Share

CHAPTER 7: ISKETCHBOOK

Author: febbyflame
last update publish date: 2026-07-03 23:23:10

Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executives at investors mula sa conference room. Naroon pa rin ang ingay ng mga pag-uusap, tunog ng mga upuang itinutulak pabalik sa mesa, at mga pagbati tungkol sa matagumpay na negosasyon.

Ngunit para kay Daveron, tila wala siyang naririnig.

Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang puwesto habang nakatitig sa saradong pinto ng conference room.

Kanina pa umalis si Kristine. Hindi man lang ito nagpaalam. Hindi man lang lumingon.

Mariing napakuyom si Daveron sa kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kristine mula nang magkita sila.

Limang taon.

Limang mahabang taon.

At sa loob ng limang taong iyon, hindi niya alam kung ilang beses niyang sinubukang hanapin ang babae. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung bakit ito nawala nang walang paliwanag.

Kung bakit bigla na lamang siyang iniwan. Kung bakit hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong marinig ang dahilan.

Ngunit nang muli niya itong makita ngayon...

Wala siyang nakitang sakit. Wala siyang nakitang panghihinayang. Tanging malamig na mga mata lamang ang makikita sa mga mata nito. Parang wala silang pinagsamahan.

Parang isa lamang siyang estranghero sa buhay nito.

Napabuntong-hininga siya.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, muli niyang naalala ang boses na narinig niya sa lobby.

“Mommy!”

Napakurap siya. Kasunod noon ay bumalik sa alaala niya ang boses ng isang batang lalaki. Parang sabik na sabik makita ang ina nito.

Hindi niya nakita ang mukha ng bata. Hindi niya man lamang ito nasilayan nang maayos. Ngunit may kakaibang pakiramdam na naiwan sa kaniya. Pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa isip.

Bakit ganoon? Bakit tila may kung anong humihila sa kaniya para isipin ang batang iyon? Bakit tila may koneksyon na hindi niya maipaliwanag?

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto.

“Come in.”

Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Joey habang may hawak na tablet.

“Sir.”

Napatingin si Daveron. “Ano iyon?”

“Nakaalis na po ang lahat ng investors. Nakumpirma na rin po nila ang partnership agreement.”

Tumango lamang siya. Karaniwan ay matutuwa siya sa balitang iyon. Ngunit ngayon ay tila wala siyang ganang magdiwang.

Napansin iyon ni Joey. Matagal na itong nagtatrabaho para sa kaniya. Halos kabisado na nito ang bawat kilos niya. At alam nitong may bumabagabag sa isip ng amo nito.

“May problema po ba, Sir?”

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila, pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Naglakad siya papunta sa malaking bintana ng conference room.

Mula roon ay tanaw ang kalahati ng siyudad. Ngunit wala siyang nakikita. Dahil nasa ibang lugar ang isip niya.

“Joey.”

“Yes, Sir?”

“Iyong batang nasa lobby kanina.”

Nanigas si Joey. At hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Daveron. Akala niya ay makakalimutan na ang inisdenteng ‘yon.

Dahan-dahang lumingon si Daveron. At doon niya nakita ang bahagyang pag-igting ng panga ni Joey.

“Ano po ang tungkol sa bata, Sir?”

Mariing pinagmasdan siya ni Daveron.

“Kilala mo ba siya? O nakita mo ba siya?”

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Joey.

“Hindi po, Sir.”

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi agad nagsalita si Daveron. Tahimik lamang siyang nakatingin. At habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan nila, lalo namang hindi mapakali si Joey.

Dahil alam niyang delikado iyon. Kapag tahimik si Daveron, ibig sabihin ay nag-oobserba ito. Nag-aanalisa. At madalas… Tama ang mga hinala nito.

“You're lying.”

Parang bumigat ang hangin sa buong silid.

Napalunok si Joey. “Sir—”

“You're lying, Joey.” malamig ang boses ni Daveron.

“Ano ang alam mo tungkol sa batang iyon?”

Napayuko si Joey.

Sa isip niya ay nag-aalangan siya. Dahil kanina ay aksidente niyang narinig ang inutos ni Kristine sa sekretarya.

