Share

CHAPTER 6: PLAYFUL FATE

Author: febbyflame
last update publish date: 2026-07-01 15:30:34

Nang marinig ni Kristine ang boses ni Kreivor, agad siyang namutla. Sa loob ng limang taon, pinaghandaan niya ang maraming posibilidad—ang muling pagkikita nila ni Daveron, ang mga tanong tungkol sa nakaraan, at maging ang pagkakataong malaman nito ang katotohanan. Pero hindi niya kailanman inasahan na mangyayari iyon nang ganito kaaga.

Mabilis siyang humakbang palayo kay Daveron.

“Excuse me.”

Ngunit bago pa siya makalayo, ay kaagad na hinawakan ni Daveron ang braso niya.

“Wait, where are you going?” kunot-noong tanong ni Daveron.

Mariin niyang binawi ang kamay. “I said excuse me. Hindi ko naman siguro kailangan idetalye kung saan ako pupunta ‘di ba?” sarcastic niyang sambit.

Kitang-kita niya ang mabilis na pagbago ng reaction ni Daveron. Para itong napahiya, at tila nawalan ng dila kaya hindi na nakapagsalita.

Kasabay noon ay muli nilang narinig ang boses ni Kreivor.

“Bitawan niyo ako! Hahanapin ko si Mommy!”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kristine.

“Hindi puwede. Hindi ngayon. Hindi kailan man sa ganitong paraan.” sambit ni Kristine aa kaniyang isip.

Mabilis niyang hinarap ang assistant niya.

“Claire, kunin mo si Kreivor sa security area. Dalhin mo siya sa Luxerio’s Hotel sa private lounge. Sabihin mong hintayin na lamang ako doom at huwag makulit.” bulong niyang utos sa kaniyang sekretarya.

Agad namang tumango ang babae at halos tumakbo palayo.

“You seem bothered right now.” sambit ni Daveron, kaya napaharap siya dito. “Kilala mo ba ‘yung bata sa lobby?” tanong pa nito sa kaniya.

“No, I do not know him. If you see bothered, it’s just because ilang minuto na tayong nagbabangayan dito and yet the meeting hasn’t started. Ano bang balak mong mangyari? Magkamustahan na lang?” pang-asar na sagot ni Kristine.

Napakuyom ng kamao si Daveron dahil hindi niya inaasahan ang sagot nito. Kaagad niyang sinenyasan ang tauhan niya.

“Let’s start the meeting at the conference room on the third floor. Follow us, Mrs— I mean Ms. Valdez.” sambit ni Joey, ang sekretary ni Daveron.

Kamuntik pa itong magkamali sa pagtawag sa kaniya. Knowing na matagal na itong nagtatrabaho para kay Daveron, ay kilalang kilala rin siya nito.

Samantala, pagdating ni Claire kay Kreivor, agad nitong niyakap ang bata.

“Young Master, pinapasundo ka ng Mommy mo.”

“Nasaan po siya? Gusto ko po siyang makita!”

“May meeting pa siya.”

Sakto namang dumating si Nanay Pasha.

“Hay naku, itong batang ito! Mabuti at nakita mo Claire, tumakas ito sa akin kanina!” alalang sambit ni Nanay Pasha.

“Tara na po, ihahatid ko po muna kayo sa Luxerio’s Hotel at iyon po ang utos ni Ms. Kristine.”

“Ah, oh, siya sige. Salamat, Claire.” sambit ni Nanay Pasha.

Nagpout si Kreivor ngunit sumunod din. Habang isinasakay siya sa private elevator, napalingon ang bata sa lobby sa ibaba. Mula sa ikalawang palapag paibaba ng elevator, kung saan matatanaw ang malaking lobby, nakadungaw si Kreivor sa glass railing habang hawak ang kamay ni Lola Pasha.

Kanina pa siya nagtatampo dahil hindi siya pinayagang sumama kay Kristine sa meeting. Kaya naman nang makita niya ang ina sa ibaba, agad siyang napangiti.

“Mommy!”

Masigla sana siyang kakaway nang mapansin ang lalaking kausap nito. Napakunot ang maliit niyang noo. Ilang segundo niya iyong pinagmasdan. Pagkatapos ay lumingon siya kay Lola Pasha.

“Lola?”

“Ano iyon, apo?”

