"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" tanong ni Alexander kay Furtiza. Hindi na iyon bago kay Alexander, dahil alam na alam niya na ang lalaking kaaalis lang at ang babaeng kasama niya ngayon ay dating mag-asawa na nagpahirap sa kanyang ina. "Oo, kilala ko siya. Pero ‘wag mo sila bigyan ng pansin, hijo," mahinang sagot ni Furtiza. "Maraming salamat nga pala sa'yo kanina at tinulungan mo akong makatayo." Napalunok siya ng bahagya, bakas ang kaba sa kanyang tinig. Bwsit* kasi ang taong iyon... magbabayad siya sa oras na malaman ko kung sino talaga ang taong gumawa sa akin nito!" Kinuyom niya ang kanyang palad habang nanginginig ang kanyang tinig, iniisip kung ano ang magiging resulta sa kanyang mansyon kapag tuluyan nang nailabas ang warrant na binabanggit ng mga pulis sa kanya. Tahimik lamang si Alexander, nakatitig siya kay Furtiza, sinusuri ang bawat kilos, bawat pilit na ngiti sa kanyang naiinis na mukha, bawat kumpas ng kanyang kamay. May mga tanong na gumugulo sa isip niya, pero p
"Dyos ko, anong gagawin natin, Shanna?!" May mga pulis sa labas ng bahay at kasama pa talaga nila si Sir Lejandro. Anong gagawin natin?!" natatarantang sabi ng dalawa na nasa loob ng mansyon. Nasa loob sila ng mansyon, kinakabahan habang nakasilip sa nakaawang na bintana. Kitang-kita nila ang dalawang pulis kasama si Mr. Lejandro. "Sir Lejandro... wala po atang tao rito sa Monteroso Mansyon. Baka lumabas ang bagong nagmamay-ari ng inyong lupain?!" wika ng isang seryosong pulis. "Ano po ba ang pakay niyo sa Monteroso, Sir?!" tanong muli ng pangalawang pulis. Tahimik si Lejandro. Waring pinapakiramdaman ang bawat mangyayari, pinagiisipan ang kanyang gagawing hakbang. Ang nais lamang ni Lejandro ay malaman kung nasaan ang kanyang ama at ina—kung saan sila dinala ng mga Monteroso. Samantala, isang sasakyan ang biglang dumating, pamilyar iyon kay Lejandro. Isang itim na bagong SUV ang tumigil sa tapat ng gate ng Monteroso. Bumukas ang pintuan ng itim na SUV, at isang babae ang luma
"Sa hindi inaasahang pangyayari, sinundan siya ni Claveria nang hindi namamalayan ni Raquel. Sa pagaakalang okay na si Claveria sa loob ng kanilang sasakyan, kaya kampanti niya itong iniwan." Ngunit sinundan siya ng kanyang anak nang palihim, nang hindi niya namamalayan. Dahilan ito para makita o marinig ni Baby Claveria ang ginawa ng kanyang ina sa babaeng kamukha nito. "Mama... ang galing-galing niyo po! Hahaha!" sabay tawa ng malakas ni Claveria, animo'y nakikipaglaro o nakikipagbiruan lang ito sa kanyang ina. Napahalakhak naman ng labis si Raquel sa tinuran ng kanyang anak; nawala nang panandalian ang inis at gulat niya sa biglaang pagsulpot ng kanyang anak. Pagkatapos noon, katahimikan ang biglang pumalit sa halakhak na iyon ni Raquel. Bahagyang tumahimik si Raquel at sabay sinabing, "Anong ginagawa mo rito, Baby Claveria?! Diba sinabi ko naman sa'yo na huwag kang aalis sa sasakyan natin, anak, dahil alam mong delikado?!" tanong ni Raquel, halata ang gulat sa kanyang mga mat
"Napahawak ng mahigpit si Raquel sa kamay ni Claveria. Hindi na niya napigilang mahigpitan ang kanyang pagkakahawak sa kamay ng kanyang anak sa biglaang paghaharap nila ng babaeng umagaw sa kanyang padre de pamilya. "Aray! Mama, nasasaktan po ako..." mariing bigkas na pag-angal ni Baby Claveria, halatang naluluha na ito sa kanyang nararamdamang sakit. "Ooopppppssss... sorry, Baby Claveria. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinadyang saktan ka, aking mahal na anak!" gulat na sambit ni Raquel, sabay bitaw sa malambot na kamay, sabay haplos nito sa malambot at batang kamay ni Claveria kung saan nasaktan. Dahil sa abala si Raquel sa kanyang ginagawa, hindi niya namalayan na dinaanan na lang siya ni Furtiza na kamukhang-kamukha pa niya. Napakunot-noo naman si Claveria nang bigla niyang maiangat ang kanyang paningin sa mag-inang dumaan sa kanilang harapan. "Mama..." sambit ni Claveria sa babaeng dumaan sa kanilang harapan. Halata ang pagkagulat sa mga mata nito, kaya panay sulyap niya sa
"Bakit, nalugi na ba ang Hacienda Ferman? Kaya pati ang mansyon nila sa Velegas ay ibinenta na rin nila sa Pamilyang Monteroso? Saka, paano magkakaroon ng malaking halaga si Donita Monteroso, gayong alam naman nating mahirap lang sila noon? Sabagay, taon na rin naman ang lumipas. Baka nakapag-asawa na rin si Donita sa tinagal-tagal na panahon." sagot ni Ginoong Ramonza. "Mas mabuti iyon, aking asawa, kung si Donita Monteroso ang makikita ko sa Mansyon ng mga Ferman. May utang pa sila sa atin na dapat nilang bayaran. Remember, bahay ko 'yon, asawa?? Basta bukas na bukas pupunta ako doon. Itulog mo muna at ako na ang bahala sa lahat. Madaling araw pa lang at puwede ka pang matulog. Ako naman ay magjojogging na para hindi ako makatulog at magkaroon rin ng kaunting energy sa katawan," nakangiting sabi ni Ginoong Ramonza. Samantala, maagang nagising ang Pamilyang Ferman sa Mansyon ng mga Boraque, matapos ang mga pangyayari sa kanilang mansyon kagabi. Kinaumagahan, maagang nagising si Ra
Napalunok si Tiffani habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang mga magulang. Hindi niya mawari kung matatakot ba siya o maaawa sa kalagayan ng kanyang first love. "Pero ayoko ding mapasama ang mga magulang ko sa mata ni Alexander," wika ng isip ni Tiffani. Marahan siyang lumabas sa kanyang pinagkukublian at kunwa’y hinihikab pa ito, halatang ipinapakita niyang nagising siya sa ingay ng kanyang mga magulang. "Anong oras na po ba?" tanong ni Tiffani habang hinihikab at kunwaring kagigising lang, pilit kinukubli ang kaba sa kanyang dibdib. Napalingon sa kanya ang kanyang mga magulang, kapwa nagulat sa bigla niyang pagsulpot. Halata sa mukha ng dalawa na nagbabangayan sila. "Ano ba naman 'yan, Tiffani!" agad na sigaw ng kanyang ina, halatang nabigla at naiinis. "Hindi sa lahat ng oras ay puwede kang sumabat!" "Tama na, Furtiza! Anong alam ni Tiffani rito?" sabat na pigil ni Erick sa mga sandaling iyon. "Pumasok ka na muna sa iyong silid, dahil may pinag-uusapan pa kami ng iyong