Doon pa lang ay naghinala na siya na baka si Kristine ang hinahanap ng bata. Lalo lang niyang nakumpirma nang makita niya mismo ang bata. At sa unang tingin pa lang alam na niya—na may lihim na tinatago si Kristine.

At ayaw niyang makielam. Alam niya ang pinagdaanan nito noon, kaya pilit niyang pinanatili ang kalmadong mukha.

“Wala po akong alam, Sir.”

Tumaas ang kilay ni Daveron. “Wala?”

“Sa tingin ko po ay kamag-anak lang ng isa sa mga empleyado natin.” sabay kibit balikat niya.

“Are you sure na empleyado natin?”

“Yes, Sir.”

Napailing si Daveron.

Hindi siya kumbinsido. Hindi man lang kaunti. Dahil may isang bagay na hindi niya makalimutan.

Ang reaksyon ni Kristine. Nang marinig nito ang sigaw ng bata. Nang marinig nito ang pangalang iyon. Parang bigla itong natakot. Parang may bagay itong desperadong gustong itago.

At iyon ang hindi niya maintindihan.

Bakit?

Ano ang mayroon sa batang iyon?

Ano ang mayroon sa batang iyon na kayang baguhin ang ekspresyon ng isang babaeng hindi natitinag sa kahit anong sitwasyon?

Tahimik na napabuntong-hininga si Daveron.

Pagkatapos ay muling tumingin sa labas ng bintana. At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon...

Muling bumalik sa isip niya ang isang tanong na matagal na niyang sinubukang kalimutan.

Isang tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

“What really happened when Kristine left?”

At habang nakatanaw siya sa papalubog na araw sa pagitan ng mga gusali ng siyudad, hindi niya alam na ilang kilometro lamang ang layo niya sa pinakamahalagang katotohanan ng buhay niya.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay abala na ang buong Almonte’s Corporation.

Sunod-sunod ang mga meeting, tawag mula sa mga investors, at mga dokumentong kailangang pirmahan matapos ang matagumpay na partnership deal noong nakaraang araw.

Ngunit sa kabila ng lahat, may isang taong hindi pa rin mapakali.

Si Daveron.

Tahimik siyang nakaupo sa loob ng opisina habang nakatanaw sa mga dokumentong nasa harapan niya.

Ngunit ilang beses na niyang binabasa ang parehong pahina nang hindi man lamang naiintindihan ang nilalaman nito.

Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kahapon.

Ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ni Kristine. Ang batang sumisigaw ng “Mommy.”

At ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam na para bang may mahalagang bagay siyang nalilimutan.

Isang bagay na matagal nang nawawala sa buhay niya. Napabuntong-hininga siya at isinara ang folder.

Eksakto namang kumatok si Joey.

“Come in.”

Pumasok ang sekretaryo habang may hawak na ilang dokumento.

“Sir, nandito na po ang reports para sa quarterly review.”

Tumango lamang si Daveron. Inilapag ni Joey ang mga papel sa mesa. Ngunit bago pa ito makalabas ay muli itong tinawag ng kaniyang amo.

“Joey, wait.”

Huminto ito. “Yes, Sir?”

“May nakuha ba kayong impormasyon tungkol kay Kristine?”

Bahagyang natigilan ang lalaki. Matapos ang meeting kahapon, alam niyang hindi titigil si Daveron hangga't hindi nito nakukuha ang mga sagot na gusto nito.

“Regular background check lang po ang meron kami.”

“At?”

“Matagumpay po ang negosyo niya. May ilang kumpanya siya sa loob at labas ng bansa.”

Tumango si Daveron.

“Wala nang iba?”

Saglit na nag-atubili si Joey.

“Wala na po.”

Tahimik na pinagmasdan siya ni Daveron bago tuluyang tumango.

“Sige, makakaalis ka na.”

Pagkaalis ni Joey ay muli siyang napasandal sa upuan. Hindi siya kumbinsido. May kulang. May bagay na tila sinasadyang ilihim sa kaniya.

Sa kabilang banda, nasa Luxerio's Hotel si Claire.

Inutusan siya ni Kristine na kunin ang ilang mahahalagang dokumentong naiwan sa private lounge kung saan niya pinaghintay sina Kreivor kahapon.