Itinuro niya ang lobby sa ibaba.

“Lola, the man who's arguing with Mommy looks just like me.”

Parang biglang natigil ang mundo ni Lola Pasha. Nanigas ang hawak niya sa balikat ng apo.

“A-Ano?”

“Mukha po siyang ako.”

Inosenteng muli niyang itinuro si Daveron.

“Pareho kami ng mata.”

Napalunok si Nanay Pasha, at dahan-dahan siyang napatingin sa ibaba. At nang makita niya ang lalaking kaharap ni Kristine ay bahagya siyang namutla.

Si Daveron iyon!

Kahit limang taon na ang lumipas, agad niya itong nakilala.

At sa sandaling iyon, para bang bumalik sa alaala niya ang araw na umalis si Kristine habang dala ang sanggol sa sinapupunan nito.

“Lola, tingnan mo.”

Patuloy na nakatingin si Kreivor sa baba.

“Pareho rin po kami ng ilong.”

Napahigpit ang hawak ni Lola Pasha sa kamay ng apo.

“Sweetheart, huwag ka nang tumingin doon.”

“Pero—”

“Halika. Baka magalit pa ang Mommy mo.”

Nagulat si Kreivor nang bigla siyang hilahin palayo.

“Lola, bakit po?”

“May meeting ang Mommy mo. Hindi natin siya dapat gambalain.”

Ngunit sa loob-loob ni Nanay Pasha, kabaligtaran ang totoong dahilan. Dahil alam niyang isang tingin lang. Isang pagkakataon lang na magkalapit sina Daveron at Kreivor, ay maaaring mabunyag ang sikreto na limang taon nilang itinago.

Muli siyang napalingon sa lobby. Wala na si Kristine pero nandoon pa rin si Daveron. Walang kaalam-alam. Hindi nito alam na ilang metro lang ang layo ng anak na limang taon niyang hindi nakilala.

At kung may ipinagdarasal si Lola Pasha sa mga sandaling iyon, iyon ay sana'y huwag munang dumating ang araw na magkita ang dalawa dahil alam niyang hindi maganda ang magiging resulta.

Dahil kapag nalaman ni Daveron ang katotohanan, hindi niya alam kung handa na ba si Kristine na harapin muli ang nakaraan.

Pagkatapos ng meeting, agad na lumabas si Kristine sa conference room habang hawak ang cellphone niya. Kahit matagumpay na natapos ang presentasyon at nakuha nila ang kontratang pinagpaguran ng buong team, hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib niya.

Buong oras ng meeting ay si Kreivor ang laman ng isip niya.

Agad niyang hinanap ang pangalan ni Nanay Pasha sa contacts at pinindot ang call button.

Ilang segundo lang ay sinagot na ito ng matanda.

“Hello, Kristine?”

“Nasaan na kayo ni Kreivor?”

“Nasa mall kami.”

Napapikit si Kristine.

“Mall?”

“Oo. Nagtatampo kasi ang apo ko. Dinala ko muna sa Kid’sToon para maaliw.”

Napahawak siya sa noo. “Nanay, pauwiin n’yo na muna siya. Please.”

Napansin agad ni Nanay Pasha ang seryosong tono niya.

“May problema ba?”

“Wala naman, pero malaking problema kapag nagkita sila ni Daveron.

Natahimik ang matanda bago tuluyang tumango.

“Sige.”

Pagkababa ng tawag ay agad namang umalis si Kristine sa kumpanya.

Buong biyahe pauwi ay hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung bakit. Marahil dahil sa biglaang paglitaw ni Daveron. O marahil dahil pakiramdam niya ay unti-unting lumiliit ang mundong itinayo niya para protektahan ang anak.

Pagdating niya sa bahay ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Eksakto namang kakapasok pa lamang nina Nanay Pasha at Kreivor mula sa garahe.

Masayang tumatakbo ang bata habang may hawak na bagong laruan.

“Mommy!”

Agad siyang niyakap ni Kreivor sa bewang.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi agad nakangiti si Kristine.

Napansin iyon ng bata.

“Mommy?”

Dahan-dahang lumuhod si Kristine upang magpantay sila ng taas.

“Kreivor.”

Napakurap ang bata.

“Hmm?”

“Anong sinabi ni Mommy tungkol sa pagpunta sa working place ko?”

