Share

Chapter 49

Alex's Pov

Pagkalabas ko sa ospital ay nagpahinga lamang ako ng isang Linggo at pagkatapos ay lumipad ako papuntang Spain kasama ang mga magulang ko. Nagpaiwan si Alexa na sa bahay na ni Uriel muling tumira. May mga bodyguard naman na kasama ang kakambal ko kaya kahit paano ay panatag ang loob namin nina Daddy at Mama na maiiwan namin siya. At saka nakatitiyak ako na hindi siya pababayaan ni Uriel.

Ang sabi sa akin ni Alexa sa una ay hindi raw makapaniwala si Uriel nang makausap niya ito lalo na at wala naman ako sa harapan nito para maniwala itong magkambal nga kaming dalawa ni Alexa. Ngunit sapat na ang video na nakuhanan ko at pati na rin ang statement ni Myrna. Ngayon ay naniwala na ang lalaki na hindi si Alexa ang pumatay sa kanyang ina kundi ang mag-inang nakatira sa bahay niya.

Sa malas ay nakatunog si Aling Lorena kaya bago pa makauwi sa bahay niya si Uriel na may mga kasamang pulis para ipadampot ang pinagkakatiwalaan niyang mayordoma ay mabilis nang nakatakas ang matanda a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status