Pagdating niya roon ay agad siyang sinalubong ng hotel manager.

“Good morning, Miss Claire.”

“Good morning. May naiwan po kasi akong files kahapon.”

“Ah, yes. Nasa loob pa po.”

Agad siyang nagtungo sa private lounge. Ngunit pagpasok niya ay napansin niyang malinis na ang buong lugar. Wala na ang mga laruang pinaglaruan ni Kreivor. Wala na rin ang mga papel na pinagsulatan nito habang naghihintay.

Hindi niya alam na may isang bagay pala siyang hindi napansin. Isang maliit na sketchbook. Naiwan iyon sa ilalim ng sofa.

At natagpuan iyon ng housekeeping staff kaninang umaga.

“May nakita po pala akong naiwan ng gamit.” sambit ng isang housekeeping staff sa concierge desk habang hawak ang maliit na sketchbook.

“May pangalan ba?”

“Meron po.”

Tinignan iyon ng supervisor. Sa harapan ay nakasulat gamit ang malalaking letra.

KREIVOR VALDEZ

“Guest ba ‘to? Nay contact number kayo?”

“Hindi ko po alam, pero base sa pagkakaalam ko ay may meeting ang parents ng bata kahapon sa Almonte’s Corp.”

“Dalhin natin sa corporate office. Baka anak ng isa sa mga executives.”

Tumango ang staff.

Makalipas ang ilang oras. Abala si Joey sa pag-aayos ng mga dokumento sa executive floor nang may lumapit na empleyado.

“Sir Joey?”

Napatingin siya. “Yes?”

“May naiwan pong gamit kahapon sa private lounge ng hotel.” Iniabot nito ang sketchbook. “Kayo na raw po ang bahalang magbalik.”

Tinanggap iyon ni Joey. Wala sana siyang balak buksan. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa pabalat ay agad siyang natigilan.

KREIVOR VALDEZ

Parang may malamig na tubig na bumuhos sa kaniyang katawan.

“Kreivor…”

Mahinang bulong niya. Kilalang-kilala niya ang pangalang iyon. Dahil minsan na niya itong narinig mula mismo kay Kristine.

Napahawak siya sa noo. “Hindi maganda ito.Hindi talaga maganda.”

Mabilis niyang inilagay ang sketchbook sa ilalim ng ilang folder upang hindi mahalata.

Kailangan niya itong maibalik agad kay Claire. O mas mabuti, kay Kristine mismo. Bago pa may ibang makakita.

Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa mismong sandaling iyon ay bumukas ang pinto ng executive office.

At lumabas si Daveron.

“Joey.”

Bahagyang napatalon ang sekretaryo. “Sir!”

“Ano iyang hawak mo?”

Agad niyang itinago ang sketchbook sa likuran.

“Wala po.”

Tumaas ang isang kilay ni Daveron. “Wala? But you seems hiding something from me.”

Napalunok si Joey. Sa dami ng taong nakilala niya, si Daveron ang isa sa pinakamahirap lokohin. Dahil napakatalas nitong magmasid. At mas lalo itong nagiging mapanganib kapag may itinatago sa kaniya.

“Dalhin mo rito.”

Nanigas si Joey. “S-Sir, wala po talaga—”

“I said bring it here.”

Wala na siyang nagawa. Dahan-dahan niyang iniabot ang sketchbook. Tahimik itong tinanggap ni Daveron. At sa mismong sandaling makita niya ang pangalan sa harapan ay bahagya siyang natigilan.

KREIVOR VALDEZ

“Valdez? Kaano-ano ni Kristine?” tanong niya sa kaniyang isipan.

Parang may kung anong kumurot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit. Isa lamang naman itong pangalan.

Ngunit may kakaibang pakiramdam na naman siyang naramdaman. Katulad noong marinig niya ang boses ng bata sa lobby.

Dahan-dahan niyang binuksan ang unang pahina. Mga simpleng drawing ng isang bata.

Mga dinosaur.

Mga kotse.

Mga superheroes.

Bahagyang napangiti si Daveron. Ngunit habang isa-isang binubuklat ang mga pahina ay may kakaiba siyang napansin. Sa halos lahat ng drawing ay may isang babaeng may mahabang buhok. Nakangiti at may nakasulat na, Mommy.