Agad na bumaba ang tingin ni Kreivor.

“Hindi po puwedeng basta pumunta.”

“Then why did you do it?”

Tahimik ang bata.

Maging si Nanay Pasha ay hindi nagsalita.

“Baby, what if something happened to you? What if hindi ko kaagad nalaman na nandoon ka?”

“Sorry po...”

Bahagyang nanginig ang maliit nitong boses. Kaagad namang lumambot ang puso ni Kristine. Pero alam niyang kailangan niyang maging matatag.

“Kailangan mong makinig sa akin. Hindi puwedeng basta-basta kang pupunta sa trabaho ko nang walang paalam.”

Tumango si Kreivor. “Sorry, Mommy.”

“Why did you go there?”

Nag-angat ito ng tingin. “Miss na po kasi kita.”

Parang may humigpit sa dibdib ni Kristine. Lahat ng inihandang sermon ay biglang nawala.

“Gusto ko lang po kayong makita.”

Napapikit siya sandali. Pagmulat niya ay agad niyang niyakap ang anak.

“Baby...”

“Sorry po.”

“Huwag mo nang uulitin.”

“Opo.”

Niyakap siya pabalik ni Kreivor. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng anak habang naglalakbay ang isip niya pabalik sa lobby ng kumpanya.

Kinagabihan, tahimik ang buong bahay. Matapos ang nangyaring pag-uusap nila kanina, agad ding bumalik ang sigla ni Kreivor. Katulad ng ibang bata, mabilis itong makalimot kapag napalitan ng laruan, cartoons, at paborito nitong pagkain.

Ngunit hindi ganoon si Kristine. Habang nakaupo siya sa gilid ng kama ng anak, hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa kumpanya.

Tahimik niyang pinagmamasdan si Kreivor na nakahiga habang yakap ang isang stuffed dinosaur.

“Mommy?”

Napakurap siya.

“Hmm?”

“Galit ka pa po ba?”

Agad siyang ngumiti at hinaplos ang buhok nito.

“Hindi na.”

“Promise?”

“Promise.”

Napangiti naman ang bata bago muling yumakap sa unan nito.

Akala ni Kristine ay hindi na mangungulit pa si Kreivor. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Kreivor.

“Mommy?”

“Yes, baby?”

Inangat nito ang ulo at inosenteng tumingin sa kaniya.

“Bakit kamukha ko po iyong lalaking kausap mo kanina?”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Kristine. Nawalan siya ng imik. Nanigas ang ngiti niya. At sa loob ng ilang segundo, hindi niya alam kung paano sasagot.

“Sinong lalaki?”

“Iyong nasa baba po.”

Nag-isip sandali si Kreivor.

“Iyong parang galit sa’yo.”

Napahigpit ang hawak ni Kristine sa kumot.

“Kreivor—”

“Napansin ko po kasi na pareho po kami ng mata.”

Napalunok si Kristine.

“Tsaka ng ilong.”

“Baby...”

“Tsaka ng kilay.”

Hindi niya namalayang bahagyang nanginginig na pala ang mga kamay niya. Dahil kahit kailan, hindi niya inihanda ang sarili para sa tanong na ito.

Limang taon.

Limang taon niyang naitago ang katotohanan. Pero hindi niya naisip na isang araw, ang mismong anak niya ang unang makakapansin.

“Mommy?”

Napatingin siya kay Kreivor. Puno ng inosenteng kuryosidad ang mga mata nito.

Huminga nang malalim si Kristine bago pilit na ngumiti.

“Minsan kasi, baby, may mga tao talagang magkakamukha kahit hindi sila magkakilala.”

“Talaga po?”

“Oo.”

Napaisip si Kreivor.

“Parang twins?”

Bahagyang natawa si Kristine.

“Hindi naman twins.”

“Pero kamukha ko talaga siya.”

Makulit nitong giit.

“Lalo na po kapag nakasimangot.”

Napatawa siya nang hindi inaasahan. Kahit siya ay hindi napigilan ang sarili.

“Talaga?”

“Opo.”

Tumango-tango pa ang bata.

“Masungit nga lang siya kaysa sa akin.”

Tuluyan siyang napailing.

“Matulog ka na nga.”

Ngunit bago niya mapatay ang ilaw, muling nagsalita si Kreivor.

