at pakiramdam niya ay bahagya nang lumulutang ang kaniyang katawan. Humugot siya ng malalim na hininga habang nakasandal sandali sa dingding ng hallway.Nang maramdaman niyang medyo maayos na ang kaniyang balanse ay muli siyang naglakad pabalik sa mesa nila ni Jill. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may isang matangkad na pigurang papalapit sa kabilang direksiyon.Bahagyang napatigil si Kristine at napakurap nang ilang beses. Nanlalabo ang kaniyang paningin kaya pilit niyang sininagan ng ilaw ang mukha ng lalaking papalapit. Ilang segundo siyang nakatitig rito bago marahan siyang napasimangot.“Leche naman, oh…” bulong niya habang napapailing. “Pati ba naman dito... ginugulo mo pa rin ako?”Samantala, kagagaling lamang ni Daveron sa isang pribadong business dinner sa ikalawang palapag ng Enchanted Bar. H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status