Napahinto siya. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit pamilyar ang mukha ng babaeng iginuhit.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. At habang bumibilis ang tibok ng puso niya ay dahan-dahan niyang binuklat ang huling pahina.

Pagkabukas niya roon ay tuluyan siyang natigilan. Nanlaki ang kaniyang mga mata. At sa loob ng ilang segundo ay para bang tumigil ang mundo sa paligid niya.

Dahil sa papel ay may nakaguhit na isang pamilya.

Isang Mommy.

Isang batang lalaki.

At isang matangkad na lalaki.

Sa itaas ay nakasulat gamit ang maliliit ngunit malinaw na letra:

MY FAMILY

At sa ibaba ng drawing ay may isang salitang nakasulat ang nagpagulo sa buong mundo ni Daveron. Kasunod nito ay isang mukha. Isang mukhang halos kamukha niya.

“MY MISSING DADDY”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 82: MARJORIE & CALVIN

    Dalagang may crush sa isang guwapong professor, nahuli niya itong may kabembangan na ibang babae!Sa huli ay aalukin pa siya nitong maging assistant!***“Aba’t buti naman at narito ka na.” puna ng ina ni Marjorie nang dumating siya sa puwesto ng Nanay niya sa palengke.“Antok pa nga po ako, eh.” tugon niya, sabay hikab niya.Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Nanay bago siya umirap. “Siguro nagpuyat ka na naman kasi sa kapapanood mo ng Korean drama!”Napakamot si Marjorie sa kaniyang batok.“Nakakakilig naman po kasi ang korean drama. Sila na lang po nagpapakilig sa akin, ‘wag niyo po silang i-bash!”Napailing si Nanay at biglang bumaling sa mga nakaimpakeng pagkain. “Ala, eh! Sigurado ka ba? Dahil ngayon, pakikiligin kita. Dalhin mo ‘tong order ng mga Villafuerte sa mansion nila. Tiyak makikita mo ang crush mong si Sir Calvin!”Napadilat nang husto si Marjorie at biglang nawala ang antok niya.“Ha?! Talaga po, ‘Nay?” Napahawak siya sa dibdib niya, parang biglang bumilis ang tibok ng

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 81: ANDREA & SEBASTIAN

    Dalaga, na-in love sa kaniyang Hot Ninong? Ang hindi niya alam ay lihim din pala itong may pagtingin sa kaniya.Paano kung tutol naman ang mga magulang ng dalaga?Andrea’s Point of ViewNgayon ang 18th birthday ko, pakiramdam ko ay para akong isang prinsesa. Lahat ng gusto ko ay sinunod ni Daddy, mula sa engrandeng venue hanggang sa dream gown ko na kulay baby blue na may kumikislap na sequins.Habang naglalakad ako papunta sa center ng ballroom, hindi ko mapigilan ang mapangiti. May fairy lights sa kisame, fresh flowers sa bawat table, at isang malaking cake na may labingwalong kandila.“Daddy, you’re the best!” masaya kong sabi habang niyakap siya nang mahigpit.“Eh, paano naman ako? Hindi ba ako the best Mommy?” tanong naman ng Mommy ko.“The best ka rin po, pero minsan masungit ka Mommy.” sabay nguso ko.“Sus, spoiled ka lang kasi sa Daddy mo!”Natawa kami at hinaplos ni Daddy ang ulo ko. “Anak, isa lang ang gusto ko, ang maging masaya ka sa espesyal na araw mo.”Nang magsimula an

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 80: ELLARIA & LUCIANO

    Mafia Boss drinoga sa eroplano, dahil dito ay nawala siya sa sarili at inangkin ang nakitang dalaga.Kapwa nila hindi alam na sila pala ang ipinagkasundong ikakasal!***Ellaria’s Point of View“Ellaria, bumalik ka na ng Pilipinas, ngayon din!” sambit ni Auntie Carol mula sa kabilang linya.“Pero Auntie, magtatapos na ako. Last semester na lang po–”“Uuwi ka dahil inutos ko o uuwi kang walang buhay na ang kapatid mo?!”“U–Uuwi po ako. Huwag niyo pong sasaktan ang kapatid ko.” tugon ko.Hindi na ako nagreklamo pa, dahil alam kong kayang-kaya ni Auntie Carol na bitawan ang buhay ni Yasmin nang basta na lang. My sister is comatose for three years, dahil sa aksidenteng naganap noon, dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin.Napunta ang kustodiya namin kay Auntie Carol. Ngunit dahil bente-uno na ako ay kinaya ko na rin na ako lang ang mag-aalaga kay Yasmin. Sadyang mautak lang si Auntie Carol, dahil halos kalahati ng kayamanan nila Daddy ay napunta sa kaniya dahil kapatid siya nito.Pin