“Mommy?”

“Hmm?”

“May Daddy po ba ako?”

Tuluyan siyang natigilan. Parang tumigil ang oras sa loob ng silid. Hindi iyon ang unang beses na naitanong ng anak niya iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, iba.

Dahil ilang oras lamang ang nakalipas mula nang makita nito si Daveron. At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Kristine na hindi na sapat ang pagtatago. Hindi na sapat ang pag-iwas. Dahil habang lumalaki si Kreivor, dumarami rin ang mga tanong na hindi niya kayang takasan.

Tahimik siyang ngumiti at marahang hinaplos ang pisngi ng anak.

“Meron, baby.”

Agad namang lumiwanag ang mga mata ni Kreivor.

“Talaga po?”

Tumango siya. “Oo naman.”

“Nasaan po siya?”

Napatingin si Kristine sa bintana at sa madilim na kalangitan. At sa mga alaalang pilit niyang ibinaon sa nakaraan.

“Malayo.” mahinang sagot niya. “Napakalayo na niya sa atin, anak.”

Hindi na muling nagtanong si Kreivor. Dahil unti-unti na itong inaantok. Ngunit si Kristine ay nanatiling nakaupo sa tabi ng kama matapos makatulog ang anak. Dahil pakiramdam niya, pagkatapos ng limang taon ng katahimikan, nagsisimula nang kumatok muli ang nakaraan sa pintuan ng buhay nila.

At hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa kayang itago ang lihim na pagkatao ng anak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 6: PLAYFUL FATE

    Nang marinig ni Kristine ang boses ni Kreivor, agad siyang namutla. Sa loob ng limang taon, pinaghandaan niya ang maraming posibilidad—ang muling pagkikita nila ni Daveron, ang mga tanong tungkol sa nakaraan, at maging ang pagkakataong malaman nito ang katotohanan. Pero hindi niya kailanman inasahan na mangyayari iyon nang ganito kaaga.Mabilis siyang humakbang palayo kay Daveron.“Excuse me.”Ngunit bago pa siya makalayo, ay kaagad na hinawakan ni Daveron ang braso niya.“Wait, where are you going?” kunot-noong tanong ni Daveron.Mariin niyang binawi ang kamay. “I said excuse me. Hindi ko naman siguro kailangan idetalye kung saan ako pupunta ‘di ba?” sarcastic niyang sambit.Kitang-kita niya ang mabilis na pagbago ng reaction ni Daveron. Para itong napahiya, at tila nawalan ng dila kaya hindi na nakapagsalita.Kasabay noon ay muli nilang narinig ang boses ni Kreivor.“Bitawan niyo ako! Hahanapin ko si Mommy!”Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kristine.“Hindi puwede. Hindi ngayon.

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 5: SHE RETURNED AS THE CEO

    FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 4: FAILED SURPRISE

    Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 3: NAGBABALIK?

    Matapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa.Hindi ko mapigilang mapangiti hab

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 2: ABANDONED

    Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron.Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko.Paano ko sasabihin sa kaniya?Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako.Hindi dahil ayaw kong malaman niya.Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya.“Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?”Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.”Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.”Tumango ako.“Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.”“Espesyal?” taas-no

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 1: NIGHT LIES?

    “Ginabi ka na ng uwi, ah?” sambit ko nang bumukas ang pintuan ng living room at pasuray-suray na pumasok si Daveron. “T-Teka, lasing ka ba?” sunod kong tanong.Hindi ito sumagot at sa halip ay diretso itong tumungo sa akin at kaagad akong niyakap at siniil ng halik. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa amin, pero sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang siya mas naging wild.Baka dahil sa sobrang kalasingan?Halos hindi ko na namalayan na dinala niya na pala ako sa kuwarto namin at doon ay hubo’t hubad na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit din ang aking pakiramdam at gustong-gusto ko ang bawat haplos at halik niya sa akin.“Hmm…” mahinang ung0l ko nang kagatin niya ang balikat ko bago ipasok ang sandata niya.“Fvck! You’re so fvcking tight, love…” ung0l ni Daveron na siyang nagpatindig balahibo sa akin.This is the first time na tinawag niya akong “love” and it felt nice.Lalo akong ginanahan at sa bawat indayog niya at baon na baon. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-u

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status