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 79: JESSA & LANDER

    Nag-vibrate ang cellphone ni Jessa habang nag-aayos siya ng mga papeles sa opisina. Nang makita niyang si Jessica ang tumatawag, agad niyang sinagot ito.“Hello, sis? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Jessa.“Niloko ako ng asawa ko. Niloko ako ni Lander!” humahagulgol na sagot ng kaniyang kakambal mula sa kabilang linya.Napatigil si Jessa. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Hindi niya inaasahan ang ganitong tawag mula kay Jessica. Ang kapatid niyang laging masayahin, na walang ibang pinangarap kundi ang bumuo ng masayang pamilya kasama si Lander.“A-anong ibig mong sabihin? Ano’ng ginawa niya?”“May babae siya, Jessa! Nakita ko mismo sa phone niya! May mga picture silang dalawa, may mga sweet na mensahe! At ‘yung babae, buntis!”Parang may sumabog sa utak ni Jessa. Hindi siya makapaniwala. Alam niyang mahal na mahal ni Jessica si Lander, at hindi niya akalain na magagawa nitong ipagpalit ang kapatid niya sa iba.“Jessica, nasaan ka ngayon?”“Sa kotse… hindi ko alam kung

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 78: LAYLA & FELIX

    “Layla, I’ll be honest with you. Kailangan maoperahan kaagad ang Nanay mo, bago pa lumala ang tumor niya sa utak.”Nanginginig ang mga kamay ni Layla habang nakatitig sa Doctor. Para bang biglang huminto ang mundo niya.Tumor.Parang echo ito sa isip niya, paulit-ulit na umaalingawngaw, pero hindi niya matanggap.“D-Doc, wala na bang ibang paraan?” halos pabulong niyang tanong.Malungkot ang tingin ng Doctor. “May mga gamot para pabagalin ang paglaki ng tumor, pero hindi nito kayang tanggalin ang ugat ng problema. Kailangan ng agarang operasyon.”Napakurap si Layla, pilit na nilulunok ang umakyat na kaba sa kaniyang lalamunan.“Gaano po ito ka-urgent?”“Mahalaga na magawa ang operasyon sa loob ng susunod na dalawang linggo. Kung hindi, baka lumala ang kondisyon niya at maging mas delikado ang operasyon.”Dalawang linggo lang.Napalunok siya. “Magkano po ang kakailanganin?”Napabuntong-hininga ang Doctor. “Kalahating milyon, Layla.”Parang biglang nanikip ang dibdib ni Layla. Halos hin

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 77: SHANTAL & SAMUEL

    Shantal married an unknown man. A one night stand happen noong kikilalanin na niya ang asawa niya.It turns out, it’s her husband!***Bumaba si Shantal ng taxi at luminga-linga sa harap ng mataas na condominium building. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong lihim na kasal, makikilala na rin niya ang lalaking pinakasalan niya— ang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakita nang personal. Ang tanging alam niya rito ay ang lumang larawan na ipinadala sa kanya—isang binatang mukhang inosente pero misteryoso.Habang papasok siya sa lobby, biglang may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya sa isang lalaking naka-suit, matangkad, at may matalim na titig.“Nandito ka na pala. Halika.” Mahigpit siyang hinila ng lalaki.“N–Naku, teka lang! Sino ka ba?!” pumalag siya, ngunit masyadong malakas ang lalaki.“Huwag ka nang magpakipot. Halos isang oras na kitang hinihintay,” malamig ang boses nito.Pagkatapos ay dinala siya sa isang unit at itinulak papasok.Napa-atras si Shantal nang makita an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status